เข้าสู่ระบบ
Tinatamad na bumangon si Krystal Samonte isang working student .Bente anyos at nagtatrabaho sa isang exclusive bar kung saan isa siyang waitress doon .Nagaaral siya ng umaga at laking pasalamat niya dahil anim na oras lang ang kanyang pasok sa paaralan .Matalino at madiskarte kaya lagi siyang nasa deans lister . Hindi niya bibiguin ang paaralan na nagbigay sa kanya ng opportunity na makakuha ng scholar pero kahit ganun kailangan niyang magtrabaho para may pang supporta siya sa kanyang sarili dahil alawans lang at tuition ang sakop ng scholar ang mga needs niya sa kanyang personal na bagay at para sa boarding house ay kulang parin kaya kailangan niyang kumayod .Kaya nagpasya siyang magtrabaho sa isang bar .Alam naman ng karamihan na isa siyang waitress sa ganung lugar kaya wala siyang kinakahiya at ayos lang naman sa iba .Pero karamihan ay hinuhusgahan siya at pilit na pinapatalsik sa paaralan .Hindi naman magawa ng mga nasa admin dahil isa siya sa nagdadala ng karangalan sa univebesidad na kanyang pinapasukan .Ang importante hindi niya napapabayaan ang kanyang pag aaral at wala naman mali sa kanyang ginagawa dahil hindi siya nagbebenta ng laman .
Nagpapakahirap siya sa mataas na sandals at maiksing damit para lang matapos ang anim na oras niyang duty sa bar ,sa sahod niyang limang daan sa isang araw ay malaki na rin kahit papaano .Di bale ng maliit ang kanyang sahod ang importante may pera siya yun ang kanyang pananaw sa buhay . ''Krystal kailangan mo ng pumasok dahil magbabayad ka pa ng boarding house '' kinakausap niya ang kanyang sarili tuwing nagigising at pinapalakas ito para sa kanyang pangarap. Hindi pa pala siya nakakabayad ng boarding house niya dahil sa susunod na araw pa ang kanilang sahuran sa bar . Kaya nagmadali itong bumangon at nagunat .Medyo madilim na pala ang paligid at nakatulog siya ng tatlong oras pagkagaling niya kanina sa paaralan . Ito ang maganda sa kanyang schedule nakakapag pahinga siya pag tapos na siyang magreview at umidlip muna ng ilang oras bago papasok sa bar. Nagmadali siyang nagtungo sa banyo at naligo . Isa sa nagustuhan niya sa boarding house nila may kanya kanya silang banyo sa kanilang kwarto .Yun ngalang maliit ang espasyo pang isang tao lang at ayos lang iyon ang importante may privacy ang bawat boarders . Pagkabihis niya nagtungo muna siya sa kusina para kumain .Hindi pa niya suot ang mga maiiksing damit para sa trabaho niya bar dahil doon sila magbibihis mamaya . May sarili silang dressing room sa bar kaya wala siyang problema sa kanyang isusuot at pag aayos ng sarili . '' nakabihis kana ba tara na at isabay na kita sa pinagtatrabahuan mo '' siya pala ang ate Arian niya ang isang manager sa fastfood restaurant kung saan malapit lang din sa kanyang pinagtarabahuan .Magkatulad sila ng schedule minsan sa pagpasok kaya napapalibre siya ng sakay . '' salamat ate Arian '' saad nito sabay bilis niyang nilagay sa lababo ang plato niya at saka hinugasan .Pero bago yan nag toothbrush muna siya para at nagmumog ng mouthwash para maging mabango ang kanyang hininga . '' wala iyon basta mag iingat ka sa pinagtatrabahuan mo '' lagi nitong pinapaalala na hindi malabong magustuhan siya ng mga lalaki na naroon dahil tulad niyang maganda at maayos na pangangatawan ay tapunin ng pansin . Dalawang buwan palang naman siya sa exclusive bar kaya impossible iyon lalo't may mga bouncer na nagpoprotekta sa kanila na waitress lang . '' hmm hindi naman delikado doon ate kasi puro mayayaman ang mga costumer doon '' pero minsan nung nasa isang linggo palang siya sa bar may nambastos sa kanya .Mabuti nalang at may isang costumer din nila na nagmalasakit at pinalalahanan ang may ari na huwag niyang hayaan madungisan ang mga waitress ng bar dahil ito ang pinasukan nilang