로그인Maagang-maaga pa nang huminto ang isang itim na sasakyan sa tapat ng maliit na bahay ng pamilya ni Lance.Bumaba si Sandra na bit-bit ang isang magandang supot na may lamang prutas. Maayos ang suot niya, pati ang buhok at make-up. Nakasukbit ang mamahaling bag at kung marunong ka tumingin malalaman mong mamahalin ‘yon.Ilang sandali siyang nakatayo sa harap ng pintuan bago kumatok.“Sandali!” malakas na sabi ng mama ni Lance.Bumukas ang pinto. Lumabas ang ina ni Lance na si Marissa, hawak ang walis tambo. Napatingin ito kay Sandra at nagtataka.“Magandang umaga po,” magalang na bati ni Sandra.“Magandang umaga.” Bahagyang kumunot ang noo ni Marissa. “Sino ka naman?”“Ako po si Sandra. Ako ang amo ni Lance.”Agad nagbago ang ekspresyon ni Marissa. “Amo?” nataranta bigla si Marissa.“Opo.” matamis ang ngiting sagot ni Sandra.“I-ikaw yung kausap ko kanina?” Napangiti si Mariss.Ngumiti at tumango si Sandra at iniabot ang supot kay Marissa.“Nako, salamat nag-abala ka. Halika pasok ka p
Tahimik sa loob ng bahay tanging ang mahinang ugong ng electric fan at ang putol-putol na pag-yak ng isang taong gulng na si Lucas ang maririnig sa loob.Katatapos lang ni Elena linisan ang anak nang marinig niya ang tunog ng isang sasakyang huminto sa labas. Nagtataka naman si Elena dahil wala siyang inaasahan na bisita at lalong walang sasakyan ang bibisita sa kanya.Napatingin siya sa orasan, alas otso ng gabi. Sumilip siya sa bintana at doon mismo sa tapat nila mismo pumarada ang itim na kotse. At ganun nalang ang pagbilis nang tibok ng puso niya ng mapagsino ito si Lance.Hindi niya ito inaasahang uuwi at ngayong gabi pa kaya naman mabilis na lumapit si Elena at inayos ang suot niyang lumang pambahay. Nakatali lang basta-basta ang buhok niya at may mga nakalaylay na ilang hibla. Kinarga si Lucas at excited na sinalubong niya sa pintuan ang asawa.“Lance napauwi ka bigla? Sana sinabi mo at–”Nakasimangot ito, halatang nagmamadali. Naka-uniform pa mula sa trabaho at may maliit na b
Maagang nagising si Elena dahil sa iyak ni Lucas. Dahan-dahan siyang bumangon at agad na nilapitan.“Shh… nandito si Mommy.” Binuhat niya si Lucas mula sa kama at marahang hinaplos ang likod nito.Dinampot ni Elena ang cellphone para tingnan ang message ng asawa ngunit nagtaka siya dahil wala itong message. Alas siyete na ng umaga na kadalasan ay laging may message ito.Sinubukan kang tawagan ni Elena ang asawa pero panay lang ring walang sumasagot. Baka may ginagawa na at nakalimutang mag-message. Dibale sabado ngayon uuwi siya mamaya.Dahil sa nasa isip ni Elena ay masayang kumilos siya. Pagkatapos pakainin si Lucas, nagsimula na ang karaniwang gawain ni Elena.Maghugas ng mga bote at maglaba pati na ang maglinis dahil para dumating ang asawa makitang malinis ang bahay nila.Habang nagluluto ng pagkain ay hindi maiwasan ni Elena ang paulit-ulit na tingnan ang cellphone. Bandang tanghali, wala pa ring message si Lance sa kanya kaya naman siya na ang nagkusa.Kumain ka na ba?Ilang m
SPG ALERT!Maingay at patay sindi na ilaw, sigawa at tawanan. Mga nagsasayawan at masasayang mga tao sa bawat sulok ng bar kung saan dinala ni Sandra si Lance. Hindi naman makapaniwala si Lance na makakapunta siya sa ganung lugar dahil first time niya makapasok sa bar at dahil ‘yon sa kanyang amo.“Nagustuhan mo ba dito?” Malakas na bulong ni Sandra na halos dumikit na ang labi sa tenga ni Lance.“Yes ma'am! Na-relax ako.” Malakas rin na sagot ni Lance, ilang bote na rin ang naiinom nila.Nagpatuloy sila sa pag-inom at hindi nila namamalayan halos maghalikan na silang dalawa sa tuwing bumubulong si Sandra at lilingon si Lance. Nagdidikit na ang labi nilang dalawa.Hawak ni Sandra sa braso si Lance at hinatak palapit sa kanya.“Sa hotel na lang tayo.” malakas na sabi ni Sandra.Tumingin si Lance sa kanyang amo. Ang mga mata ni Sandra ay mapungay na, ang kanyang mga labi ay bahagyang nakaawang na para bang inaanyaya na si Lance. "Sigurado po ba kayo, Ma'am?" tanong ni Lance, bagaman
"Foreman!"Napalingon si Lance sa tawag ng isa sa mga tauhan. Kasalukuyang pinag-aaralan at pinagmamasda ang sinisimulang gawin ng mga trabahador."Boss, may problema sa delivery."Mabilis siyang lumapit sa gilid ng kalsada kung saan nakaparada ang isang truck na puno ng mga kahon ng materyales."Anong problema?" Tanong niya kay Carlos ito ang isa sa pinagkakatiwalaan niya."May kulang sa listahan." Anito sabay abot ng clipboard kung nakaipit ang resibo.Kinuha ni Lance ang clipboard mula sa kamay nto at isa-isang tiningnan ang mga nakalista."Fifty bags dapat 'to.""Forty five lang po ang nasa invoice."Napakunot ang noo niya. "Nasaan yung unang resibo?" Tanong niya kay Carlos.Iniabot iyon sa kanya at matagal niyang tiningnan bago umiling."May mali rito. Tawagan mo supplier." Utos niya."Opo." Agad na tugon ni Carlo.Hindi pa man nakakalayo ito nang marinig ni Lance ang isang sasakyan mula sa likuran niya. Paglingon niya, nakita niya ang itim na SUV at bumukas ang pinto.Lumabas si
Hindi pa sumisikat ang araw nang bumaba si Lance mula sa jeep. Agad niyang naramdaman ang init dahil sa panahon kahit maaga palang ay mainit na. Nagbabalak na siya mag-loan ng motor dahil para hindi siya mahirapan bumyahe.Pagdating niya sa site kung saan ang bagong proyekto niya. Humugot siya ng malalim na hininga habang inaayos ang suot niyang helmet at tinitingnan ang malaking lupang nasa harapan niya.Dito itatayo ang bagong proyekto, isang rest house at hindi ito basta ordinaryong rest house. Ayon sa kanyang supervisor, isa itong mamahaling property na pagmamay-ari ng isang babaeng negosyante na bihirang lumabas sa kanilang siyudad.Malawak ang lupain at napapalibutan iyon ng mga puno at matatanaw mula sa mataas na bahagi ng property ang malawak na kabundukan. Sa gilid ay may maliit na ilog na dumadaloy papunta sa mababang bahagi ng lupa.Kung hindi lamang siya nagtatrabaho, marahil ay maiisip niyang magandang lugar iyon para sa isang bakasyon. Kasama ang mag-ina niya. Biglaan an


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




