Share

I Belong With you

I BELONG WITH YOU

[General Fiction/Romance]

[CHAPTER 7]

[Athena’s POV]

“Ouch!” Reklamo ko nang biglang hablutin no’ng isang lalaki ‘yong buhok ko. Mabilis n’yang nabuksan ‘yong pintuan ng passenger’s seat at akmang hihilain niya akong palabas, pero agad kong kinagat ‘yong kamay n’yang nakahawak sa buhok ko kaya nabitiwan niya ito. Tinadyakan ko siya ng ubod-lakas, na-out of balance siya. Aayos sana ako ng upo, subalit nahagip no’ng isa pang lalaki ‘yong magkabilang paa ko dahilan upang mapahiga ako. Pilit niya akong hinila palabas, humawak ako sa sandalan ng upuan para hindi niya ako tuluyang mahila, subalit nakitulong ‘yong ikatlong lalaki kaya wala akong nagawa kundi ang mapasunod sa nais nila.

Nagtawanan sila na tila ba mga baliw ng tuluyan na nila akong mailabas ng kotse ko. Binuhat ako no’ng isang lalaki at pilit akong ipinasok nito sa loob ng kotse nito. Nagpumiglas ako at nang makahanap ako ng tiyempo ay sinuntok ko ito sa mukha bago ako mabilis na lumabas ng kotse. Humarang sa daraanan ko ‘yong isa pang lalaki, ito ‘yong lalaking bumati sa akin sa kainan.

“Sa tingin mo, matatakasan mo kami?” Nakangising tanong nito sa akin.

“Ano bang kailangan n’yo?” Pagkuwa’y matapang kong tanong kahit ang totoo’y nanginginig na ‘yong katawan ko sa takot. Bibihira lamang ang mga sasakyang nagdaraan sa lugar na iyon kaya imposibleng may makatulong sa akin at kung mayroon ma’y baka huli na, posibleng naisakatuparan na ng mga lalaking ito at anumang masamang balakin sa akin bago pa ako masaklolohan ng kung sino.

“P’wede bang paligayahin mo muna kami kahit saglit lang?” Tumatawang turan nito habang lumalapit ito sa akin at ang dalawa pang kasama nito.

“O-Okay. ‘Yon lang pala, eh.” Pagkuwa’y tugon ko. Pilit kong pinapakalma ‘yong sarili ko para makaisip ako ng paraan kung paano kong matatakasan ang mga lalaking ito. Bahagya akong luminga sa paligid. Matataas na damo at tila talahiban ang nasa gilid ng kalsada. Madilim na rin. Tanging ang malamlam na liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing tanglaw sa kinaroroonan namin. “Isa-isa lang, okay? Hindi ko kasi kaya kung sabay-sabay kayong tatlo. Baka panawan ako agad ng ulirat. Jusko!” Pagkuwa’y biro ko para sumakay sila sa panlilinlang ko. Nagtawanan sila.

“O, paano ba ‘yan? Isa-isa lang daw, eh ‘di ako na ang mauuna ha.” Turan no’ng lalaking bumati sa akin sa kainan. Ito ang pinakamalaki ang katawan sa kanilang tatlo. “Kanina pa kasi matigas itong sa akin. Hindi ko na mapipigilan, parang sasabog na.” Turan nito kaya humagalpak ng tawa ‘yong dalawa.

Tang*na mong h*yop ka. Pasasabugin ko talaga ‘yan. Nanggi-gigil kong sigaw sa isip nang ikuyom ko ang aking mga kamao.

Nagsimula nang maghubad ‘yong lalaki. Una nitong hinubad ang T-shirt nito, isinunod ang pantalon nito hanggang sa brief na lang ang natitirang suot nito sa katawan. Humakbang ito palapit sa akin kaya bahagya akong umatras.

“Oopss!” Turan kong pilit ang ngiti nang tuluyan na s’yang makalapit sa akin. Akmang susugurin na niya ako nang halik, pero agad ko s’yang napigilan. Inilapat ko ang palad ko sa dibdib niya. “Masyado ka namang nagmamadali, sweetheart. Ayaw mo ba ng foreplay muna?”

“Ang dami mong nalalaman.” Iritable n’yang turan.

Diyos ko! Huwag naman po sana s’yang makatunog na nililinlang ko lang siya. Dasal ko sa isip.

“Pagbigyan mo na.” Tumatawang sigaw no’ng dalawa n’yang kasama habang tila enjoy na enjoy ang mga ito sa panunuod sa amin.

“See? You heard them, right? It’s better to have a foreplay para naman ganahan din ako.” Turan ko sa maharot na tinig. Mabuti na lamang at may kaibigan akong maharot, kahit papaano ay natuto ako rito. Hindi ko akalaing magagamit ko rin pala ang mga kalokohang itinuro sa akin ni Myka sa ganitong pagkakataon.

