แชร์

Kabanata 2

ผู้เขียน: the1999cut
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-11-14 21:59:57

Tadhana ay sumasaatin

Tumagal ang salu-salo, ilang alak na rin ang naiinom at natatagay ng mga bisita rito. Ang kuwentuhan ay unti-unting lumalalim. Iyong dalawang late ay magkatabi at tanaw na tanaw ko sila sa aking puwesto dahil halos katapatan ko lang sila...lalo na 'yong Rahab na kanina pa kakuwentuhan si Jomar.

"Paps, si Aqee nga pala..." halata sa boses ni Jomar ang pagkalasing at kanina ko pa hinihintay na ipakilala niya ako kaso inuna niya pa ang kuwentuhan. Pinakilala rin niya sila Tin at Dons.

"Itong dalawa pamilyado na 'yan, e!" turo ni jomar sa dalawa kong katabi. "Ito si Aqee, single 'yan! Bagay kayo! Irereto na kita agad, ha?"

Ang gagu ng isang 'to talaga...

"Gagu ka mar!" natatawa pang sabi no'ng lalaki.

"Aqee, si Rahab pala! Iyong sinasabi ko sa'yo kanina hahahaha gwapo no?" sabi ni Jomar.

Nagkibit balikat lamang ako para kunwari nonchalant lang.

"Hello..." wika ni Rahab sa akin.

Gusto ko talaga 'yong boses niya tapos 'yong tono ng tawa niya…hindi baduy pakinggan.

"Hi..." tugon ko.

Parang akong bumalik sa pagka-teenager sa nararamdaman ko ngayon? Nahihiyang ewan!

"CPA ka rin sa BIR?" tanong niya.

"Hindi CPA, pero admin assistant."

"Nice! Halos same field!" nakangiti niyang sambit.

Ngumiti na lang din ako, dahil same work place lang kami pero hindi same field. Malayo pa rin siya sa akin.

"Baka nakatadhana kayo magkakilala talaga, paps? Hahahaha!" sambit ni Jomar na patuloy akong tinutulay sa tropa niya.

"Baliw ka na pre hahahaha!" natatawang sabi ni Rahab.

Sa tingin ko hindi siya interesado sa akin? Hindi yata ako gano'n ka flashy 'yong tipong mapapa-love at first sight sila agad, Dahil siguro 'to sa ilong ko? Hindi naman yata?  Ayoko mag rhinoplasty medyo pricey! Tiisin ko na lang kung anong meron sa mukha ko tutal pamana ito ng magulang ko. Kung tutuusin love is blind naman. Kung hindi siya interesado sa akin, that's okay. Hindi ko naman siya pipilitin.

"Ayaw mo ba sakaniya?" biglang tanong ni Jomar sa tropa niya.

"Huy! Jomar! Lasing ka na baliw!" sambit ni Donna.

"Bunganga niya jusku!" sabat ni Tin.

I felt shy...kung sasabihin niya dito na hindi. Magpapalamon talaga ako sa tinatapakan kong lupa!

"Actually, hindi naman sa ayoko. Hypothetical, I find her pretty and attractive tonight, pero hindi kasi ako 'yong tipo na I fell in love at first meet? Ang corny kasi no'n...you understand naman 'di ba? Aqee?" he was asking and assuring me.

"I understand. Actually, same lang naman tayo. I don't fall in love that easy rin. It takes time for me."

"Same..."

"Ang dami niyong alam! Hindi na uso 'yong ganiyan ngayon!" wika ni Jomar.

"Paps, uso pa rin 'yon sa akin hahahaha!" sabi ni Rahab. "Sa'yo, Cha? Same lang ba tayo?" tanong ni Rahab doon sa isa niyang katabi.

"Hindi yata, pre. Kapag nahulog ka, nahulog ka. There's no time or sign to wait for it, it just happens on a snap, at the moment. Bigla biglaan.”

"Ayy pota parang in love ka pre, ah? May love life ka na rin ba?" sambit ni Jomar.

"Ang ingay nila, noh? Pero sayang si Rahab sis! Parang may ka M.U. na…sagutan pa lang, e?” bulong ni Tin sa akin.

"M.U? Uso pa ba 'yon? That's so high school thing." pabulong ko ring sabi.

Pero naiintindihan ko naman si Rahab. How can you tell na it’s love kung kakakita at kakakilala niyo pa lang sa isa’t isa? Infatuation lang siguro ‘yon. Attraction…physically. Hindi siya love.

