공유

chapter 7

작가: BM_BLACK301
last update 게시일: 2026-09-08 22:34:12

Tahimik sa loob ng bahay tanging ang mahinang ugong ng electric fan at ang putol-putol na pag-yak ng isang taong gulng na si Lucas ang maririnig sa loob.

Katatapos lang ni Elena linisan ang anak nang marinig niya ang tunog ng isang sasakyang huminto sa labas. Nagtataka naman si Elena dahil wala siyang inaasahan na bisita at lalong walang sasakyan ang bibisita sa kanya.

Napatingin siya sa orasan, alas otso ng gabi. Sumilip siya sa bintana at doon mismo sa tapat nila mismo pumarada ang itim na kotse. At ganun nalang ang pagbilis nang tibok ng puso niya ng mapagsino ito si Lance.

Hindi niya ito inaasahang uuwi at ngayong gabi pa kaya naman mabilis na lumapit si Elena at inayos ang suot niyang lumang pambahay. Nakatali lang basta-basta ang buhok niya at may mga nakalaylay na ilang hibla. Kinarga si Lucas at excited na sinalubong niya sa pintuan ang asawa.

“Lance napauwi ka bigla? Sana sinabi mo at–”

Nakasimangot ito, halatang nagmamadali. Naka-uniform pa mula sa trabaho at may maliit na bag na nakasukbit sa balikat.

Hindi man lang ito tumingin sa kanilang mag-ina.

“Lance?” muling tawag niya dahil parang wala itong nakita.

Lumingon naman si Lance ngunit halata ang pagkairita.

“May kukunin lang ako.” tipid nitong sagot.

Natigilan si Elena. “May kukunin bakit ano?” Takang tanong niya. “Yung kotse kanino yon?” Dagdag niyang tanong.

“May kailangan ako. Sa amo ko ‘yang kotse, puwede ba mamaya ka na magtanong?” Masungit na sagot ni Lance at nagmamadali na nagtungo sa kuwarto.

Napakapit si Elena kay Lucas. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong malamig na pakiramdam ang sa loob niya ngunit pilit na nilalabanan.

Dati, kapag umuuwi si Lance kahit pagod na pagod ito, yayakapin siya mula sa likod habang nagluluto o kaya kahit na anong ginagawa ni Elena. Minsan naman, hahalikan nito ang noo niya at bubulong ng…

“Miss na kita.”

Ngayon, parang hindi man lang siya nakikita at hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Sinundan niya ito habang papasok sa kwarto bit-bit si Lucas.

“Anong kailangan mo? Tutulungan kitang hanapin,” sabi niya. 

“Passport ko.”

“Passport? B-bakit?” takang tanong niya at panay ang kalkal sa cabinet.

“May pupuntahan.” muling tipid na sagot ni Lance.

“Saan naman?” tanong pa niya habang nakasunod sa ginagawa ng asawa.

“Abroad.” tipid ulit na sagot ni Lance.

Napakurap si Elena. “Abroad?” mahinang pagkakasabi niya. Hindi na sumagot si Lance. Patuloy lamang itong naghahalungkat.

“Bakit? May project ba doon?” maya’y tanong pa niya.

“Hindi.” sagot ko ni Lance na naaburido na.

“Ee, ano pala?” Tanong pa ulit niya dahil wala siyang makuhang maayos na sagot ni Lance.

Napabuntong-hininga si Lance. “May kasama akong aalis.”

Napakunot ang noo ni Elena dahil sa sagot ni Lance.

“Ha? S-sino naman?” awang ang bibig niya pang tanong.

Huminto sandali ang kamay ni Lance at pagkatapos ay kinuha nito ang passport na nasa ng folder. Kinuha iyon ni Lance dahil balak sana mag-abroad pero hindi natuloy dahil nag-asawa na siya.

“May kailangan lang akong asikasuhin.”

Lumapit si Elena. “Lance, asawa mo ako. Hindi ba puwedeng malaman ko kung saan ka pupunta at kung ano talaga ang gagawin mo doon?” mahinahong tanong niya.

Napatingin sa kanya si Lance, saglit na napatingin sa mata ni Elena si Lance pero agad nitong ipinilig ang ulo.

Pakiramdam ni Elena isang estrangherong ang tingin sa kanya ng asawa.

