Share

Ch. 43

"Sir, alam na raw ng mga pulis kung saang island sila nag punta. Magpadala na po ba tayo ng tao sa isla na yun?" Nagmamadaling sambit ni Ms. Dein kay Red. Narito sila ngayon sa kotse patungong tanggapan ng mga police. Agad na napatingin si Red sa kaniyang sikretarya, "Iliko niyo ang sasakyan. Hindi na tayo tutuloy sa mga police, diretso na tayo sa island na yan. Magpadala ka na rin ng mga tao para simulan na ang paghahanap." Seryosong sambit ni Red. Tumango na lamang si Ms. Dein at agad na sinunod ang utos ng kaniyang boss. 

Tumatakbo ang oras at mas lalong nagbibigay ito ng kaba at takot kay Red. Hindi niya alam kung nasa maayos bang kalagayan si Atanasha o kung nasa peligro ba ito. Kaya naman wala na siyang gustong sayanging oras pa.

Habang nasa byahe ay biglang tumunog ang phone ng kaniyang sikretarya. Sinagot ito ni Ms. Dein at hindi mapigilan ni Red na mapatingin dito. Nagbabakasakaling impormasyon ito tungkol kay Atanasha.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status