Nagkaniya kaniya na kami ulit ng usapan. Nangamusta rin sa amin ang bride and groom, maikling talakayan lang when suddenly I felt like someone was looking at me...malakas ang kutob ng peripheral vision ko and when I try to catch that simple eye contact, as I turn my head towards that location...I saw Rahab meeting my gaze at the same time. He smiled for a second and I responded with a shy smile. Then we both looked at different ways after.

Maybe he really does find me pretty that he can give me glances? But if reto-reto didn't win, I'll have to put my trust in fate.

Sumabay ako pauwi kala Tin. Sinundo siya ng kaniyang asawa at dahil may car sila ininsist na rin nila akong sumabay dahil madadaanan naman nila ang barangay namin.

Sa isang Urban ako nakatira. Dalawang palapag na bahay na gawang bato. May gate na maliit bago makapasok at makakatok sa pinto. May maliit na sala kung saan kitang kita ang kusina at pinto ng banyo at iyong hagdan paakyat sa kwarto. 40 inch na smart tv, may maliit na ref. Nasa may bar stool ang aquarium na puro angel fish ang laman. May alaga rin akong tarantula na pinangalanan kong Chaco dahil ang lahi nito ay Golden knee chaco na si papa na rin ang nag-aalaga ngayon.

I invested more sa kwarto ko, since dalawa na lang kaming magkapatid ang nandito, tig-isa kami ng room dahil si papa sa may sala natutulog. College student na si Ayah at ang ate ko na si Erah ay may sariling bahay sa hindi kalayuan sa amin halos tatlong bahay lang ang pagitan. My room has it all as I would say. Nagpagawa ako ng loft bed at sa ibaba no'n ay ang pc set up kong very demure ang atake with dual monitors. I like collecting toys most likely I prefer skull panda, hirono, and my favorite from mootangpak studio na thiago. I also had a book shelf sa ginawang hagdan paakyat sa kama ko. I like reading. I have different kinds of book local and international. Fiction and self-help. I buy and read them, hindi siya pangdisplay lang. I also had a piano which I sometimes play. Self taught lang ako because I like listening to classical musics...I love Choplin, and that one from an anime movie...sparkle ang theme song. I also had a mini projector na minsan nanonood ako ng movie kapag day off. I truly invested so much for my comfort dahil hindi naman ako mahilig gumala gala. And it was my dream to have a nice room dahil noong bata pa kami isa lang ang kwarto namin at magkakatabi kaming tatlong magkapatid.

Everything that I provide in this house was not seen by my mother. It was her last wish no'ng panahon na medyo afford ko na ang mga bagay na gusto namin. The first thing she saw me spend was the 40 inch smart TV tapos sabi pa niya no'n next year gusto ko naman ng washing machine 'yong may dryer na...pero she never witness that washing machine that I bought dahil wala na siya. She passed away due to sickness...nanalo 'yong diabetes niya. Kaya when my life had it all, love slipped away. And maybe that was my fate. Sabi ni mama sa akin dati, kung anong para sa'yo ay mangyayari sa hindi mo inaasahang panahon...tawag doon ay tadhana. I believe her. Pero sa totoo lang after I graduated in college, hindi naman instant ang success. I had multiple downfalls. Multiple rejected interviews lalo na no'ng panahon na grumaduate ako sumakto pa 'yong covid. It was a tough time. Nabenta ni papa 'yong tricycle para lang makapagbukas kami ng maliit na sari-sari store noon. Si mama at 'yong ate ko lang ang financial provider namin noon. Si mama na isang Janitress na sa awa ng Diyos ay may pasok at hindi nadadapuan noon ng sakit, at si Ate na isang frontliner na nakadestino sa vaccination doon sa baranggay aliw. Akala ko 'yong success noon ay hindi na dadating sa akin dahil tila hindi sumasang-ayon ang lahat. Naging taga bantay lamang ako sa tindahan namin after ng online graduation ko.