“Hindi lahat kailangan mong tanungin, Elena.” mahina ngunit mababakas mo ang malamig na tono.

Natahimik siya at napayakap ang malit na braso ni Lucas sa leeg niya at kahit paano ay kumalma siya sa yakap ng anak.

“Nagtatanong lang naman ako.” basag niya sa katahimikan dahil tinitingnang mabuti ni Lance ang passport nito.

Hindi na siya sinagot ni Lance at naglakad palabas ng kuwarto, muling sumunod si Elena.

“Lance…” hawak niya sa braso ng asawa pero mabilis itong umiwas na kinagulat niya.

Napahinto ang kamay niya sa ere. Parang may kung anong kumurot sa dibdib niya.

“B-Bakit?” tanong niya at sinusubukang kontrolin ang emosyon.

“Wala.” tanging sagot ni Lance habang busy mag-type sa cellphone.

“B-Bakit ayaw mong magpahawak sa akin?” halos mahirapan na si Elena banggitin ang salita dahil sa nararamdaman niya.

“Pagod ako at pawisan.”

“Lagi ka na lang pagod.” biglang nabigkas niya.

Hindi sumagot si Lance. Lumapit pa rin si Elena at sinubukang hawakan ang kamay nito. Ngunit bago pa niya tuluyang mahawakan, muli itong umatras at mas mabilis kaysa kanina at tiningnan si Elena mula ulo hanggang paa.

Napatingin siya sa sarili dahil sa paraan ng pagtingin sa kanya ni Lance, bigla niyang naalala kung gaano siya kasimple ngayon hindi  katulad noong mga unang buwan ng kanilang pagsasama.

Noon, kahit wala silang gaanong pera, sinisikap niyang mag-ayos bago umuwi si Lance. Ngayon, madalas ay wala na siyang oras kahit magsuklay nang maayos.

Dahil kay Lucas sa bahay dahil nasa isip niya iyon ang paraan para maipakita niya kay Lance na mabuting asawa siya at inaalagaang mabuti ang anak nila.

“Lance…” mahinang tawag niya pero sapat na para marinig ni Lance dahil saglit itong nilingon siya. “May problema ba sa akin?” Kumunot ang noo ni Lance dahil sa tanong niya.

“Wala.” tipid ulit na sagot nito.

“Sigurado ka ba?” dagdag pa niya.

“Oo. Kaya tumigil ka na sa pagtatanong,” walang ganang sabi nito. 

“Parang… ayaw mo na akong lapitan pero sana huwag mo naman gawin sa anak natin.” naiiyak na pagkakasabi niya.

Hindi umimik si Lance, ang katahimikang iyon ang mas masakit kaysa sa anumang sagot nito. Napayuko si Elena.

“May ginawa ba ako?” muli niya pang tanong dahil hindi niya maisip kung may nagawa ba siyang mali.

“Wala kang ginawa.” sagot ni Lance na hindi tinitingnan si Elena dahil busy sa kaka-type.

“Bakit parang—”

“Sinabi ko nang wala!”

Medyo napataas na ang boses ni Lance at napaatras si Elena. Maging si Lucas ay napalingon, napansin iyon ni Lance at agad na napabuntong-hininga.

“Aalis na ako.”

“Ngayon ka pa lang dumating aalis ka na?” Lapit niya kay Lance at mabilis na pinunasan ang luha.

“May trabaho pa bukas at alam mo namang maaga ang pasok ko.”

“Pero kakauwi mo lang ngayon, hindi ka ba puwedeng magtagal kahit isang oras pa?” Pahina na ang boses niya pagdating sa dulo dahil sa nararamdaman niya.

“Passport lang naman ang kailangan ko kaya ako umuwi.”

Sagot ni Lahat at nagmamadali ng lumabas ng p***o, wala man lang halik o yakap at hindi man lang kinarga si Lucas kahit saglit.

Wala man lang tanong kung kumain na ba siya. Ni hindi nito hinaplos ang ulo ni Lucas. Naiwan si Elena sa may pintuan habang nakatanaw sa papaalis ng kotse. Nang mawala na sa paningin niya ang kotse doon sunod-sunod na nagbagsakan ang luhang kanina pa pinipigilan ni Elena.

