แชร์

One Hundred Forty Four

ผู้เขียน: Allecorianna
last update วันที่เผยแพร่: 2026-08-13 21:58:13

SOFIA

“SOFIA? Ayos ka lang ba?”

Napakurap ako ng ilang beses. Hindi ko alam na nakatulala na pala ako.

"O-Oo….sa-salamat. Sa totoo lang, hindi ko rin naman gustong maging kaaway mo. Hindi naman kita personal na kinamumuhian. Nagkaroon lang talaga tayo ng hindi magandang simula."

"Alam ko. Kaya gusto kong magsimula tayo ulit. Hindi naman kailangan na maging close tayo agad. At least, kapag nagkikita tayo, kaya na nating mag-usap nang hindi nagtatalo."

"Sige."

Pagdating namin sa lobby ay dumiret
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   One Hundred Forty Four

    SOFIA “SOFIA? Ayos ka lang ba?”Napakurap ako ng ilang beses. Hindi ko alam na nakatulala na pala ako."O-Oo….sa-salamat. Sa totoo lang, hindi ko rin naman gustong maging kaaway mo. Hindi naman kita personal na kinamumuhian. Nagkaroon lang talaga tayo ng hindi magandang simula.""Alam ko. Kaya gusto kong magsimula tayo ulit. Hindi naman kailangan na maging close tayo agad. At least, kapag nagkikita tayo, kaya na nating mag-usap nang hindi nagtatalo.""Sige."Pagdating namin sa lobby ay dumiretso kami sa sasakyan ni Lily. Hindi ko na tinanong kung saan kami pupunta dahil sinabi niyang may alam siyang magandang restaurant. Nang makarating kami roon, agad kong napansin na hindi iyon iyong klase ng restaurant na karaniwang pinupuntahan ko.Maganda ang lugar at maganda ang pagkakaayos ng mga mesa. Halata ring mamahalin ang pagkain dahil sa mga nakasulat sa menu."Lily, sigurado kang dito tayo kakain?""Oo. Bakit? Hindi mo ba gusto?""Nagustuhan ko naman, pero baka sobrang mahal dito. Hind

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   One Hundred Forty Three

    SOFIAMAKALIPAS ang ilang oras ay natapos ko rin ang report na ipinagawa sa akin ni Andrew. Ilang beses ko iyong binasa at chineck bago ko inilagay sa folder dahil ayokong may maiwang mali, lalo na at kailangan niya iyon para sa meeting niya kinabukasan. Dahil wala rin naman akong ibang urgent na ginagawa sa department, naisip kong ako na mismo ang magdala sa executive floor para kung may kailangan siyang baguhin ay maayos ko agad.Pagdating ko sa office niya ay kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko siyang nakaupo sa likod ng desk at abala sa pagbabasa ng ilang dokumento. Nang maiangat niya ang tingin at makita ako ay bahagya siyang ngumiti bago itinuro ang upuan sa harap niya."Natapos mo na?""Oo. Ito na iyong report na pinagawa mo sa akin. Chineck ko na rin nang dalawang beses para siguradong maayos na lahat. Kung may gusto kang baguhin o may kulang pa, sabihin mo lang sa akin para maayos ko bago ako bumalik sa department."Kinuha niya ang folder mula sa akin at binuksan iyon."

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   One Hundred Forty Two

    ANDREW"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni mommy sa akin."Alam kong mahal niya ako. At alam ko ring matagal na niyang iniisip na baka kami ang magkakatuluyan. Kung sasabihin kong hindi ko siya gusto at may ibang babaeng mahal ako, hindi ba siya masasaktan?""Oo naman," sagot ni Mommy Eve. "Malamang masasaktan siya. Pero hindi ibig sabihin na kailangan mong pakasalan ang isang taong hindi mo mahal para lang hindi siya masaktan.""Pero ayoko rin siyang paasahin.""Tama iyon," sabi ni Daddy Denzel. "Kailangan mong kausapin si Lily ng maayos. Ipaliwanag mo sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman mo at huwag mong bigyan ng maling pag-asa. Mas masasaktan siya kung patatagalin mo pa.""Pero paano kung hindi niya tanggapin?""Hindi mo na iyon kontrolado," sagot ni Mommy Eve. "Ang kaya mong gawin ay maging honest sa kanya. At kung kailangan, kami na rin ang makikipag-usap sa kanya. Ayokong isipin niyang may pangako kami sa kanya na hindi naman talaga ginawa ng pamilya natin."Napabuntong

