Share

PROLOGUE 2

PROLOGUE 2

An Eight Years Old Jony Guevara…

“’NAY, malapit na ba tayo?” muling tanong ng batang si Jony kay Delia. Tatlong beses na itong nagtatanong sa kaniya mula pa kanina sa bahay nila.

Binalingan niya ito ng tingin mula sa back seat. Inabot niya ang pisngi nito at kinurot-kurot iyon. She gave him a sweet smile. “We are almost there, baby,” tugon niya dito at muling kinurot ang pisngi ng anak. Tiningnan din niya ang kaniyang asawa para malaman kung nakatingin din ba ito sa anak.

“Okay.” Tumango-tango ang batang si Jon-jon at muli na lang din itong naglaro ng laruang robot.

Gumising ng madaling araw si Jon-jon dahil excited ito sa kasal kung saan sila a-attend. At dahil dito ay nagising na rin si Delia at Franco. Kinukulit silang dalawang mag-asawa nito na bumangon na para maghanda para sa gaganaping kasal ni Ben at Heyle. Hindi na lang din sila umangal at pinagbigyan kaagad ang anak. Mahal nila si Jon-jon kaya kahit anong gusto nito ay ibibigay kaagad nila. Ngunit alam ni Delia na hanggang sa murang edad lang nila ito i-spoil. She would be strict kapag matanda na ito. Pero unti-unti rin nilang kinokintrol ang bagay na makakasira sa kinabukasan nito. Dahil alam nilang kapag masiyadong na-spoil si Jon-jon ay tiyak na madadala nito iyon hanggang sa paglaki nito. It would be a terrifying issue. Kaya hanggang maaga pa ay ginagawan na nila iyon ng paraan.

“Our baby is so makulit,” anang si Franco sa tonong malambing. Nabubulol sa pagsasalita ng Tagalog.

Nilingon ni Delia ang asawa. “Nagmana sa ’yo, Franco,” sabi niya’t ngumisi ng malapad.

Napailing-iling si Franco’t itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

Talagang nagmana kay Franco si Jon-jon. May pagka-shy type na makulit si Franco at ganoon si Jon-jon. Naalala niyang noong nililigawan pa siya ni Franco ay lagi siya nitong kinukulit at sabi pa nito, nahihiya din ito sa panliligaw sa kaniya. Sa tuwing naalala niya iyon ay mapapangiti talaga siya. She fell in love to him pero hindi dahil makulit ito. Pinaramdam ni Franco sa kaniya ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. At sa kahabaan ng kanilang pag-iibigan, ibinigay ng Diyos sa kanila ang nag-iisang anak na si Jon-jon. They love their son so much. Ayaw nilang makita itong umiiyak. Na-spoil nila ito sa lahat ng mgabagay na gugustuhin nito. Dahil nag-iisang anak ay hindi nila ito hinahayaang malulungkot o mailayo sa kanila. They really love Jon-jon like how Delia and Franco love each other.

Matagal na natahimik si Franco pero muli itong nagsalita. “I think nagmana talaga siya sa ’yo, hon. Look at on his face and attitude. He have all of your characteristics.”

Mahinang natawa si Delia. “Well…” naroon sa boses niya ang sobrang kagalakan.

“Tingnan mo nga ang anak natin para siyang carbon copy mo. Lalaki nga lang siya,” patuloy nito. Hindi nakapagtataka kung bakit nasabi iyon ng asawa niya.

Ngunit ang tawa ni Delia ay lumakas. Hindi dahil sa sinabi ng asawa kundi sa kung paano magtatagalog si Franco. Sa tuwing nagkabulol-bulol talaga ang asawa niya ay napapangiti siya. Amerikano kasi ito. Hinawakan na lamang ni Delia ang kamay nito at hinaplos-haplos iyon. Nagkatinginan silang dalawa at ngumiti sa isa’t isa.

Magsasalita uli sana siya ay muling nagtanong si Jon-jon. “Mommy, why Uncle Ben wants to marry Auntie Heyle?” isang kuryosong tanong iyon. Seryoso ang ekspresyon sa mukha ni Jon-jon.

Hindi nakatingin ng diretso si Jon-jon sa kaniya pero kita niya ang seryosong mukha nito. Busy ang bata sa paglalaro ng robot nitong laruan. At si Delia ay nagulat sa tanong na iyon ng anak. Sa murang edad nito ay hindi niya inaasahang maitatanong iyon nito sa kaniya.

