Beranda / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / 420 - IBINAON NA BOTE NG ALAK

Share

420 - IBINAON NA BOTE NG ALAK

Penulis: Cristine Jade
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-13 22:12:53

Nagising si Analyn mula sa ingay ng mga lalaking bumihag sa kanya. Naglalaro kasi sila ng baraha at nagkakatuwaan sila, at walang pakialam sa kanya.

Ramdam ni Analyn ang sakit ng lahat ng kasu-kasuan niya. Ni hindi niya makayang lumunok dahil masakit din ang lalamunan niya. Para ring nakalutang ang uko niya. At kung hindi siguro siya nakatali sa upun na kinauupuan niya ay baka natumba na lang siya.

Bahagya siyang tumingala sa langit. Iniisip niyang kung ano ba ang sasapitin niya sa araw na iyon. Ngayon ang kasal nila Ailyn Anthony. At malamang ay ngayon na rin ang huling araw niya sa mundo dahil papatayin na siya pagkatapos ng kasal.

Napakasaklap ng naging buhay niya. Iyong sinasabi nilang next life, parang ayaw na niyang naisin na magkaroon pa siya ng next life o mabuhay pa siya uli. Kung ganito lang din uli ang magiging buhay niya, hindi ba baleng hindi na siya magkaroon ng pagkakataon na mabuhay uli.

Nakita ni Ernest na nakatingin sa kawalan si Analyn kaya pasigaw niyang sinabi
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (30)
goodnovel comment avatar
Bella Liam
Hay naku Anthony nkapagreport na si Ailyn Anna Kay Edward.Bakit Kasi Jan ka pumwesto hay naku
goodnovel comment avatar
Lucita Jamero
More update po thank you
goodnovel comment avatar
Neonita De Leon
ang tagal naman ng revealation
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • I SECRETLY WED the BOSS   420 - IBINAON NA BOTE NG ALAK

    Nagising si Analyn mula sa ingay ng mga lalaking bumihag sa kanya. Naglalaro kasi sila ng baraha at nagkakatuwaan sila, at walang pakialam sa kanya. Ramdam ni Analyn ang sakit ng lahat ng kasu-kasuan niya. Ni hindi niya makayang lumunok dahil masakit din ang lalamunan niya. Para ring nakalutang ang uko niya. At kung hindi siguro siya nakatali sa upun na kinauupuan niya ay baka natumba na lang siya. Bahagya siyang tumingala sa langit. Iniisip niyang kung ano ba ang sasapitin niya sa araw na iyon. Ngayon ang kasal nila Ailyn Anthony. At malamang ay ngayon na rin ang huling araw niya sa mundo dahil papatayin na siya pagkatapos ng kasal. Napakasaklap ng naging buhay niya. Iyong sinasabi nilang next life, parang ayaw na niyang naisin na magkaroon pa siya ng next life o mabuhay pa siya uli. Kung ganito lang din uli ang magiging buhay niya, hindi ba baleng hindi na siya magkaroon ng pagkakataon na mabuhay uli. Nakita ni Ernest na nakatingin sa kawalan si Analyn kaya pasigaw niyang sinabi

  • I SECRETLY WED the BOSS   419 - NAKITA NA SI JIRO

    Nagkakagulo na ang mga taong namamahala sa dekorsyon, pagkain at iba pa sa bakuran ng bahay ng mga Esguerra. Doon kasi gaganapin ang kasal nila Ailyn at Anthony. Mayamaya lang ay magsisimula na ang seremonyas. Samantala, sa Grace Village, nakakulong sa kuwarto niya si Anthony. Ni ayaw niyang papasukin ang designer ng isusuot niyang damit at ang magme-make up sa kanya. Walang magawa ang sekretarya niya sa takot na mabulyawan siya ng amo. Minabuti niyang tawagan ang kaibigan ni Anthony na si Raymond. Nang dumating si Raymond, hindi pa rin nakabihis si Anthony.“Tonton, araw ngayon ng kasal mo.”“Alam ko,” tinatamad pa rin na sagot ni Anthony.Hindi pinilit ni Raymond si Anthony. Sa halip, umupo siya sa tabi nito.“Baka gusto mong i-share sa akin ang tumatakbo sa isip mo.”“Wala pa rin kasing balita kay Analyn. Tinanong mo na si Jean?”Humugot ng malalim na hininga si Raymond. “Nung una, ayaw niyang magsalita. Pero nang nalaman niya na hindi pa rin nakikita si Analyn, pumayag na siya.