Hindi instant noodle ang success, it will take you long years bago mo matamasa iyon. Para siyang Jeep sa maulan na panahon na sobrang tagal o minsan ay walang dumarating...kaya pagsisikapan mong maglakad pauwi. Napagtanto ko no'ng makapasok ako sa call center na minsan hindi sapat ang diploma kung wala kang tiyaga at diskarte sa buhay. Mga effort mo minsan hindi na rin napapansin ng iba. Mahirap pala talaga kumita ng pera...sa panahon ngayon isa na ako sa nagsasabi niyan. But God is good, he blessed me after that hardships and taught me lessons that I never learned in school. Hindi naman pala lahat ng matututunan ko sa school ay magagamit ko kaagad, pero mahalaga pa rin itong baon sa pang araw-araw. Natuto ako, dahil iyon ang tinadhana sa akin mangyari.

Pero sadyang meron lang talaga minsang kapalit ang sayang nararamdaman ko. Hindi rin kami ganoon ka-close ng papa ko. May mga nasabi't nagawa kaming masama sa isa't isa na hindi na kayang idaan sa sorry kundi sa hindi na lang namin sinusubukan i-bring up ang nangyaring iyon sa nakaraan. Trauma namin siguro ang isa't isa? Pero nandito pa rin siya kahit na hindi siya 'yong kailangan ko…ayon siguro ang tadhana namin.

"Hay nako! Trabaho na naman bukas! Parang hindi naman ako nakapagpahinga!" bulyaw ko sa sarili ko habang nakahiga sa kama.

Kahit ano namang reklamo ko ay papasok pa rin naman ako sa trabaho kaya ano 'tong inaarte arte ko? Makatulog na nga lang sa ganito! Bahala na!

••

Kahit gaano pa ako kareklamador tuwing weekend ay pumapasok pa rin ako sa trabaho at hindi nagpapa-late lalo na kapag lunes dahil may Flag Ceremony kami sa malawak naming auditorium-like room sa office. Hinahatid ako ni papa at umaalis kami sa bahay ng six-thirty ng umaga. Bago ako umalis nag-iiwan muna ako ng baon ni ayah which is isang daan araw-araw. Pateros to Makati ang biyahe namin na inaabot ng forty minutes minsan isang oras kapag traffic. Pagpasok ko sa lobby ng building dito sa Exportbank kitang kita ang hindi kahabaang pila pasakay ng elevator. Ito minsan ang dahilan ng iba kaya nala-late sa flag at anong oras na nakakapag-in. 

"Aqee?" biglang sambit no'ng kumalabit sa akin sa likod na agad ko namang sinilip.

"Oh!" pagkabigla ko no'ng makita si Rahab na nakangiti sa akin. Pareho pa kami ng uniform kaya totoo ngang pareho kami ng work place. "Bakit ka nandito? Akala ko sa pasig ka?"

"Good morning, Aqee...na-RTAO ako last week. Nandito ako kasi cleared na 'yong clearance ko ro'n at lilipat na ko rito. Start ko today.”

"Saang RDO?”

Sana hindi Assessment Division para hindi ako matuwa!

"Sa forty-nine."

"Ahh sa thirty-four...sa thirty-five kasi ako, e. Assessment Division.”

"Oh? Alam mo feeling ko pinaglalaruan na tayo ng tadhana kasi alam niya na 'yong details natin kahapon hahaha!"

"Oo nga no?" pagdududa ko kunwari.

Pero sigurado ako ito na 'yong simula ng paglaro sa akin ng tadhana ko! Imposibleng sumakto ang lahat since no'ng magkakilala kami kahapon? Coincidence na ‘to! Shiniship na kami ni kupido!

Sabay kami sumakay ng elev. Dosehan kasi sa elev at tatlo lang talaga nagana dito sa building. Kaunti lang naman ang kakilala ko na taga-BIR kaya wala masyadong bumabati sa akin kapag nasa elev at hindi rin kasi ako 'yong tipong palinga-linga sa paligid para maghanap ng kakilala...nakatingin lang ako sa may screen naghihintay matungtong ang thirty fifth floor.

"So...takot ka ma-late kapag monday?" He initiated a topic.

"Ayoko lang talaga ng late..."

"Ahh time conscious?"

Iyong pinto ng elev ay parang mirror kaya kitang kita namin ang isa't isa dahil nasa harapan kami...pinagkarsya talaga namin ang sarili namin.

"Basta gano'n...feeling ko ikaw laging late? Kahapon late ka, e?"

"Hahahaha nag O.T kasi ako no'n tapos naipit sa traffic."

"Thanks sa update." natawa naman siya sa sinabi kong ‘yon.

