Share

KABANATA I (UNANG PARTE)

“Sige, basta siguraduhin nyong magiging smooth ang lahat. Ayokong magkaroon ng palya ang araw na ito.”

Hindi pa tuluyang nakabababa sa hagdan si Hazel ay boses na agad ng kanyang ama na nag-uutos ang narinig niya. 

Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay busy na agad ang lahat sa araw na ito. Ngayon kasi ang kasal ng kanyang ama at ng kanyang magiging ika-apat na madrasta. 

Hindi pa man niya nami-meet sa personal ang nasabing Katherine Frost, alam na niya ang mga bagay na ieexpect sa kanya dahil mula ito sa kilala at mayamang pamilya. 

In fact, iyon ang dahilan kung bakit kahit nasa nasa late 40’s na ang kanyang ama ay ikakasal pa rin ito. Isa sa mga dahilan, bukod sa nahumaling ang ama niya kay Katherine, ay ang kumpanyang mamamana nito. 

Kapag nagmerge ang Frost Corporation sa Jameston Atlantic ay panigurado na lalo itong magiging lamang sa iba pang mga kompanya na kakompetensya nito. 

“Saan ka pupunta?” tanong ni Hazel nang mapansin ang kapatid na pababa ng hagdan. 

Ang kulay itim nitong buhok, ang kanyang makapal at maayos na kilay, pati na ang mapupungay niyang mga mata, ay walang pinag-kaiba sa daddy nila. 

Kaya siguro madalas na sinasabi ng mga tao sa paligid nila na para daw pinagbiyak na bunga si Tyler at ang daddy nila. 

Kaya rin siguro siya ang paborito ni Nicklaus sa kanilang dalawa. Kahit pa panganay na anak niya si Hazel mas pabor si Nicklaus na ang magmamana ng kanilang kompanya ay lalaki rin. 

“Siya ang magdadala ng apelyido at ang mga magiging anak niya.”

Iyon ang isinagot sa kanya ng ama nang minsan niya itong tanungin kung bakit parang palagi na lamang si Tyler ang pinapaboran niya. 

“Mahal ko namang kayong pareho, pero sana intindihin mo bilang mas nakatatanda na para ito sa kinabukasan ng ating kumpanya,” dagdag pa ng kanyang ama dati. 

Hindi na siya hinintay pa ni Tyler na sumagot. Sa halip ay naglakad na ito pababa ng hagdan na tila ba inaantok pa. 

“Saan ka pupunta ng ganito kaaga?” tanong ni Hazel sa kapatid. Bagama’t may kaonting selos sa puso dahil sa magkaibang pagtrato sa kanila ng kanyang ama ay hindi naging hadlang iyon upang maging ate siya para sa kapatid. 

“Jogging,” sagot ni Tyler. 

Kumunot ang noo ni Hazel at tinitigan lamang ang kapatid. Hinintay nitong magsink-in sa utak ni Tyler ang mga nangyayari. 

“Look around you,” sabi niya. 

Agad namang sumunod si Tyler at kahit na hindi pa masyadong dilat ang mga mata, iniikot niya ang paningin sa paligid. 

Ang mga maid nila ay hindi magkaundagaga sa pagaayos ng mga bouquet ng bulaklak na pasok ng pasok sa kanilang mansion. Ang kanilang butler naman na si Mr. Albert ay abala sa pagbibigay ng intructions. 

Samantalang ang kanilang ama ay may kausap sa telepono. 

Ang buong foyer ng kanilang mansion, mula sa dalawang malalaking pinto, sa matataas na mga bintana, at sa dalawang hagdan sa magkabilang gilid ay puro napapalamutian ng iba’t ibang uri ng mga bulaklak. 

Mahilig daw kasi sa bulaklak si Katherine. 

Agad naman na ibinalik ni Tyler ang tingin sa kanyang ate. “Magja-jogging lang ako. We still have time to prepare for their wedding,” saad ng kapatid.  

Umiling-iling naman si Hazel at bumaba na rin ng hagdan. “The wedding is in an hour and a half, and tignan mo naman mga sarili natin. We’re not yet dressed.”

“Ikaw lang naman ang matagal magprepare.”

“Nope. We can’t be late. Come on.”

Napabuntong-hininga na lamang si Tyler at walang nagawa kung hindi sundin ang nakatatandang kapatid at sumama sa stylist na ni-hire ng kanilang daddy para sa kanila for this day. 

Ginulo na lamang ni Hazel ang buhok ng kapatid at ngumiti. “Go on. Daddy needs us today, especially his heir,” pilyang sabi ni Hazel sabay kurot sa ilong ni Tyler. 

“Stop doing that,” inis na sabi ni Tyler sabay sagi sa kamay ni Hazel. “Hindi na ‘ko bata.”

Tumawa na lamang si Hazel pagkatapos ay bumalik na rin siya sa sarili niyang kwarto kung saan naghihintay na rin ang kanyang sariling stylist. 

Bakas pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi ng umupo siya sa harap ng salamin para ayusan. Ngunit unti-unting nabura ang mga ngiting iyon ng titigan niya ang sarili sa salamin. 

Brown hair, fair skin, and brown eyes. Parang wala man lang siyang namana sa daddy niya maliban sa apelyido nito. Lahat ay minana niya sa pumanaw na ina. 

Maybe that’s one of the reason why never na ulit siya pinagtuununan ng pansin ng kanyang daddy mula ng mamatay ang biological mom niya. 

“So,” singit ng kanyang stylist na naging kaibigan na rin niya dahil sa bawat event na mayroon ang pamilya nila siya ang parating tumutulong kay Hazel to accentuate her assets. 

“Nice to see you again. Another wedding. Another stepmom. Nameet mo na?” 

Marahang tumawa si Hazel saka umiling. “Hindi pa. But my daddy said she’s awesome,” sagot niya. 

“Hmph, bawat naman nagiging asawa ng daddy mo sinasabi niya she’s awesome.” Agad na sinuklay ni Bella ang hanggang balikat na buhok ni Hazel. “How are you?” sinserong tanong niya sa repleksyon ni Hazel sa salamin. 

Hazel shrugged. “Fine. I guess. As always. It’s for the company,” sagot niya. 

“Ano sa tingin mo magiging ending niya?”

“Who?” tanong ni Hazel.

“Your step-mom. Lahat ng nagiging asawa ng daddy mo, kung hindi namamatay, dinidivorce. So what would it be this time? Death or divorce?”

Napaisip din si Hazel sa sinabi ni Bella. Totoo nga naman siya. Her mom died due to an accident. Tyler’s mom died in childbirth. Her second stepmom was divorced. And the recent one died in an accident. 

“Neither,” taos-pusong sagot niya. Tumitig siya sa repleskyon niya sa salamin at ngumiti, “I hope she survives.”

"Hindi tulad ng nangyari sa mama ko," gusto niya pa sanang idagdag iyon tahimik na lamang niyang inalala ang trahedyang nangyari sa ina. Ikinubli niya ang lungkot sa pamamagitan ng muling pag-ngiti at pag-iba sa topic ng usapan nila. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status