Share

Chapter 5

SUSURAY-SURAY na naglakad papasok ng malaking mansyon si Taphney habang nakahawak sa kanyang ulo. She just had a best night of her life! Hindi na nga niya napansin ang oras sa sobrang saya niya sa dinaluhan na party.

Medyo malalim na rin ang gabi, sigurado siyang tulog na ang mga tao sa buong kabahayan. Masakit man ang ulo at animo'y umiikot ang daang nilalakaran ng dalaga, pinilit niyang hindi makagawa ng anumang ingay at dahan-dahan na pumanhik sa ikalawang palapag ng kanilang mansyon.

She was about to grab the doorknob of her room when she heard someone coming at her. Naniningkit ang mga matang itinuon niya ang paningin roon.

"Dad?" tanong niya habang may gitla sa kanyang noo.

"Where have you been Taphney Louins! Kanina pa kita hinihintay!" Her father exclaimed and hold her arms intently.

Agad namang napuno ng pagtataka ang mukha ng dalaga. What's with the overaction of her father? May nangyari bang kakaiba?

"Why? Sabi niyo pumunta muna ako sa mga pinsan ko so I did what you told me to do-"

"I've been calling your number for how many million times, anak. Hindi ka sumasagot. Akala ko ay baka kung ano na ang nangyari sa iyo," Taphney's father let out a heavy sighed trying to calm himself.

Napailing nalang ng ulo ang dalaga at mabilis na kinapa sa kanyang bulsa ang cellphone. Iniangat niya iyon at pinakita sa kanyang ama.

"Dead battery, dad. I'm sorry. Teka nga, daddy. Why are you acting so weird? May nangyayari bang hindi ko alam? Bakit ganyan ang kinikilos mo?"

"It's nothing, anak-"

"Stop lying daddy, alam ko pag may mali sa mga kinikilos niyo. And I'm telling you right now that you don't seem okay to me. Malakas ang kutob kong may mali, na may nangyayaring hindi maganda sa inyo o sa bahay na ito. Tell me dad para naman alam ko. Para naman hindi ako nagmumukhang naliligaw dito," sunod-sunod na saad ni Taphney.

She can't take this anymore. Kung iyong nakaraang araw ay napalagpas niya, ngayon ay hindi na. Ang ganda-ganda ng mood niya kanina pag-uwi tapos papraningin na naman siya ng kanyang ama. He can tell everything to her. She's his daughter! Silang dalawa na nga lang ang magkasama sa buhay tapos tinataguan o pinaglilihiman pa siya ng kanyang ama.

Hindi niya tuloy maiwasang hindi makaramdam ng inis o tampo. She's concern to her father. Ito nalang ang kasangga niya sa lahat. After her mother left them, naging iba na rin ang pakikitungo ng ilan nilang kamag-anak sa kanila. Kaya nga hangga't maaari ay hindi siya naglalalagi doon. Pwera nalang noong nakaraan dahil ang ama naman niya ang nag-utos na doon na muna siya.

"Dad, please. Hindi na ako bata. I'm sure maiintindihan ko ang kung anumang bumabagabag sa inyo. Come on, I'm a grown up fine lady now," muling wika ni Taphney nang lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin sumasagot ang kanyang ama.

Lalo lang nadagdagan ang masamang kutob ng dalaga nang sa pangalawang pagkakataon ay bumuntong hininga na naman nang malalim ang kanyang ama. She can sense something and she's freaking sure that there is really something serious going on.

"Dad-"

"Let's go to your room first, anak. Doon ko nalang sasabihin."

"Are you okay?" Punong-puno ng sinseridad ang boses na tanong ng dalaga. Hindi siya sanay na nakikita ang ganitong mukha ng ama niya.

He looks like he's carrying a lot of problem in his back. Na para bang sa mga sandaling ito ay na-guilty si Taphney dahil puro lamang pagsasaya at paglalasing ang ginawa niya.

"Halika na muna sa loob anak, I'll tell you everything."

Hindi na nga nagsalita pang muli ang dalaga at mariin na lamang na tumango. Pakiramdam niya rin ay bigla na lamang nawala ang hilo na nararamdaman niya kanina.

Naunang pumasok sa kanyang kwarto ang kanyang ama at hindi na rin nagtagal ay sumunod siya rito. Umupo sa pinakadulong bahagi ng kama ang matandang Vergara habang si Taphney naman ay nanatili lamang na nakatayo ilang hakbang lamang ang layo mula sa pintuan ng kanyang kwarto.

"Tell me now, dad. Ano po bang nangyayari? Okay lang po ba kayo? Okay lang po ba ang airlines-"

"Our airlines is facing a lot of trouble now, Taphney. May dalawang eroplano tayong bumagsak, maigi nalang at wala iyong sakay at nakaligtas ang mga piloto. But the owner of the property damage that affected because of it, sobrang laki ng hinihingi sa atin," panimula ng kanyang ama.

