Share

Chapter 4

MALAKAS na sinipa ng mga tauhan ni Ashton ang malaking pintuan ng mansyon ng pamilyang Vergara. Pinauna niya na muna ang mga iyon pumasok bitbit ang mga naglalakihang baril bago siya huling pumasok.

Pinalibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar. Kitang-kita ng dalawa niyang mga mata ang panginginig ng mga kasambahay na sa ngayon ay mga nakaupo na sa sahig habang nakahawak sa kanilang mga ulo.

"Nasaan ang amo niyo?" tanong ng isa sa mga tauhan ng binata.

"H-hindi po namin alam... w-wala po s-sila dito-"

"Sinungaling!" Isang malakas na sampal ang agad na pinadapo ng tauhan ni Ashton sa kasambahay na sumagot.

Ashton pokerface remained and just sighed heavily. Wala naman siyang pakielam sa mga taong nasa harapan niya. All he wants is that Danilo Vergara faced him and tell him how could he pay his debt.

Lumipas ang ilang minuto at panay hagulgol na lamang ang naririnig niya. Naiirita na siya. Kaunti nalang ay baka siya na mismo ang kumuha ng mga baril sa kanyang mga tauhan at pagbabarilin ang mga taong lumilikha ng ingay.

"Fuck all of you! Shut your fucking mouth! Kanina pa kayo. Just fucking answer where the hell is that fucking Danilo Vergara so that I can leave now. You're totally fucking wasting my precious time-"

"What's happening here?!"

Mabilis na lumipat ang paningin ng binata nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Awtomatikong umangat ang gilid ng labi niya. Agad niyang sinenyasan ang ilan sa mga tauhan niya na mabilis namang nakuha ang ibig niyang sabihin.

Sunod-sunod ang mga itong lumapit sa kinatatayuan ng matandang Vergara at hindi na nakapalag pa nang magkabilaan siyang hinawakan sa kanyang braso at sapilitang ilapit kay Ashton.

"There you are, fucking old man-"

"What do you want?" tila matapang pa na sabat ng matanda. Natatawa nalang ang binata sa nakikita.

Danilo Vergara wants to seem unafraid and unaffected when in fact kitang-kita sa mga mata nito ang nginig at takot na pilit nitong tinatago.

Marami nang nasaksihan at nakita si Ashton na karahasan. Seeing people how their knees trembling because of fear and nervous is already nothing for him. Maswerte pa nga ang mga ito at hinahayaan niya pang tumagal ang buhay.

Saglit na napailing ng ulo si Ashton bago mabilis pa sa alas kwatrong hinaklit ang baril na nakatago sa kanyang bewang. Agad niya iyong kinasa bago tinutok sa sentido ng matanda. Rinig na rinig niya ang pagsinghap ng mga tao sa paligid.

"P-please... give me spare of time. Babayaran naman kita eh, just please bigyan mo pa ako ng palugit-"

"Fuck you! If you're asking me to give you another spare of time you can easily go to my fucking office and ask me to. Pero hindi mo ginawa! That is because you really don't have an intended to pay me. To pay your debt!"

"No... please. Hindi 'yan totoo-"

"Oh really? Then why are you not attending any meetings in your airline? You've been fucking missing for almost how many weeks to be exact, Tristan?" tanong niya at tinapunan ng panandaliang tingin ang kanyang secretary.

"Four weeks sir."

"See?! Four weeks! Four motherfucking weeks! Talagang nagtatago kang h*******k ka!" Galit na galit na wika ng binata. Mas lalo niyang idiniin ang dulo ng baril na nakatutok sa sentido ng matanda nang makita ang mumunting butil ng luha nitong namumuo sa gilid ng mga mata.

You surely don't want to mess with Ashton Santocildez. You wouldn't dare.

"Please, I'm begging you. My airlines just facing a hard time now. Kaya wala rin akong mukhang maiharap sa mga tauhan ko ngayon. Pero babayaran kita. Babayaran ko ang utang ko sayo," maluha-luhang wika ng matanda. Hidni na marahil nito alam kung anong emosyon pa ang nakikita sa kanyang mga mata. Ang gusto nalang ng matanda ay ang mailigtas ang buhay niya.

Ni ang kahihiyan na sasapitin nito pagtapos ng nakakahiyang pangyayari sa harap ng kanyang mga kasambahay ay hindi na rin nito niisip. Ang gusto niya nalang ay maging ligtas alang-alang sa kanyang anak na si Taphney. Naaawa nito sa dalaga kung sakaling mamamatay siya ngayon at maiiwan mag-isa ang anak niya.

"Kailan pa?! Pag gumuho na ang mundo? Fuck you old man! Stop making me a fool-"

Naiwan sa ere ang mga salitang sasabihin ng binata nang may maaninagan siyang litrato na animo'y pamilyar sa kanya.

