Share

KATOTOHANAN

"Gasp!" Napa-balikwas ng bangon si Jessa matapos niyang mapag-isipan na hindi pa siya pwedeng mamatay.

Nangako siya sa kanyang ina na mabubuhay siyang masaya at aalagaan ang kanyang sarili. Kaya hindi siya papayag na basta na lang gawing scape-goat ni Lucy pagkatapos nitong gumawa ng krimen sa harap niya mismo. Kung wala mang ebidensya, wala man naka-kita. Moderno na ang mundo, pwede niyang imungkahi sa lalakeng galit sa kanya na sumailalim sila sa lie-detector test.

Ang Lalakeng yun, hindi man lang siya tinanong, basta na lang siyang pinag-bintangan dahil sa sitwasyon. Sabagay, kahit na sino ay maba-blanko kapag makita mo ang kapamilya mo na duguan.

"Lucy.. Maghintay ka lang.. Pagkatapos kong isakripisyo ang pag-aaral ko para sa'yo, kaya mong mag-sinungaling para lang makalaya sa kasalanan mo. I.. Will make you pay-huh?" Naputol ang kanyang sinasabi nang may napansin sa kanyang paligid.

Matataas na puno, damuhan at walang sasakyan.

"Anong nangyare? Nasaan ako?" Aniya habang iniikot ang paningin. Lalong kumunot ang kanyang noo ng mapa-sulyap siya sa sarili. "Bestida? Pero, naka-pantalon ako ng maong kanina. At tsaka, nabangga ako ng sasakyan sa kalsada." Napa-pilig siya. "Parang may mali. Nasaan ako-ugh! Ang sakit ng ulo ko." Nasalo niya ang ulo ng makaramdam ng matinding kirot doon.

Napasigaw siya ng sobra ng maramdaman na para bang binibiyak ang kanyang ulo kasabay ng mga ala-ala na parang pelikula sa kanyang isip.

"Hindi ko maintindihan.. Estacie Somyls, Lucy Somyls, Sinylve Recyven. Ugh! Prekonville Kingdom!?" Namutawi niya bago tuluyang nawalan ng malay.

Nang muli siyang mag-kamalay, nasa kama na siya sa loob ng maliit na silid. Mahilig si Jessa mag-basa ng comics, kaya kung pagbabasehan niya ang sitwasyon niya ngayon at ang paligid niya, masasabi niyang nasa loob siya ng bahay ng isang commoner.

"Oh.. Gising kana pala. Gutom kana sigurado, heto at ipinag-luto kita ng makakain. Pasensya kana, hindi kita nadala sa pamilya na kinabibilangan mo dahil hindi ko alam kung kanino ka nabibilang. At isa pa, kailangan kong gamutin ang sugat sa likod ng iyong ulo. Okay ka na ba? Wala na bang masakit sayo?" Isang matandang babae ang pumasok sa loob ng silid na may dalang tray ng pagkain.

Nang hindi siya sumagot ay napangiti lang ang matanda. "Wag kang mag-alala, hindi naman malalim ang sugat sa ulo mo. Ilang araw lang at hihilom din ang sugat. Siya nga pala, anong pangalan mo?" Muling nagsalita ang matanda.

"Um.. Jes-" Saglit, ayun sa memoryang nakalap niya sa isip bago siya nawalan ng malay, ang pangalan niya ay "Estacie Somyls.." Sagot niya.

Sa pangalan na iyan naka-salalay ang katotohanan sa sitwasyon na kinasasadlakan niya ngayon. Kung tama ang hinala niya, sumanib ang kanyang kaluluwa sa katawan ng babaeng sabay na namatay sa kanya. At kung tama nga ang memoryang nakita niya, the responsible for her death is actually her Step Sister Lucy Somyls. Tingnan mo nga naman, parehas pa ng pangalan ng kanyang evil step sister sa nakaraan niyang buhay.

"Somyls?!" Parang natuklaw ng ahas ang mukha ng babae ng marinig ang kanyang sinabi.

"En.. Somyls. Pasensya na madam, dahil sa tindi ng impak sa ulo ko ay medyo nakalimutan ko ang ibang mahahalagang detalye tungkol sa pagkatao ko, maari mo bang sabihin sa akin ang tungkol sa mga Somyls?" Aniya habang sapo ang kanyang ulo.