Hearing those words made Taphney's heart broke into pieces. Wala man lang siyang kaalam-alam tungkol doon. Ni wala man lang siyang idea na may ganoon na palang klaseng problemang kinahaharap hindi lang ang ama niya kung hindi pati na rin ang airlines nila.

"How about our company's attorney? I'm sure magagawan niya iyan ng paraan. Kinausap niyo na po ba siya?" Pinilit ng dalagang pasiglahin ang boses para naman kahit papaano ay mabigyan ng lakas ng loob ang kanyang ama.

Rinig na rinig na kasi niya rito na parabanh nawawalan na ito ng pag-asa.

"I don't think so, anak. Bukod sa problema sa airlines ay may isa pa akong pinoproblema. I can't tell it to you-"

"Oh c'mon dad!" Hindi na napigilan ng dalaga na mapatampal ng kanyang noo. Ngayon pa talaga mag-iinarte ang kanyang ama kung kailan halos masiraan na siya ng ulo kakaisip sa kung ano ba talagang nangyayari. "...sabihin niyo na lahat! I want to know everything. Anak niyo ako. Ako nalang ang natitirang pamilya niyo. Tayo nalang dalawa ang magkasama, ang magkakampi. Bakit kailangan niyong magdalawang isip kung sasabihin ba sa akin iyang lintik na problemang iyan?!"

"Taphney anak..."

"Dad please, just say it. I want to know everything," tila nahihirapang usal ng dalaga. Hindi niya alam kung paanong pilit pa ang gagawin sa kanyang ama. Napupuno na siya. Napipikon!

"Taphney-"

"Dad kung may balak kayong banggitin nang paulit-ulit ang pangalan ko, spare me. Maybe next time do it, but for now? Just freaking spill what the problem is. Kanina niyo pa binabaliw ang utak ko-"

"I've lost a lot in casino-"

"How much? I'm sure hindi mo naman siguro tinodo ang pagwawaldas sa pera-"

"Hundreds..."

"Hundred thousand? That's okay, walang-wala lang sa atin iyon-"

"Hundred of millions, anak. I'm sorry."

Parang bombang sumabog sa utak ng dalaga ang huling sinambit ng kanyang ama. What the hell?! Isangdaang milyon? That's freaking too much! Papaanong nakaubos ng ganoong kalaking pera ang ama niya? Anong ginawang pagsusugal nito?

"D-dad you're not true. This can't be true. Paano? Oh jeez tell me this is a joke time. That you are just trying to be funny. Dad?"

Taphney's father heavy sighed made her realize that he is not bluffing. Totoo nga ang sinabi nito. Na nakaubos ang kanyang ama ng isangdaang milyon sa sugalan. Napakagaling!

"Okay, ganito nalang dad. You're thinking if I'm going to get mad at you, right? Hayaan niyo na po iyon. Tapos na, mag-move on nalang tayo. Let's face the bigger problem, about doon sa bumagsak na dalawang eroplano-"

"Taphney hindi lang iyon. I just didn't lose that hundred of millions in a snap. H-hindi ko pera iyon..."

"What?!" Nanlalaki ang mga matang napamulagat ang dalaga.

What the hell?! Ano pa bang rebelasyon ang tinatago ng kanyang ama? Ano pa bang problema ang isasampal sa kanya?

"Eh kanino? Don't tell me it was the investor's money?"

"Hindi anak..."

"Sa airlines ba 'to? Pera ng airlines-"

"Halos bagsak na rin ang airlines, Taphney. Ang daming investor ang nag-pull out ng stocks nila noong nalaman nila ang insidente, they said that our airlines are neglecting it's job. Na wala na raw mga pasaherong magtitiwala sa atin kaya mas mabuting sa iba nalang nila iinvest ang mga pera nila..."

"Fuck them all!" Hindi na napigilan ng dalaga ang hindi makapagmura. "...pagkatapos nila tayong pakinabangan ay basta-basta nalang nila tayong iiwanan sa ere? Ngayon pa mismo kung kailan kailangan na kailangan natin sila?"

"Taphney, you don't have to cussed. Huwag kang magalit-"

"Eh tangina naman talaga nila daddy eh. Sa oras na makabangon ang airlines ay huwag na huwag silang babalik at makikiusap na ibalik ang investment nila. Baka hindi ako makapagpigil at masampal ko sila isa-isa..."

Taphney inhale and exhaled first, trying to calm down her nerves. Naiinis siya. Nagagalit. Bakit kailangang magsunod sunod ang mga kamalasang nangyayari sa kanila ngayon? Is it because she's been wasting a lot of money before? Kahit sa wala namang kakwenta-kwentang bagay? Or is it because na imbes na tumulong siya sa pagpapatakbo ng kanilang family business ay nagpapakasasa lamang siya sa alak?

