LOGINChusan POVI haven’t felt this kind of excitement in a long time. I’m sitting by the airplane window, gazing at the clouds outside. In just a few minutes, I’ll be arriving in Amontala Province.To be honest, I feel like a kid who can’t sit still from all the excitement. Not because of the vacation. Not because of the rest. And certainly not because of the one-year hiatus I’ve been planning for so long, but because of Isla. I smiled as I thought of that little girl. I don’t understand why.Basta simula ng ma-meet ko siya ay sobrang gaang ng pakiramdam ko sa kaniya. Na para bang ang sarap-sarap makipaglaro sa kaniya.Pero ang totoo rin ay ayoko munang maging artista kahit isang taon lang. Ayoko munang maging si Chusan Kang na kilala ng buong Pilipinas. Ayoko munang maging celebrity. Gusto ko lang maging ordinaryong tao.At para mangyari iyon, I had to disappear. So I left everything behind. My cellphone. My contacts. Even the people who were always around me.I didn’t bring a primary ph
Sera POVPagkababa ko ng sasakyan ay agad kong naramdaman ang pagka-init ng ulo ko. Not because of the weather here in Amontala, but because of the news I received.Nabawi na raw agad ni Sylaila si Isla. Hindi ko nga maintindihan kung paano nangyari iyon. Namamahinga lang ako dahil nilagnat ako sa tubig na mayroon dito. Nagka-LBM ako, tapos pagkagising ko ay mababalitaan ko na lang na ganoon na ang nangyayari.Sampung armadong lalaki ang iniwan ko rito.Sampung malalakas, matatangkad at halos magagaling sa labanan.Sampung tao na sila na may mga baril at sapat na lakas para bantayan ang isang bata, pero heto ako ngayon, naglalakad papunta sa farm ni Nardo habang halos pumutok na ang ugat sa leeg ko sa galit.Pagdating ko sa farm ay agad akong natigilan sa nasaksihan ko. At mas lalo lang akong nainis.Nagkalat sa paligid ang mga tauhan ko. May nakahiga sa lupa. May nakaupo habang namimilipit. May umiiyak. May nagmumura.At halos lahat sa kanila ay may mga tama ng baril sa hita at binti
Sylaila POVMahigpit kong hawak ang kamay ni Isla habang naglalakad kami papunta sa pinapagawang beach resort nila Vandall. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa Amontala, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.Pero masaya, dahil nasa tabi ko si Isla.Ligtas siya at buhay.Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kanya habang naglalakad kami. Masigla na ulit siya. Parang walang nangyaring masama. Parang wala siyang pinagdaanang takot, at nagpapasalamat ako roon.Habang papalapit kami sa resort ay nakita ko agad ang dalawang pamilyar na tao.“Ate Ila!”Napalingon ako kina Fabian at Lusing. Pareho silang nakatayo malapit sa malaking gate. Mukhang kanina pa naghihintay.Pagkakita nila sa akin ay para silang nabuhayan ng loob. Pero nang makita nila si Isla sa tabi ko, biglang nagbago ang ekspresyon ni Lusing.Nanginginig ang labi niya. Namumula ang mga mata, at bago pa ako makapagsalita tumakbo na siya palapit sa amin“ISLA!”Napayakap agad siya sa bata at saka tuluyang napaiyak.Nanlaki ang mat
Sylaila POVTahimik akong nakatago sa likod ng malaking puno habang nakamasid sa farm. Sa totoo lang, kabado akong isipin na baka hindi maging epekto ang pampatulog na nilagay ko sa kakanin.Panay ang dasal ko na sana ay maging epektib kasi halos sampung minuto na akong nakatago rito ay parang walang nangyayari.Pero maya maya ay isa sa mga armadong lalaki ang unang napahikab. Napangiti ako kasi parang ayan na. Ilang segundo pa ay tila napahawak ito sa ulo, pagkatapos ay napaupo na siya sa lupa.Makalipas ang isang minuto, tuluyan na itong bumagsak sa lupa.Napangisi ako kasi tagumpay, nakatulog na ang isa.Maya maya pa ay nagsunod-sunod na silang bumagsak sa lupa. Parang mga punong isa-isang pinuputol.“Tang-ina ninyo ah! Sige, matulog muna kayong mga hayop kayo!”Ang iba ay nakaupo pa habang inaantok. Ang iba naman ay sinusubukang tumayo, pero wala ring nangyari. Isa-isa silang bumagsak sa lupa, hanggang sa wala nang natirang nakatayo.Lahat silang sampu at nakanganga at mahimbing n
