Share

Safe

Author: Ely
last update publish date: 2026-07-03 17:55:20

Chapter 63

Claudia’s POV

Ilang linggo matapos magkamalay si Van ay tuluyan na rin siyang pinayagang makauwi sa bahay.

Napakalaking ginhawa ang balitang iyon para sa aming lahat.

Ayon sa mga doktor, mabilis ang naging recovery niya. Wala na raw siyang agarang panganib at maaari na siyang magpagaling sa loob ng aming tahanan basta't tuloy-tuloy ang kanyang gamot, therapy, at regular check-up.

Para bang muling nabuhay ang aming buong pamilya.

Hindi ko maipaliwanag ang saya sa puso ko habang pinagm
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Recurring

    Chapter 65Claudia’s POV“Ma'am... Sir... may tao po sa gate.”Napatingin kami ni Van sa kasambahay na halatang kinakabahan.“Sino?” tanong ni Van habang ibinababa ang hawak niyang tasa ng kape.“Si... Former President Beatriz Alvaro po.”Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo.Nagkatinginan kami ni Van.Hindi na kailangang magsalita pa. Pareho naming alam na walang mabuting dahilan kung bakit bigla siyang narito.Pagkatapos ng lahat ng nangyari...Pagkatapos ng tangkang pagpatay kay Van...Pagkatapos ng mga pagbabanta at mga misteryosong pangyayari...Hindi ako naniniwalang nagpunta siya rito para lamang bumisita.“Ako na lamang ang haharap, Claudia,” seryosong sabi ni Van habang dahan-dahang tumatayo.“Ano?”“Ako na lang.”“Hindi.”Tumayo rin ako.“Gusto kong malaman kung bakit siya narito.”Umiling siya.“Mas mabuting ako na lang.”“Pero—”“Please, Claudia.”Iyon ang klase ng pakiusap na alam kong hindi ko basta matatanggihan.Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.“Ayoko

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Crooked Minds

    Chapter 64Vanruth's POV"Akala nila kapag napatay nila ako, magtatagumpay na sila."Tahimik kong binitiwan ang mga salitang iyon habang pinagmamasdan ang mga ulat na nakalatag sa mesa ko.Minsan, iniisip ng mga taong gumagawa ng kasamaan na sapat nang patahimikin ang isang tao upang tuluyan nang mailibing ang katotohanan.Nagkakamali sila.Dahil ang katotohanan ay may paraan ng pagbangon.At habang may mga taong handang lumaban para sa tama, hindi kailanman magtatagumpay ang kasinungalingan.Hindi perpekto ang hustisya.Mabagal man ang batas.May mga pagkakataong tila kinakampihan nito ang mayayaman at makapangyarihan.Ngunit naniniwala pa rin akong may mga taong hindi nabibili ng salapi.May mga pulis na tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.May mga imbestigador na hindi sumusuko.May mga mamamahayag na handang isugal ang kanilang buhay upang mailabas lamang ang katotohanan.At higit sa lahat...May mga taong naniniwala pa rin na may saysay ang katarungan.Ayon sa mga nakalap na e

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Safe

    Chapter 63Claudia’s POVIlang linggo matapos magkamalay si Van ay tuluyan na rin siyang pinayagang makauwi sa bahay.Napakalaking ginhawa ang balitang iyon para sa aming lahat.Ayon sa mga doktor, mabilis ang naging recovery niya. Wala na raw siyang agarang panganib at maaari na siyang magpagaling sa loob ng aming tahanan basta't tuloy-tuloy ang kanyang gamot, therapy, at regular check-up.Para bang muling nabuhay ang aming buong pamilya.Hindi ko maipaliwanag ang saya sa puso ko habang pinagmamasdan siyang muli na nakangiti. Ilang linggo lang ang nakalipas ay halos mawalan na ako ng pag-asa. Ngayon, unti-unti na siyang bumabalik sa dating Vanruth Amores—ang lalaking matatag, matalino, at walang kinatatakutan.Alam kong hindi pa siya ganap na magaling.May mga pagkakataon pa ring sumasakit ang kanyang tagiliran at kailangan niyang magpahinga agad.Pero hindi mo iyon mapapansin kung pagmamasdan mo siya.Parang walang nangyaring trahedya.Parang walang bala na muntik nang kumitil sa ka

