แชร์

Kabanata 3

ผู้เขียน: the1999cut
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-11-14 22:00:25

Nilalaro ni Kupido ang kaniyang pana

Wala naman akong inaasahan na second encounter pagkatapos no'ng sa elevator kaninang umaga...pero napag-isipan kong mag lunch out mag-isa kahit na free lunch naman doon sa office namin...actually free meal 'yon. Sa division lang namin talaga uso ang free meal dahil budget 'yon ng hepe namin at 'yong mga ibang division na may handle ng iba't ibang district ay kkb sa pagkakaalam ko.

Pero wala naman talaga akong ineexpect sa pagbaba ko...sa paglunch out ko sa jollibee...kasi wala naman akong napala buong lunch time sa baba. Nagmadali pa akong umakyat bago mag one para makapag break in-break out!

Ano ba talaga 'tong gusto kong mangyari? Hays.

Nagtrabaho na lang ako after no'n. Isa akong Admin Officer sa Assessment Division ng BIR-Makati. Ang main job ko ay receiving and monitoring of dockets, and file keeping. Dadaan sa akin halos lahat ng dockets from old revenue's to new revenues na napunta rito sa AD  kaya hectic kapag clearance season dahil maglalabasan ang tanungan kung nasaan na ang mga naglitawan nilang cases na open pa...but I am actually a little proud of my job.

Kung mag out ako ay saktong 5PM. Hindi naman sa ayoko mag OT, nag o-ot ako if needed, pero sinasakto kong ala-singko dahil mahirap bumiyahe pauwi. Rush hour. Punuuan sa Jeep tapos ang traffic ay umaabot ng ilang minuto. From Chino Roces to Guadalupe halos isang oras na commuting hours na inaabot ko tapos pagdating ko sa terminal ng Jeep pasakay ng pateros sobrang haba na ng pila! Waiting time aabot minsan ng thirty minutes tapos ang byahe from Guadalupe to Pateros-bayan ay isang oras din! Sasakay pa ako ng tricycle na halos fifteen or twenty minutes ang byahe hanggang sa amin! Ang nakakainis pa roon ay minsan walang nagsasakay sa akin dahil medyo dulo ng masagana ang bahay namin kaya no choice ako kundi maglakad lalo na kapag tag-ulan ay nako talaga naman pahirapan makasakay! Hindi na kasi ako nagpapasundo kay papa dahil inaalala ko rin ang paa niyang mahina na dahil sa karamdaman niya na Gout. Sa traffic ba naman sa byahe lalong mananakit ang paa niya at madali na rin mangalay ang kamay niya. Sa umaga pa nga lang dalamhati na niya 'yon habang bumabyahe kami.

Atsaka I feel something kapag nagcocommute. Nakakatulog ako sa biyahe habang may nakasalpak na earphone sa tainga ko, nakikinig ng music tapos walang manghuhusga sa akin kapag nakatulog ako dahil marami kaming tulog. Marami kaming pagod sa araw na 'yon. Parang normal lang masaksihan ng iba na pagod ka o tipong hindi ka lang 'yong pagod kundi marami rin pala. It gave me the feeling na okay lang pala mapagod. Sometimes, I romanticized commuting. What if I found someone there na interesado sa akin? Sometimes, I think someone sa mga pasahero ay tinitignan ako at nagkakagusto sa akin. Hindi naman masama maging delusyonal minsan, e?

"Huy Aqee!" bati niya pagkapasok sa elev.

Nakasabay ko na naman siya and this time uwian na...buti tumigil ang elev sa floor nila.

"Oh! Hi!" may ngiti sa labi ko no'ng tumabi siya sa akin.

"Pinagtatagpo talaga tayo today, ah? Hahahaha!" aniya.

"Ground floor ka rin?"

"Yup,"

"Wala ka talagang motor?"

"Meron kaso pinaayos ko, e."

"Commute ka ngayon?"

"Hindi, mag aangkas ako. Traffic, e. Ikaw ba? Taga pateros ka 'di ba?"

"Commute lang."

"Ahh, jeep pa-guada? Tapos papateros after no?"

Tumango tango lang ako.

"Hirap kasi kapag commute pa-taguig...pero pwede rin ako magpapateros tapos sakay ng pabagong bayan..." aniya.