Ang pangit dito sa elev na nasakyan namin ay bawat floor ang dadaanan pa at tumitigil tigil.

"Taray ng elev bawat floor pa yata ang stop nito?" aniya.

"Oo...kaya ito 'yong elev na iniiwasan ng iba kapag late ka tapos monday pa."

"Noted po, ma'am." halata sa tono niya ang pang-aasar.

No'ng marating ang thirtieth floor, ang unang stop. May nag excuse mula sa likuran. Dahil nasa unahan kaming dalawa ni Rahab napalabas muna kami saglit upang mag make way sa lalabas. Ang thirtieth floor ay occupied ng isang Call Center company—Data Tech.

"Excuse..." sabi no'ng lalaking lumabas at medyo nakatungo.

"Huy Cha! Dito ka pala?" sambit ni Rahab at nakipag fist bump pa do'n sa lalaki na napatigil din.

"Oo, dito 'yon sinabi ko kahapon. Sige, kitakits na lang ulit, pre!" paalam ni Cha.

Napapasok na ulit kami sa elev.

"Mahiyain 'yon si Cha, pero mabait." biglang sambit ni Rahab sa akin kahit hindi ko naman tinatanong.

"Call center pala work niya..."

"Oo, sinabi niya kahapon 'di ba?"

"Hindi ko yata narinig..."

Hindi ko naman talaga pinakinggan ‘yong tao kagabi.

"He's a good guy." aniya.

"Sabi niyo nga ni Jomar…”

He didn't really amuse me...'yong Cha. Tahimik kasi siya, not approachable at all. Hindi rin siya nagbalak na kausapin ako kaya sa tingin ko hindi namin vibe ang isa’t isa.

Tumigil na rin ang elev sa floor nila Rahab. Nagpaalam siya na may ngiti sa labi. Palangiti ang isang 'yon...marahil iyon 'yong charming part sakaniya kaya madali lang siya makapanatagan ng loob.

Coincidence ang nangyayari sa aming dalawa. This building is so small for us not to meet again, pero maniniwala akong fate 'to kapag sa surprising way ulit kami magkita...if it's really meant to be, it'll be.

••

TBC.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 6

    Mata'y Lumilinaw Pagdating Sa'yo•••Maaga ako nakauwi, nagulat pa nga si papa. Iyong bunso kong kapatid pauwi pa lang yata? Hindi ko naman masyado alam ganap no'n sa buhay, pero alam kong suspended na rin klase niya. Nagpahinga lang ako paghiga ko sa aking kama. Ilang oras din ako nakatulog no'n dahil pag gising ko luto na ang ulam at tapos na kumain 'yong dalawa rito sa bahay.Naisipan ko magtrabaho ngayong gabi...hindi siya work related talaga kundi something personal...i-stalk ang facebook ni Rahab or kung malakas ang loob ko ay i-add ko pa!"Ano nga pala last name niya?" tanong ko sa sarili ko.Nandito ako ngayon sa aking kwarto at binuksan ko pa talaga ang pc ko para lang magfacebook. Walang hiya hiya ay tinanong ko kay Jomar ang apelyido ni Rahab o ang mismong FB nito. Ang loko loko nang aasar pa kesyo stalking daw tawag doon! This is just curiosity! Hindi ito stalking or what? Gusto ko lang malaman ang socials niya tutal mukha naman siyang machika sa social media e!Jomar Davi

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 5

    Tinapilok ni Kupido Pabagsak Sa'yo ••• I love the rain, the vibe it gives. The soothing chilly cozy atmosphere you'll feel with it, something inside me craves that stormy weather. The gloomy skies and thunder give me inspirations and thoughts and ideas, pero at the same time I hate how it gives me hard time lalo na kapag papuntang work at pauwi. The struggle I have to face with it. The hassle I have to go through. I love it yet I hate it. I'm not privilege enough to just love it. Sometimes loving the rain seems wrong and insensitive. Having a nice home with a good roof, a car, or even an umbrella seems wrong during stormy weather. It's because you have the privilege to have it and some do not. You have to consider everyone's feelings instead of your own. Kung gaano ka nagpakahirap mapunta sa ganitong estado upang maiwasan ang ganitong sitwasyon ay hindi na kahanga hanga sakanila. You have to show empathy dahil hindi lahat pareho ng tinatapakang lupa lalo na kung 'yong tinatayuan mo

