Share

Kabanata 16

"ALAM MO bang matagal na kitang gustong puntahan sa inyo, hindi lang ako magkaroon ng oras." Nakaakbay pa rin sa kanya si Gobernador Isiah hanggang sa tuluyan silang makapasok sa kabahayan ng mga De Catalina.

Panay ang tingin niya sa paligid upang maghanap ng dahilan na makalayo dito. Ramdam na niya ang magiging takbo ng usapan at ayaw niyang dumating sa puntong 'yon. Ayaw niyang sumama ang loob nito sa paulit ulit niyang pagtanggi. Kahit siya ay nahihiya na hindi ito mapagbigyan.

Lihim siyang napapangiwi habang nagsasalita ito. Napangiti siya nang makita si Cathy na palabas ng harden. "Cathy," tawag niya.

Bumaling ito sa kanya, agad na sumilay ang masayang ngiti. Tumakbo ito palapit sa kinatatayuan nila. "Kuya Tadeo, mabuti po at nandito na kayo. Balak ko sanang lumabas para tignan ka, baka kasi nahiya kang pumasok e." Napatingin ito sa gobernador. Bahagyang yumuko ang dalagita. "Magandang gabi po."

Bumaling din siya dito, pasimpleng inalis an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status