تسجيل الدخولRamdam ni Avionna ang panginginig ng mga labi niya habang nakatingin kay Sarina. Mariin niyang pinagdikit ang mga ngipin at pilit na nagpakita ng tapang bago mapang-asar na sumagot."There's nothing wrong with my prescription. Why should I be afraid?"Napangisi si Sarina sa nakikitang hindi maipintang reaksyon sa mukha ni Avionna. Malamig at puno ng pangungutya ang mukha niya habang nakatingin dito."Avionna, that prescription might be fine for an ordinary heart patient. Doktor ka. Imposible naman na hindi mo alam na makakasama kay Grandpa yung mataas na dosage na niresata mo?” Nakataas ang kilay na sita ni Sarina.Biglang namutla si Avionna. Hindi ito mapakali.“I… I was just–”Inilabas ni Sarina ang component analysis report. Agad na umiwas ng tingin si Avionna. Halatang kinakabahan."What? You can't even bear to look at it yourself?"Walang kahit katiting na awa sa mga mata ni Sarina. Bahagya siyang ngumiti ng nakakaloko bago muling nagsalita."Mahina na ang katawan ng pasyente. Hi
"Avionna, don't listen to a word they say. What do those idiots know? Sadyang sinuwerte lang si Sarina sa mga surgeries na nagawa niya. How could her actual skills ever compare to yours?" Sambit ni Pepper habang walang tigil sa pambobola.Halatang nagngingitngit sa galit si Avionna. Napasinghal siya sa inis bago nagsalita. "Don't ever mention that bitch's name to me again!”Pinigilan ni Pepper ang sarili sa pagsagot. Nakatayo siya sa likuran ni Avionna habang napapairap sa sobrang inis.Who the hell do you think you are? Binobola na nga kita para sumaya ka tapos ikaw pa ang may ganang magalit? Iritang-irita na ‘ko sayo sa totoo lang! Sobrang hirap mong pakisamahan!Pero nang humarap si Pepper kay Avionna ay ibang-iba ang mga lumabas sa bibig niya."Okay, okay! ‘Wag ka nang ma-stress dyan, Avionna." Agad na nagbago ang tono ni Pepper at ngumiti ng matamis. "We won't talk about her anymore. Hindi siya worth it para sirain mo ang mood mo. Besides, hindi rin naman magtatagal ay mapapalaya
"Are you not working today?" Tanong ni Damon matapos ang matagal na paninitig kay Sarina. Muntik na niyang makalimutan na magsalita. Parang gusto na lang niyang titigan ito nang titigan.Bahagyang tumango si Sarina. "Mm, it's my day off. What brings you here anyway?"Itinaas ni Damon ang isang kamay at agad na lumapit si Walter para iabot ang robotic dog. Tinanggap iyon ni Damon bago iniabot kay Sarina."I came here to give this to Luke," aniya sa malalim at kalmadong boses.Agad na nakilala ni Sarina ang mechanical toy na paboritong-paborito ni Luke. Inabot niya iyon at magalang na ngumiti."You went out of your way to bring it back? I’m sorry for the trouble. Naabala ka pa ni Luke.” Medyo nahihiyang komento ni Sarina. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na busy talaga si Damon sa trabaho."No need to apologise. Your place is on my way." Sagot ni Damon.Huh? Ano daw?Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Walter na nakatayo sa tabi ni Damon nang narinig ang sinabi nito.Kung tama ang pagk
Napakamot si Dylan sa likod ng ulo niya at nagpanggap na seryosong nag-iisip.“Well... the way you treated my sister-in-law was just–”So ridiculously good!Diyos ko naman! Hindi niya kayang sabihin iyon. Sobrang laking kasinungalingan iyon at hindi niya kayang sabihin kahit pilitin pa niya ang sarili!Palihim siyang sumulyap kay Damon habang hindi mapakali sa kinauupuan."Uhm... I mean..."Umigting ang mga panga ni Damon. Halatang-halata ang pagkainis nito. Napilitang tumawa nang alanganin si Dylan.“Kuya, you see… uhm…”Halos maubos na ang pasensya ni Damon sa panonood sa kapatid niya ana hirap na hirap bumuo ng isang matinong pangungusap. Nang malapit nang tuluyang mag-init ang ulo niya ay sa wakas ay nakapagsalita rin ito."Kuya, do you think you treated Ate Sarina well?"Parang gustong palakpakan ni Dylan ang sarili. Sobrang talino niya talaga! Sinagot niya ang tanong ng kuya niya gamit ang isa pang tanong! Grabe! Sobrang galing niya talaga!Bahagyang nagdikit ang mga kilay ni Da
Nakatitig lang si Damon sa dilim habang napapabuntong-hininga nang malalim. Tumagos sa pinakamasakit na parte ng pagkatao niya ang mga sinabi ni Luke. Para bang may mabigat at nakakasakal na guilt na namuo sa dibdib niya at kahit anong gawin niya ay hindi niya iyon maalis-alis.Samantala, sa apartment ay katatapos lang tulungan ni Sarina ang kambal na maghilamos at magbihis ng pantulog bago niya pinahiga ang mga ito sa kama."Alright, my babies… It’s time to sleep. Mommy has a quick task to wrap up then I'll come back to read you a bedtime story, okay?""Okay! Hurry back, Mommy!"Magkahawak-kamay na tumakbo sina Luke at Luna papunta sa kanilang kwarto.Pagkaupo ni Sarina sa sofa sa living room ay agad niyang kinuha ang cellphone niya at tumawag sa ibang bansa.Halos isang ring pa lang ay may sumagot na agad."Hello, Dean Smith?""Hey, Sarina! It's been so long since I last heard from you! How are things back home? Have you adjusted? How are things with your ex-husband? And how are the
Simula noong nangyari ang insidente kung saan palihim na pumasok sina Luke at Luna sa Zamora mansion at naging dahilan para magkamali ng hinala si Sarina kay Damon, hanggang sa humingi ng tawad ang dalawa at naayos ang hindi nila pagkakaunawaan ay unti-unting nagbago ang dynamics sa pagitan nila ni Damon.Natutunan na ni Sarina na magtiwala kahit kaunti kay Damon.Wala naman talaga itong balak na agawin ang mga bata sa kanya. Bilang ama ng mga ito ay gusto lang nitong makasama ang mga anak niya. Tinanggap na ni Sarina ang paliwanag na iyon kaya unti-unti na ring nawala ang dati niyang pagtutol sa pagbisita ni Damon kina Luke at Luna. Wala na rin siyang nakikitang dahilan para pigilan pa ito.Bahagyang nag-angat ng kilay si Sarina habang sumusulyap sa itim na kotseng nakaparada hindi kalayuan sa kanila. Panatag ang loob niya. Marahan niyang ginulo ang buhok ni Luke at malambing na sinabi, "Go ahead then."Mabilis na humakbang si Luke gamit ang maikli niyang mga binti at tumakbo papunta