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 4

    Sa Elevator Nakaabang Si Kupido•••It's been over a week na...I started to think that the elevator is something magical...or there's something at this place that is. Palagi na kaming nagkakasabay sa elev every morning, while I begin to ride it from ground floor. It's like fate that suddenly opens it at the 6th floor kung saan naghihintay siya at sumasakto na may space for him to enter. If it's not on the 34th, it's 6th. Minsan iniisip ko na rin na itaya 'yong numbers na 'yon sa lotto baka sakaling manalo ako."Bye, Aqee!" pagbati niya no'ng lalabas na siya ng elev."Ngumiti lang ako bilang tugon."Oh? Ang aliwalas ng aura mo this morning ah? Woke up at the right side of the bed?" sambit ni Maki no'ng pagkalapag ko sa mga gamit ko sa aking area."Tumpak ka d'yan hahahaha!""Sana all 'di ba? Kingina pag gising ko sakit ng likod ko, eh!""Need mo na yata magpa check up niyan?""Gaga bata pa 'ko!"Nagtawanan lang kaming dalawa at nag-aya magkape sa pantry tutal may kape ro'n at water dis

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 3

    Nilalaro ni Kupido ang kaniyang panaWala naman akong inaasahan na second encounter pagkatapos no'ng sa elevator kaninang umaga...pero napag-isipan kong mag lunch out mag-isa kahit na free lunch naman doon sa office namin...actually free meal 'yon. Sa division lang namin talaga uso ang free meal dahil budget 'yon ng hepe namin at 'yong mga ibang division na may handle ng iba't ibang district ay kkb sa pagkakaalam ko.Pero wala naman talaga akong ineexpect sa pagbaba ko...sa paglunch out ko sa jollibee...kasi wala naman akong napala buong lunch time sa baba. Nagmadali pa akong umakyat bago mag one para makapag break in-break out!Ano ba talaga 'tong gusto kong mangyari? Hays.Nagtrabaho na lang ako after no'n. Isa akong Admin Officer sa Assessment Division ng BIR-Makati. Ang main job ko ay receiving and monitoring of dockets, and file keeping. Dadaan sa akin halos lahat ng dockets from old revenue's to new revenues na napunta rito sa AD kaya hectic kapag clearance season dahil maglala

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 2

    Tadhana ay sumasaatinTumagal ang salu-salo, ilang alak na rin ang naiinom at natatagay ng mga bisita rito. Ang kuwentuhan ay unti-unting lumalalim. Iyong dalawang late ay magkatabi at tanaw na tanaw ko sila sa aking puwesto dahil halos katapatan ko lang sila...lalo na 'yong Rahab na kanina pa kakuwentuhan si Jomar."Paps, si Aqee nga pala..." halata sa boses ni Jomar ang pagkalasing at kanina ko pa hinihintay na ipakilala niya ako kaso inuna niya pa ang kuwentuhan. Pinakilala rin niya sila Tin at Dons."Itong dalawa pamilyado na 'yan, e!" turo ni jomar sa dalawa kong katabi. "Ito si Aqee, single 'yan! Bagay kayo! Irereto na kita agad, ha?"Ang gagu ng isang 'to talaga..."Gagu ka mar!" natatawa pang sabi no'ng lalaki."Aqee, si Rahab pala! Iyong sinasabi ko sa'yo kanina hahahaha gwapo no?" sabi ni Jomar.Nagkibit balikat lamang ako para kunwari nonchalant lang."Hello..." wika ni Rahab sa akin.Gusto ko talaga 'yong boses niya tapos 'yong tono ng tawa niya…hindi baduy pakinggan."Hi.

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 1

    THIS IS A WORK OF FICTION.All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, establishments, is purely coincidental.Please be advised that this story includes the use of foul words and adult humor or may contain mature / sensitive topics onward as the story progress.Enjoy reading!***"AMOR FATI"Love of fate-love all that your life has brought you.The sadness, the happiness, the pain, the pleasure.Love it all.***Si AqeelahThere is something to be said about two people who find each other time and time again. No matter what situations they end up in or how far apart they become - they come back to each other. Those are the people who have a little thing called fate on their side. Those are the people I envy. I want that too, but fate and love have their favoritism too...and it's not me.I've been in three relationships already. Each one didn't quite end up well. Iniisip ko kung ako na ba talaga ang problema o sadyang nilikha

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status