Share

CHAPTER 122

Author: dyowanabi
last update Huling Na-update: 2025-03-13 20:05:11

Hindi na lang niya pinansin ang mga nagbubulungang empleyado habang palabas sila ng opisina. Mukhang hindi naman napansin ni Hunter dahil ang atensyon nito ay nasa kanya.

Alam niyang hindi niya kailangang magpaliwanag kaninuman. Ang mahalaga ay siya at si Hunter, at malinaw sa kanila kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Magkahawak-kamay sila habang sumasakay sa elevator pababa. Seryoso ang mukha ni Hunter na mukhang nagpipigil ng galit.

Pagdating nila sa parking lot ay sumakay agad sila ng kotse ni Hunter. Mahigpit muna siyang niyakap nito bago paandarin ang makina.

"Are you sure you're okay? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" nag-aalala ito sa kanya.

"I'm okay..." nakayukong wika niya. Hindi na niya sinabi na masakit pa rin ang anit niya para hindi na ito mag-alala.

"I'm sorry, babe. Hindi ko akalaing aabot sa ganito si Olivia." Hinaplos ni Hunter ang mukha niya.

Umiling siya. "Hindi mo kasalanan, babe. Di ko rin naman akalain na magiging bayolente pala si Olivia. P
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update Hayaan muna Hunter uwi Ka nlang tz I manage mo nlang ang inyong hospital
goodnovel comment avatar
Noime Divina
Yong hospital nlang na pagmamay Ari NYU ang e manage mo...
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
thank you sa update..
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 617

    Muli niyang kinuha ang sulat na iniwan ni Paulette at paulit-ulit niya iyong binasa.Bakit pa ito nagsabi ng “I love you” kung iiwan lang din siya? Napatingin siya sa envelope. Ngayon niya lang napansin ang cheque. Hindi niya iyon inintindi kanina dahil ang atensyon niya ay ang pagkawala ni Paulette.Kinuha niya ang cheque at tinitigan iyon. Ang sabi ni Paulette sa sulat ay galing daw iyon sa kanyang ama.Binayaran ba ng daddy niya si Paulette para layuan siya? Tumigas ang kanyang mukha. Nagalit siya sa panghihimasok ng daddy niya. Tinawagan niya ito.“Hello, anak... kamusta na kayo d’yan ni Nova sa Cebu?” bungad ng daddy niya.“I’m here in Manila, Dad,” walang emosyon niyang sabi.“Bakit ka and’yan sa Manila? Di ba may trabaho kayo sa Cebu?”“I was supposed to attend Paulette’s graduation. Ano itong nalaman ko na binigyan mo siya ng check para layuan ako, Dad?” kompronta niya sa ama.“What? Hindi ka pa din ba niya nilayuan? Is one million not enough? Napaka-mukhang pera talaga ng bab

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 616

    “Hindi! Hindi ito totoo! May usapan kami ni Paulette na magkikita sa graduation niya at may sasabihin siya sa aking importante. Hindi ito ang inaasahan kong madadatnan ko dito... Hindi ito totoo!” galit na sabi nya“S-sorry, Mayor, pero totoo ang lahat ng sinasabi namin. Noong isang araw pa siya umalis at simula noon ay hindi na namin siya nakausap. Naka-off na din ang cellphone niya.” paliwanang ni TereNatahimik siya. Kaya pala hindi na niya ma-contact si Paulette. Ilang araw na pala itong nawawala.“Hindi! Hahanapin ko siya! Hindi ako papayag na umalis siya at iwan ako!” matigas na sabi niya saka nagmamadaling naghanap ng taxi. Pupuntahan niya si Paulette sa bahay ng mga ito.Nang makahanap cya ng taxi ay agad syang sumakay sa front seat, sinabi nya kung saan sya magpapahatid. Hindi nya mapigilang maluha. Pinapahid niya ang kanyang mga mata. Nanlalabo ang kanyang paningin at hindi na makita ang daan. O-okay ka lang boss? tanong ng driver. "Oo kuya pasencya na..." sabi nya. Nahihi

