LOGINHazel Andrea, a two-goody-shoes girl, would do everything to prove herself worthy of her dad's attention and the Jameston name, even if it means she has to marry their family's rival's grandson - Elijah Grayson. Despite that, Hazel held on to the tiny strand of being a hopeless romantic that love could grow within them. But can love grow within piles of lies and secret stories of demise? Is love enough to keep them from turning against each other?
View MoreIlang oras nang naghihintay sa labas ng operating room sina Emma at Hazel. Hindi sila pareho mapakali hangga’t hindi lumalabas ang mga doctor para sabihin kung ano ang kalagayan ni Johann. Sinulyapan ni Hazel ang ina ni Johann na nag-aalala ring naghihintay sa labas ng operating room. Katabi nito ang ama ni Johann na maya’t mayang bumubulong kay Mrs. Harris. Bagama’t halos kasing-edad lang ng daddy niya ang dalawa ay hindi mahahalata sa mga itsura nila ang totoong edad. Isa sa mga hinahangaan ng mga tao sa mag-asawang Harris ay ang pagiging masiyahin at positive-thinker nila. Pero dahil sa nangyari, hindi makitaa ni Hazel ang magiliw at palabirong Mr. and Mrs. Harris na kinalakihan niya. Parehong tuliro ang mag-asawa. Lahat sila ay walang imik kaya lahat din sila ay nagulat ng biglang tumunog ang phone ni Mr. Harris. “Hello?” Tumango-tango lamang ang matanda habang nakikinig sa mga sinasabi ng nasa kabilang linya. “Gawin niyo ang lahat para ang
“Ano ito? Pagkatapos niyong hindi maprotektahan si kuya ipapakasal niyo ko sa anak ng demonyong iyon?!” nanglilisik ang mga matang tanong ni Elijah sa kanyang lolo. Ang matanda lalaki naman ay kalmado lamang nakamasid sa malaking glass window kung saan nakikita niya ang galaw ng mga tao sa pinakasentro ng kanilang maliit na siyudad. “Watch your tone, Elijah,” nagbabantang sabi ng kanyang ama na nakaupo sa harap ng mesa na gawa rin sa salamin ang ibabaw na bahagi. “Kung hindi niyo kayang gawin dahil natatakot kayo sa consequences na pwedeng makaapekto sa company, I will avenge Dylan in my own way.” Lumingon ang matandang lalaki kay Elijah at sinenyasan ang anak na lumabas na muna ng opisina nito. Agad naman na tumalima ang ama ni Elijah at iniwan ang mag-lolo. “Take a seat, Elijah,” kalmadong sabi niya, ngunit bakas sa boses nito ang autoridad. Sinunod naman ni Elijah ang sinabi ng matanda at agad na naupo sa kaninang kinauupuan ng ama. Bagama’t nasa sitenta na ang edad ni Ro
Nakakasilaw na liwanag ang bumungad kay Hazel pagbukas na pagbukas pa lamang niya ng mga mata niya. Hindi siya agad napansin ng mga taong nakapalibot sa kaniya, pero agad naman silang naglapitan ng makitang gising na siya.Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.“Hey, may masakit ba sa ‘yo?” tanong ng best friend niyang si Emma. Suot pa rin nito ang damit niya kanina sa pagattend ng wedding. Sa kaliwa naman ni Hazel ay si Johann na nakaputing polo na lamang at nakasabit lamang ang neck tie sa magkabilang balikat. .“Are you okay?” tanong ni Johann.“Go. Tumawag ka ng nurse,” utos ni Emma kay Johann, na agad naman niyang sinunod. May pinindot lamang si
Naupo si Hazel sa tabi ng kanyang kapatid matapos niyang maglakad sa gitna ng aisle.Maririnig ang malabubuyog na bulungan ng mga tao sa main hall at napaismid na lamang si Hazel sa dalawang babaeng nasa likuran niya.Narinig kasi ng dalaga kung paano nila tampulan ng mga tukso at hindi magagandang komento ang daddy niya pati na si Katherine.“I didn’t realize the big deal pala ang ten-year age gap,” singit nito sa usapan nila. Hindi na siya nakapagtimpi sa tabas ng dila ng mga ito.“What about a twenty-year age gap? Hindi ba mas big deal iyon? Lalo na kung pinikot mo ang lalaki.”Tinapunan niya an












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.