"Hahahaha hassle 'yon..."

"Totoo kaya mag aangkas ako hahahaha! Pero ngayon lang siguro? Bukas nakamotor na 'ko."

"Nice..."

At pagkatapos ng small talk na iyon nag ngitian na lamang kami sa isa't isa at hindi na nag-usap. Katahimikan ang naging ingay sa pagitan namin.

Gusto ko rin sana mag open ng random topic para may pag-usapan pa kami kaso nauunahan ako ng hiya. Hindi kagaya niya na parang sanay makipag usapan kahit kanino. Talent niya siguro iyon? Isa sa mga charming point niya 'yon kaya hindi mahirap siyang i-approach. Dagdag pa na very pleasing ang itsura niya. Pero it made me think na kung gano'n siya sa akin ay marahil gano'n din siya sa iba? Possible. Isa ba ito sa pagsubok na pagdadaanan ko kapalit ng gusto kong kapalaran sa pag-ibig? I don't want that. Hindi ko ugali ang maghabol sa atensyon ng isang lalaki...mas higit pa ang pagkatao ko roon. 

Napasulyap ako kay Rahab ng palihim sa may salamin ng elev. Nakikipag usap na siya sa katabi niya pang babae...hindi ko alam kung kilala niya ba o hindi?

As much as I want to believe na ito ang tadhana sa akin, I don't want this type of fate na guguluhin ang tahimik kong buhay. Ayokong sumugal sa ganito. Maybe I was really better off alone? Kung ang ibibigay sa akin ng tadhana ay ganito...ibababa ko ang sarili ko sa isang lalaki? Ititigil ko kaagad ang kalokohan na 'to. Hindi iyon tadhana kung ilalagay ako sa mali.

"Si Trina pala, Aqee, kagrupo ko." biglang pakilala ni Rahab doon sa babae.

"Ah, hello..." nahihiya kong sambit.

"Girlfriend mo, Rahab?"

"Hindi, kaibigan lang hahaha!"

Kaibigan...hindi naman talaga kami magkaibigan. Magkakilala lang kami.

Pero hindi ko na 'yon itinama pa. Ngumiti na lamang ako sakanila.

No'ng magbukas na ang pinto ng elev, nagpaalam na kami ni Rahab sa isa't isa at magkaibang direksyon ang tinahak. Pumunta siya sa may lobby kung saan nandoon ang main entrance at exit at ako naman naglakad sa likod kung saan nandoon ang isang exit—katabi ng Jollibee.

Naglakad ako papunta sa may waiting shed at doon nag abang ng Jeep. Lunes ang araw na nakakasakay ako agad...hindi ko alam kung bakit? Siguro ito 'yong araw na medyo kaunti lang ang tao sa makati? Pagsakay ko sa bandang gitna ako napaupo...pag abot ko ng bayad nakita ko si Cha sa may bandang dulo likod ng driver. Hindi ko na lang pinansin kahit alam kong nakita niya ako.

Hindi naman kami close.

Sa haba ng biyahe nakatulog ako. Nagigising lang ako kapag may bumababa o tumitigil ang Jeep. Sa bawat pagbawas ng tao sa tabi ko itong si Cha ay tila naka glue yata doon sa pwesto niya at ayaw lumapit sa akin?

Problema ng isang 'to?

Kahit no'ng makarating kami sa may Guada at pumila sa terminal ng Jeep pa-pateros ay parang iniiwasan niya ako? I mean...hinintay niya pa talaga na may sumunod sa akin sa pila bago siya pumila? Eksena ng isang 'to?

Mabaho ba ako?

Napaamoy tuloy ako sa sarili ko. Hindi naman, e! Arte ng lalaking 'yon, ah?

Pareho kami ng binabaan—Pateros! Pumara agad ako ng Tricycle sa tapat ng mcdo at nakita ko siyang naglalakad at nasa bandang simbahan na. Balak ko sana na isabay na lang siya dahil pareho lang naman ang ibabayad ko, pero hindi naman kami close baka ano pa isipin niya?

Pagkauwi ko ng bahay nakahanda na ang lahat. Alas syete ng gabi ang uwi ko na dapat isang oras lang talaga ang byahe...pero dahil sa traffic nagiging dalawang oras! Nasundo na ni papa si Ayah sa school, nakapagluto at saing na rin siya. Nirereciprocate ko naman ang ginagawa ni papa sa pag kain ng mga iyon tsaka mag aayos ng sarili at aakyat ng kwarto para magpahinga.

