Share

CHAPTER 24 - SHE'S BACK

Ganun nalang ang pagkagulat ni Sandra, ng makita ang madilim na anyo ni Marco habang nakatitig sa kanya. Bagama't may nakalagay na busal ang kanyang bibig, kahit gusto niyang sumigaw ay hindi niya magawa. Nasa loob siya ng abandonadong building na hindi niya alam kung saang gubat naroroon. Pero umaasa siyang hindi magtatagal ay matutunton na rin siya ng mga tauhan ni madam Mia upang tulungang makatakas. Natatakot siya sa maaring gawin ngayon ni Marco sa kanya. Mas lalo siyang nanginginig ng makitang papalapit si Marco, kaya impit siyang pumikit habang hinihintay ang katapusan niya. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay wala paring kahit anong masasakit na bagay ang dumapo sa kanyang balat. Nagdilat siya ng mga mata para lamang masindak ng kanyang makita na hawak-hawak na ni Marco ang maliit na hairclip na kanina lang ay nakaipit at nakatago sa buhok niya.

"Sa tingin mo ba hindi ko alam kung anong klaseng hairclip to? Kaya pala, hindi ka mahuli-huli ng mga tauhan ko dahil dito huh? K
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status