Bahagya kong nilingon ang kotse ko. Sa tantiya ko’y ilang hakbang lang ang layo nito sa akin.

“Are you ready?” I asked as I slowly took my jacket off me. Nang tuluyan ko na itong mahubad ay agad ko itong inihagis sa kanya. Tumapal ito sa mukha niya kaya ngumisi siya. Pagkuwa’y nginitian ko siya nang ipatong ko ang kanang palad ko sa balikat niya bago ako nagsimulang sumayaw.

I am a good dancer and I know how to do a dirty dancing. Ginagawa ko ito sa t’wing nagkakalasingan kami ng mga kaibigan ko. I turned my back to him and started grinding myself against him.

“Oh, I love what you’re doing.” He said as he put his arms around my waist. Napalunok ako nang maramdaman ko ang pagkalalaki niya sa likuran ko kaya bahagya ko s’yang itinulak. Muli ko s’yang hinarap habang nagpatuloy ako sa pagsayaw sa tila ba saliw ng awiting ‘Lambada’. Pagkuwa’y paatras ako ng paatras hanggang sa tumapat ako sa nakabukas na pintuan ng kotse ko sa passenger’s seat.

Naupo ako rito bago ako saglit na lumingon. Namataan ko ang phone ko na nakapatong sa dashboard. Akmang susunggaban na ako ng lalaki, subalit bahagya ko s’yang tinadyakan. Pagkuwa’y ngumiti ako para hindi siya makahalata.

“Ang ilap-ilap mo, pero gusto ko sa mga babae ‘yong ganyan. Pasimpleng kumana.” Nakangisi n’yang sabi habang hinuhubad na n’yang tuluyan ang natitira niya pang kasuotan. Bahagya akong lumiyad para abutin ‘yong phone ko. Hindi ko ugali ang humingi ng tulong sa kahit na sino, subalit ng mga panahong iyon, sa tingin ko ay kailangan ko nang humingi ng saklolo.

Ewan ko, pero sa dinami-rami ng p’wede kong hingian ng tulong ay si Levi ang unang pumasok sa isip ko. Siguro kasi’y alam kong siya ang malapit sa kinaroroonan ko ng mga sandaling iyon.

Gamit ang kaliwa kong kamay, I dialled his number. Alam kong kasalukuyan pa s’yang nasa meeting kaya nagbakasakali lamang ako. Kaagad kong ibinulsa ang phone ko nang makita kong papalapit ng muli sa akin ang lalaki. Totally naked na ito. Subalit bago pa man ako mahawakan nito ay ubod-lakas kong tinadyakan ang pagkalalaki nito. Napasigaw ito sa labis na sakit. Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kotse ko. Muli ko itong tinadyakan nang paulit-ulit habang namimilipit ito sa sakit.

“H*yop ka! T*ngina mo! Dudurugin ko talaga ‘yang alaga mo.” Gigil na gigil kong sigaw. Inilabas ko na ang lahat ng kinikimkim kong galit. Naalarma lamang ako nang makita kong patakbo palapit sa akin ‘yong dalawa nitong kasama na tila ba nagulat sa nangyari kaya bago pa man tuluyang makalapit ang mga ito sa akin ay tumakbo na akong palayo. Hindi ko alam kung saan patungo ang direksiyong tinatahak ko, basta ang tanging nais ko lamang ay makalayo sa mga lalaking iyon.

-----

[Levi’s POV]

“Levi…” Narinig kong mahinang tawag sa akin ni daddy. Katabi ko siya. Kasalukuyan kaming nakaharap palibot sa isang mahabang mesa habang ginaganap ang board meeting. “Hindi ka makapag-focus dahil diyan sa phone mo. Could you please turn it off?” Halos pabulong n’yang sabi.

“Okay, dad. I’m sorry.” I apologetically said as I returned my phone inside my pocket. Plano ko sanang reply-an si Athena. Kababasa ko lang kasi sa text niya na mauuna na s’yang umuwi. Gusto ko sanang mag-sorry sa kanya, pinaantay ko pa siya ng matagal tapos hindi lang din pala kami magkakasabay umuwi. Hindi ko akalaing mapapahaba ang usapan. Mga bagong proyekto na naman kasi ang naging topic kaya nama’y napahaba na naman.

Sa totoo lang ay wala ang isip ko sa meeting, kundi na kay Athena. I was really excited to eat a Bulalo with her. Kahit pa sabihing hindi ako mahilig sa ganitong pagkain ay gusto ko pa ring kumain nito na kasama siya. Sa ganitong paraan kasi ako napapalapit sa kanya. I am willing to do everything and anything I can just to make her fall for me.