Hindi kami nagsasabay kumain. Pag nakakauwi na ako ay tapos na sila ng kapatid ko kumain. Hindi rin kami nag-uusap ni papa...small talk lang...Gano'n lang. Kaunting tanong na "Traffic?" "Opo," tapos na 'yon...babalik na siya sa panonood ng basketball o kaya balita.

Sisilipin ko saglit 'yong kapatid ko sa kwarto niya na minsan busy sa pag-aaral o nagcecellphone lang tapos tatanungin ko siya kung anong kailangan niya o may kailangan ba siya for school. Minsan siya ang kumakatok sa kwarto ko kapag need niya ng pera sa balik-balik niya o may ambagan sila.

Ang tanging kausap ko lang talaga sa bahay na ito ay ang aso kong si Space. Kapag sobrang nababalot ako ng pag-iisa ay dinadayo ko ang bahay ng ate ko para doon tumambay at bwisitin ang maliit kong pamangkin.

"Kung hindi ba nawala si mama rito...hindi ba magiging ganito katahimik sa bahay?" isa sa mga muni muni ko sa gabi bago matulog.

Pero kailangan mangyari ang dapat mangyari. Hindi ko na mababago at mababalik ang lahat ng 'yon sa simula...pero sa totoo lang mahirap pa rin tanggapin ang lahat. May parang kung anong kulang sa sarili ko na hindi ko alam kung paano punan.

"Makatulog na nga lang...maaga pa ako bukas."

At kahit sinabi ko 'yon...alas dose pa rin ako ng madaling araw nakatulog kakabrowse sa socmed...kakascroll at nood sa tiktok ng mga wala namang kwentang bagay pero naaaliw ako.

••

"Good Morning..." bati ng guard pagtungtong ko sa floor ng aming division.

Hindi ko nakasabay sa elev si Rahab, hindi ko naman siya hinanap doon, pero sa tuwing bumubukas ang elev ay feeling ko papasok siya sa loob. Hindi naman sa sabik ako na makita siya kung magkataon, pero inaabangan ko lang kung makikipaglaro sa akin ang tadhana namin ngayon—kaso hindi.

Kaya nagpabuti na lamang ako sa aking trabaho na para bang bumalik na ako sa dati kong gawain.

Wala naman akong issue sa work. Hindi naman ito ang una kong trabaho, pero inaamin ko na toxic din. Kailangan magaling kang makisama sa lahat kung gusto mo may mangyaring pagbabago sa'yo rito. Mabilis kumalat ang mga chismis at kailangan patay malisya ka rin sa mga nalalaman mo...hindi na ito bago dahil sanay naman ako sa dati kong trabaho...na what you see or hear, stays here. Connection ang mas mabisang paraan para umangat na hindi na rin bago sa iba. Naka encounter na rin ako noong bago pa lamang ako rito na masungitan ng isang empleyado na nauna sa akin. Nagtanong lang naman ako, pero iyong attitude niya sadyang mataray. Ngayon, medyo close kami. Coping mechanism niya ang pagmamaldita upang hindi maabuso ng iba. Noong una mabait ako, pero no'ng tumatagal ay lumalabas na rin ang kamalditahan kong taglay dahil sa totoo lang nakakainis din naman sila. Mga trabaho na pasimple nilang pinapasa na minsan okay lang naman, pero kung madalas ay abuso na. Natuto akong lumaban din...ayoko maging api-apihan dahil sa totoo lang pantay pantay lang naman ang ranggo namin dito...iyong mga makautos mas malala pa sa boss. Madami akong natutunan sa mga experience kong iyon.

"Oh? Aqee! Hi!" biglang sambit ng isang lalaki na siya naman agad kong pinansin dahil tutok ako sa trabaho.

"Oh?" reaksyon ko na lamang no'ng makita ko siya sa gilid ng area ko.

"Dito ka pala naka-area?" aniya.

"Ahh oo. Anong ginagawa mo rito?"

"May kinuha lang docket doon sa may Review section..."

"Ahhh...hindi ko napansin pagpunta mo rito."

