Share

Chapter 17

CHAPTER 17

DAHIL sa nangyari ay hindi mapanatag si Frances. Ang inaalala niya ay baka hindi ito umalis ng buong hotel at hinihintay siyang lumabas. Natatakot siya sa maaari pa nitong gawin sa kaniya. Kung ano mang gusto ni Jony na gawin, sana ay ihinto na nito.

Kumuha kaagad ng maiinom si Frances sa ref at uminom ng marami. Hindi niya akalain na sinusundan siya ng Amerikano rito sa Melbourne. It was weird though. Paano nitong alam na rito sa Melbourne ang kaniyang punta. At bakit naman siya nito susundan? Maraming katanungan bumabagabag sa kaniyang isipan na kung iisipin pa niya ng malalim ay baka mababaliw siya ng wala sa oras.

Nasundan pa ng maraming pag-inom niya ng malamig na tubig. Hindi siya mapakali kung hanggang dito ba naman ay susundan siya nito. Kahit wala naman talaga siyang kasalanan dito. Nagsisisi tuloy siyang ito ang naging kliyente niya noon. Kung alam niyang ganito ang mangyayari sa kaniya pagkatapos ng lahat ay hindi niya ito kakagatan sa malaki nitong ibabayad.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status