Si Athena pa lang ang ikalawang babaeng pinaglaanan ko ng aking atensiyon at oras. Gabi-gabi n’yang ginugulo ‘yong isip ko at makita ko lang siya, ‘yong dimple niya at ‘yong mga mata n’yang tila ang tapang tumingin ay pakiramdam ko’y lahat ng problema ko ay napapawi. Aminado ako sa sarili ko na mahal ko na siya at hindi ako papayag na hindi siya maging akin.

“Levi?”

“Yes, dad?” Gulat akong napatingin kay daddy nang muli ako nitong tawagin.

“Kinakausap ka ng lolo mo.” Naiiling nitong turan kaya napatingin ako kay lolo. Lahat ng miyembro ng board ay nakatingin na pala sa akin.

“W-What is it, lolo?” I asked as I cleared my throat.

“Tinatanong ko kung kumusta na ang Manhattan Resort? Bakit ba tila wala ka sa sarili mo?”

“Uhm, pasensiya na lolo, may iniisip lang ako. By the way, okay na ang Manhattan. Nakuha na natin. Pagbalik ng may-ari from America, signing na ng contract.”

“That’s great.” Nakangiting turan ni lolo na bahagya pang pumalakpak. “Napakalaking proyekto ng resort na ito at siguradong mas marami pa tayong matutulungang tao dahil dito.”

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. May tumatawag kaya pasimple ko itong dinukot sa bulsa ko para tingnan. Pangalan ni Athena ang rumehistro sa screen ng phone ko. I cleared my throat bago ako tumingin kay daddy.

“Dad, labas lang ako sandali. Naiihi ako.” Pagkuwa’y pabulong kong turan sa kanya bago ako tumayo mula sa pagkakaupo. Mabilis akong lumabas ng silid na kinaroroonan namin bago ko sinagot ang tawag. “Hello, Faith?” Wala akong narinig na tugon mula sa kabilang linya. “Hello, Athena? Hello?”

Naiiling akong tiningnan ang screen ng phone ko para i-check kung on going pa ang tawag. Na-i-dial niya lang ba? Kunot-noong tanong ko sa isip. Muli kong itinapat sa tenga ko ang phone ko at nagulat ako sa narinig ko. Parang ang layo ng tinig, subalit sigurado akong tinig iyon ni Athena.

“H*yop ka! T*ngina mo! Dudurugin ko talaga ‘yang alaga mo.”

“Athena? Hello?” Bigla akong nag-alala at kinabahan. “Sh*t!” Agad akong bumalik sa loob ng silid kung saan nagaganap ang board meeting. Walang imik na dinampot ko ang susi ng kotse ko na nakapatong sa tabi ng Macbook ko sa ibabaw ng mesa.

“Levi, where are you going?” Tawag sa akin ni daddy nang nasa pintuan na ako. “The meeting isn’t finish yet.”

“I have to go, dad. I am really sorry. I’ll explain about it later.”

“Levi!” I heard my grandfather called me, pero hindi ko na ito pinansin pa. Dali-dali akong naglakad patungo sa kinapaparadahan ng kotse ko.

“Okay, Choy. Bye. I love you and I miss you so much.” Narinig kong turan ng kapatid kong si Dylan nang madaanan ko siya. Kausap niya sa phone ang asawa niya. Kasama namin siya sa meeting bilang parte ng Accounting department. Isa kasi siya sa mga auditor namin at kasama sa topic ang tungkol sa finances ng kumpanya. “Kuya, pauwi ka na?” Hinabol niya ako. “Sabay na ako sa’yo. Bagot na bagot na ako sa meeting. Mas gusto ko pang magkulong sa kuwarto maghapon at magdamag kasama si Keera kaysa ang um-attend ng board meeting. Nakakaumay.” Tumatawa n’yang sabi, pero hindi ko siya pinansin. “Okay ka lang, kuya? You look bothered.”

“Alam mo ba kung saan ‘yong Bulaluhan dito?”

“Oo. Bakit?”

“Nag-aalala ako kay Athena. Pakiramdam ko’y nasa panganib siya.” Turan ko.

“Si Athena na kaibigan ni Keera?”

“Yeah.”

“Tara. Ako na ang magmamaneho.” Turan niya. Siya ang pumuwesto sa driver’s seat at ako ang naupo sa passenger’s seat.

“Excuse me, nakita mo bang dumaan dito ngayong araw ang babaeng ito?” Tanong ko sa kahera nang makarating na kami ni Dylan sa Bulaluhan. Ipinakita ko rito ang larawan ni Athena na naka-save sa phone ko.

“Ah, si Athena.” Turan nito. Nagkataong kilala pala nito si Athena. “Hindi ko siya nakitang dumaan ngayon. Try mong magtanong diyan sa lugawan sa kabila.”

