Home / Romance / I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle / Chapter 3- Isa kang kahihiyan

Share

Chapter 3- Isa kang kahihiyan

Author: MeteorComets
last update Huling Na-update: 2025-01-09 16:01:45

Early in the morning, isang boses ang nagpagising kay Lilibeth.

Hindi maikakaila ang takot sa mukha niya nang makita niya ang daddy niya kasama ni Joliever.

“Anong kahihiyan ito, Lilibeth?”

Napatingin si Lilibeth sa labas ng pinto at nagulat siya nang makitang maraming empleyado ang nakatingin sa kaniya.

Dahan-dahang tumingin si Lilibeth sa tabi niya at napasinghap siya nang makitang may lalaking mahimbing na natutulog sa doon na walang saplot ng damit.

Slowly, bumabalik sa ala-ala niya ang nangyari kagabi.

Napasinghap siya nang maalala na sinuko niya ang sarili niya sa isang estranghero na nasa tabi niya.

Agad siyang tumayo bitbit ang kumot para maitago ang hubad niyang katawan.

“D-Dad, h-hindi … hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito! W-Wala akong alam dito.” Isang malakas na sampal ang natamo ni Lilibeth.

Makikita ang galit sa mukha ng kaniyang ama habang nakatingin sa kaniya.

“Isa kang kahihiyan sa pamilya, Lilibeth!”

Napatakip si Lilibeth sa kaniyang bibig habang mahigpit ang kaniyang paghawak sa balabal na nakayapos sa kaniyang hubad na katawan.

“Hindi ko aakalain na magagawa mo ito sa akin babe,” nasasaktang sabi ni Joliever sa kaniya. “Malaki ang respeto ko sayo. Hinintay kita na maging handa para sa akin pero hindi ko aakalain na basta basta ka lang pala bibigay sa lalaking yan!”

Hindi alam ni Lilibeth kung paano siya humantong sa sitwasyong ito.

Nakatalikod sa kanila ang lalaking naka-one night stand niya, nakadapa sa kama kaya hindi nila makita ang mukha nito.

“D-Dad, m-mali ito.” Umiiyak na sabi niya. “Maniwala ka, hindi ko alam. Wala akong alam.”

Lumapit siya kay Joliever, umaasang paniniwalaan siya ng boyfriend niya.

“Joliever, please, believe me! Wala akong alam dito. Tell dad na hindi ako kaladkaring babae. Alam mo yan.” Halos magtunog desperada na siya para lang paniwalaan siya ng boyfriend niya.

Lihim na ngumisi si Joliever. Of course, ito ang plano niya. Ang pahiyain si Lilibeth bago pa siya nito mapahiya. Inunahan na niya.

“Maniwala? Kitang kita ng mata ko at ng dad mo Beth kung anong klaseng babae ka! Niloko mo ‘ko! Pinagtaksilan! Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao nito?”

Kita ni Lilibeth na parang pinag-uusapan na siya ng ibang empleyado sa labas ng pinto.

“Anong nangyayari dito?”

Nanlaki ang mata ni Joliever nang makita niya ang lolo niya, kasama ni Aidan, ang may-ari ng hotel na ito.

‘Kung sini-swerte ka nga naman. Wala ka nang mukha na maitatago pa ngayon Beth! Sinong mag-aakalang dadating si lolo?’

“Sir,” agad na binati ni Bernado Maquiling—ama ni Lilibeth si Senior Floreza.

“Anong kaguluhan ito?” tanong niya. Tapos napatingin si Senior Floreza kay Beth.

Nakita ni Beth ang disappointment sa mukha ng lolo ni Joliever sa kaniya. Kilala na siya ng ibang pamilya ni Joliever, at maayos ang pagtanggap sa kaniya nito pero ngayon na nahuli siyang may kasamang ibang lalaki, nagbago ang ihip ng hangin.

