Pagkahila ni Louise kay Hannah ay parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Louise.
“Hindi ko alam kung masusuka ako o matatae ako sa ginagawa mo kanina! Hannah! That is Raymond Olivarez!” Hindi mapakali si Hannah.
Napaikot lang ang mata ni Hannah. “Hindi ako takot sa kaniya.”
“Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang katapangan mo. Hindi ko alam kung matutuwa din ba ako o hindi.” Napabuntong hininga na lang si Hannah.
“Louise! Are you really just going to ignore me?”
Napalingon si Hannah sa pinanggalingan ng boses at nakita niya ang totoong pakay niya. Si Sylvie Olivarez, ang pinsan ni Raymond.
“Ugh! Pwede ba Sylvie! Hindi magre-relvolve ang mundo ko sayo. At ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi kita type,” inis na sabi ni Louise kay Sylvie.
“So, susuway ka sa sinasabi ng ama mo?” may pagbabantang tanong ni Slyvie kay Hannah.
“Oo! Dahil sawang sawa na ako sa pagpapaikot ng ama ko sakin. Kaya tigilan mo na ako!”
Nakita ni Hannah ang galit sa mukha ni Sylvie. Nagtaas ng kamay si Sylvie para sampalin si Louise pero agad itong pinigilan ni Hannah at itinulak palayo si Sylvie. Pero nawalan ito ng balanse at napaupo sa sahig.
“Ah! Ang sakit!” daing nito. Itinuro niya si Hannah at si Louise. “Makakarating ito sa ama mo, Louise!”
“Edi iparating mo! Simula ngayon wala na akong ama!” sabi Louise.
Parang bahag ang buntot na umalis si Sylvie at napagsolo sila ni Louise. Tila nakahinga ng maluwag si Louise.
Isang oras ang nakakaraan…
Tumawag ang ama ni Louise at pinapapunta siya sa date kung nasaan ang lalaking napupusuan ng ama ni Louise.
“Kung hindi lang kailangan ni Mama ng pera para sa gamot niya ay matagal ko nang nilisan ang papa ko,” malungkot na sabi ni Louise.
Matagal nang hiwalay ang magulang ni Louise dahil sa kabit ng ama ni Louise. Hindi naging madali ang buhay para sa kaniya lalo na’t nagkaroon ng anak na lalaki ang kaniyang ama sa kabit nito.
Sa side ng ama ni Louise, mas gusto nila ang lalaki kesa ang babae kaya naman hindi maganda ang estado niya sa bahay. Pero bilib si Hannah sa dedikasyon ni Louise. Kahit na ganun ang nangyari sa buhay ni Louise, gusto pa rin niyang maging isang tanyag na abogado.
“Paano kung tulungan kita, Louise,” pag–offer ni Hannah sa kaibigan.
“Pero hindi ba’t hindi rin maganda ang lagay mo ngayon sa pamilya mo?”
“Ang totoo niyan, ibinenta ko ang mga alahas na naibalik sakin. Ayaw pa ngang ibalik ni Margo ang mga iyon pero sinabi ng Kuya ko at ng Mama na papalitan na lang nila. Kaya imbis na ibigay ko sa kaniya, ay ibinenta ko na lang sa iba.”
Manghang napatingin si Louise sa kaniya. “Buti ka pa, kaya mong gawin ‘yan. Pero ako, nasa kamay ng aking ama ang buhay ng aking ina.”
“Pwede kitang pahiramin ng pera at ibalik mo na lang kapag naging successful ka na,” sabi ni Hannah.
Nanlaki ang mata ni Louise.
“Totoo ba ‘yang sinasabi mo?”
“Yes, totoo ang sinasabi ko. Kailan ba ako nagsinungaling sayo?” Nakangiting sabi ni Hannah.
Niyakap siya ni Louise. Makikita ang katuwaan sa mukha niya.
Napagdesisyunan ni Hannah na harapin ang lalaking sumusuyo kay Louise. Pero nung dumating sila doon, agad napukaw ng maya ni Hannah si Raymond at pagkasabi ni Louise ng Olivarez ay nagpintig kaagad ang tenga niya at sinugod si Raymond.
Pero hindi niya akalain na maling tao pala ang sinugod niya. Napabuntong hininga na lang si Hannah.
“Bilib ako sa tapang mo, Hannah,” sabi ni Louise.
“Wag mo na ipaalala at parang gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko.” Napahinga ng malalim si Hannah.
“Pero ah, sabi nila na kapag ginalit mo ang isang Raymond Olivares, hindi mo alam kung bukas ay buhay ka pa o hindi.”
