LOGINSOFIA "Alam ko," mahina kong sagot. "Siguro alam mo na rin iyon dahil ilang beses ko na rin namang ipinakita sa iyo. Matagal ko na siyang mahal. Hindi lang iyong simpleng paghanga dahil kababata ko siya. Lumaki kaming magkasama. Kilala ko ang pamilya niya, kilala niya ang pamilya ko at maraming alaala ang pinagsamahan namin. Kaya hindi ko naman kayang basta sabihin sa sarili ko na dahil may mahal na siyang iba, mawawala na rin agad ang nararamdaman ko." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. "Pero hindi naman kita sinisisi," patuloy niya. "Hindi ko naman sinabi sa iyo ito para makipag-away. Alam kong wala kang kasalanan. Hindi mo naman pinilit si Andrew na mahalin ka. At alam ko ring hindi mo naman kinuha si Andrew mula sa akin dahil wala naman kaming relasyon." "Kung ganoon, bakit mo sinasabi sa akin?" "Dahil gusto kong maintindihan mo rin ako. Hindi naman ako hinihingi sa iyo na layuan mo siya. Hindi ko kayang gawin iyon sa iyo dahil alam kong mahal mo rin siya
SOFIA DALAWANG ANG LUMIPAS. PAGSAPIT ng uwian ay agad kong inayos ang mga gamit ko sa mesa. Ilang araw na rin akong maraming iniisip kaya gusto ko sanang makauwi nang maaga para makapagpahinga. Habang inilalagay ko sa bag ang ilang dokumento na kailangan kong dalhin kinabukasan ay nag-message si Mama na nasa bahay na siya, kaya mas lalo akong nagmadaling umalis. Pagdating ko sa lobby ay halos kasabay ko na ang ilang empleyado na nagsisilabasan. Habang naglalakad ako papunta sa main entrance ay napansin kong may nakatayo malapit sa gilid ng building. Nang makilala ko kung sino iyon ay napahinto ako. Naroon si Lily. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti at lumapit. "Sofia, sakto at palabas ka na rin. May itatanong sana ako sa iyo. May gagawin ka ba mamaya?" "Uuwi sana ako. Bakit?" "May gusto sana akong makasama ngayong gabi. Kakain ako sa labas at ayoko sanang mag-isa. Alam kong biglaan ito pero naisip kong baka puwede kang sumama sa akin." "Ngayon? Lily, hindi ba
SOFIA “SOFIA? Ayos ka lang ba?”Napakurap ako ng ilang beses. Hindi ko alam na nakatulala na pala ako."O-Oo….sa-salamat. Sa totoo lang, hindi ko rin naman gustong maging kaaway mo. Hindi naman kita personal na kinamumuhian. Nagkaroon lang talaga tayo ng hindi magandang simula.""Alam ko. Kaya gusto kong magsimula tayo ulit. Hindi naman kailangan na maging close tayo agad. At least, kapag nagkikita tayo, kaya na nating mag-usap nang hindi nagtatalo.""Sige."Pagdating namin sa lobby ay dumiretso kami sa sasakyan ni Lily. Hindi ko na tinanong kung saan kami pupunta dahil sinabi niyang may alam siyang magandang restaurant. Nang makarating kami roon, agad kong napansin na hindi iyon iyong klase ng restaurant na karaniwang pinupuntahan ko.Maganda ang lugar at maganda ang pagkakaayos ng mga mesa. Halata ring mamahalin ang pagkain dahil sa mga nakasulat sa menu."Lily, sigurado kang dito tayo kakain?""Oo. Bakit? Hindi mo ba gusto?""Nagustuhan ko naman, pero baka sobrang mahal dito. Hind
SOFIAMAKALIPAS ang ilang oras ay natapos ko rin ang report na ipinagawa sa akin ni Andrew. Ilang beses ko iyong binasa at chineck bago ko inilagay sa folder dahil ayokong may maiwang mali, lalo na at kailangan niya iyon para sa meeting niya kinabukasan. Dahil wala rin naman akong ibang urgent na ginagawa sa department, naisip kong ako na mismo ang magdala sa executive floor para kung may kailangan siyang baguhin ay maayos ko agad.Pagdating ko sa office niya ay kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko siyang nakaupo sa likod ng desk at abala sa pagbabasa ng ilang dokumento. Nang maiangat niya ang tingin at makita ako ay bahagya siyang ngumiti bago itinuro ang upuan sa harap niya."Natapos mo na?""Oo. Ito na iyong report na pinagawa mo sa akin. Chineck ko na rin nang dalawang beses para siguradong maayos na lahat. Kung may gusto kang baguhin o may kulang pa, sabihin mo lang sa akin para maayos ko bago ako bumalik sa department."Kinuha niya ang folder mula sa akin at binuksan iyon."
