공유

Chapter 70

작가: EL Nopre
last update 최신 업데이트: 2025-08-31 23:34:57

AKO ang nasa harap ng manibela. Hindi raw masyadong malalasahan ni Josh ang kape kapag nahahati ang kanyang atensiyon sa paghigop at pagmamaneho.

Ang arte talaga!

Feeling niya lagi ay anak-mayaman.

At sa halip nga na ukupahin niya nga ang passenger's seat ay naupo siya sa likuran. Kaya driver na driver ang papel ko.

''Hey, focus on driving. Huwag kang sulyap nang sulyap sa akin. Alam kong guwapo ako, but you have to resist yourself. It's for our own safety."

Hindi naman nagtatama ang mga mata namin sa rearview mirror, pero mukhang malakas lang ang pakiramdam niya. Kung nakakatusok lang ang talim ng tingin ko, baka kanina pa nagkabutas-butas ang katawan niya.

''Maingat akong magmaneho!''

Natuto akong mag-drive sa naging huling trabaho ko. Pinag-aral talaga ako ng boss ko para may tagasundo at minsan ay tagahatid din sa eskuwelahan ng anak nitong spoiled brat. Secretary ako nito, pero madalas ay personal alalay. Mukhang mauulit na naman ang papel kong iyon sa aroganteng lalaki na nasa
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Ms. Flame
Para-paraan Josh
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 198

    PAST nine nang nakauwi si Josh dahil may tinapos pa siya sa opisina. Maaga naman na nagpaalam sa kanya kanina si Denise. Magkikita raw sila ni Emie at bibisita sila sa bagong bahay ni Hector.Pero wala pa ito sa bahay nang dumating siya. Naghintay siya nang halos isang oras. Kahit cellphone nito ay naka-off kaya hindi niya ito matawagan.Hindi siya nag-aalala. Nakakaramdam lang siya nang matinding selos."Mukhang nawiwili na siya kay Emie, ah? At bakit kailangan niya pang pumunta kina Hector? Hindi naman sila close!"Tumayo si Josh at sumilip sa bintana. Wala pang komosyon sa labas o kahit ilaw man lang nang paparating na sasakyan."Haist! Nakalimutan na ba niyang may asawa siyang naghihintay rito?"Nagpalakad-lakad si Josh. Hindi siya mapakali sa pag-iisip. Marami nang mga hindi magagandang senaryo ang pumapasok sa utak niya.Well, hindi niya maikakaila na guwapo talaga si Hector. Magkaibigan silang dalawa noon bago pa man siya nito trinaydor. Habulin talaga ito ng mga babae. He's on

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 197

    GUSTO nang patikumin ng suntok ni Olivia ang nakabukang bibig ni Renzo na kanina pa hindi matigil sa kakatawa. Hindi na nga nito halos maikuwento nang maayos sa ina ang dala nitong magandang balita.Well, for them it's good news. Pero para sa kanya, isa iyong bangungot. Marami na rin naman siyang nakaharap na mga kriminal. But these two are beyond evil. They used the pain of others to get the things they really wanted; fame, wealth, and power. Kahit pa ang maging kapalit niyon ay kalungkutan o buhay ng ibang tao. They didn't care at all."Will you stop!" asik ni Margarita."If you can see her face, Ma, siguradong mababaliw ka rin sa kakatawa. Oh, my! She's deadly serious and emotionally distraught!""Yes, I get it. Pero simulan mo sa simula para mas maintindihan ko."Umayos naman sa pagkakasalampak ng upo si Renzo at sumeryoso ito. "I was not really sure when I came there that we will get a positive result. Helena is smart as she is a successful businesswoman. So, I doubted if she wou