“Pero hindi ba, bali-balita noon na babaero siya?” Tanong ni Hannah.
“Oo totoo ‘yon. Pero may sabi-sabi din na nagbago siya tatlong taon na ang nakakaraan, bago ka pa mawala,” paliwanag ni Louise. “Sabi ng iba, may naging seryosong karelasyon siya. Pero hindi ko alam kung totoo.”
“Well, kung ano man sa dalawa, hindi na magiging maayos ang tingin ko sa kaniya. Sabi nga nila, once a playboy, always a playboy.”
“Pero sabi din nila, once a playboy falls in love, they love hard!”
Nagkibit bakikat na lang si Hannah. Hindi siya naniniwala sa kasabihan na 'yon. Naghiwalay na rin sila ni Louise. Umuwi si Hannah na sakay ng taxi. Pero hindi niya inaakalang sasalubungin siya ng kaniyang Ina.
“Saan ka galing?” Tanong nito.
“Lumabas po kasama si Louise,” sagot ni Hannah.
Napataas ang kilay ni Miranda ng marinig niya ang sagot ni Hannah.
“Hannah, hindi ka pa magaling. Siguro, iwasan mo muna ang paglabas mo kasama ang kaibigan mo.
Malumanay ang pagkakasabi ni Miranda kay Hannah, pero malinaw ang ibig sabihin nito ay huwag niyang ikalat ang sakit na meron siya. Kung meron man siya.
Masakit marinig ‘yon lalo na’t mula ito mismo sa sarili niyang ina.
“Pero hindi po ba’t sinabi ko sa inyo na wala akong sakit?”
“Ma! Ate Hannah, nakabalik ka na pala,” masayang bati ni Margo.
Napa ikot na lang ang Mata ni Hannah. Aalis na sana siya ng pigilan siya ni Margo.
“Ate Hannah… Can I trade you the jewelries mom and I bought? I really liked your jewelries, pwede ba na makipagpalit sayo?”
Binigyan siya ni Margo ng nakakaawang tingin. Napangisi si Hannah. Sa tingin ba niya, gugustuhin niyang makuha ulit ni Margo ang lahat sa kaniya.
“Ay ganun ba? Pero pasensya na, Margo. Pero…Nabenta ko na e,” nakangiting sabi ni Hannah.
Nanlaki ang mata ni Miranda at ni Margo.
“B-Bakit? Kung ayaw mo na sa kanila, bakit hindi mo na lang ibigay sakin?” Tanong ni Margo.
Lumapit si Hannah kay Margo na may ngisi sa labi. At bumulong siya kay Margo.
“Dahil ayokong may makuha ka pa mula sa akin, Margo. Kahit na kailan, hindi ka magiging ako.”
Napansin ni Hannah ang pagkagulat sa mukha ni Margo. Ipinangako ni Hannah na pagbabayarin niya si Margo sa mga nangyari sa kanya ng dalawang taon.
Pagkahila ni Louise kay Hannah ay parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Louise.“Hindi ko alam kung masusuka ako o matatae ako sa ginagawa mo kanina! Hannah! That is Raymond Olivarez!” Hindi mapakali si Hannah.Napaikot lang ang mata ni Hannah. “Hindi ako takot sa kaniya.”“Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang katapangan mo. Hindi ko alam kung matutuwa din ba ako o hindi.” Napabuntong hininga na lang si Hannah. “Louise! Are you really just going to ignore me?” Napalingon si Hannah sa pinanggalingan ng boses at nakita niya ang totoong pakay niya. Si Sylvie Olivarez, ang pinsan ni Raymond. “Ugh! Pwede ba Sylvie! Hindi magre-relvolve ang mundo ko sayo. At ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi kita type,” inis na sabi ni Louise kay Sylvie.“So, susuway ka sa sinasabi ng ama mo?” may pagbabantang tanong ni Slyvie kay Hannah.“Oo! Dahil sawang sawa na ako sa pagpapaikot ng ama ko sakin. Kaya tigilan mo na ako!”Nakita ni Hannah ang galit sa mukha ni Sylvie. Nagtaas ng kamay si S
