Share

CHAPTER 8: FIRST NIGHT WITH DRAYCE!

Author: ARYAXX
last update Last Updated: 2025-08-05 22:01:40

Lumalim ang halik. Mas naging malambing, mas naging tapat. Wala nang pader. Wala nang takot. Parang sa sandaling iyon, wala nang ibang mundo kundi kaming dalawa lang.

Nakapikit ako, damang-dama ang init ng palad niya sa balat ko, ang dahan-dahang paglapat ng kamay niya sa batok ko habang nilalapit pa niya ako. Walang kailangang madaliin. Walang kailangang ipilit.

Ang akala ko, sapat na ‘yung isang halik.

Pero nung naramdaman kong unti-unti niyang inilapit pa lalo ang katawan niya sa akin, habang ang palad niya’y lumalapat sa bewang ko… doon ko naramdaman: hindi ito basta halik lang. May laman. May damdamin. May pananabik.

Ang init ng hininga niya habang humihigpit ang hawak niya sa akin, habang ang labi niya'y bumababa sa pisngi ko, pababa sa panga, paakyat ulit sa gilid ng labi ko—paulit-ulit, parang ayaw niyang matapos ‘to. Parang sinisigurado niyang totoo ako. Na hindi ako mawawala.

“Sabihin mo kung gusto mong tumigil ako,” bulong niya, paos ang boses. May tensyon. Pero may pa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 19: QUICKIE

    Paggising ko, ramdam ko agad ang init ng katawan ni Drayce sa tabi ko. Nakahiga siya patagilid, bahagyang nakatakip sa amin ang kumot, at kita ko pa ang maayos na hulma ng balikat at dibdib niya.Hindi ko mapigilang paglaruan ang ilong niya gamit ang daliri ko. Napakunot siya pero hindi dumilat.“Hmm…” ungol niya, parang batang ayaw magising.Niyakap ko siya, idiniin ang pisngi ko sa dibdib niya. Amoy ko pa rin ang halimuyak ng cologne niya na halos nakatatak na sa unan.“Sorry pala kahapon, ah?” mahina kong sabi.“Why?” tanong niya, hindi pa rin binubuksan ang mga mata, pero ramdam kong gising na siya.“Ang mahal ng gown ko…” bulong ko, parang nahihiya. “One point five million. Mahal ‘yon, Drayce.”Bumukas ang isang mata niya, saka siya ngumiti—’yung tipong nakakapagpainit ng umaga kahit hindi ka pa nagkakape.“Then it’s worth it,” sagot niya, at hinaplos ang pisngi ko, “dahil mahal din naman kita.”Natawa ako, pero hindi ko na tinangkang kontrahin. Kasi sa tono ng boses niya, alam k

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 18: EXPENSIVE

    Matikas na humarap si Gordon sa saleslady na kanina lang ay halos itaboy ako palabas.“Get the most exclusive gown in your latest collection. The one in the VIP room. And bring matching accessories,” utos niya, malamig pero authoritative.Nagkandautal ang saleslady. “A-ah, y-yes, Sir… pero… pero ‘yung gown na ‘yon—”“Charge it to this account,” putol ni Gordon, at inabot ang gold credit card na unli swipe. “And make it fast. Miss Zseya doesn’t have time to waste.”I swear, kung may popcorn lang ako, kakain ako habang pinapanood ko ang pagbagsak ng confidence ng saleslady. Kanina, grabe kung titigan ako nito mula ulo hanggang paa. Ngayon? Para siyang contestant sa fastest service award.Habang umaalis ito para kunin ang gown, napansin kong nanlilisik ang mata ni Cassey. “So… sino ba ‘tong bago mong lalaki?” tanong nito nang tila nangungutya pero nagpapapansin.Ngumiti ako ng matamis. “Hmm? Bakit type mo ba?”“Yuck! Hindi ko siya type! Besides, Marky is my boyfriend. Ang Daddy niya, ay