trabaho kaya simula nun laging pinapaalala ng mga manager sa mga costumer na iba ang take out girl sa waitress nila . ''alam mo ba ang mga mayayaman Krystal kaya nilang bilhin ang dangal mo kung gugustuhin nila '' natahimik nalang siya sa narinig .Alam niyang pwede mangyari iyon pero hindi siya nagpapatinag dahil kailangan niya talaga ng pera .Madali lang naman ang trabaho nila sa bar magserve lang at wala ng iba iyon nga lang nakakangawit dahil sa suot nilang sandals . '' at saka ate isa lamang akong waitress iba yung mga talagang babae na pwede nilang take out '' pagdadahilan nalang niya para matapos na ang kanilang usapan . '' basta mag iingat ka doon '' tumango lang siya at umakbay sa tinuring niyang ate . Madali lang naman siyang pakisamahan dahil isa siyang mabait na tao at marunong makibagay .Higit sa lahat marunong siyang kumilatis ng mga taong gustong makipagkaibigan sa kanya.Pag alam niyang may mali iniiwasan na niya ang mga ito .Pero kay ate Arian lang niya naramdaman na parang may totoo siyang kapatid. Pagkapasok niya sa bar ay agad siyang nagtungo sa dressing room kung saan magpapalit siya ng damit para sa kanilang uniform ngayon .Medyo nagreklamo siya sa susuotin nila ngayon dahil napakasexy masyado .Isang maiksing palda at high waisted na sando . Kita tuloy ang kanyang cleavage . Mabuti nalang at mahaba ang kanyang buhok kaya pwede niyang takpan ngunit hanggang doon lang . Kita parin ang baywang niya at likod . ''Krystal kailangan mong pagsilbihan ang costumer sa may VIP room '' napanganga siya sa narinig .Alam niyang laging may VIP costumer sila pero hindi siya doon tinatalaga . '' bakit ako boss ?" pagrereklamo niyang saad . '' ikaw nga ang wala pang trabaho ngayon .Pagsilbihan mo lang ibigay ang dapat na gusto '' napasimangot siya dahil ito ang kaunaunahang magsilbi siya sa isang VIP room . Nakaramdam siya ng takot at baka matulad siya sa ibang nababalitaan niya na mas gusto ng mga VIP costumer ang tulad niya waitress. Nakita naman ng manager nang ang pagalingan sa mukha ni Krystal .Alam niyang bata pa ito pero lahat na ng waitress nila ay may trabaho kaya si Krystal nalang ang available sa kwartong iyon . '' at huwag kang mag aalala dahil may tatlo ng babae na napili nito .Ang kailangan mo lang gawin ibigay ang mga order nila '' '' sige po boss '' mabuti naman at may mga babae na ang mga ito . '' pakiayos mo yang sarili mo .Para kang lantang gulay ''napatingin tuloy siya sa malaking salamin .Wala pa pala siyang kulerete sa mukha at hindi siya mahilig sa ganun .Maayos lang naman na hindi sila maglagay ng ganung kolerete dahil hindi naman daw mapapansin . '' maayos naman ang sarili ko a'' saad niya sa kanyang sarili . Sakto naman pumasok ang isa sa mga take out girl kung saan nakabihis na ito ng mas maiksi pa sa kanilang suot . '' naku Krystal maglagay ka kasi ng make up sa mukha '' '' ganun !!!!'' '' oo at ito may benta akong bagong lipstick bili kana dali '' '' mapapagastos ako ng wala sa oras a '' wala pa naman siyang hilig mag lagay ng lipstick sa labi dahil lipgloss ayos na sa kanya at namumula naman na ang kanyang labi . Wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto nito . Namili siya ng shade at mukhang wala siyang pagpipilihan ng maayos dahil puro dark red ang mga shade na benta nito . Nang makapili na siya ay agad na niyang nilagay sa kanyang labi .Bigla siyang nanibago sa kanyang sarili dahil nag iba ang kanyang mukha dahil sa dark red na lipstick.Nagmukha siyang kontrabida sa kanyang itsura.Samahan pa ng wav hair niya . '' oh see ang ganda mo sa shade ng lipstick.Grabe ang ganda mo Krystal para ka na tutol manika sa ganda '' '' grabeng sales talk yan a Bea '' natatawa niyang sagot . '' totoo naman sinasabi ko ,tara na at magsisimula na tayo '' naptingin siya ulit