“Akala ko ay ang apo ko ang unang gagawa ng kalokohan, Lilibeth. Hindi ko aakalaing ikaw pala.”

“Kahit ako lo, hindi ko rin inaasahan ito.” Sabi ni Joliever. “Hindi ko alam kung anong nagawa ko Beth para pagtaksilan mo ‘ko.”

Kumuyom ang kamao ni Lilibeth habang nakatingin kay Joliever.

“Pero nagtaksil ka rin naman, Joliever!” Umiiyak na sabi niya. “Kaya bakit kung makapagsalita ka e parang ako lang ang nagkasala sa relasyon natin?”

Sinampal na naman siya ng ama niya. “Anong klase kang babae Lilibeth para paghinalaang nagtaksil si Joliever sayo? Ito ba ang plano mo? Ang idawit siya sa kalokohan mo para lang maligtas mo ang sarili mo sa kahihiyang ito?”

Nakagat ni Lilibeth ang labi niya. Kahit kailan, hindi siya minahal ng ama niya. Kahit kailan, palagi siyang outcast sa pamilya.

Mariing hinawakan ng ama niya ang kaniyang panga, ang mata ay nag-aalab sa galit. Lumapit ang ama niya sa tenga niya at bumulong.

“Ayusin mo ang gulong ito, Lilibeth kung ayaw mong palayasin kita! Ibigay mo ang katawan mo kay Joliever kung maaari para lang patawarin ka niya. Hindi ka niya pwedeng hiwalayan!”

Mayaman ang angkan ng Floreza kaya maraming nangangarap na mapabilang sa pamilyang iyon.

Kaya galit na galit si Bernardo dahil mawawalan siya ng tsansa para mapalapit kay Senior Floreza.

Gusto niyang maging asawa ni Beth si Joliever dahil sa yaman ng pamilya nito. In short, ginagamit niya ang anak niya para makuha ang gusto nitong yaman at impluwensya.

Pero dahil sa kaguluhang ito, natatakot siyang baka e magkandeleche-leche pa ang plano niya.

Tumingin si Lilibeth sa dad niya. “Bakit ko yun gagawin? Bakit ako hihingi ng tawad sa kaniya kung siya ang unang nagkasala sa amin?”

“Nahihibang ka na ba?” hindi makapaniwalang ani ng ama niya sa kaniya.

“Hindi dad! Pero bakit ako lang ang may mali sa relasyong ito?” Tinuro ni Lilibeth si Joliever.

“Alam mo ba kung anong nangyari sa amin ng lalaking yan?”

“TUMIGIL KA, LILIBETH!”

“May sex video akong nakita sa phone niya, dad!” Ang sabi niya habang sunod-sunod na luha ang umaagos mula sa kaniyang mga mata.

Desperada na siyang makakuha ng kakampi. Gusto niyang kahit minsan lang e ipagtanggol siya ng papa niya.

Gusto niya, kahit ngayong oras lang e maramdaman niyang anak siya nito.

Nanlalabo na ang paningin niya dahil sa luha niya hanggang sa tuluyang nandilim ang paningin niya dahil sa kamay na nagtakip sa kaniyang mga mata.

Nagulat siya nang may matigas na bagay siyang naramdaman mula sa likuran niya.

At naramdaman nalang din niya ang hininga ng isang lalaki na tumama sa leeg niya.

“I am here, I will protect you.”

Mas lalo siyang naiyak dahil iyon ang salita na gusto niyang marinig sa ama niya. Hindi niya aakalain na maririnig niya yun sa ibang tao.

At alam niyang ang taong yun ay ang lalaking naka-one night stand niya.

Napasinghap sina Joliever, si Aidan na may-ari ng hotel at si Senior Floreza.

“I will take responsibility, sir.” Sabi no’ng estranghero sa ama ni Beth. “I will marry your daughter.”

“Lucio!” Ang sabi ni Senior Floreza na hindi inaasahang si Lucio pala ang kasama ni Beth sa kwartong ito.