Napaupo siya habang yakap ng mahigpit ang anak dahil parang hirap na siyang makahinga dahil sa sobrang pag-iyak.

“Pa-pa.” 

Mas lalong napaiyak si Elena ng banggitin ni Lucas ang ama nito, hinalikan ni Elena ang pisngin ng anak at nalagyan na ng luha.

“Lucas anak babalik si papa, baka sobrang pagod lang siya. Hayaan mo kakausapin ni mama si daddy aa…” 

Kausap ni Elena sa anak at pilit na kinakalma ang isip dahil kasama niya ang anak hindi siya puwedeng maging mahina. Kakausapin niya si Lance pag-uwi ulit nito, ngunit walang kaalam-alam si Elena sa nangyayari sa asawa niya at kung uuwi pa ito sa kanila.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Is It Too Late My Love?   chapter 8

    Maagang-maaga pa nang huminto ang isang itim na sasakyan sa tapat ng maliit na bahay ng pamilya ni Lance.Bumaba si Sandra na bit-bit ang isang magandang supot na may lamang prutas. Maayos ang suot niya, pati ang buhok at make-up. Nakasukbit ang mamahaling bag at kung marunong ka tumingin malalaman mong mamahalin ‘yon.Ilang sandali siyang nakatayo sa harap ng pintuan bago kumatok.“Sandali!” malakas na sabi ng mama ni Lance.Bumukas ang pinto. Lumabas ang ina ni Lance na si Marissa, hawak ang walis tambo. Napatingin ito kay Sandra at nagtataka.“Magandang umaga po,” magalang na bati ni Sandra.“Magandang umaga.” Bahagyang kumunot ang noo ni Marissa. “Sino ka naman?”“Ako po si Sandra. Ako ang amo ni Lance.”Agad nagbago ang ekspresyon ni Marissa. “Amo?” nataranta bigla si Marissa.“Opo.” matamis ang ngiting sagot ni Sandra.“I-ikaw yung kausap ko kanina?” Napangiti si Mariss.Ngumiti at tumango si Sandra at iniabot ang supot kay Marissa.“Nako, salamat nag-abala ka. Halika pasok ka p

  • Is It Too Late My Love?   chapter 7

    Tahimik sa loob ng bahay tanging ang mahinang ugong ng electric fan at ang putol-putol na pag-yak ng isang taong gulng na si Lucas ang maririnig sa loob.Katatapos lang ni Elena linisan ang anak nang marinig niya ang tunog ng isang sasakyang huminto sa labas. Nagtataka naman si Elena dahil wala siyang inaasahan na bisita at lalong walang sasakyan ang bibisita sa kanya.Napatingin siya sa orasan, alas otso ng gabi. Sumilip siya sa bintana at doon mismo sa tapat nila mismo pumarada ang itim na kotse. At ganun nalang ang pagbilis nang tibok ng puso niya ng mapagsino ito si Lance.Hindi niya ito inaasahang uuwi at ngayong gabi pa kaya naman mabilis na lumapit si Elena at inayos ang suot niyang lumang pambahay. Nakatali lang basta-basta ang buhok niya at may mga nakalaylay na ilang hibla. Kinarga si Lucas at excited na sinalubong niya sa pintuan ang asawa.“Lance napauwi ka bigla? Sana sinabi mo at–”Nakasimangot ito, halatang nagmamadali. Naka-uniform pa mula sa trabaho at may maliit na b

  • Is It Too Late My Love?   chapter 6

    Maagang nagising si Elena dahil sa iyak ni Lucas. Dahan-dahan siyang bumangon at agad na nilapitan.“Shh… nandito si Mommy.” Binuhat niya si Lucas mula sa kama at marahang hinaplos ang likod nito.Dinampot ni Elena ang cellphone para tingnan ang message ng asawa ngunit nagtaka siya dahil wala itong message. Alas siyete na ng umaga na kadalasan ay laging may message ito.Sinubukan kang tawagan ni Elena ang asawa pero panay lang ring walang sumasagot. Baka may ginagawa na at nakalimutang mag-message. Dibale sabado ngayon uuwi siya mamaya.Dahil sa nasa isip ni Elena ay masayang kumilos siya. Pagkatapos pakainin si Lucas, nagsimula na ang karaniwang gawain ni Elena.Maghugas ng mga bote at maglaba pati na ang maglinis dahil para dumating ang asawa makitang malinis ang bahay nila.Habang nagluluto ng pagkain ay hindi maiwasan ni Elena ang paulit-ulit na tingnan ang cellphone. Bandang tanghali, wala pa ring message si Lance sa kanya kaya naman siya na ang nagkusa.Kumain ka na ba?Ilang m

