Share

KABANATA V

Ilang oras nang naghihintay sa labas ng operating room sina Emma at Hazel. Hindi sila pareho mapakali hangga’t hindi lumalabas ang mga doctor para sabihin kung ano ang kalagayan ni Johann.

Sinulyapan ni Hazel ang ina ni Johann na nag-aalala ring naghihintay sa labas ng operating room. Katabi nito ang ama ni Johann na maya’t mayang bumubulong kay Mrs. Harris.

Bagama’t halos kasing-edad lang ng daddy niya ang dalawa ay hindi mahahalata sa mga itsura nila ang totoong edad.

Isa sa mga hinahangaan ng mga tao sa mag-asawang Harris ay ang pagiging masiyahin at positive-thinker nila.

Pero dahil sa nangyari, hindi makitaa ni Hazel ang magiliw at palabirong Mr. and Mrs. Harris na kinalakihan niya. Parehong tuliro ang mag-asawa.

Lahat sila ay walang imik kaya lahat din sila ay nagulat ng biglang tumunog ang phone ni Mr. Harris.

“Hello?”

Tumango-tango lamang ang matanda habang nakikinig sa mga sinasabi ng nasa kabilang linya. “Gawin niyo ang lahat para ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status