INICIAR SESIÓNNaghihintay si Samuel sa labas ng private club ni Hector Martin. Napakahigpit ng security roon at walang basta-bastang nakakapasok. May mga malalaki at matataas na halaman na sadyang itinanim para hindi madaling mapansin ang lugar na iyon. May mga bodyguard na naka-uniform na black at naka-sunglasses. Walang ekspresyon ang mga mukha nila at laging nagmamasid sa bawat galaw sa paligid. Hindi alam ni Samuel kung gaano katagal siyang naghintay bago may lumabas at magalang siyang pinapasok. Kakatapos lamang maligo sa hot spring ni Hector. Nakasandal siya sa malambot na reclining chair habang may isang taong nakaluhod sa tabi niya at minamasahe ang katawan niya. Pagpasok pa lang ni Samuel ay naamoy na niya ang mabangong amoy ng mamahaling sigarilyo nito. “Sir, ito ba iyong Cohiba na dinala ninyo mula Cuba?” “Bakit? Mabango ba?” Bahagyang sinulyapan siya ni Hector at iniangat ang baba para utusan ang tauhan na magdala ng upuan para sa kanya. Magalang na ngumiti si Samuel sa kanya
Marahang pinisil ni Noah ang kamay ni Xeline. Nang marinig ni Samuel ang sagot ni Xeline, hindi na niya nasundan ang mga tanong niya at agad ding nagpaalam para maiwan muna sila. Matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay nakalabas din nang palihim sina Xeline at Noah sa maliit na exit, tulad ng balak nila, bago nila narinig ang pangmamaliit ni Xenia kay Noah. Naisip nilang dumaan sa likod ng hotel. Maliwanag ang buwan at kakaunti lang ang mga bituin sa langit. Presko at maaliwalas do’n, naamoy nila ang mga bulaklak kasabay ng malamig na hangin. May mga alitaptap ding lumilipad sa damuhan, kumikislap-kislap na parang nakikipaglaro sa kanila. Ngumiti si Xeline at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ni Noah. Dahan-dahan silang naglakad, na para bang matagal na noong huli silang nakapagpahinga ng gano’n. “Bakit ganoon ang sinabi mo kanina?” biglang tanong ni Noah. Natigilan si Xeline at mahina itong sumagot. “Sigurado akong ayaw mong malaman ni Samuel ang maraming bagay t
Bago tuluyang umalis si Xenia, hinanap muna ng mga mata niya si Xeline at tiningnan ito ng masama. Kitang-kita ang galit sa mga mata nito na para bang si Xeline ang sinisisi niya. Bahagyang ngumiti si Mr. Salcedo at tumingin sa lahat. “I think it's just a misunderstanding. Sige na, ituloy na natin ang celebration.” Agad ding bumalik ang mga tao sa kani-kanilang table na parang walang nangyari, habang yung iba naman ay patuloy pa rin sa pagbubulung-bulungan. Pero dahil pagod na si Xeline at wala na rin siyang planong mag-stay, hinigpitan niya ang hawak sa mga braso ni Noah at akmang tatalikod na siya nang bigla siyang tawagin ni Mr. Salcedo. “Miss Xeline, sandali lang.” Napilitan siyang lumingon at bumati. Napansin niyang suot pa rin ni Xeline ang emerald ring. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya, saka siya tumingin kay Noah. “Hindi mo ba kami ipakikilala?” Wala nang nagawa si Xeline kundi hilahin si Noah palapit. “Ito nga pala ang asawa ko, si Noah Samaniego.
Kahit si Mr. Salcedo, na sanay na sanay humarap sa iba’t ibang klase ng tao, ay na-intimidate rin sa kakaibang aura ni Noah. “Mr. Salcedo, tingnan ninyo po ‘to!” Iniabot ni Sabrina sa kanya ang cellphone. “Ito po ang picture ni Ms. Valderrama at Anderson Martin!” “Iyan ba ang pinag-uusapan ninyo kanina?” Nagtatakang tanong ni Mr. Salcedo. “Oo, Sir. Pinag-uusapan namin kung gaano kasuwerteng ’tong si Xenia!” Tumingala si Mr. Salcedo at tumingin kay Xenia. Pero hindi naapektuhan si Xenia at mas lalo lang niyang pinangatawanan at ipinagyabang ang sinasabi niyang picture kasama si Anderson. Nakataas ang noo niya habang nakangisi pa rin na para bang walang makakatalo sa kanya. Noong una ay magalang na nakangiti si Mr. Salcedo, pero unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha nito sa pagkikita sa picture. “Miss Valderrama,” tumingin siya rito, “sigurado ka bang si Anderson Martin iyan?” Biglang kinabahan si Xenia sa tanong ni Mr. Salcedo. Napansin niya ang pag-aalinlangan
“Talaga ba? Yung gwapong heir ng Martin family?” Hindi makapaniwalang tanong ng isang babae. “Of course! Siya ang tunay na tagapagmana ng isang influential family!” Napuno ng curiosity at paghanga ang iba pang nakarinig at walang tigil nilang tinanong si Xenia tungkol kay Anderson. Alam ng lahat na lowkey person si Anderson Martin. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpapakita sa media, kaya kakaunti lang ang mga taong nagkaroon ng chance na makita siya. At hindi lang basta naimbitahan si Xenia sa celebration ng pamilyang Martin—nakapagpa-picture pa siya kasama si Anderson Martin. At napakalaking privilege no’n. Sunod-sunod na mga papuri at pambobola mula sa mga tao ang natanggap ni Xenia. Medyo nakokonsensiya siya. Hindi naman niya gustong maging ganoon kaingay si Sabrina, pero hinayaan na lang niya ang mga tao at tinanggap na lang niya ang mga sinasabi nila at pilit na lang ngumiti. Naalala niyang nakapunta rin si Xeline sa celebration, pero hindi na niya iyon masyadong i
Muling nagpatuloy ang celebration na para bang walang nangyari. Naging abala ang lahat sa pag-iinuman at pagkuwentuhan. Pero may mga bulong-bulungan din dahil sa nangyari. May ilang nagtatawanan dahil sa nangyari kay Sabrina.Hinila ni Noah si Xeline sa gitna para sumayaw. Hindi sanay si Xeline sa mga step ng sayaw dahil hindi naman siya madalas nakaka-attend sa mga celebration na ganito, pero dahil normal lang kay Noah ang mga ganitong event, tinulungan niya si Xeline, kaya walang sinumang nakapansin.Hindi nila napansin ang mga matang nakatingin sa kanila. Hindi naalis ang tingin nila sa isa’t isa hanggang sa matapos ang isang buong kanta at malakas na nagpalakpakan ang mga tao.Sa kabilang banda, nanginginig pa rin sa galit si Sabrina. Tiningnan siya ni Xenia nang masama, at tulad niya, galit na galit din ito. “Useless!” “Xenia, what do you mean by that?”“Hindi ba lagi kong ipinagmamayabang na ikaw ang social butterfly ng high society? Na halos lahat ng lalaki ay kayang paikuti


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