"Daddy?" tawag ng dalaga sa kanyang ama para makuha ang pansin nito.

Ngayon niya lang napansin na basa na pala ng luha ang mga pisngi ng kanyang ama. Dali-dali siya rito lumapit at puno ng pag-aalalang pinunasan ang mukha nito.

"Ssh dad, please. Why are crying? Tell me. Magagawa naman natin iyan ng paraan eh. Pera lang 'yan. Mababawi pa natin-"

"Taphney, the money I've lose in the casino is not our money. Halos wala na tayong pera. Hindi ko na din alam paano pa tayo makakabawi sa kagaguhang ginawa ko," usal ng kanyang ama habang humahagulgol.

Pakiramdam ni Taphney ay paulit-ulit na tinitusok ang kanyang puso sa tagpong nakikita. Seeing her father hopelessly crying is the least she wants to see. Nanghihina siya makitang nagkakaganito ang ama.

"Kaninong pera iyon, dad? Tell me, baka mapakiusapan na po natin-"

"I don't think so, hija. It was from Mr. Santocildez, the owner of the casino-"

"Kakausapin ko siya-"

"Nagkausap na kami. Nagpunta siya dito..."

"Anong sabi? Nagbigay ba siya ng palugit? Tell him I'll going to do everything just to bring his money back, just give me an enough time," pinipilit nalang ni Taphney na lakasan ang loob kahit na alam niya sa sarili niya na maging siya ay hindi alam kung saan pupulutin ang isangdaang milyon na iyon.

She doesn't know anything. Ni wala pa nga siya job experience eh. After she graduated almost two years ago ay naubos lang sa kaka-bar hopping ang oras niya. Nilibot niya lang ang mundo. In short, nagpakasaya lang siya at hindi tumulong sa negosyo nila.

Kaya paanong diskarte ang gagawin niya ngayon para lang mabuo ang isangdaang milyong utang ng daddy niya?

"N-nagbigay siys ng palugit..."

"Goods, pipilitin kong makagawa ng paraan dad. Maghahanap na muna ako ng trabaho. Or kahit kanila Tita Daniella ay papasok na ako bilang secretary, mabayaran lang ang utang niyo-"

"One week, Taphney. He only give me an one whole week..."

"What the fuck?! Is he freaking serious? Paano at saan tayo kukuha ng ganoong kalaking pera in just an one whole damn week? Nagpapatawa ba siya?"

Marahas na napasabunot sa kanyang buhok ang dalaga. Hindi na niya alam ang gagawin. Kahit ibenta niya pa lahat ng designer collection siya ay parang hindi iyon aabot ng isangdaang milyon.

"I'm sorry anak, I'm really sorry..."

Mabilis siyang napailing ng ulo at muling nilapitan ang ama.

"No, dad. It's okay. Hayaan niyo na po, magagawan pa naman siguro natin 'to ng paraan. Baka pwede muna tayong manghiram sa mga kapatid niyo-"

"You know them, Taphney. Hahamakin lang tayo nang mga iyon lalo na pag nalaman ang kapalpakan at kapabayaan na nagawa ko-"

"Bakit naman kasi nalulong na naman kayo sa pagsusugal dad?! Akala ko ba tinigil niyo na iyan?"

"I'm sorry anak, I'm really sorry."

Awtomatikong nawala ang inis na nararamdaman ng dalaga para sa kanyang ama nang marinig na naman ang malakas na paghagulhol nito. Kahit gaano kalaki o kalala ang nagawang kasalanan ng kanyang ama ay hindi niya ito matiis.

"I'm sorry dad, nasstress lang din ako. I'd never expect na aabot tayo sa puntong ganito. Na poproblemahin natin ang tungkol sa pera-"

"I'm sorry Taphney, I'm really sorry. Sana mapatawad mo ko..."

"Dad, it's okay. Magagawan pa natin ito ng solusyon, don't be too hard to yourself. We'll get through this-"

"No, Taphney. I don't think you can forgive me. About hearing what I'm going to say..."

Kakaibang kaba ang agad na naramdaman ng dalaga. May hindi pa ring sinasabi ang ama niya? Ano na naman ba iyon?

"What do you mean by that, dad? Tell me-"

"Mr. Santocildez gave me an ultimatum... "

"And that is?" Tila hindi na makapaghintay na tanong ni Taphney. Nabibitin siya! Mas lalo lang tumitindi ang sakit ng ulo niya. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa alak na nainom niya o dahil sa mga problemang ngayon niya lang nalalaman.

"I have to give his hundred of millions back or else..."

"Or else what daddy? Stop prolonging the agony-"

"He'll have you as the payment."

What the hell?! Is that Mr. Santocildez is freaking serious? No fucking way!

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mylyne HJ Chloy's Cuisine
Pa unlock po
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
un lng,dun n tau s masaklap n part.ang cmula ng msalimuot n buhay ng isang prinsesita
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status