Habang abala si Lolo sa pakikipagkuwentuhan sa mga kasambahay tungkol sa bagong "apo sa tuhod" na gusto niyang makuha ASAP, sina Zseya at Drayce ay pansamantalang nakatakas sa isa sa mga guest rooms para makapagpahinga.
Pagkapasok pa lang ni Zseya, agad siyang napaupo sa gilid ng kama. Hindi niya alam kung matatawa, matatakot, o maiihi sa nerbiyos. “Apo agad?” mahina pero may halong tili ang boses niya. “Hindi pa nga ako fully nakaka-adjust sa bagong apelyido ko!” Napatakip siya sa mukha, habang si Drayce ay nanatiling nakatayo, pinagmamasdan siya. “Sorry,” mahina nitong sabi. “Hindi ko rin in-expect 'yon. Usually masungit 'yon, e.” Napatingin si Zseya sa kanya. “So… hindi siya galit?” Umiling si Drayce. “That’s the weird part. Either he’s plotting something… or he just really wants a great-grandchild.” “Well, that escalated quickly,” biro ni Zseya, pilit na tumatawa pero ramdam sa tono niya ang pressure. “Hindi pa nga tayo… alam mo na.” Napakunot ang noo ni Drayce. “Hindi pa tayo...?” “Like… hindi pa nga tayo lubos na magkakilala. Yes, we kissed—” napahinto si Zseya. “I mean, while I’m drunk, sorry.” sabay tila zinipper niya ang bibig niya na siya namang lihim na ikinangiti ni Drayce. Napailing si Drayce. Nilapitan niya si Zseya, saka naupo sa tabi nito. Ilang segundo siyang tahimik, bago muling nagsalita. “Look… I know this marriage started as a deal,” marahan niyang sabi. “Pero hindi ibig sabihin hanggang doon lang. And I will treat you as my wife, magiging faithful ako sa’yo.” Tumingin si Zseya sa kanya. First time niya itong marinig magsalita nang ganito ka-sincere. “I’m not planning to take advantage of you, Zseya.” Tahimik ang tono ni Drayce. “Lalo na sa bagay na ‘yon. Wala akong balak pilitin ka… o ilagay ka sa sitwasyong hindi ka handa.” Bigla siyang napatitig sa kanya. Seryoso. Protektado. Warm. Iba sa malamig na boss na nakilala niya nung una. “Salamat…” bulong niya. “At least may respeto ka pa rin kahit weird ang sitwasyon.” Napangiti si Drayce—’yung tipong bihira at hindi kayang i-fake. “Pero,” dagdag ni Zseya, “huwag kang magugulat kung mag-panic ako tuwing may magsasabi ng ‘apo.’” Tumawa na si Drayce this time. Genuine. “Deal.” Pagbalik nila sa penthouse, ramdam ni Zseya ang pagod—emotional at mental overload sa mga nangyari. Mula sa kasal, lunch with Lolo, at now, sa bagong tahanan nila. Tahimik silang pumasok sa loob. High-ceiling, minimalist design, malamig ang kulay ng interiors—mostly black, gray, and white. Pero may mga personal touches. Books. Whiskey. At paintings. Napahinto si Zseya sa isang painting. Abstract pero may energy. Parang chaotic... pero organized. “You painted this?” tanong niya. Tumango si Drayce. “One of the few things that keep me sane.” Napaisip si Zseya. Ang lalim pala ng lalaking ’to. Hindi lang siya basta CEO na laging serious. “Come,” tawag ni Drayce, sabay abot ng isa pang maliit na box sa kanya. “Another card?” biro niya. “Better.” Pagbukas niya, isang eleganteng necklace na may maliit na diamond sa gitna ang laman. Simple, pero classy. Hindi halatang mahal pero alam mong high quality. “I want you to wear that,” sabi ni Drayce. “Para kapag wala ako, maalala mong… you’re protected. And you’re not alone anymore.” Napatitig si Zseya sa kanya, speechless. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang kindness ng lalaking ’to—but she felt it. Totoo. Tahimik lang silang nagkatitigan. Ilang segundo. Ilang hinga. “Drayce…” bulong ni Zseya. Hindi niya alam kung ano ang susunod niyang sasabihin. Pero hindi na rin kinailangan. Tumayo si Drayce, saka lumapit. Marahan niyang inayos ang kwintas sa leeg ni Zseya, habang halos magdikit na ang mga mukha nila. Mainit ang hininga niya sa balat ni Zseya. And for a second, time slowed down. “I said I wouldn’t kiss you at the wedding…” mahinang bulong ni Drayce. Zseya held her breath. “…But this isn’t the wedding anymore.”Paggising ko, ramdam ko agad ang init ng katawan ni Drayce sa tabi ko. Nakahiga siya patagilid, bahagyang nakatakip sa amin ang kumot, at kita ko pa ang maayos na hulma ng balikat at dibdib niya.Hindi ko mapigilang paglaruan ang ilong niya gamit ang daliri ko. Napakunot siya pero hindi dumilat.“Hmm…” ungol niya, parang batang ayaw magising.Niyakap ko siya, idiniin ang pisngi ko sa dibdib niya. Amoy ko pa rin ang halimuyak ng cologne niya na halos nakatatak na sa unan.“Sorry pala kahapon, ah?” mahina kong sabi.“Why?” tanong niya, hindi pa rin binubuksan ang mga mata, pero ramdam kong gising na siya.“Ang mahal ng gown ko…” bulong ko, parang nahihiya. “One point five million. Mahal ‘yon, Drayce.”Bumukas ang isang mata niya, saka siya ngumiti—’yung tipong nakakapagpainit ng umaga kahit hindi ka pa nagkakape.“Then it’s worth it,” sagot niya, at hinaplos ang pisngi ko, “dahil mahal din naman kita.”Natawa ako, pero hindi ko na tinangkang kontrahin. Kasi sa tono ng boses niya, alam k
Matikas na humarap si Gordon sa saleslady na kanina lang ay halos itaboy ako palabas.“Get the most exclusive gown in your latest collection. The one in the VIP room. And bring matching accessories,” utos niya, malamig pero authoritative.Nagkandautal ang saleslady. “A-ah, y-yes, Sir… pero… pero ‘yung gown na ‘yon—”“Charge it to this account,” putol ni Gordon, at inabot ang gold credit card na unli swipe. “And make it fast. Miss Zseya doesn’t have time to waste.”I swear, kung may popcorn lang ako, kakain ako habang pinapanood ko ang pagbagsak ng confidence ng saleslady. Kanina, grabe kung titigan ako nito mula ulo hanggang paa. Ngayon? Para siyang contestant sa fastest service award.Habang umaalis ito para kunin ang gown, napansin kong nanlilisik ang mata ni Cassey. “So… sino ba ‘tong bago mong lalaki?” tanong nito nang tila nangungutya pero nagpapapansin.Ngumiti ako ng matamis. “Hmm? Bakit type mo ba?”“Yuck! Hindi ko siya type! Besides, Marky is my boyfriend. Ang Daddy niya, ay
Zseya’s POVKinabukasan, habang nagkakape kami ni Drayce sa balcony, bigla siyang nagsalita.“Love, next week na ‘yung anniversary ng Zamora’s Legacy,” casual niyang sambit, parang simpleng event lang. Pero alam ko, malaki ‘to. Lahat ng high-profile clients, investors, at board members nando’n.Tumango ako. “So… kailangan ko bang maghanda?”Ngumiti siya. “I want you there. Beside me. And looking like the queen that you are.”Napalunok ako. Queen? Grabe, parang gusto ko tuloy mag-wear ng crown. Pero knowing Drayce, hindi ito simpleng lakad lang. Gusto niyang makita ng lahat kung sino ako sa buhay niya.Kaya that afternoon, sinama ko si Andrea sa mall para maghanap ng gown. “Bes, ikaw ang stylist ko today,” biro ko habang pa-swagger walk papunta sa high-end boutique.“Syempre! Dapat lahat ng ex at haters mo mapanganga,” tawa niya.Pagpasok namin sa boutique, agad kong napansin ang interior—soft lighting, glass racks, gowns na parang galing sa red carpet. At syempre, isang saleslady na m