Lucio is his youngest and illegitimate son.

“A-Anong g-ginagawa m-mo dito, uncle?” nauutal na tanong ni Joliever.

And yes, he’s Joliever’s uncle.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Athena Beatrice
Buti naman hahaha thank you uncle Lucio ...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   LAST CHAPTER

    After 3 years...Sa loob ng isang café, naroon si Lucio kasama ang mga anak niya.Sa isang round table, nakapalibot sila doon. Apat na chocolate shake at apat na chocolate cake ang nasa ibabaw ng mesa tapos isang kape.Despite of Lucio's busy schedule, dapat sa isang buwan, at least may oras siyang nakalaan para e date ang apat na prinsesa niya."Dada, nag-away ba kayo ni mama?" tanong ni Ada habang uminom ng shake."Same question kay Ada, dada." Ana"Hindi naman kami nag-away ng mama niyo. Why?" nagtaka siya."Really dad? But we heard her." Ava"Heard?" takang tanong ni Lucio at napabalik tanaw kung anong nangyari kahapon para masabi ng mga anak niya na nag-away sila ni Beth."Yes dada. Sabi pa nga ni mama, spank me hubby!" AyaBiglang nabilaukan si Lucio sa kape na iniinom niya. Yung mga tao naman sa tabi nila e biglang napatingin sa gawi nila."Tapos sabi pa ni mama-""Okay okay... Stop right there baby." Namumulang sabi ni Lucio.Huminto naman ang mga anak niya pero halata sa mukha

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   LAST CHAPTER

    Couple of months later...Dumating na ang araw na nasa hospital si Beth dahil manganganak na siya. Hawak-hawak ni Lucio ang kamay niya.He's being calm and compose kaya si Beth e hindi na rin kinakabahan."Are you okay wife? May masakit ba sa'yo?" he asked nang maramdaman na humigpit ang paghawak ni Beth sa kamay niya.Ngumiti si Beth at umiling.Kung nagkataon na matataranta si Lucio e baka ay nataranta na rin siya at nagpapanic.Sabi nila, yung mga asawa daw madalas ang nagpapanic but Lucio is different. Walang ganoon ang makikita sa mukha niya.Na para bang hindi siya kabado. "The doctor will be here in any moment."Tumango si Beth."Thank you hubby at hindi ka nagpapanic."Kinuha ni Lucio ang kamay niya at dinala iyon sa labi.He smiled. His reaction in the outside is quite different in the inside. "Yung mga gamit ng babies natin?""Nasa kay Aidan, pinahawak ko."Natawa si Beth. "Ginagawa mo talagang alila mo si sir Aidan.""He's my best friend, wife. And if he needs me, I'll be

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 243- Hubby is adorable

    Madaling lumipas ang mga araw at ang payapa na ng naging buhay ni Beth at Lucio. Sa sobrang payapa, si Beth e laging kinukulit si Lucio sa kaniyang trabaho para maghanap ng gulo. Pero si Lucio itong mahaba ang pasensya at parang ayos lang kung guluhin siya. Nagresign na si Beth sa trabaho, kaya nasa bahay nalang siya lagi. Si Leah naman ay umalis na at nasa UK na. Si Ten at Manzo ay nagpunta na rin ng Netherlands at wala na rin masiyadong balita si Beth tungkol sa dad niya. Pero hindi naman siya nag-aalala dahil alam niyang hindi ito pababayaan ni Ten. It’s Sunday, at dahil maganda ang panahon, plano niyang lumabas. “Ma’am Beth, saan po kayo pupunta?” “Exercise.” Pagkalagpas niya sa katulong, bigla itong nawala sa tabi niya. Alam niyang nasa kay Lucio na ito para ireport na lalabas siya. She’s 6 months old pregnant, pero sobrang laki ng tiyan niya na animo’y nakalunok siya ng maraming pakwan. Nabibigatan na rin siya sa tiyan niya pero kaya pa naman niyang makala

