Share

KABANATA I (IKALAWANG PARTE)

Pagdating pa lang sa entrance ng venue ay sinalubong na agad si Hazel at ang kapatid niya ng mga ngiti at congratulations. Ngumiti naman pabalik si Hazel sa bawat isa sa kanila at nagpasalamat. 

Nakipag-kamay pa siya na para bang nangangampanya. Samantalang si Tyler naman ay tahimik lang na naglakad sa likod niya at maya’t mayang ngumingiti. 

“Bro, ipakita mo naman na masaya ka sa kasal ni daddy?” 

Tumingin sa kanya ang kapatid. Kahit pa nakasuot na si Hazel ng three-inch heels ay kailangan pa rin niyang tumingala sa tuwing kakausapin ang kapatid. 

“What for? Mag-eend din naman siya by the time daddy’s done with them. Or by the time na nameet na ang needs ng company since that’s the main reason for this marriage. Hindi naman sila magtatagal sa atin,” sabi nito at ibinalik ang tingin sa lupa. 

Agad namang nanlambot ang puso ni Hazel para sa kapatid. If there is one thing na sobrang magkapareho sila, yun ang ang maternal love. At least naexperience ni Hazel ang pag-aalaga ng isang ina for four years. 

Pero si Tyler, he never experienced that. His mom died as soon as she gave birth to him. Leaving him in the care of wet nurses and baby sitters while their dad busied himself with their business and other failed marriages. 

“Just smile when you see dad, okay?” she requested. “And don’t forget to greet Katherine. I know this may not end well, but let’s pretend it would be, at least for today.”

Tumango tango naman si Tyler at marahang ngumiti. Kahit papaano naman ay napansin ni Hazel na gumana ang pagkukumbinsi nito sa kapatid, dahil bumati at nakipagngitian na rin ito sa iba pang mga bisita. 

Pagpasok sa main hall ay agad na hinanap ng kanyang mga mata ang kanilang ama. Nauna itong umalis sa kanila dahil may mga kailangan pa raw itong iclose na deal before the wedding. 

Workaholic as ever. 

Inilibot niya ang paningin sa buong event hall, pero huli na nang ma-realize niyang may mababangga pala siya. 

Muntik pa siyang ma-out of balance, mabuti na lamang at nahawakan agad siya sa braso ng lalaking nakabangga niya. 

Kumunot ang noo niya nang mapansin ang ayos nito. Nakakulay itim ito mula sa kanyang suot na pants, polo, cap, at face mask. 

Pati si Tyler ay nagtaka rin sa ayos ng lalaki. This is a formal event, pero yung suot niya ay hindi pang-formal. 

“I’m sorry,” sabi nito habang inalalayan si Hazel na makatayo ng maayos, pero ang mata niya ay naglilibot sa paligid na para bang may hinahanap. 

Magsasalita pa sana si Hazel pero agad din itong umalis. Kaya nagkibit balikat na lamang silang magkapatid. 

Muli niyang iginala ang paningin at tinapik si Tyler upang ituro ang kinaroroonan ng daddy nila. 

Naglakad naman papalapit sa kanila ang dad nila matapos nitong mag-excuse sa mga bisita at masayang lumapit sa mga anak. 

“Dad!” bati niya rito. 

Una nitong niyakap ang unico hijo at tinatapik tapik ang likod nito. “What a gallant young man,” proud na sabi nito habang nakatingin kay Tyler. 

Saka ito bumaling sa direksyon ni Hazel. “And of course, my lovely daughter.” Niyakap din siya ng kanyang ama pero saglit lamang iyon. 

Muli nitong ibinaling ang atensyon kay Tyler at hinila ito upang ipakilala sa kanyang mga business partners. And for the nth time, naiwan na naman si Hazel. 

Bumuntong-hininga na lamang siya at nagsimula nang maglakad papunta sa bride’s chamber nang isang itim na bagay sa sahig ang tumawag sa pansin niya. 

Tinitigan niya muna ito at sinipat bago pulutin. 

Isang gray na card holder. 

Hindi na niya binuksan pa ito inilagay na lang muna sa kanyang clutch bag, iaabot na lang niya ito sa lost and found mamaya. 

“Nasaan ang bride?” tanong niya sa maid na dinatnan niya sa bride’s chamber. 

“Nasa ladies room po.”

“Ah okay sige. 

Pagpasok niya sa ladies room ay walang tao. So, she decided to fix something in her dress at pumasok sa isang cubicle. 

Akmang lalabas na siya nang marinig niya nagsara ng mahigpit ang pinto, tapos sinundan iyong ng tunog ng heels. 

“What do you want me to do? Disobey dad? Runaway with you? Saan? Mahahanap nila tayo kahit saan tayo magtago. Please don’t make this harder that it already is.”

Narinig niyang sabi ng isang babae. Marahan niyang binuksan ang pinto at sumilip. Hindi niya nakita ang mukha ng babae dahil nakaharap ito sa gilid. 

“Dylan, please. I love you, pero hindi ko kayang suwain sila daddy. I have to marry him, for our company.”

Gusto sanang lumabas ni Hazel para malaman ng babae na may tao pa sa loob nang marinig niya ang hikbi nito. “I’m really sorry. I don’t deserve you. You deserve someone na kaya kang ipaglaban.”

Pagkatapos iyon ay narinig niya nilapag ng babae ang phone nito sa gilid ng sink at umiyak ng umiyak. Ramdam ni Hazel kung gaano kasakit ang nararamdaman niya. 

Sumilip siya ulit and laking gulat ng makita ang repleksyon ng babae sa salamin. Hindi siya pwedeng magkamali. 

Kahit na hindi pa sila nagkikita ni Katherine ay nakita na nya ang mukha nito sa pictures. 

Isasara na sana niya ang pinto ng cubicle ng mahuli siya ng mga mata ni Katherine. 

“Who the hell are you?!” nanlalaki ang mga matang tanong niya kay Hazel. Wala nang nagawa pa si Hazel ng sapilitang buksan ni Katherine ang pinto ng cubicle at hilahin siya palabas. 

Pero nang marealize niya kung sino si Hazel, napalitan ng takot ang galit niyang mukha. 

“You’re Hazel Jameston.”

Tumango naman si Hazel. “I’m sorry. I didn’t mean to eavesdrop-”

“You were not supposed to hear that,” putol ni Katherine sa sinasabi niya. 

“I know-”

“And yet you did.”

“Katherine, look-”

Hindi ulit natapos ni Hazel ang sinasabi dahil muling nagring ang phone ni Katherine. 

“Please. I’m begging you, pwede bang sa atin na lang muna ito?” nagmamakaawang sabi ni Katherine sabay hawak sa magkabilang kamay ni Hazel. 

Um-oo naman agad si Hazel. “Don’t worry. I won’t tell daddy.”

“Thank you. We’re not supposed to meet like this…”

“And yet we did. That’s okay. Go on, baka hinahanap ka na. Congratulations and welcome to the family.” 

Binigyan ni Hazel ng isang mahigpit at sinserong yakap si Katherine. Pagkatapos ay nauna nang lumabas ng ladies room ang magiging madrasta. 

Pero bago ito tuluyang lumabas ng pinto ay sumulyap itong muli kay Hazel at ngumiti. Saka nagsend ng text. 

“I need you to watch someone.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status