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 17: TALK WITH A CLASS

    Zseya’s POVKinabukasan, habang nagkakape kami ni Drayce sa balcony, bigla siyang nagsalita.“Love, next week na ‘yung anniversary ng Zamora’s Legacy,” casual niyang sambit, parang simpleng event lang. Pero alam ko, malaki ‘to. Lahat ng high-profile clients, investors, at board members nando’n.Tumango ako. “So… kailangan ko bang maghanda?”Ngumiti siya. “I want you there. Beside me. And looking like the queen that you are.”Napalunok ako. Queen? Grabe, parang gusto ko tuloy mag-wear ng crown. Pero knowing Drayce, hindi ito simpleng lakad lang. Gusto niyang makita ng lahat kung sino ako sa buhay niya.Kaya that afternoon, sinama ko si Andrea sa mall para maghanap ng gown. “Bes, ikaw ang stylist ko today,” biro ko habang pa-swagger walk papunta sa high-end boutique.“Syempre! Dapat lahat ng ex at haters mo mapanganga,” tawa niya.Pagpasok namin sa boutique, agad kong napansin ang interior—soft lighting, glass racks, gowns na parang galing sa red carpet. At syempre, isang saleslady na m

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 16: BELITTLED

    Magsasalita na sana ako. Pero biglang tumunog ang cellphone ni Drayce.Napatingin siya sa screen.“Si Mom. Sandali lang, love. I need to take this.”Tumango ako. “Go.”Tumayo siya at lumayo ng kaunti, dala ang wine glass niya habang may mahinang “Yes, Ma… I’m with her… yes, she’s okay” sa background. Halatang may check-in report sa future mother-in-law.Habang nakatingin ako sa city lights, enjoying the brief silence… biglang may boses na nanlamig ang spine ko.“Mom, look who’s here. Kaya na pala i-afford ng pulubi ang restaurant na ‘to?”Oh no.Not her.Not today.Paglingon ko, and there she was.Cassey. My ever-sweet, ever-toxic cousin.Nakasuot ng bodycon dress na parang press release ng insecurities. Kauupo lang niya sa tabing lamesa namin, at hindi siya nag-iisa.“Kaya niya magbayad kung may sugar daddy siyang matanda,” sabat ni Auntie Isadora, sabay nagtawanan silang dalawa.As in literal tumawa sa harap ko habang hawak pa ni Auntie ang purse na parang pinagmamayabang.Ngumiti a

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 15: TOO EARLY

    “Daga, I mean mga tauhan mong babae, na nagpapantasya sa’yo,” sambit ko, sabay tingin sa kanya with matching deadpan expression.“May gano’n ba akong mga empleyado?” tanong ni Drayce, kunwari inosente, pero obvious ang pagka-naniningkit ng mata. As if he didn’t just walk out kanina like some cologne-scented Greek god and kiss me in front of his entire female staff.“Wala, 'no,” sagot ko, sarcastic. “Hindi sila obvious. Lalo na 'pag sinisiko ang isa’t isa sa tuwing dadaan ka.”He grinned. As in that smug, slow, alam-kong-gwapo-ako kind of grin. “Grabe sila. Buti pa ikaw, tahimik lang sa feelings mo.”Nagkibit-balikat ako. “Wala naman akong feelings, Sir.”“Ouch.” Napahawak pa siya sa dibdib niya, kunwari nasaktan. “Right here. Tinamaan.”“Dapat lang. Masyado kang confident.”Lumapit siya sa desk, nakasandal habang nakatitig lang sa akin.“Confident lang ako pag sure.”Tumigil ako sa pag-aayos ng papel. “Sure saan?”“Na may gusto ka rin sa akin.”Biglang uminit ‘yung batok ko. Here we g

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 14: BUSINESS PARTNER?

    I stared at them. Blank face. Pero sa loob-loob ko? Naglilista na ako ng pangalan sa mental burn book ko.Pero hindi ako pumatol.I just stood up, kinuha ‘yung sandwich ko, at ngumiti.“Salamat sa concern,” sabi ko. “Pero don’t worry, wala akong intensyong agawan kayo ng pantasya.”“Dapat lang! Bago ka lang dito, matuto kang lumugar!” saad pa ni Mika.Kahit gusto ko nang sumabog, pinili kong manahimik. Wala akong utang na paliwanag sa kanila. And besides, the more they talk, the more they reveal who they really are.So I smiled—again. That kind of smile you wear when your soul is already half-punched.“Tama kayo,” sabi ko, pa-relax lang. “I’ll try to tone it down. Ayoko namang maka-distract sa trabaho n’yo.”Sabay inom sa tubig ko para may excuse na huwag na silang tingnan.Tahimik silang umalis, pero ramdam ko ang mga mata nila sa likod ng ulo ko hanggang sa makalabas sila ng pantry.I went back to my desk. Checked emails. Updated a spreadsheet. Nag-pretend na super busy kahit ang to

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status