Share

LIES AND LOVE
LIES AND LOVE
Author: Tatiana Hatun

SIMULA

Agad na tumakbo palabas ng bahay nila si Hazel. Sumakay ito sa kanyang SUV at nag-drive papalayo. 

Kahit pa hindi na masyadong kita ang daan dahil walang tigil ang pagtulo ng luha sa mga mata niya, wala siyang pakialam. 

Gusto lamang niyang makalayo sa lugar na iyon. Malayo kay Elijah. Gusto niyang burahin ang mga nakita at narinig niya pero para itong mga sirang plakang paulit ulit na tumutunog sa utak niya. 

“Asawa lang kita. Pero hindi ikaw ang mahal ko.”

“Wala kang karapatan diktahan ang nararamdaman ko.”

“You’re just another property I acquired. And kung tutuusin kulang pa ang pagpapakasal mo sa akin. Walang wala iyon sa pagsirang ginawa mo at ng pamilya mo sa pamilya ko!” 

Lahat ng iyon ay pinipilit niyang burahin sa isip niya. Pinipilit niyang huwag magpaapekto. Para sa kapakanan ng kumpanya nila, para sa kinabukasan ng pamilya nila, para maging proud - for once, ang daddy niya sa kanya, kaya niyang maging martyr. 

Pero noong makita niya kung gaano kasaya si Elijah kasama ang ibang babae, noong makita niya kung paano humalakhak si Elijah habang sinisiraan siya ng ibang babae, hindi na niya kinaya ang sakit. 

She loved him, so she let him see all her weaknesses, vulnerabilities, and insecurities. 

But he betrayed her. 

He used her love against her. 

“Please, Johann, gusto ko munang mapag-isa. Just leave me alone,” sagot niya kay Johann na walang tigil na tumatawag sa phone nya.  

“No, Hazel, where are you? Please let’s talk. You can talk to me,” nag-aalalang sabi nito. 

“Hazel, bestie!” nakilala agad niya ang boses na iyon sa background ni Johann. 

“Please, kung nasaan ka man...meet us. We can talk about this. We’re here for you. And we’re so worried about you. Please,” pagsusumamo naman ng kanyang best friend sa background. 

“I’m sorry. Ang sakit na eh.” 

Agad niyang pinatay ang phone niya and tinurn off ito upang wala nang makatawag pa sa kanya. 

Nag-drive lang siya ng nag-drive kahit na hindi niya alam kung saan pa siya pupunta. Gusto lang niyang makatakas sa lugar na iyon. Sa lugar na walang ibang ibinigay sa kanya kung hindi sakit. 

How can she face her daddy kapag nakipag-divorce siya kay Elijah? 

How can she make him proud if she let her emotions get in the way of their company’s future?

But how can she face Elijah again after everything he said and did?

Hazel opened her car’s window to breath air. Hindi na siya makahinga. Nararamdaman niyang naninikip na naman ang dibdib niya. Her hands were shaking and her eyes were blurry, but she continued driving. 

She watched the red traffic light turn to green, then she stepped on the gas pedal. Wherever it is, gusto niyang makalayo ng mabilisan. 

Pero laking gulat niya nang may sumulpot na trailer truck sa harap niya. 

It came out of nowhere, at dahil masyadong mabilis ang pagpapatakbo niya, it was too late to step on the brake pedal. 

Dumire-diretso ang sasakyan niya sa trailer, pero naikot niya pa ang manibela sa kanan at ipinikit na lamang ang mga mata sa mga susunod na mangyayari. 

Gumana naman ang airbags ng sasakyan niya pero sobrang nanghihina ang katawan niya mula sa impact. Umuusok na ang hood ng kotse niya at nayupi ito sanhi ng pagkakabaga sa isang puno. 

Naramdaman niya ang pagdaloy ng mainit na likido mula sa kanyang ulo. Gustuhin man niyang lumabas ay hindi na niya maigalaw ang mga paa. 

She tried to ask for help, but she could not open her mouth. She could not even lift her head. 

Then, it occurred to her. 

Is she going to die?

“Well, maybe it’s better to disappear than to force yourself to someone na never kang mamahalin,” sabi niya sa sarili habang iniisip si Elijah. 

“Or to force someone na maging proud sa ‘yo, kahit alam mo sa sarili mong you will never be enough.”

Iyon ang mga huling salitang nasa utak ni Hazel bago lamunin ng dilim ang buong paligid niya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status