MARAMING beses na akong humikab simula pagdating ko dito sa kompanya. Pa'no kasi ay madaling araw na kami natulog ni Nicole dahil sa kakaisip ng puwede namin'g gawin sa kasal nina Lesley at Jordan.Nakadalawang tasa na rin ako ng kape pero pakiramdam ko ay hinihila talaga ako ng higaan.Napagdesisyunan kong umidlip muna saglit habang wala pa si Mr. President. Ngunit, hindi sinasadyang napasarap na ang tulog ko.Naalimpungatan lamang ako ng maramdaman kong may nag-alis ng salamin sa aking mga mata.Dahan-dahan akong nagmulat at gayo'n na lamang ang aking pagkagulat matapos kong mapagsino ang lalaking naririto ngayon sa aking harapan.Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata para lang masigurado na totoo nga ang aking nakikita."Siya talaga eh!" bigla ay naibulalas ko."Oh, ba't parang hindi ka yata makapaniwala na ako ang naririto ngayon sa harapan mo? Bakit, may inaasahan ka bang bisita na darating ngayon?" Sunud-sunod niyang tanong saakin.Bigla akong natawa sa mga sinabi niya. Muntik n
NAPABUNTONGHININGA na lamang ako matapos patayin ni Iñigo ang tawag ko. Kapagkuwa'y hindi ko namalayan na bigla na pala akong napasimangot."Oh, anong nangyari sa'yo, Sam? Kahit yata si Leonardo Da Vinci ay hindi kayang maipinta 'yang pagmumukha mo eh!" sita sa'kin ni Nicole."Tsk...eh kasi naman si Sir Iñigo!" nakangusong tugon ko."Sus, ang ganda-ganda mo kaya, tapos sisirain mo lang dahil diyan sa pagbusangot mo."Dagdag pa ng kaibigan ko. "Tingnan mo nga 'yang sarili mo sa salamin." Giit pa nito na talagang pilit akong iniharap sa malaking salamin na naroon sa sala. "Sa tingin mo, may mag-aakala pa ba na broken hearted ka? Aba'y mukha ng naka-moved on 'yan eh.""Oo na! Sige na! Salamat na rin sa libreng pa-make over niyo sa'kin ni Sir Iñigo." Naiinis na sambit ko na sinundan ko pa ng sunud-sunod na pag-irap."Kay Iñigo ka mag-thank you. Siya nakaisip ng ideya na 'yan at siya rin ang gumastos ng lahat." Ani Nicole habang magkakrus ang mga braso."Eh, kaya nga ako nakasimangot dito k
HINDI ko namalayan na may tumutulo na pa 'lang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang paglalakad ni Lesley sa aisle. Buong akala ko ay hindi na ako maaapektuhan kapag nakita ko ang gan'tong eksena, ngunit heto at pakiwari ko ay may nakatarak na kutsilyo sa aking dibdib. Halos hindi ako makahinga lalo na ngayon'g nagsisimula na ang seremonya ng pari."Are you okay?" anang tinig ni Iñigo na hindi ko namalayan'g nakalapit na pala saakin."Sam, okay ka lang ba?" dagdag rin ni Nicole.Tinanguan ko lang sila. Pagkatapos ay wala sa sariling naglakad ako papalapit sa ikinakasal. Batid kong nakatingin na saakin ang lahat ng tao na naroon sa loob ng simbahan. Subalit balewala lamang 'yon saakin. Dinig kong tinatawag ako nina Nicole at Iñigo ngunit, hindi ko sila pinag-aksayahan ng panahon na lingunin.Tanging ang nasa isip ko lamang nang mga sandaling iyon ay makaganti sa pagkapahiya'ng aking natamo sa mismong araw ng aking kasal. At eksaktong paghinto ko sa harapan nila ay siya naman'g
TANGHALI na nang magising ako kinabukasan. Kung hindi pa ako nakarinig ng sunud-sunod na pag busina ng sasakyan, marahil ay mahimbing pa rin ang akong tulog.Dali-dali akong lumabas ng kuwarto at sinilip ko muna sa bintana kung sino nga ba ang may kagagawan ng ingay na 'yon. Sisigawan ko sana ito dahil akala ko ay si Nicole na naman at balak akong asarin. Subalit, nagulat ako ng kotse pala ni Iñigo ang naroon sa labas ng bahay. Hinila ko kaagad ang tuwalyang nakahanger at pagkatapos ay hinubad ko rin ang suot ko sa paa. Nakakahiya kasi na makita niyang hindi pa ako nagbibihis simula kahapon. Kapagkuwa'y tinungo ko na ang pintuan at pinagbuksan ko siya."Naku, sir...pasensiya na, tinanghali ako ng gising. Buwisit kasi 'tong si Nicole eh, hindi man lang ako ginising bago siya umalis." Nakangusong pahayag ko."Pasok ka sir!" nilakihan ko ang bukas ng pinto para lang makapasok siya. "Nah, it's okay. Actually, kakaalis lang din ni Nicole. Nagkasalubong pa nga kami sa may gate eh.""Ah, ga