"Oh.. Mahabaging bathala, iha.. Ako'y taga labas ng palasyo subalit kami ay hindi naman nalalayo. Kaya kahit papano ay may alam kami sa nangyayari sa loob." Pag-sisimula ng ginang habang inaabot sa kanya ang bowl ng lugaw. "Somyls.. Sila ang pamilya na kabilang sa mga pamilyang may Mararangyang pamumuhay. Baron Evidio Somyls ay may-ari ng tatlong barkong pangangalakal na lumilibot sa buong karagatan upang makipag-palitan ng produkto sa ibang kaharian. Alam namin na pangatlo ang Somyls sa pinaka-mayaman sa kaharian ng Prekonville."

"Pangatlo sa pinaka-mayaman, pero bakit-"

"Ha? May sinasabi ka iha?" Tanong ng ginang ng mapansin ang pag-bago ng kanyang ekspresyon.

"Wala po, magpatuloy po kayo." Aniya. Nagsimula rin siyang mag-subo ng lugaw habang nakikinig.

"Ayun na nga.. Pangatlo ang Somyls sa mga pinaka-mayaman. Syempre, Pangalawa ang Royal Family."

"Sandali, Pangalawa? Sabi mo Royal Family, so nag-i-english kayo dito?" Gulat na tanong ni Jessa.

"Ha?"

"Ahmm.. Sorry. Bakit po pangalawa lang ang Royal family? Hindi ba at sila ang may-ari ng palasyo?" Naguguluhan na siya sa mga karagdagang impormasyon na nakukuha niya pero wala parin ang pinaka-importante.

"Oo.. Sila nga." Sagot ng ginang habang inaabot sa kanya ang baso ng tubig. "Mukhang nawala nga ang bahagi ng memorya mo Miss. Estacie.. Pangalawa lang ang Royal Family dahil ang nangunguna ay ang utak ng mga negosyo o sabihin na lang natin na 40 pursyento ng negosyo sa kaharian ay pag-aari mismo ng Pamilyang Arkhil." Naka-ngiti at puno ng pagmamayabang na pagkukwento ng ginang.

Arkhil Family. That name sounds familliar. Iyon ang nasa isip ni Jessa.

"Sa tulong ni Duke Eckiever Arkhil ay nakapag-patayo ng bahay ang mga mahihirap na gaya ko. Binigyan nya rin kami ng maliit na lupain na pwede naming sakahin." Puno ng pag-galang at pag-hanga na kwento pa neto.

So, he's a duke. Muli ay naisip ni Jessa. Hindi na nakakagulat. Ayun sa mga nababasa niya, kadalasan talaga ay mas mayaman ang duke kesa sa Royal family. Bagamat malapit na magkadugo ang dalawang pamilya, hindi parin maiiwasan na minsan ay mainggit ang Kingdom sa Dukedom.

"Kaya po pala.. So, ano naman po ang masasabi ninyo sa pamilya Somyls?" Tanong ni Jessa. Kailangan niyang malaman ang ibang detalye bago pa niya maisip na ibunggo ang ulo sa puno ng kahoy para lang maalala niya ang buong memorya ng may-ari ng katawan niya ngayon.

Base sa mga nangyare na naalala niya, Namatay sa lason ang ina ni Estacie 2 years ago. Pagkatapos nun ay muling nag-asawa ang kanyang ama. Iyon lang ang naalala niya. Kaya hindi niya alam kung anong dahilan ng pagsalakay sa kanya ng kanyang step-sister.

"Well, simula ng mamatay ang Barones, ang iyong ina. Naging malulungkutin na iyong Ama. Kaya hindi naka-tiis ay nag-asawa siya ulit. Kaya lang.." Hindi muna ipinag-patuloy ng ginang ang sinasabi, sa halip ay nilingon siya.

"Kaya lang ay ano po?" Lihim niyang naikuyom ang mga kamao. May nangyari ba na hindi niya alam?

"Ayun sa kapatid ko na myembro ng isang detective agency sa palasyo, Nalason nga ang iyong ina subalit sinadya ang pagkamatay niya. Sa madaling salita, may lumason sa kanya."

Parang piniga ang puso ni Jessa ng mga sandaling yun. Iyon ata ang reaksyon ng puso ni Estacie pagkatapos marinig ang nakakagimbal na katotohanan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status