  • I SECRETLY WED the BOSS   418 - IPINAGLILIHIM

    Ang June 15 ay isang napaka-suwerteng araw. Para kay Ailyn. Maaga siyang gumising ng araw na iyon. Kinuha niya ang the best make up artist ng Tierra Nueva. Ngayon ay nakaupo na siya sa harap ng tokador niya at nagpapa-make up. Nagniningning ang mga mata niya sa hindi maitagong saya. “Ano’ng meron ngayon?” wala sa sarili na tanong ni Brittany. “Ngayong araw ang kasal nila Mam Ailyn at Sir Anthony, Mam,” sagot ng kasambahay na napagtanungan niya. “Kasal nila Ailyn at Anthony?” pag-uulit ni Brittany. Bigla niyang naalala ang sarili nung mga panahon na lagi niyang sinusundan si Anthony sa eskwelahan. Wala siyang ibang gusto kung hindi si Anthony, tapos ngayon ay ikakasal na ang lalaking gusto niya kay Ailyn? Hindi napigilan ni Brittany ang malungkot at sumama ang loob. Ang taong ilang taon na niyang pinagmamakaawaan ng pagmamahal ay ikakasal na naman sa pangalawang pagkakataon. At hindi pa rin sa kanya.Nagmartsa siya papunta sa kuwarto ni Ailyn at saka bigla na lang pumasok doon.

  • I SECRETLY WED the BOSS   417 - EXCITED

    Walang emosyon na nakatingin lang si Analyn sa babae. “Excited ka na ba para bukas? Ako rin, excited na! Ay, tingnan mo ‘to…” Kinuha ni Ailyn ang telepono niya mula sa bulsa ng pantalon niya at saka binuksan iyon. Meron siyang tinitipa-tipa roon at saka ipinakita kay Analyn.“Ang ganda ng pagkakagawa ng decoration… grabe! Kuhang-kuha nila yung gusto kong design. Tingnan mo!” Ini-iwas ni Analyn ang mga mata niya sa screen ng telepono ni Ailyn. Pero hinawakan ni Ailyn ang mukha ni Analyn at saka pinilit na pinatingin sa telepono niya.“Ay! Pumunta nga pala si Anthony kanina. Tingnan mo, oh… nakahawak si Anthony sa beywang ko. Ang sweet niya, di ba?” nakangiti nitong sabi.Kahit ayaw niya, nakita tuloy ni Analyn ang picture ng dalawa. Totoo ngang nandoon si Anthony sa venue pero hindi niya napansin kung totoo ngang nakahawak ang lalaki sa beywang ni Ailyn. Biglang nalungkot si Analyn. Naisip niya kung alam kaya ni Anthony na nawawala siya? Sabagay, kahit naman nawawala siya, balewa

  • I SECRETLY WED the BOSS   416 - FAVOR

    “Psst, kalbo!” pagtawag ni Analyn.Matalim na tiningnan ng lalaki si Analyn. “Ano’ng problema mo?” inis na tanong nito. “Nauuhaw ako. Pahingi naman ng tubig.” “Tiisin mo na lang,” sagot nito habang nakikipaglaro ng baraha sa mga kasamahan niya. “Sige ka… kapag namatay ako sa dehydration, hindi ko mapapanood ang kasal ng kaibigan mo..”Muling sinamaan ng tingin ng lalaki si Analyn at saka padabog na tumayo bago dumampot ng bote ng mineral water. Naglakad ito palapit kay Analyn.“Oh!” Tiningnan ni Analyn ang plastic bottle, tapos ay tiningnan ang lalaki. “Paano ko iinumin ‘yan? Nakatali ang mga kamay ko?”Sumimangot ang lalaki. Pagkatapos ay binuksan ang takip ng plastic bottle at saka itinapat sa bibig ni Analyn ang labi ng bote. Pagkatapos uminom ng tubig ni Analyn, hindi niya napigilan ang matawa. Nagdikit ang mga kilay ng lalaki, “bakit ka tumatawa?”“Alam mo, sa tingin ko naman… bata ka pa. Nagmumukha ka lang matanda dahil kalbo ka. Pero sa tingin ko hindi nagkakalayo ang ed

  • I SECRETLY WED the BOSS   415 - NASAAN SIYA?

    Hindi makasagot si Analyn. Ayaw niyang galitin lalo ang babae at baka maitusok ang hawak na patalim sa leeg niya. “Ano ba ang gusto mong mangyari?” mahinahong tanong ni Analyn. “Wala lang,” pagkatapos ay tumuwid ng pagkakatayo si Ailyn, “na-realize ko lang. Habang nabubuhay ka, hindi ako titingnan ni Anthony sa mga mata ko. Hindi niya ako kakausapin na may paglalambing. Kaya kailangan mo ng mawala.”Agad na nakaramdam ng takot si Analyn. Natakot siyang mawala hindi dahil kay Anthony, pero natakot siyang mamatay na hindi niya mabigyan ng hustisya ang pagnanakaw sa katauhan niya. “Kung papatayin mo ako, hindi ka mapapatawad ni Anthony.” Ngumiti si Ailyn. “Hindi niya malalaman… lahat ng meron ka ngayon ay magiging akin na. Lahat ng tinatamasa mo, matitikman ko na. Isang araw, bigla na lang siyang mai-in love sa akin. Magkaka-anak kami, at tatanda kami ng magkasama.” Pagkatapos ay biglang nawala ang ngiti sa labi nito at tila napa-isip. “Eh, ano naman kung malaman ni Anthony na ako

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status