Magsasalita na sana ako. Pero biglang tumunog ang cellphone ni Drayce.Napatingin siya sa screen.“Si Mom. Sandali lang, love. I need to take this.”Tumango ako. “Go.”Tumayo siya at lumayo ng kaunti, dala ang wine glass niya habang may mahinang “Yes, Ma… I’m with her… yes, she’s okay” sa background. Halatang may check-in report sa future mother-in-law.Habang nakatingin ako sa city lights, enjoying the brief silence… biglang may boses na nanlamig ang spine ko.“Mom, look who’s here. Kaya na pala i-afford ng pulubi ang restaurant na ‘to?”Oh no.Not her.Not today.Paglingon ko, and there she was.Cassey. My ever-sweet, ever-toxic cousin.Nakasuot ng bodycon dress na parang press release ng insecurities. Kauupo lang niya sa tabing lamesa namin, at hindi siya nag-iisa.“Kaya niya magbayad kung may sugar daddy siyang matanda,” sabat ni Auntie Isadora, sabay nagtawanan silang dalawa.As in literal tumawa sa harap ko habang hawak pa ni Auntie ang purse na parang pinagmamayabang.Ngumiti a
“Daga, I mean mga tauhan mong babae, na nagpapantasya sa’yo,” sambit ko, sabay tingin sa kanya with matching deadpan expression.“May gano’n ba akong mga empleyado?” tanong ni Drayce, kunwari inosente, pero obvious ang pagka-naniningkit ng mata. As if he didn’t just walk out kanina like some cologne-scented Greek god and kiss me in front of his entire female staff.“Wala, 'no,” sagot ko, sarcastic. “Hindi sila obvious. Lalo na 'pag sinisiko ang isa’t isa sa tuwing dadaan ka.”He grinned. As in that smug, slow, alam-kong-gwapo-ako kind of grin. “Grabe sila. Buti pa ikaw, tahimik lang sa feelings mo.”Nagkibit-balikat ako. “Wala naman akong feelings, Sir.”“Ouch.” Napahawak pa siya sa dibdib niya, kunwari nasaktan. “Right here. Tinamaan.”“Dapat lang. Masyado kang confident.”Lumapit siya sa desk, nakasandal habang nakatitig lang sa akin.“Confident lang ako pag sure.”Tumigil ako sa pag-aayos ng papel. “Sure saan?”“Na may gusto ka rin sa akin.”Biglang uminit ‘yung batok ko. Here we g
I stared at them. Blank face. Pero sa loob-loob ko? Naglilista na ako ng pangalan sa mental burn book ko.Pero hindi ako pumatol.I just stood up, kinuha ‘yung sandwich ko, at ngumiti.“Salamat sa concern,” sabi ko. “Pero don’t worry, wala akong intensyong agawan kayo ng pantasya.”“Dapat lang! Bago ka lang dito, matuto kang lumugar!” saad pa ni Mika.Kahit gusto ko nang sumabog, pinili kong manahimik. Wala akong utang na paliwanag sa kanila. And besides, the more they talk, the more they reveal who they really are.So I smiled—again. That kind of smile you wear when your soul is already half-punched.“Tama kayo,” sabi ko, pa-relax lang. “I’ll try to tone it down. Ayoko namang maka-distract sa trabaho n’yo.”Sabay inom sa tubig ko para may excuse na huwag na silang tingnan.Tahimik silang umalis, pero ramdam ko ang mga mata nila sa likod ng ulo ko hanggang sa makalabas sila ng pantry.I went back to my desk. Checked emails. Updated a spreadsheet. Nag-pretend na super busy kahit ang to