Alinman sa gusto nitong marinig na kasagutan ay napaisip si Delia, hindi tamang sabihin dito ang bagay na hindi pa maiintindihan ng bata. She knew someday Jon-jon would understand her. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nito ang totoo.

“Sweetheart, I think I can’t answer your question yet.Maybe the right time would come and I can explain it to you. Okay?” malambing niyang pagpapaliwanag nito.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglabas siya ng sariwang hangin mula sa kaniyang dibdib. She smiled sweetly at her husband.

Marahan lamang na tumango ang bata na siyang hindi pa rin tumitingin sa kaniya. Pero saglit lang ay muli itong nagsalita. “Maybe someday I could.” His voice seemed begging.

Bahagya siyang natigilan pagkarinig niya sa sinabi nito. She knew that their son is genius. Mabilis lang nitong maintindihan ang mga bagay-bagay sa paligid nito. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit palagi na lang itong nagtatanong sa kanila at kuryos sa mga bagay-bagay sa paligid nito.

“And it would be great, sweetheart.” Noon lang nagsalita ang asawa niya. Tumango-tango lang si Jon-jon.

Mahabang minuto silang naging tahimik at naghintay na lang makaabot na sila sa simbahan.

Nang natunton na nila ang simbahan kung saan ang venue ng kasal ni Ben at Heyle Martinez ay p-in-ark na kaagad ni Franco ang kotse sa tapat ng simbahan. Unang lumabas ang asawa niya para pagbuksan siya. She smiled at her husband. “Thank you,” she thanked. Ngumiti lang ang asawa niya.

Bumaba na kaagad siya at kinuha si Jon-jon sa back seat. “Come here, son. Let’s go now! Nandito na tayo sa venue ng kasal ni Ben at Heyle,”anyaya niya sa anak.

Kaagad namang nahinto sa paglalaro ang anak niya. Napalitan ng masayang emosyon ang katawan nito nang marinig iyon. Naghintay si Franco sa anak para maakay nito si Jon-jon. Nang makababa na ang anak ay tumuloy na sila sa loob ng simbahan.

Sumalubong sa kanila ang enggrandeng decoration ng simbahan. Talaga namang pinaghandaan ng mabuti ang gagawing kasal ni Ben at Heyle. Kung naging enggrande ang kasal ni Delia at Franco, wala sa kalingkingan iyon sa nasaksihan ni Delia ngayon.

“You must be behaved, son. Okay?” puna niya habang akay-akay ni Franco ang bata.

Magiging doble ang ingat ni Delia para bantayan ang anak dahil sobrang daming tao.

“Ok, mommy,” tugon ni Jon-jon habang naglalaro pa rin ng robot.

“My son will, honey. He’s good boy now.” Hinaplos ni Franco ang buhok ng anak.

“He is,” sang-ayon niya din.

Naupo na sila sa mahabang upuan. Pinaglaro lang nila si Jon-jon sa robot nito sa tabi ni Franco. Si Franco naman ay nakipagkuwentuhan sa kaibigan nitong imbitado rin sa kasal ni Ben at Heyle. Habang si Delia ay lumapit sa kabilang upuan para makipagkuwentuhan kay Timithy.

“Mare, akala ko hindi ka na pupunta,” bungad nito sa kaniya nang makalapit siya.

Nakipagbiso na kaagad siya dito.

“Naku, ako ba naman mahuli? Ayaw ko ma-miss ang kasal ni Ben at Heyle. Importante ’to, eh.” Ang dala niyang pamaypay ay binuklad niya’t nagpaypay siya.

“Tama ka d’yan, mare! This is so special. In fact, kahapon pa nga ako excited, eh.” nahihimigan ni Delia ang sobrang katuwaan dito. Maski siya ay excited din.

“Ben and Heyle—” she stopped in the mid-sentence. Bahagya niyang tiningnan ang direksyon ni Ben sa unahan. “Saksi ako kung paano nabuo ang pag-iibigan ng dalawa. They were young lover back then at puro ’yong pinapakita na pagmamahal ni Ben kay Heyle. Saludo ako sa batang iyan.”

Bumaling din ang tingin ni Timithy kay Ben. “He’s handsome. Bagay na bagay sila ni Heyle. In all fairness, hindi magsisisi si Heyle sa kaniya. And ganoon din si Ben kay Heyle. They’re perfect match. Kanina ko lang nalaman na five years na palang magkasintahan ang dalawa.”

“Sang-ayon ako sa sinabi mo,” sagot niya dito ng sobra ang kagalakan. Parehas nilang kinatitigan ang masayang-masaya na si Ben. “They have strong string to tied their relationship up.Magaling humawak ng relasyon si Ben, mare.”