  • Is It Too Late My Love?   chapter 5

    SPG ALERT!Maingay at patay sindi na ilaw, sigawa at tawanan. Mga nagsasayawan at masasayang mga tao sa bawat sulok ng bar kung saan dinala ni Sandra si Lance. Hindi naman makapaniwala si Lance na makakapunta siya sa ganung lugar dahil first time niya makapasok sa bar at dahil ‘yon sa kanyang amo.“Nagustuhan mo ba dito?” Malakas na bulong ni Sandra na halos dumikit na ang labi sa tenga ni Lance.“Yes ma'am! Na-relax ako.” Malakas rin na sagot ni Lance, ilang bote na rin ang naiinom nila.Nagpatuloy sila sa pag-inom at hindi nila namamalayan halos maghalikan na silang dalawa sa tuwing bumubulong si Sandra at lilingon si Lance. Nagdidikit na ang labi nilang dalawa.Hawak ni Sandra sa braso si Lance at hinatak palapit sa kanya.“Sa hotel na lang tayo.” malakas na sabi ni Sandra.Tumingin si Lance sa kanyang amo. Ang mga mata ni Sandra ay mapungay na, ang kanyang mga labi ay bahagyang nakaawang na para bang inaanyaya na si Lance. "Sigurado po ba kayo, Ma'am?" tanong ni Lance, bagaman

  • Is It Too Late My Love?   Chapter 4

    "Foreman!"Napalingon si Lance sa tawag ng isa sa mga tauhan. Kasalukuyang pinag-aaralan at pinagmamasda ang sinisimulang gawin ng mga trabahador."Boss, may problema sa delivery."Mabilis siyang lumapit sa gilid ng kalsada kung saan nakaparada ang isang truck na puno ng mga kahon ng materyales."Anong problema?" Tanong niya kay Carlos ito ang isa sa pinagkakatiwalaan niya."May kulang sa listahan." Anito sabay abot ng clipboard kung nakaipit ang resibo.Kinuha ni Lance ang clipboard mula sa kamay nto at isa-isang tiningnan ang mga nakalista."Fifty bags dapat 'to.""Forty five lang po ang nasa invoice."Napakunot ang noo niya. "Nasaan yung unang resibo?" Tanong niya kay Carlos.Iniabot iyon sa kanya at matagal niyang tiningnan bago umiling."May mali rito. Tawagan mo supplier." Utos niya."Opo." Agad na tugon ni Carlo.Hindi pa man nakakalayo ito nang marinig ni Lance ang isang sasakyan mula sa likuran niya. Paglingon niya, nakita niya ang itim na SUV at bumukas ang pinto.Lumabas si

  • Is It Too Late My Love?   Chapter 3

    Hindi pa sumisikat ang araw nang bumaba si Lance mula sa jeep. Agad niyang naramdaman ang init dahil sa panahon kahit maaga palang ay mainit na. Nagbabalak na siya mag-loan ng motor dahil para hindi siya mahirapan bumyahe.Pagdating niya sa site kung saan ang bagong proyekto niya. Humugot siya ng malalim na hininga habang inaayos ang suot niyang helmet at tinitingnan ang malaking lupang nasa harapan niya.Dito itatayo ang bagong proyekto, isang rest house at hindi ito basta ordinaryong rest house. Ayon sa kanyang supervisor, isa itong mamahaling property na pagmamay-ari ng isang babaeng negosyante na bihirang lumabas sa kanilang siyudad.Malawak ang lupain at napapalibutan iyon ng mga puno at matatanaw mula sa mataas na bahagi ng property ang malawak na kabundukan. Sa gilid ay may maliit na ilog na dumadaloy papunta sa mababang bahagi ng lupa.Kung hindi lamang siya nagtatrabaho, marahil ay maiisip niyang magandang lugar iyon para sa isang bakasyon. Kasama ang mag-ina niya. Biglaan an

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status