Sylaila POVMahigpit kong kinuyom ang mga kamao ko habang naglalakad palayo sa farm. Naririnig ko pa rin sa isip ko ang iyak ni Isla. Ang paghingi niya ng tulong. Ang pagtawag niya sa akin.Sa bawat segundo na lumilipas, lalo kong gustong sugurin ang mga armadong lalaking nagbabantay sa kaniya. Pero alam kong hindi pa puwede. Hindi ako puwedeng magpadalos-dalos.Sampu sila at kahit kaya kong lumaban, hindi ko alam kung gaano karami ang baril nila.Mas lalong hindi ko alam kung ano ang mangyayari kay Isla kapag nagkamali ako.Kailangan kong mag-isip. Kailangan kong maging matalino. Kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.Naglakad ako papunta sa kabilang bahagi ng Amontala hanggang makarating ako sa Calye Lumipak. Doon ko agad nakita si Aling Bibet. Ang galing, parang ang suwerte ko. Tulad ng dati, nakaupo siya sa gilid ng kalsada habang nagtitinda ng iba’t ibang kakanin.May sapin-sapin, kutsinta, puto, suman, at kung anu-ano pang matamis na pagkain.“Aling Bibet!”Napatingin siya
Sylaila POVHindi ko na maalala kung ilang beses akong napaluha sa biyahe. Hindi ko na rin maalala kung ilang beses akong napapikit habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao ko.Kailangan kong mahanap si Isla. Kailangan kong mailigtas ang anak ko.Pagkatapos kong marinig mula kay Lusing ang nangyari, parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko na halos narinig ang iba niyang sinabi. Ang malinaw lang sa isip ko ay ang mga salitang dinukot nila si Isla. Paulit-ulit na umaalingawngaw iyon sa utak ko. Parang martilyong paulit-ulit na humahampas sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako nakasakay sa jeep. Hindi ko alam kung paano ko nagawang mag-impake ng ilang gamit. Hindi ko alam kung paano ako nakapagdesisyong bumiyahe agad papuntang Amontala.Basta ang alam ko, wala akong ibang pupuntahan. Doon dinala ang anak ko, at doon ko rin siya kukunin. Kahit ano pang mangyari, babawiin ko siya dahil nag-iisa lang ang Isla ko.Tahimik akong nakaupo sa pinakadulong bahagi ng jeep. Dumadaan ang mga puno
Ilaria POVHindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang minamaneho ko ang sasakyan ko papunta sa villa ni Keilys. Ang tagal ko ring hindi nakapasok doon—mula noong umalis kami ni Tatay dahil umuwi na kami sa totoong bahay namin. Pero ngayong unti-unti na kaming bumabalik sa dati, parang hinahana
Ilaria POVPagdating ko sa Manila, natutuwa ako dahil sinalubong agad ako ni Keilys sa ibaba ng building ng condo niya. Sabi niya, dito daw ako mag-review sa Manila. Siyempre, bilang gusto ko ulit lumandi, pumatol ako. Alam kong kaya niya ginawa ‘yon ay para ma-solo ako. Sa bahay kasi, parang palag
Ilaria POVBusog na busog kami pagkatapos mag-merienda. Kaya naman nag-walk kami saglit sa labas. Nagpunta kami sa malapit na mall, namili ng mga damit, kasi kapwa kami walang damit. Siya, wala ring damit doon dahil mga nasa labahan. Ako, kaunti lang din ang dala, tapos nagpasya pa siyang mag-stay
Ilaria POVAng lakas ng ulan. Parang walang balak tumigil. Signal number 3 na rin dito sa town namin. Kanina pa umuugong ang hangin, kumakalampag ang bubong, at halos mapuno na ng tubig ang labas ng bahay.Nasa sala ako ngayon, nakasilip sa bintana, habang pinagmamasdan ang mga dahon ng puno ng man