NANG mga sumunod na araw, pakiwari ko ay ang lamig ng pakikitungo sa'kin ni Sir Iñigo. Nagdadalawang isip naman akong magtanong sa kanya kasi baka mapahiya lang ako. Dalawang araw na rin na hindi niya ako sinusundo sa bahay kaya naman napilitan na rin akong dalhin ang aking kotse."Sam, pakitimpla mo nga ako ng kape bago ka bumalik sa table mo." Ani Sir Iñigo isang umaga na nagdala ako ng mga dokumeto. Ang pormal niyang makipag-usap sa'kin kaya naman hindi ko talaga maiwasan ang manibago."Okay sir." Tipid kong tugon.Matapos kong ilapag sa harapan niya ang tasa ng kape ay nagmadali na rin akong lumabas ng office niya.Maya-maya ay binalikan ko rin siya dahil biglang nag-send ng invitation through email ang isa sa mga staff ng Amara's Art Gallery."Uhm...excuse me sir, nag-send po kasi ng invitation ang-""Ignore it!"kaagad niyang naibulalas."Sir, akala ko po dadalo tayo sa art exhibit nila.""Hindi na! Nagbago na ang isip ko. Tutal wala naman akong mahagilap na matinong furniture des
KINABUKASAN, pakiramdam ko ay mabibiyak na ang aking ulo dahil sa sobrang sakit nito. Tinamad na kasi akong mag-shower kagabi kaya siguro gan'to ang pakiramdam ko. Tapos, nakatulugan ko pa kasi na basa ang aking buhok, dulot ng tubig ulan. Kaya naman heto, maging ang aking ilong ay pinahirapan din ako. Sa tuwing yuyuko kasi ako ay natulo ang aking sipon."Lintik naman talaga oh!" Bulalas ko, matapos kong suminga sa tissue na naroon sa ibabaw ng cabinet."Hoy! Anong nangyari sa'yo?" Agad na usisa ni Nicole na ngayon ay abala sa paghahanda ng aming almusal."Naiinis kasi ako sa sipon ko eh! Ang sakit pa sa ulo! Buwisit talaga!" patuloy na reklamo ko."Sus, eh kanino ba'ng kasalanan? Di'ba sa'yo naman talaga?""Ba't ako? Eh, hindi ko naman ginustong ma-flat 'yong gulong ko. Kasalanan 'to ng ulan no'h!" Giit ko."Tsk...sinisi mo pa 'yong ulan. Alam mo ba kung bakit kasalanan mo? Kasi, nag-inarte ka pa. Dapat tinawagan mo kaagad 'yong guwapong boss mo!""Hoy, hindi puwede. Madami ng inaatup
ISANG linggo na ang nakalipas simula ng pumirma ng kontrata sa kompanya ni Sir Iñigo ang Miss Shane na 'yon. Madalas silang magkasama ni Sir kaya naman halos hindi na rin kami nagkakasabay sa pananghalian ng boss ko. Minsan ay dalawang beses sa isang linggo na lang din niya ako sinusundo at ihinahatid sa bahay.Ngayon ay mag-isa na naman akong manananghalian kaya't naisipan kong lumabas na lang at doon na lang ako kakain sa restaurant na malapit dito.Matapos kong mag-order ay naghanap ako ng bakanteng mesa na puwede kong okupahin. Subalit nakakailang hakbang pa 'lang ako nang biglang tumawag si Sir Iñigo kaya naman nabaling na ang atensiyon ko sa aking cellphone at hindi ko namalayan na natamaan pala ng handbag ko ang inumin na nakapatong sa mesa ng isang costumer."Hey, you! Stupid bitch!" Bigla akong napalingon matapos kong marinig ang sigaw na 'yon ng isang babae. Para kasi'ng pamilyar ang boses nito at gayo'n na lamang ang aking pagkamangha matapos kong mapagsino ang nagmamay-ari
SABADO ngayon kaya't naisipan namin ni Nicole na mag-bar tutal, linggo naman bukas at mahaba ang oras namin para makapagpahinga. Kaya naman, wala pang alas singko ng hapon ay nagligpit na ako ng aking mga gamit.Hindi ako masyadong na-stress ngayon dahil si Mr. President ang nandito sa kompanya. Medyo busy kasi sina Sir Iñigo sa pag-aasikaso para sa exhibit. Kaya naman buong maghapon na hindi ko rin nakita rito ang anino ni sunflower girl. Palagi silang magkasama ni sir kaya wala rin akong ideya kung ano na nga ba ang nangyayari sa kanila.Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan bago ako lumabas. Dumaan muna ako sa office ni Mr. President para makapagpaalam dito. Eksakto naman'g palabas na rin ito kaya't hindi na ako naabala pa."May dala ka bang sasakyan?" ani Mr. President."Meron po Mr. President. Sige po, mauna na po ako." Malugod kong paalam sa kanya.Tinawagan ko si Nicole. Naroon na pala ito sa bar at busy ng makipagtsismisan kay Francis.Ilang minuto lang ay nando