"Doon kasi ako sa may Review side pumasok tapos labas ako rito sa may VATAS kasi naisip ko tignan itsura ng office niyo rito."

"Hala...ang layo pa ng iikutan mo."

"Nagpapatay kasi ako ng oras...joke lang! Hahahaha!"

Hindi naman nakakatawa 'yong sinabi niyang 'yon pero tumawa ako. Ang awkward naman kasi kung siya lang tatawa.

"Baka iniistorbo na kita osya una na 'ko. Keep up the good work!" aniya na may malambing na ngiti.

Napangiti ako ro'n at tumango sakaniya.

"Sino 'yon, teh?" sambit ni Maki, katrabaho ko na nakapwesto lang sa gilid ko. Siya ang kachikahan ko palagi...ang bumubuhay sa akin dito sa trabaho bukod sa sahod.

"Ahmm friend?"

"Bakit hindi sigurado naman? Friend ba talaga?"

"Hindi naman siya 'yong friend ko, kumbaga may mutual friend kami tapos nagkita kami sa isang friend's wedding."

"Hala ka teh! Tadhana 'yan! Omg!"

"Ang OA mo maki!"

"Anong OA ka d'yan? Hello! Tadhana 'yon kasi nagkita kayo sa isang friend's wedding tapos after no'n pareho pala kayo ng pinapasukang work! Suwerte mo teh! Sumasaiyo ang suwerte sana sa akin din!"

"Ang OA talaga! Magwork ka na d'yan! Sayang binabayad sa'yo ng gobyerno nakikipagchikahan ka lang!"

Tinawanan niya lang ako at nagsimula na siyang magtrabaho. Nagtrabaho na rin naman ako, pero hindi ko mapigilan ang maliit kong pagngiti sa ewan. Parang nagdadalaga naman ang atake ko rito...kainis.

And after that, my day proceeded smoothly.

••

TBC.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 6

    Mata'y Lumilinaw Pagdating Sa'yo•••Maaga ako nakauwi, nagulat pa nga si papa. Iyong bunso kong kapatid pauwi pa lang yata? Hindi ko naman masyado alam ganap no'n sa buhay, pero alam kong suspended na rin klase niya. Nagpahinga lang ako paghiga ko sa aking kama. Ilang oras din ako nakatulog no'n dahil pag gising ko luto na ang ulam at tapos na kumain 'yong dalawa rito sa bahay.Naisipan ko magtrabaho ngayong gabi...hindi siya work related talaga kundi something personal...i-stalk ang facebook ni Rahab or kung malakas ang loob ko ay i-add ko pa!"Ano nga pala last name niya?" tanong ko sa sarili ko.Nandito ako ngayon sa aking kwarto at binuksan ko pa talaga ang pc ko para lang magfacebook. Walang hiya hiya ay tinanong ko kay Jomar ang apelyido ni Rahab o ang mismong FB nito. Ang loko loko nang aasar pa kesyo stalking daw tawag doon! This is just curiosity! Hindi ito stalking or what? Gusto ko lang malaman ang socials niya tutal mukha naman siyang machika sa social media e!Jomar Davi

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 5

    Tinapilok ni Kupido Pabagsak Sa'yo ••• I love the rain, the vibe it gives. The soothing chilly cozy atmosphere you'll feel with it, something inside me craves that stormy weather. The gloomy skies and thunder give me inspirations and thoughts and ideas, pero at the same time I hate how it gives me hard time lalo na kapag papuntang work at pauwi. The struggle I have to face with it. The hassle I have to go through. I love it yet I hate it. I'm not privilege enough to just love it. Sometimes loving the rain seems wrong and insensitive. Having a nice home with a good roof, a car, or even an umbrella seems wrong during stormy weather. It's because you have the privilege to have it and some do not. You have to consider everyone's feelings instead of your own. Kung gaano ka nagpakahirap mapunta sa ganitong estado upang maiwasan ang ganitong sitwasyon ay hindi na kahanga hanga sakanila. You have to show empathy dahil hindi lahat pareho ng tinatapakang lupa lalo na kung 'yong tinatayuan mo