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Wake Up

    Chapter 62Claudia’s POVHindi ko namalayang nakatulog ako.Nakasubsob ang ulo ko sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Van. Hindi ko na maalala kung ilang gabi na akong halos walang maayos na tulog. Sa tuwing pipikit ako, natatakot akong baka paggising ko ay may masamang balitang naghihintay sa akin.Kaya kahit ilang beses akong pinilit nina Gabriel at ng mga doktor na magpahinga, hindi ko magawa.Gusto kong ako ang unang taong makita ni Van kapag nagising siya.Gusto kong marinig niya agad ang boses ko.At gusto kong malaman niyang hindi ko siya iniwan kahit isang segundo.Habang mahimbing akong nakatulog, bigla kong naramdaman ang isang marahang haplos sa buhok ko.Napakagaan.Napakapamilyar.Parang isang haplos na ilang linggo kong pinangarap na maramdaman muli.Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.Malabo pa ang paningin ko sa una.Pero nang luminaw ang lahat...Nanlaki ang mga mata ko.“Hon…”Mahina ang boses.Halos pabulong.Pero sapat na iyon para mapuno ng pag-asa ang pus

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Tears

    Chapter 61Claudia’s POVHalos gumuho ang mundo ko nang mag-critical si Van.Pakiramdam ko ay huminto ang pag-ikot ng oras sa mismong sandaling sinabi ng doktor ang kalagayan niya. Hindi ko na marinig nang malinaw ang mga sumunod niyang paliwanag. Ang tanging tumatak lang sa isip ko ay ang salitang critical.Isang salitang kayang wasakin ang buong pagkatao ng isang taong mahal na mahal ang nakahiga sa hospital bed.Hindi ko alam kung paano pa namin haharapin ang bawat araw kung sakaling hindi siya lumaban.Hindi ko kayang isipin ang buhay na wala siya.Mula nang ilipat siya sa ICU ay hindi ko siya iniwan kahit isang segundo. Nakaupo lang ako sa tabi niya, mahigpit na hawak ang malamig niyang kamay habang pinagmamasdan ang mga monitor na walang tigil sa pag-beep.Bawat tunog ng makina ay parang nagpapaalala sa akin na nakikipaglaban pa rin siya.Paminsan-minsan ay hinahaplos ko ang kanyang noo."Van..." mahina kong bulong. "Naririto lang ako. Huwag mo akong iiwan."Umaasa akong kahit w

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Evil Minds

    Chapter 60Claudia’s POV“Van, mamaya magkita tayo sa restaurant ha. Mag-bonding naman tayong pamilya,” nakangiting sabi ko habang inaayos ang kurbata niya. Maingat kong pinantay ang pagkakatali nito at pinahiran ng kaunting himulmol ang balikat ng kanyang coat.Napangiti siya habang pinagmamasdan ako.“Sure, sure, honey. I won't miss it.”“Huwag kang malalate.”“Opo, mahal ko,” sagot niya na tila isang masunuring bata.Napailing na lang ako. Kahit ilang taon na kaming mag-asawa, hindi pa rin nawawala ang pagiging sweet niya. Sa bawat umaga, para bang bagong kasal pa rin kami.“Gabriel, halika na! Mahuhuli na tayo!” sigaw ni Van.“Coming!”Napabuntong-hininga ako.“Talaga itong batang ito. Napakabagal kumilos kahit kailan,” pagrereklamo ko habang nakapamaywang.Makalipas ang ilang segundo ay lumabas na rin si Gabriel mula sa kanyang kuwarto.Pareho kaming natigilan ni Van.Pagkatapos ay sabay kaming nagtawanan.“Ano ba iyang hitsura mo, anak?” natatawang sabi ko. “Hindi ka na nga nag-

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Both in Pain

    Chapter 15Claudia's POV“Van! Van,” mahinang tinatawag ang pangalan niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Natatakot na ako. Narinig ko na pumunta agad sa presinto sina Roselle at mga magulang niya, pero hindi sila hinayaang makausap ako. Wala daw puwedeng makadalaw dahil tapos na ang

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Unwanted Confrontation

    Chapter10Claudia's POVUmaga na, mag-alas-10am, nang nagising kami ni Van. Nakaligo na rin siya. At gayon din ako. Naginhawaan siya nang nakatulog nang matagal-tagal. Parang sinasabi kong, "Handa na muling lumaban." Tumawag na ako kay Roselle at sinabing pabalik na rin kami sa hospital.“May

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Revelation

    Chapter 5Claudia Diaz POVNagpakilala itong si Elaine sa mga staff. Ibine-landra niya ang katawan niya sa Amores Building. Siya daw ang fiancé ni Van at malapit na silang magpakasal. Ang yabang niya. Napakahaliparot naman.Hindi pa rin ako nagpakilalang ako ang asawa ni Van Amores. Ang akala n

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Acceptance

    Chapter 4Claudia Diaz POVTinanggap ko ang offer. Hindi ko alam kung bakit, pero pinirmahan ko. Baka nga si Van Amores ang maging daan para makabalik ako sa pamilya ko na matagal ko nang inaasam. Ang makaganti sa mga kasumpa-sumpang mga taong humamak sa akin.Pinaayos na ni Van ang lahat. Nakali

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status