Share

Kabanata 39

TAHIMIK LANG ako na sumakay sa kotse ni Kevyn. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya. Nakakapanibago ang pagiging tahimik niyan at hindi man lang niya ako tinitingnan. Umiiwas siya at hindi ko alam kung bakit. May nangyari ba kaya hindi niya ako pinapansin? Ok naman kami bago siya umalis nang bahay noong nagdaang araw.

Tiningnan ko siya. Tahimik lang siya at bahagyang nakatagilid ang mukha. Hinintay ko siyang magsalita ngunit nabigo ako nang wala akong marinig na kahit ano mula sa kaniya hanggang sa pinaandar na niya ang kotse. Ano na naman kayang problema niya? No'ng isang araw lang ay ang saya-saya niya at halos ayaw nang umalis sa bahay, tapos ngayon ganito siya?

"Hoy, hindi mo ba ako papansinin?" basag ko sa katahimikan dahil hindi ako makatiis na hindi siya komprontahin. Hindi ako sanay na hindi niya ako pinapansin. Excited pa naman akong makita siya ulit tapos ito ang sasalubing sa akin? Hindi niya ako papansin. Nakakainis!

Lalo akong nainis ng hindi niya a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status