sa salamin .Maglalagay pa pala siya ng mascara sa pilik mata muntik na niyang makalimutan at eyeliner para magmukhang malaki ang kanyang mga mata .Matapos siya nag ayos sa kanyang sarili ay agad na niyang lumabas sa dressing room . TInanong niya agad kung anong numero ng VIP room ang kanyang pupuntahan .Pagkakuha niya sa numero para isabit sa kanyang baywang at menu kung saan oorder ang mga costumer ay agad na siyang lumabas . Nanghinayang naman ang babaeng manager kay Krystal dahil sobrang ganda nito at madaming gustong itake out siya pero dahil studyante palang ito ay pinaka iingatan nila at bata pa.Hi readers pasensya na kung tatapusin ko na ang kwentong ito . Kung papahabain ko pa kasi papangit ang plot ng kwento . Salamat sa lahat ng sumuporta sa kwento ko pasensya na kung paminsan minsan lang ako nag uupdate. Medyo abala kasi kay baby at iniiwas ko Ang sarili ko sa stress . Gumagawa naman ako pero gusto ko yung perpekto na .. Nabasa ko kasi ang iba kong kwento kings saan nagsisimula palang ako bilang author.. wala sa hulog ang mga sentence at paragraph ko kaya nagbasa at tinuto ko magsulat ng maayos kaya pakunti kunti ang sinusulat ko hanggang sa makaipon at iyon na ang mga na I upload ko .. Comment lang kayo dito kung may napansin kayong pagbabago . maraming salamg sa inyo . LHYN******
Ilang araw matapos nilang malaman ang lahat ng katotohanan, isang gabi habang mahimbing na natutulog ang kambal, inanyayahan ni Rafael si Krystal sa malawak na veranda ng kanilang tahanan. Payapa ang paligid, tanging huni ng mga kuliglig at banayad na simoy ng hangin ang naroon.Medyo nakakaramdam ng kaba si Rafael sa kanyang balak ngayun .Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili bakit nga ba sya kinakabahan ,natatakot ba sya na hindi papayag si Krystal .Tila kung ano ano ang pumapasok sa kanyang isipan .Humarap si Rafael sa kanya, hindi pa niya nilabas ang maliit na kahon ,Kitang-kita naman ni Krystal ang panginginig ng kamay nito hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang bigat at katapatan ng nararamdaman.Agad syang nagtaka kung bakit ngunit hindi na sya nagtanong pa .“Krystal…” panimula niya nang mahina, habang nakatingin nang diretso sa mga mata nito. “Alam kong alam nating dalawa… na dati pa tayong itinuturing na mag-asawa sa papel. Noon, puro kasunduan lang. Kasunduan na
Matapos ang mahabang katahimikan, dahan-dahang iginalaw ni Roderick ang kanyang kamay at hinawakan ang gilid ng kumot. Tumingin siya sa kanilang tatlo kay Sunshine, kay Krystal, at kay Rafael nang may buong pagpapakumbaba. “Alam ko… alam kong hindi sapat ang luha at pagsisisi ko para mabura ang lahat ng sakit na idinulot ko sa inyo,” panimula niya nang garalgal. “At alam ko rin na may batas na dapat sundin, at may karapatan kayong ipaghain ako.”gulat silang tatlo sa sinabi nito at nagkatinginan sila .Medyo nanghina si Krystal dahil ito ang katotohanan kailangan managot ang kanyang lolo pero paano niya makakayanan ang bagay na iyon Huminga nang malalim si Roderick, tila inihahanda ang sarili sa kung anuman ang mangyayari.Wala sa bokubularyo niya ang magpakulong pero ang mga sarili niyang kadugo ...ang galing sa kanya sya mismo ang nagpahamak sa mga ito .Ang anak niyang si Sunshine na nagdusa sa piling ng asawa at ang kanyang asAwa na walang ibang hangad kundi ang maayos na pamilya