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 242- Gifts of Roween

    “Are you okay?” tanong ni Manzo kay Ten pagkauwi.“Yes dad.” Ngumiti ito at binigay ang pinadala ni Beth. “For you. Sabi niya, huwag ka daw magkasakit at kumain ka ng marami.”Ngumiti si Manzo nang makita ang mga niluto ng anak niya. ‘She’s really sweet just like her mother. Kapag nakikita ko siya, baka ay mas mahirapan lang akong makalimutan ang mama niya.’May nakita rin siyang note kasama ng mga pagkain. Agad niya yung kinuha at binasa.It’s from Beth.“Hi dad. How are you? Sabi ni Ten e maayos na raw ang pakiramdam mo. I just want to say that I forgave you and you’re still my dad. Huwag na po kayong mag-alala sa akin kasi inaalagaan po ako ni Lucio ng mabuti. I heard uuwi ka daw po ng Netherlands. Mag-iingat ka doon and when you’re sad at gusto mo kausap, please don’t hesitate to call me. Love you dad!”Napangiti siya at dinala niya ang note na iyon sa labi niya para kaniyang mahaIikan.Both Atilla and Beth are sweet child. Kahit kaninong anak pa sila, mamahalin pa rin niya ang da

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 241- Namalikmata

    A week afterMula no’ng nahimatay si Manzo, hindi na nakita ni Beth ang dad niya pero alam niyang maayos na ang kalagayan nito dahil patuloy na nagrereport si Ten sa kanila para ibalita ang kalagayan nito.At mula din no’ng nalaman niya ang tungkol kay Atilla, hindi na rin siya ilag kay Ten.At ngayon ay nasa bahay nila ito, binibisita sila.Kaya busy siya sa pag-aayos ng mga pagkain na gusto niyang ipadala kay Ten.“Ang dami naman niyan.” Natatawang sabi ni Ten sa kaniya. Si Lucio naman ay nasa tabi, pasimpleng sumusulyap.Hindi na siya kinakabahan kapag nasa malapit si Ten kay Beth dahil alam na niyang asawa ito ni Atilla.Hindi gaya no’ng una na halos patayin niya ito.“Oo para kumain ng marami si dad at ikaw rin, kumain ka rin ng marami ah? Hindi pwedeng magkasakit ka.”Ngumuso si Ten. “Ang weird. Ang bait mo na sa akin matapos mong malaman na brother-in-law mo ‘ko.”“Natural lang yun. Asawa ka ng kakambal ko kaya dapat lang na tratuhin kitang pamilya. Mahalaga ka na rin sa akin, T

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 240- I understand dad

    Dinala agad si Manzo sa hospital. Iyak nang iyak si Beth at takot na takot na baka napano ito.Pero matapos sabihin ng doctor na wala namang ibang kumplikasyon, nahimatay lang ito dahil sa labis na pagod at stress, nakahinga siya ng maluwag doon.Habang nakatulala siya sa kawalan, bigla niyang naramdaman ang kamay ni Lucio na nakapulupot sa bewang niya. Napatalon siya sa gulat at napalingon dito.Nang makita na si Lucio iyon, humaba ang nguso niya at naglalambing na yumakap dito.Mabigat pa rin ang loob niya. Gusto pa niyang umiyak at sabihin ang lahat ng dinaramdam niya.“Akala ko may nangyari ng masama sa kaniya.” Mahinang sabi niya. “Ayoko siyang mapahamak, hubby. Kahit na may nagawa siyang kasalanan, yung puso ko, kinikilala pa rin siya bilang ama ko. Kaya halos mamutla ako kanina nang bigla siyang natumba.”Hinigpitan ni Lucio ang pagyakap sa kaniya.Ramdam ni Lucio ang takot niya. Halos nabasa nga ang damit niya dahil sa malalaking butil ng mga luha ni Beth.“Gusto kong sisihin a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status