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 196

    "WHY of all places? Bakit naman dito, anak?""Dahil ligtas kayo rito," tugon ni Hector sa naging tanong ng ama."Hindi iyon ang nakikita namin," wika naman ng ina ng binata."Believe me. This place is safe. I've been here many times."Sinundan din ni Hector ang pagsuyod ng tingin ng mga magulang sa paligid. Bago pa nakalabas sa ospital ang ama niya ay nakabili na siya ng bago nilang malilipatan. At ilang bloke lang iyon mula sa bahay nina Emie. Sa Tondo.Malayong-malayo ang lugar na iyon sa nakagisnan ng kanyang mga magulang.Hindi kalakihan ang bahay. Pero maayos naman itong tingnan; semi-bungalow at medyo may malawak itong bakuran saka driveway.Nag-migrate na sa Amerika ang dating nagmamay-ari nito at ibinenta na iyon. Eksakto naman na naghahanap siya ng malilipatan nila noon.Siguro nakatadhana siya hindi lang para kay Emie. He is also destined to live in a place na kilala sa Maynila na magulo at matao.Alam niyang maninibago ang kanyang mga magulang sa magiging buhay nila. Pero i

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 195

    HUMAHANGOS na pumasok si Pavlo. At natuon naman ang tingin dito ni Helena mula sa kinauupuan niya sa mahabang sofa."Amigo."Tinabihan ni Pavlo si Helena. "How do you feel? Kailangan mo ba nang gamot? But it would better kung dadalhin kita sa ospital."Pinigilan niya ang kaibigan sa braso nang akto itong tatayo. "There's no need.""Pero mukhang hindi ka okay."Yumakap siya sa kaibigan saka siya muling humagulhol."What really happened?" usisa nito habang masuyong tinapik-tapik sa likuran si Helena."It's just painful. Let's stay like this for a while. I'm really exhausted."Sandali ngang nanatili sa ganoong posisyon ang dalawa hanggang sa kumalma si Helena.Humiwalay siya sa yakap at tinuyo ang mga luha. "I will be fine.""Uminom ka kahit gamot.""I took it already.""Good. Teka nga pala. Bakit hindi ko nakita sa labas ang assistant mo? At wala rin siya rito sa loob." Pinagala pa nito ang tingin sa paligid ng silid. "Did you send her away for an errand?""I fired her.""What?" bulalas

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 194

    PIGIL na pigil ni Helena ang bumabangon na galit sa kanyang puso. Ang inaasahan niya ay isang masayang pagtatagpo. But she feels more betrayed. And it happened over and over again since she came back to the Philippines. Trust is really not easy to give and find.She wanted to curse Renzo for fooling her, betraying her, using her. But Josh reminded her something. To know her enemies and be wise with her action."Tahan na po," malumanay na saway ni Olivia habang tinatapik-tapik sa likuran ang kayakap."I'm sorry. I just can't believe it." Luhaan siyang kumalas at tumitig uli sa dalaga. "Ikaw na nga ba iyan, Lily? Ikaw ba talaga ang nawawala kong anak?""Pasensiya na po. Wala kasi akong maalala tungkol sa kabataan ko. Ang alam ko lang po ay may iniwan sa akin na bracelet noon si Mama bago siya umalis. At iyon na ang naging huling alaala ko sa kanya.""Come here, come her." Inalalayan ni Helena ang dalaga na maupo. At tumabi siya rito. "Did you have it?""Ho?""May iniwan nga akong bracel

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 193

    "MADAM, nandito po si Director Nuńez."Mula sa pagtanaw sa kawalan ay natuon ang tingin ni Helena sa kanyang assistant. Hindi agad siya nakasagot. Inaanalisa niya pa sa isip ang napag-usapan nila ni Josh."Let him in.""Yes, Madam.""By the way..."Huminto ang assistant sa akto na sanang pagtalikod. "Yes, Madam?""This would be your last day working with me.""H-Ho?""Ayoko nang makita kita pag-alis ng bisita.""Pero, Madam -""Don't ask the reasons. Dahil baka sa presinto na kita sagutin niyan."Hindi na ulit nag-usisa pa ang babae. Agad na itong tumalikod at nagmamadali nang lumabas ng silid. Sumalubong dito si Renzo na nasa harap na ng pinto."Anong sabi?""Sir, tinanggal na niya ako sa trabaho.""Hindi iyan ang gusto kong marinig. Can I come in?""Mukha pong alam na ni Madam Helena na nagtatraydor ako sa kanya. Nakita niya ang pinakabit mo sa aking audio bug.""Shut up," saway ni Renzo na napatingin pa sa ilang bodyguard na hindi kalayuan sa kanila."Sorry, sir.""Let's talk about

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status