Ilang oras ang lumipas bago dahan-dahang idinilat ni Roderick ang kanyang mga mata. Malabo pa ang kanyang paningin, at pakiramdam niya ay parang lumulutang siya. Sa unang tingin, akala niya ay panaginip na lang ito o kaya ay nasa kabilang buhay na siya.Nakita niya ang babaeng nakatayo sa paanan ng kama, nakatingin sa kanya at kitang kita at ramdam niya ang galit nito dahil sa tingin Napabuntong-hininga siya nang garalgal, at napangiti nang mapait.“Sunshine… anak…” bulong niya ng may pag alinlangan.“Sinusundo mo na ba ako? Akala ko… akala ko matagal ka nang kinuha ng langit. Akala ko wala na kayo ng nanay mo.”umiuyak niyang salita habang nakataas ang isa niyang kamay .Nanigas si Sunshine habang pinagmamasdan anv kanyang ama na parang wala sa sarili m. Mas lalong bumuhos ang luha niya, pero hindi siya lumapit. Nanatili siyang nakatayo nang tuwid, puno pa rin ng matinding damdamin na hindi madaling mawala. “Hindi ako multo, . Buhay pa ako,” sagot niya nang matigas pero nanginginig
Hindi na nakapaghintay pa si Krystal. Kahit nanginginig pa ang tuhod sa halong galit at sakit, mabilis siyang naghanda. Hinarap niya si Rafael na puno pa rin ng luha ang mga mata.“Kailangan ko siyang harapin. Ngayon na,” sabi niya na may panginginig ang mga boses . “Hindi ko pwedeng palampasin na lang ang lahat. Kailangan niyang malaman ang ginawa niya sa amin.”Sumama si Rafael sa kanya. Hindi siya nagpaiwan hindi para makialam, kundi para siguraduhing ligtas si Krystal at hindi siya mag-iisa sa paghaharap na iyon.Pagdating nila sa bahay ng kanyang lolo, agad silang nakapasok. Nakita nila si Roderick na nakaupo sa malaking sala, parang walang nangyari at kalmado pa ring nakaupo. Nang makita sila, nagulat siya at pilit na ngumiti.Agad silang dumating sa mansyon. Pagkakita pa lang ni Roderick sa kanila, agad siyang tumayo nang may pagtataka at inis.“Anong ginagawa niyo rito? At bakit kasama mo pa ang lalaking yan apo ... diba hiwalay na kayo ???” mariing tanong ng matanda.Nagkat
Kinabukasan, maaga pa lang ay narinig na nila ang mahinang katok sa pintuan. Pagbukas ni Krystal, nakita niya si Rafael maayos ang suot, pero simple pa rin, at may dala muli na mga paboritong pagkain ng mga bata. Agad na tumakbo sina Thunder at Thalia patungo sa kanya."daddy akala namin di kana dadalaw dito" napatingin muna si Rafael kay Krystal, kailangan niyang makita kung ano ang tugon nito bago sya sasagot . Tumango lang si Krystal at ngumiti .Biglang nakaramdam ng ginhawa si Rafael sa nakikita niya .Totoo bang ngumiti si Krystal sa kanya tila hindi sya makapaniwala. "nandito ako para makipaglaro ulit ..diba nabitin kayo kahapon ?" agad na nagtatalon ang kambal at yumakap sa kanya .Tila nadurog naman ang puso ni Krystal sa nakikita mukha ngang kailangan ng ama ang mga anak niya para maging masaya ang mga ito . Naramdaman niya na may kusang tumulo na luha sa kanyang mata. Hinayaan niya lang ang mag aama na pumunta sa likod para maglaro .Agad din sya nagtungo sa kusina para magh
'' malungkot ka ba dahil engage na si Richard? " agad umiling si Krystal hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dapat nga nasasaktan na siya ngayon habang nakikita ang laman ng social media kung saan naipakalat na ang tungkol kila Richard at Mela . Hindi niya magawang malungkot dahil mas nangin
'' gusto ko sana iha samahan mo si Rafael sa ibang bansa para magpagamot . Don't worry sa sahod ako ang magbibigay . Pero kung may ibibigay man ang anak ko sayo tanggapin mo din . Nalaman ko na nagresign kana sa trabaho kaya sinamantala ko ang pagkakataon na ito para kahit papaano makausap kita ng
"mukhang ito na ang pagkakataon para makausap ko si Krystal" masayang saad ni Ressy sa asawa nito .Nalaman niya na pinaalis sila sa condo kung saan nakatira ngayon si Krystal. Hanggang doon lang ang kanyang nalaman simula nag resign ito . Gusto niya gagamitin niya ang pagkakataon na ito para mapasu
Araw na sana ng pagkikita ng dalawang pamilya ng biglang nagkaroon ng emergency naisugod sa hospital ang lola ni Mela kaya hindi natuloy ang pakikiusap ng mga ito sa magiging fiance niya . Papunta na sana sila sa restaurant kung saan naghihintay na ang mga taong kakausapin nila ng biglang nawalan n