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 615

    Kinabukasan, alas-tres pa lang ng umaga, gising na siya. Alas sais ang flight niya at ayaw niyang ma-late. Medyo malayo pa naman ang airport sa tinutuluyan niyang hotel. Mabuti na yung maaga siya sa airport. Nag-offer din si Nova na ihatid siya sa airport pero tumanggi siya. Isang maliit na bag lang ang dala niya. Hindi na siya nagdala pa ng mga damit dahil madami naman siyang damit sa condo niya sa Manila. Bago umalis ay chineck niya ang kanyang bag. Binuksan niya ang maliit na box na kulay pula. Gold necklace iyon na may pendant na heart. Graduation gift niya para kay Paulette. Matagal na niya iyong binili at sa wakas ay maibibigay na niya mamaya. Napangiti siya habang tinititigan iyon. Pagdating sa airport, ramdam niya ang halo ng excitement at kaba. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Kahapon pa niya iyon nararamdaman simula nang hindi niya ma-contact si Paulette. Hanggang ngayong aalis na siya ay hindi pa din sila nakakapag-usap ng nobya. Di bale, mamaya ay magk

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 614

    ELIJAH'S POV: Ilang araw na siyang hindi mapakali. Hindi pa niya nakakausap ulit si Paulette. Ang huling usapan nila ay ‘yung pinangako niyang a-attend siya sa graduation nito. Pero ngayon, halos buong araw niyang tinatry tawagan ang nobya pero nakapatay ang cellphone nito. Wala naman siyang number ni Tere o di kaya ni Tanya para pagtanungan. Hindi na siya makapag-focus sa kanyang trabaho. Bukas na ang graduation ni Paulette, at hindi pa niya alam ang detalye kung anong oras ang graduation at kung saan gaganapin. Di bale, isusurprise na lang niya ang nobya. Binuksan niya ang kanyang laptop para mag-book ng ticket niya. “What are you doing, Elijah?” nagtatakang tanong ni Nova nang makita siyang nagse-search ng ticket. “Uuwi lang ako sandali sa Manila para umatend ng graduation ng nobya ko. Babalik din agad ako.” Hindi na siya nag-abalang tumingin pa kay Nova dahil abala siya sa pagse-search. “Hindi ka pwedeng umalis, Elijah. May importante tayong meeting bukas!” “Hindi din ak

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 613

    Habang nag-aayos ng kanyang mga gamit ay tinawagan niya sina Tanya at Tere. May GC silang tatlo kaya mabilis niyang na-contact ang dalawa ng sabay. Nag-video call sila.“Pwede ba tayong mag-meet sa labas ng campus, mga friend?” sabi niya.“O, bakit parang malungkot ang boses mo?” tanong ni Tanya“Mamaya ko na ipapaliwanag. Punta na kayo ngayon sa campus. Papunta na ako doon.”“Huh? Bakit naman nagmamadali ka? Kakatawag mo lang tapos ngayon agad-agad pupunta?” si Tere naman ang nagsalita.“Wag na kayong magtanong. Basta punta na kayo ngayon. Mag-taxi na kayo, babayaran ko ang pang-taxi niyo.”“Sige... kung di ka lang namin love eh, hmp!”Pagkatapos nilang mag-usap ay sandali siyang umupo at gumawa ng letter para kay Elijah. Makikipaghiwalay siya sa kanyang nobyo. Hindi niya alam kung kailan pa sila magkikita muli. Ayaw niyang paasahin ang lalaki. Hindi niya alam kung hanggang kailan sila sa China at kung kailan sila babalik sa Pilipinas... o baka nga hindi na.Tumutulo ang kanyang luha

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 612

    “Bakit ka pa naghahanap ng lalaking apo, Lolo? Ayan si Paulette, ga-graduate na siya. Siya ang hahawak sa negosyo mo. Matalino ‘yang apo mo, ‘wag mo nga lang akong asahan dahil hindi ako nakapag-aral simula nang lumayas ako at napunta sa bahay-ampunan,” malungkot na sabi ng mommy niya.“No, Elise. ‘Wag mong sisihin ang sarili mo kung bakit hindi ka nakapag-aral. ‘Wag mo nang intindihin ‘yan dahil may mga anak ka na magtutulong-tulong para palaguin ang mga negosyo natin sa Elise Corporation.”“Elise Corporation?” tanong niya.“Oo, iha... bakit?” nagtatakang tanong ni Lolo Li.“Ah eh... wala po, Lolo... narinig ko lang sa mga balita. Sa inyo pala ‘yung Elise Corporation?”“Sa atin, iha..." pagtatama ng lolo nya. "Pinangalan ko sa mama niyo ang kompanya dahil siya ang nag-iisa kong tagapagmana at umaasa ako na magkikita pa kami... at eto na nga, nangyari na.”Natahimik siya... ‘Di ba ang pinagtatrabahuhan ngayon ni Elijah na bagong Chinese company ay sa Elise Corporation? Kumpanya ba ng

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status