ANDREW"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni mommy sa akin."Alam kong mahal niya ako. At alam ko ring matagal na niyang iniisip na baka kami ang magkakatuluyan. Kung sasabihin kong hindi ko siya gusto at may ibang babaeng mahal ako, hindi ba siya masasaktan?""Oo naman," sagot ni Mommy Eve. "Malamang masasaktan siya. Pero hindi ibig sabihin na kailangan mong pakasalan ang isang taong hindi mo mahal para lang hindi siya masaktan.""Pero ayoko rin siyang paasahin.""Tama iyon," sabi ni Daddy Denzel. "Kailangan mong kausapin si Lily ng maayos. Ipaliwanag mo sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman mo at huwag mong bigyan ng maling pag-asa. Mas masasaktan siya kung patatagalin mo pa.""Pero paano kung hindi niya tanggapin?""Hindi mo na iyon kontrolado," sagot ni Mommy Eve. "Ang kaya mong gawin ay maging honest sa kanya. At kung kailangan, kami na rin ang makikipag-usap sa kanya. Ayokong isipin niyang may pangako kami sa kanya na hindi naman talaga ginawa ng pamilya natin."Napabuntong
ANDREWKinabukasan, nang magising ako ay agad akong bumaba sa dining area. Nandoon na sina Mommy Eve at Daddy Denzel. Pareho silang kumakain habang nag-uusap tungkol sa ilang bagay na may kinalaman sa kumpanya. Kumuha ako ng pagkain at umupo sa tabi nila. Ilang minuto muna akong tahimik na kumain habang iniisip kung paano ko sisimulan ang gusto kong itanong dahil hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon nila.Napansin yata ni Mommy Eve na hindi ako karaniwang tahimik sa umaga, dahil ilang beses niya akong tiningnan bago niya tuluyang ibaba ang hawak niyang kutsara."Andrew, bakit parang ang tahimik mo ngayon? May problema ba sa kumpanya? May nangyari ba kagabi? Kanina ka pa parang may iniisip at ilang minuto mo nang tinutusok iyong pagkain mo na para bang may kasalanan sa iyo."Umiling ako."Wala namang problema sa kumpanya, Mom. May gusto lang akong itanong sa inyo ni Dad."Nagkatinginan sila."Ano iyon?" tanong ni Daddy Denzel.Huminga muna ako nang malalim bago ko sila tin
EVEDalawang araw na ang lumipas mula nang tuluyan kong iwan ang mansion ng mga Bowles. Ngunit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng mga pangyayari na minsan, naiisip kong baka panaginip lang ang lahat at magig
EVEMABILIS na dumaan ang isang buwan. Maaga akong nagising nang araw na iyon na may kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Ilang araw ko nang nararamdaman ang madalas na pagkahilo at mabilis na pagkapagod. Pero hindi ko iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka dala lang iyon ng stress at puyat
EVE Maghapon kong iniwasan ang sarili ko sa loob ng mansion dahil pakiramdam ko, lalo lang akong nalulunod sa katahimikan kapag nandoon ako. Sa bawat sulok ng bahay na iyon ay may alaala ng paghihintay, ng pag-asa at ng paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Kahit gaano pa ito kalaki at kaganda, hi
EVEMarahan akong napaharap sa kanya. At sa dilim ng kwarto ay bahagya kong nasilayan ang matigas niyang mukha na tila walang bakas ng init o lambing kahit ang mga kamay niya ay patuloy na marahang humahaplos sa akin. Tahimik lang siya, gaya ng dati. Walang paliwanag. Walang paghingi ng tawad sa mg