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   One Hundred Forty One

    ANDREWKinabukasan, nang magising ako ay agad akong bumaba sa dining area. Nandoon na sina Mommy Eve at Daddy Denzel. Pareho silang kumakain habang nag-uusap tungkol sa ilang bagay na may kinalaman sa kumpanya. Kumuha ako ng pagkain at umupo sa tabi nila. Ilang minuto muna akong tahimik na kumain habang iniisip kung paano ko sisimulan ang gusto kong itanong dahil hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon nila.Napansin yata ni Mommy Eve na hindi ako karaniwang tahimik sa umaga, dahil ilang beses niya akong tiningnan bago niya tuluyang ibaba ang hawak niyang kutsara."Andrew, bakit parang ang tahimik mo ngayon? May problema ba sa kumpanya? May nangyari ba kagabi? Kanina ka pa parang may iniisip at ilang minuto mo nang tinutusok iyong pagkain mo na para bang may kasalanan sa iyo."Umiling ako."Wala namang problema sa kumpanya, Mom. May gusto lang akong itanong sa inyo ni Dad."Nagkatinginan sila."Ano iyon?" tanong ni Daddy Denzel.Huminga muna ako nang malalim bago ko sila tin

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   One Hundred Forty

    ANDREWNapabuntong-hininga ako bago ko siya tiningnan ng diretso sa mga mata."May pinag-usapan ang mga magulang namin noon tungkol sa amin ni Lily. Pero hindi ibig sabihin na may kasal kaming napagkasunduan. At lalong hindi ibig sabihin na pumayag ako roon.""Pero sinabi niya sa akin na matagal na raw iyong usapan.""Matagal na talaga."Napayuko siya."See? Iyon nga ang sinasabi ko.""Hindi, Sofia. Makinig ka muna sa akin. Totoong matagal ng magkakilala ang mga pamilya namin. At noong bata pa kami ay may mga biruan at usapan na baka kami ang magkakatuluyan. Pero hindi iyon naging desisyon ko. Hindi ako nangako kay Lily at wala rin akong sinabi sa pamilya ko na papayag ako sa ganoong bagay.""Pero bakit hindi mo sinabi sa akin?"Napahinto ako. Hindi ko agad nasagot iyon dahil alam kong may punto siya."Alam mo naman na hindi ko alam na may nagsabi sa iyo tungkol doon. Pero kung tinatanong mo kung bakit hindi ko nabanggit, dahil hindi ko naman itinuturing na bahagi iyon ng buhay ko nga

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   One Hundred Thirty Nine

    ANDREWDALAWANG ARAW NA ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo sa akin ni Sofia. Hindi naman siya naging bastos o diretsahang nagsabi na ayaw niya akong kausapin. Pero halatang iniiwasan niya ako. Kapag nakikita niya ako sa department nila, bigla siyang nagkukunwaring may hinahanap sa mga dokumento niya. Kapag tinatanong ko kung gusto niyang sabay kaming kumain, palagi niyang dahilan na marami pa siyang kailangang tapusin. Maging sa mga mensahe ko ay iba na rin ang mga sagot niya. Dati, kahit abala siya ay nagagawa pa niyang mang-asar o magreply ng maayos. Pero nitong dalawang araw ay puro maiikli na lang ang sagot niya. At madalas, ilang minuto o oras pa bago niya mabasa ang mga ipinapadala ko.Noong unang araw ay hinayaan ko lang siya dahil baka kailangan talaga niyang mapag-isa. Hindi ko naman gustong isipin niya na pinipilit ko siyang makipag-usap sa akin. Pero noong sumunod na araw ay lalo kong napansin ang pagbabago niya. At hindi ko na rin maalis sa isip ko na

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Two

    EVEMarahan akong napaharap sa kanya. At sa dilim ng kwarto ay bahagya kong nasilayan ang matigas niyang mukha na tila walang bakas ng init o lambing kahit ang mga kamay niya ay patuloy na marahang humahaplos sa akin. Tahimik lang siya, gaya ng dati. Walang paliwanag. Walang paghingi ng tawad sa mg

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   One

    EVE CASTRO "Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili. Mag-aalas dose na ng gabi ngunit gising pa rin ako sa loob ng napakalaking mansion ng mga Bowles. Sa sobrang katahimikan ay halos marinig ko na ang sarili kong paghinga habang nakaupo sa mahabang dining table na para bang isa lamang akong bi

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Five

    EVEDalawang araw na ang lumipas mula nang tuluyan kong iwan ang mansion ng mga Bowles. Ngunit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng mga pangyayari na minsan, naiisip kong baka panaginip lang ang lahat at magig

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Four

    EVEMABILIS na dumaan ang isang buwan. Maaga akong nagising nang araw na iyon na may kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Ilang araw ko nang nararamdaman ang madalas na pagkahilo at mabilis na pagkapagod. Pero hindi ko iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka dala lang iyon ng stress at puyat

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status