Nasa isang restaurant si Raymond habang inaantay ang kaibigan niyang si Ryan. Naalala ni Raymond ang si Hannah at ang matapang na sagot nito sa kaniya nung nakaraan. Napangisi na lang siya.“Oh, mukhang good mood ka. Himala ‘yan.”Napalingon si Raymond at nakita niya ang kaibigan na si Ryan. Umupo ito sa harap niya at napataas ang kilay habang nakangisi. “May isang magandang bininbini ka bang nakita at ganyan na lang ang ngiti mo?” tanong ni Ryan.“Alam mo, ako ang naapagkamalang babaero imbis na ikaw. Ikaw naman talaga ang palikero sa ating dalawa, pero bakit ako ang naalala ng lahat?” may inis sa tono ni Raymond.“What? Are you going to deny that past of yours? Bakit totoo naman na palikero ka.”“That was in the past but not anymore!”“Oo nga pala, loyal ka nga pala sa kaniya. Ang iyong first love!” may pangaasar na sabi ni Ryan.Napailing na lang si Raymond sa sinasabi ni Ryan. Pero totoo ang sinabi ng kaibigan. Totoong babaero siya noon, dahil alam niyang walang seseryoso din sa
Napaunat si Hannah habang nakatinginsa garden. Napangiti siya. Sa dalawang taong pagkakawala niya, natutunan niyang maging independent. Nagisip na rin siya ng mga kailangan niyang bilhin.Balak niya kasing ibenta lahat ng alahas niya kapalit ng pera pambili ng kailangan niya dahil sigurado siya na wala siyang makukuha sa sarili niyang magulang. Pagkatapos niyang magayos ng sarili ay umalis siya.Dinala niya sa second hand jewelry store ang mga alahas na nakuha niya mula kay Margo. Madaming ng nakuha si Margo mula sa kaniya, pero hindi na niya hahayan na mangyari iyon.“Ibibigay ko sayo ito for 50 million pesos,” sabi ng Jewelry manager.“I’ll take it,” Nakangiting sabi ni Hannah. Agad na binigay sa kaniya ang cheke. Agad na dinala ni ang cheke sa bangko at gumawa siya ng bagong account na para sa sarili niya. Pagkatapos ay nagdesisyon siyang bumili ng bagong cellphone.Pagbalik niya sa mansyon ay di niya inaasahan na may darating na bisita pero para sa kaniya ang bisita.“Hannah!” hi
Ngayon ay nasa sala sila. Nakaalis na rin ang mga pulis pero parang kaaway ni Hannah ang kaniyang pamilya, kahit na ang Kuya niyang si Wallace na dati’y mahal na mahal siya ay hindi niya naging kakampi.Pero bakit nga ba siya magiging kakampi ng sarili niyang kapatid. Kung ang magulang nga niya ay nabilog na ni Margo, kuya pa kaya niya? Nakaupo si Hannah sa isang sofa habang magkakasama naman sa isang puwesto ang mga magulang niya, si Margo, si Kevin at si Wallace. “Bakit mo ginawa iyon kay Mr. Olivarez. Alam mo bang matagal ng sinusuyo ng papa mo si Mr. Olivarez para maging ka sosyo sa negosyo?” sabi ni Miranda.“He offeneded us first, bakit ko hindi gawin sa kanya ang ginawa kay Papa?” sabi ni Hannah.Tila papanawan ng ulirat si William sa sagot ni Hannah. Ang talentadong anak niyang si Hannah, na matalino at mabait, bakit ganito na siya ngayon? “Hannah, anong pinagsasabi mo? Hindi ka naman ganito noon!” sabi ni Wallace.“Kuya, sa dami ng karanasan ko nitong dalawang taon, sa tin
Inaasahan ni Hannah na mainit ang pagsalubog sa kaniya ng kaniyang mga magulang pagkatapos niyang mawalay sa kanila. Pero hindi ganun ang pagsalubong ang bumungad sa kaniya.Hiyawan at palakpakan ang sumalubong sa kanya pero hindi para sa kanya.“Congratulations in your engagement, Margo and Kevin,” bati ng mga tao sa dalawang tao na nasa stage na naka-set up sa garden ng kanilang mansyon.Masaya ang lahat pero hindi si Hannah. Dalawang taon siyang nagtiis sa kamay ng mga dumakip sa kaniya dahil sa iniligtas niya si Margo, dalawang taon na ang nakakalipas. Dalawang taon siyang naghirap at makaramdam ng gutom na kailan man hindi niya naransan noon.Pero imbis na hanapin siya ay eto at nagsasaya sila? Talaga bang nakalimutan na nila siya?Napasin ni Miranda, ang ina ni Hannah na may nakatingin sa kaniya. Napatingin siya sa direksyon kung saan niya nararamdaman ang tingin na iyon at nagulat siya ng makita si Hannah sa likod ng madaming tao.“Hannah…” Hindi makapaniwalang usal ni Miranda.