Dahan-dahan niyang binaba ang baril na nakatutok kay Danilo at naglakad papalapit sa litratong nakakuha ng kanyang atensyon.

"Who is this?" mababa ang boses niyang tanong habang hawak-hawak ang picture frame.

Mabilis namang lumingon sa kanya ang mga tao sa paligid at hindi malaman kung sinong sasagot.

"I am asking you motherfucker! Who is this person in the picture?! What is her name?!" Tila kulog na yumanig sa kabuuan ng lugar ang boses ni Ashton.

Hindi na siya makapagpigil. Nagtatanong siya nang maayos tapos mga walang sumasagot. Ano ba ang mga tao dito, pipi? Kung tuluyan na kaya niyang putulan ang mga ito ng dila para habangbuhay nang hindi makapagsalita.

"S-si miss Taphney po-"

"What about her? What about my daughter?" singit ni Danilo.

Nanlalaki ang mga matang napatitig si Ashton sa matanda na ngayon ay punong-puno pa rin ng mga luha ang mukha.

What the hell? This is not fucking true!

"Is she your daughter?" Paninigurado niyang tanong. Dahan-dahan namang tumango ang matanda na lalo lang nagpakabog ng dibdib niya. "... what is her full name-"

"Taphney Louins Vergara, she's my only daughter -"

Hindi na naproseso ng utak ni Ashton ang kung ano pa mang sinabi ng matanda. Tama nga. Tangina, hindi niya inakala na magkikita pa rin pala ang landas nila ng dalaga.

That Taphney Louins Vergara is his ultimate crush way back in high school. Ito ang una at huli niyang pag-ibig. Ito rin ang nag-iisang babae na wumasak at yumurak ng puso niya.

Mabilis niyang binalik sa lugar ang picture frame na kinuha at parang walang nangyari na naglakad nang muli palapit sa kinatatayuan ng matandang Vergara.

Ashton cleared his throat first before asking Danilo another question. Na animo'y may kung anong tila bagay na bumara sa kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung paanong tanong ang bibitawan niya sa matanda ganoong nalaman niya na ito pala ang ama ng babaeng kinabaliwan niya noong nag-aaral pa siya.

"K-kailan ka fuck! Okay, here old - I mean Mr. Vergara, when do you plan to pay off your debt?" tanong niya habang matiim na tinitigan ito sa dalawa nitong mga mata.

Ngayon na mas binigyan niyang pansin ang pagtingin sa itsura ng matandang Vergara, halos hawig na hawig nga nito ang anak nitong si Taphney. Hindi naman niya kasi alam eh. He could been more easy to Danilo Vergara if he only knew that he was the father of Taphney.

"As soon as possible-"

"Give me the exact date."

Mabilis na munang nagpunas ng basang mukha ang matanda bago nanginginig ang bibig na sumagot.

"One month please-"

"That's fucking too long. I'll give you about one week. You better pay your debt or else-"

"Mr. Santocildez that's too much. Masyadong mabilis ang palugit na binibigay mo sa akin. Please make it a month. I promise you babayaran kita, I'll even give you a another million-"

"No one dares to ask or question me about my decision, old man. Pay your debt after a week or else..." pambibitin niya sa kanyang sinasabi.

"Or else what? Papatayin mo ako? Ipapapatay mo ang pamilya ko? Ako ang may atraso sayo, sa akin ka gumanti! Don't you ever fucking lay your finger to my daughter, magkakatalo tayo," ngitngit ang mga ngipin na wika ng matanda.

Sa narinig ay napailing nalang ng ulo ang binata. Isang matalim na titig ang pinukol niya sa matanda bago tinigil ang pag-iling ng ulo.

"Pay me cold cash after a week or I'll have your daughter as the payment. It's only two options. You choose."

Hindi na pinakinggan ng binata ang anumang sinabi ng matandang Vergara. Nasabi na niya ang kondisyon niya. Naka'y Danilo na iyon kung susundin nito ang gusto niya o ipipilit ang isang buwan na sinasabi niyang palugit.

Of course no one can produce a hundred of millions cold cash in just a week. Maliban nalang kung Ashton Mikael Santocildez ang pangalan mo.

Sa isipin palang na makikita niyang muli ang dalagang si Taphney ay hindi na siya mapakali. He will have that fine woman end of the story. Kung noon ay siya ang sinaktan nito, hindi na siya papayag na ganoon muli ang mangyayari sa pagkakataong ito. Hindi na siya ang payatot at lampa na Ashton noon, ibang-iba na siya ngayon. At lahat nang iyon ay dahil kay Taphney Louins Vergara.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status