“Okay. Salamat.” Dali-dali akong lumipat sa kabilang kainan. Nadatnan ko ang isang may edad ng babae sa loob. “Excuse me po, tatanungin ko lang sana kung nakita n’yo hong dumaan dito ang babaeng ito?” Muli kong ipinakita rito ang larawan ni Athena.

“Si Athena? Oo, kumain siya rito. Ang totoo nga niyan ay nag-aalala ako para sa kanya kasi pag-alis niya kanina ay nagsi-alisan din ‘yong tatlong adik na lalaki na kumakain dito. Malakas ang kutob kong sinundan nila si Athena.”

“Oh, God!” Bulalas ko. “Sige ho, salamat.”

“May shortcut na daan diyan sa bandang kaliwa, hijo. Diyan madalas dumaan si Athena.”

“Salamat ho.” Turan kong bahagya pang tumango rito bago ako bumalik sa kotse.

Tinahak namin ni Dylan ang daang itinuro ng matandang babae. Ilang kilometro na rin ang natatakbo namin ng makita namin ang kotse ni Athena, nakabukas ang pintuan sa passenger’s seat at tila walang tao sa loob nito. May isa ring kotseng kulay itim na nakaparada sa bandang likuran ng kotse ni Athena. Wala ring tao. Kumpirmado ngang nasa panganib si Athena. Halos sumabog na ‘yong puso ko sa labis na kaba at pag-aalala. Binilisan pa ni Dylan at pagpapatakbo ng kotse. Sinubukan kong kontakin ang phone ni Athena, subalit unattended ito.

“Sh*t!” Biglang bulalas ni Dylan. Muntik pa akong sumubsob sa biglang pag-preno nito. Kasalukuyan kasing may kausap akong pulis sa kabilang linya. Inihinto ni Dylan ang sasakyan.

“Bakit?”

“Parang si Athena ‘yong nakita kong tumatakbo sa gilid ng daan.”

Agad akong lumabas ng kotse dahil sa sinabi ni Dylan. Tinahak ko ang direksiyong tinutukoy nito. Tumakbo ako pabalik at tama nga ito, Si Athena nga ang nakita nitong tumatakbo.

Panay ang lingon ni Athena sa kanyang likuran habang mabilis ang kanyang pagtakbo kaya hindi niya namalayang papasalubong ako sa kanya. Napaigtad pa siya nang bumangga siya sa akin.

“Sh*t!” Humihingal n’yang turan nang bumaling ang tingin niya sa akin. “L-Levi?”

“Athena, okay ka lang?” Naaawa kong tanong sa kanya. Pawisan ang kanyang mukha. Halatang pagod na pagod siya. Nanginginig ang kanyang katawan.

“M-May mga humahabol sa akin.” Halata ang takot sa tinig niya. Nagulat ako nang biglang tumakbo si Dylan pasugod sa dalawang lalaking papalapit sa kinaroroonan namin ni Athena. Nakipagsuntukan ito sa dalawang lalaki.

“Just wait here, okay?” Turan ko kay Athena bago ko siya iniwan upang tulungan si Dylan.

Marunong kaming makipaglaban ng kapatid ko, tinuruan kami ng aming ina. Dati kasi itong miyembro ng sindikato kaya sanay itong makipaglaban ng patayan. Subalit, ang bilin nito ay gagamitin lamang namin ang aming kakayahan kapag kinakailangan at sa tingin ko’y dumating na ang panahong iyon.

Halos mapatay na namin ni Dylan ang dalawang lalaki. Mabuti na lamang at may dumating nang mga pulis kaya naawat na kami ng mga ito.

“Kami na ang bahala sa kanila, Sir.” Turan ng pulis kay Dylan habang mabibilis ang hakbang ko pabalik sa kinaroroonan ni Athena.

Inakay ko siya patungo sa kotse ko. Binuksan ko ang pintuan sa backseat bago ko siya iniupo rito habang nanatili akong nakatayo sa labas paharap sa kanya.

“I am sorry about what happened.” Naaawa kong turan sa kanya. Hindi ko na napigilan ‘yong sarili ko. Nayakap ko siya ng wala sa oras. Wala akong pakialam kahit magalit pa siya sa akin dahil sa pagyakap ko sa kanya.

Ilang saglit pa’y naramdaman ko ang panginginig ng balikat niya at pakiramdam ko’y may pumukol sa dibdib ko nang ma-realize kong umiiyak na siya habang nanatiling nakasubsob ‘yong mukha niya sa bandang tiyan ko.

At simula ng araw na iyon ay ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko hahayaan ang sinuman na saktan siya.

-----

To be continued.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status