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 4

    Sa Elevator Nakaabang Si Kupido•••It's been over a week na...I started to think that the elevator is something magical...or there's something at this place that is. Palagi na kaming nagkakasabay sa elev every morning, while I begin to ride it from ground floor. It's like fate that suddenly opens it at the 6th floor kung saan naghihintay siya at sumasakto na may space for him to enter. If it's not on the 34th, it's 6th. Minsan iniisip ko na rin na itaya 'yong numbers na 'yon sa lotto baka sakaling manalo ako."Bye, Aqee!" pagbati niya no'ng lalabas na siya ng elev."Ngumiti lang ako bilang tugon."Oh? Ang aliwalas ng aura mo this morning ah? Woke up at the right side of the bed?" sambit ni Maki no'ng pagkalapag ko sa mga gamit ko sa aking area."Tumpak ka d'yan hahahaha!""Sana all 'di ba? Kingina pag gising ko sakit ng likod ko, eh!""Need mo na yata magpa check up niyan?""Gaga bata pa 'ko!"Nagtawanan lang kaming dalawa at nag-aya magkape sa pantry tutal may kape ro'n at water dis

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 3

    Nilalaro ni Kupido ang kaniyang panaWala naman akong inaasahan na second encounter pagkatapos no'ng sa elevator kaninang umaga...pero napag-isipan kong mag lunch out mag-isa kahit na free lunch naman doon sa office namin...actually free meal 'yon. Sa division lang namin talaga uso ang free meal dahil budget 'yon ng hepe namin at 'yong mga ibang division na may handle ng iba't ibang district ay kkb sa pagkakaalam ko.Pero wala naman talaga akong ineexpect sa pagbaba ko...sa paglunch out ko sa jollibee...kasi wala naman akong napala buong lunch time sa baba. Nagmadali pa akong umakyat bago mag one para makapag break in-break out!Ano ba talaga 'tong gusto kong mangyari? Hays.Nagtrabaho na lang ako after no'n. Isa akong Admin Officer sa Assessment Division ng BIR-Makati. Ang main job ko ay receiving and monitoring of dockets, and file keeping. Dadaan sa akin halos lahat ng dockets from old revenue's to new revenues na napunta rito sa AD kaya hectic kapag clearance season dahil maglala

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 2

    Tadhana ay sumasaatinTumagal ang salu-salo, ilang alak na rin ang naiinom at natatagay ng mga bisita rito. Ang kuwentuhan ay unti-unting lumalalim. Iyong dalawang late ay magkatabi at tanaw na tanaw ko sila sa aking puwesto dahil halos katapatan ko lang sila...lalo na 'yong Rahab na kanina pa kakuwentuhan si Jomar."Paps, si Aqee nga pala..." halata sa boses ni Jomar ang pagkalasing at kanina ko pa hinihintay na ipakilala niya ako kaso inuna niya pa ang kuwentuhan. Pinakilala rin niya sila Tin at Dons."Itong dalawa pamilyado na 'yan, e!" turo ni jomar sa dalawa kong katabi. "Ito si Aqee, single 'yan! Bagay kayo! Irereto na kita agad, ha?"Ang gagu ng isang 'to talaga..."Gagu ka mar!" natatawa pang sabi no'ng lalaki."Aqee, si Rahab pala! Iyong sinasabi ko sa'yo kanina hahahaha gwapo no?" sabi ni Jomar.Nagkibit balikat lamang ako para kunwari nonchalant lang."Hello..." wika ni Rahab sa akin.Gusto ko talaga 'yong boses niya tapos 'yong tono ng tawa niya…hindi baduy pakinggan."Hi.

  • Kung Ayaw Mo, Huwag Mo   Kabanata 1

    THIS IS A WORK OF FICTION.All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, establishments, is purely coincidental.Please be advised that this story includes the use of foul words and adult humor or may contain mature / sensitive topics onward as the story progress.Enjoy reading!***"AMOR FATI"Love of fate-love all that your life has brought you.The sadness, the happiness, the pain, the pleasure.Love it all.***Si AqeelahThere is something to be said about two people who find each other time and time again. No matter what situations they end up in or how far apart they become - they come back to each other. Those are the people who have a little thing called fate on their side. Those are the people I envy. I want that too, but fate and love have their favoritism too...and it's not me.I've been in three relationships already. Each one didn't quite end up well. Iniisip ko kung ako na ba talaga ang problema o sadyang nilikha

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status