Ngumiti si Timithy. Tumango-tango. “I wish my husband would be like Ben.” Naroon sa boses nito ang kalungkutan.

Napansin iyon ni Delia pero hindi na lang siya nagsalita pa. Ayaw niyang ma-spoil ang araw na iyon.

In few minutes ay mag-start na ang seremonya. Umupo siya sa tabi ni Timithy nang mauna itong makaupo.

“Maganda ang ambiance ng buong paligid. Wala akong nadamang masamang pangyayari,” litanya ni Timithy na sa isip niya ay kaniyang sinang-ayunan.

“Ganiyan d—” nahinto siya sa pagsasalita nang lumapit sa kaniya ang anak. “What sweetheart?”

Napansin niya ang mga masaganang luha sa mga mata nito. “A girl in pink dress bullied me.” Mabilis itong yumakap sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ni Delia. Ngayon lang niya narinig na nagsusumbong ang anak sa kaniya. Itinuro ni Jon-jon ang babaeng nam-bully rito. Nanlaki ang mga mata ni Delia nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy nito. May pag-usisang napatingin siya sa kumare niya na siyang nakatingin din pala sa tinuro ng anak niya.

Mula sa bahagi kung nasaan ang asawa niya ay nakatayo roon ang galit na galit na nakatingin na batang babae kay Jon-jon. Sa pinukaw na tingin nito sa anak niya ay parang papatayin ng batang babae si Jon-jon.

“Martha!” puna ni Timithy sa anak.

NAHULOG ang laruang robot ni Jon-jon sa sahig at nagmadali siyang kinuha iyon. Ngunit bago pa man siya makahawak sa laruan niya ay may isang paa ang umapak niyon.

Nanlaki ang kaniyang mga mata. Dahan-dahan niyang itinaas ang paningin sa umapak niyon. Isang nanliliksik na tingin ang bumungad sa kaniya. Animo’y papatayin siya nito.

“Ang pangit ng laruan mo! Ew!” galit nitong turan.

Hindi napigilan ni Jon-jon ang kaniyang luha. Tumulo iyon ng kusa. “Why you did that?” nakaawang tanong niya. Saglit lang ay humagulgol na siya.

“You’re weird! You’re yuck! And I don’t like you!” nagtirik ang mga mata nito.

Mabilis niyang kinuha ang laruan niyang napudpod at humagulgol. Sa murang edad ay hindi siya marunong makipag-away at gano’n na rin na protektahan ang sarili. He’s young and weak. Hindi kagaya ng batang babae na bigla na lang ay inaway siya.

Nagmadali niyang tinungo ang kinauupuan ng mommy niya at nagsumbong.

“HUWAG mong pagtaasan ng boses ang anak mo, Tim. Sadyang hindi lang sila magkakasundo,” paunawa ni Delia sa kaniyang kumare.

Muli niyang tiningnan ang batang babae. Nandidilim ang tingin nito sa anak niya na siyang sumiksik sa kaniya.

“Pagpasensiyahan mo na ’yang anak ko, mare. Malay ko ba kung saan nagmana ’yang anak ko. M*****a.” Dahil sa naramdamang nerbyos ay nagpaypay ito. “Hali ka nga rito, Martha!” pagalit nitong tawag sa anak.

Hindi nakaiwas ang mata ni Delia sa pag-irap ng anak ni Timithy. M*****a nga ito. Nang lumapit ito ay parang nag-aamong tuta ang anak niyang si Jon-jon. Sumiksik ito sa kaniya. Her son was not like the other young boy around. Matakutin ito at hindi marunong makipag-away kaya siguro ay tinawag itong weird ng anak ni Timithy.

“Weird!” may inis nitong sambit nang sandaling magkatapat nito ang anak niya.

“Martha!” pagbigay ng warning ni Timithy.

Pero hindi yata napalaking mabuti ang anak nito. Martha is a beautiful girl. Malaniyebe ang kulay ng balat nito na siyang namana sa ina nito. Pero kung gaano man kaganda ang nakikitang panlabas nito ay kabaliktaran iyon sa ugali.

“I don’t like him. He’s weird and look at him, he seems weak!”

Mas lalo pang nanliksik ang mga mata nito. Niyakap na lamang ni Delia ang anak niya na tahimik na umiiyak. Hindi na lamang niya pinansin ang anak ng kumare.

“Mom, can we go home now?”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chito Albia
very good novel nakaka excite
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status