LOGINBumalik si Agatha sa poder ng kaniyang mga magulang na walang ibang dala kundi ang kaniyang cellphone at sarili. Alam niya sa kaniyang sarili na puwede rin siyang palayasin ng kaniyang ama at pabalikin kay Daniel kaya inihahanda na niya ang kaniyang sasabihin upang kumbinsihin si Darius na huwag na siyang pabalikin pa sa bahay ng lalaki. Hindi niya inaasahan na isang mahigpit na yakap ang ibibigay nito sa kaniya nang sila ay nagkita.
“Kaytagal kong hinintay ang pagkakataon na ito upang ikaw ay magbalik sa bahay,” maluha-luhang sambit ni Darius sa anak bago pa man niya ito pinagmasdan. “Hindi na kita tatanungin kung ano ang ginawa ng hayop mong asawa. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay nagbalik ka na.”
Hindi na nagawang pigilan pa ni Agatha ang kaniyang emosyon nang sandaling iyon. Ibinuhos na niya ang kaniyang luha sa balikat ng kaniyang ama. Hindi lang iyon isang tahimik na pag-iyak dahil hagulgol ang nagawa niya. Lahat ng sakit na nararamdaman niya ay nailabas niya ngayon at ang tanging ginagawa ng ama niya ay ang paghagod sa kaniyang likod na para bang pinapatahan na siya nito.
Ilang minuto pa ang lumipas at naging kalmado na rin si Agatha nang muli siyang humarap sa ama. Isang halik pa sa noo ang natanggap niya mula kay Darius.
“Everything is going to be fine ngayong umuwi ka na rito,” sabi ni Darius na sinagot lang ni Agatha ng isang iling.
“What is the meaning of that gesture?” tanong ni Darius sa isang nagtatakang tinig.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, “Dad, I set up myself for failure dahil buntis ako pero pinili ko pa ring umalis sa bahay namin. Hindi ko kinaya ang akusasyong sinabi niya laban sa aming mag-ina niya.”
“Ano ang sinabi niya?” tanong ni Darius na unti-unting tumataas ang emosyon nang sandaling iyon.
“Dad…”
“Tell me everything I need to know,” sabi ni Darius sa isang seryosong tinig.
Pinili ni Agatha na manahimik nang sandaling iyon, hindi dahil sa gusto niyang protektahan si Daniel. Ginawa niya iyon dahil kailangan niyang sundin ang bilin ng doktor sa kaniya. Bawal sa kaniya ang stress lalo na at sensitive ang kaniyang pagbubuntis.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Darius nang napansin niya ang pananahimik ng anak. Sa kalagayan nito ay alam niyang mas gugustuhin pa nitong magpahinga kaysa magsumbong sa kaniya sa pananakit na ginawa ni Daniel. Isa pa, lalaki rin siya kaya sa tingin niya ay alam na niya kung ano ang sinabi nito sa nag-iisa niyang anak.
“Alam kong pagod ka kaya pumasok ka na sa kwarto mo para makapagpahinga ka,” sabi ni Darius sa anak. “Lagi ko iyong ipinalilinis dahil alam kong darating ang araw na uuwi ka.”
Niyakap ni Agatha ang kaniyang ama. She is thankful dahil naiintindihan ni Darius ang sitwasyon kahit na hindi siya magsabi.
“Sabihin mo lang sa akin kung ano ang gusto mong gawin sa mga susunod na oras at nang maihanda ko iyon nang maayos,” sabi ni Darius nang humiwalay si Agatha sa kaniya. “Huwag mo nang intindihin si Daniel. Kung gusto mo na siyang hiwalayan ay pinapayagan ko na rin iyon.”
Isang tango ang ibinigay ni Agatha, “Bigyan ninyo po ako ng isang buong araw upang mapag-isipan ang susunod kong hakbang.”
“Ano ang gagawin ko kung sakaling magpunta rito ang iyong magaling magaling na asawa?” tanong agad ni Darius sa anak. “Papayagan ko ba siyang makita ka?”
Umiling si Agatha, “Sapat na ang mga nasabi niya sa akin ngayong gabi upang wakasan ang aming pagsasama. Kung kailangan ninyo po siyang ipadampot sa security ay puwede ninyo po iyong gawin.”
Napangiti si Darius. Nakikita na niyang muli ang Agatha na kilala niya.
“Huwag kang mag-alala, everything will be fine,” sabi ni Darius. “I won’t allow him to hurt you again.”
Napatitig si Daniel sa singsing na iniwan ni Agatha sa mesa bago pa man ito nagpasiyang umalis. Alam niya sa kaniyang sarili na dapat ay masaya na siya ngayong ibinigay na ng babae ang kaniyang kahilingan. Iyon nga lang, kahit na anong pagsasaya ang gawin niya ay napapalitan agad iyon ng isang emosyong siya mismo ay hindi maintindihan.
“What the f*ck did you do to me, Agatha?!” inis na tanong ni Daniel habang nakatitig sa singsing. “Dapat ay masaya na ako ngayong hiwalay na tayong dalawa.”
Habang iniisip ni Daniel kung ano ang kakaibang nararamdaman niya ay pumasok si Gavin upang bigyan siya ng isang malakas na suntok. Nalasahan niya ang sarili niyang dugo dahil sa pagputok ng kaniyang labi.
“You had one f*cking job! And that was to love your wife pero pumalpak ka pa!” sigaw ni Gavin sa kaniya.
Umahon ang galit ni Daniel sa pag-aakalang sa ama niya umuwi ang nasabing babae. Isang ngisi ang kaniyang pinakawalan.
“Ginamit na naman pala niya ang kaniyang –”
Hindi nagawang tapusin ni Daniel ang kaniyang sinasabi dahil muli siyang sinuntok ng sarili niyang ama. Pagtingin niya kay Gavin ay nakita niya ang galit sa mga mata nito.
“Hindi mo alam kung ano ang magiging epekto sa atin ng ginawa mo sa iyong asawa!” galit na sambit ni Gavin sa anak. “Isang malaking katangahan ang ginawa mo!”
Nakaramdam ng inis si Daniel nang sandaling iyon, “Kusang umalis si Agatha rito sa bahay kaya hindi ko na kasalanan kung umuwi siya sa kanila. Mabuti na ring magkahiwalay kaming dalawa dahil hindi ko na rin masikmura ang pagmumukha niya.”
Napapikit si Gavin, “Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpapalaki ko sa iyo. Hindi kita pinalaki para lang maging tanga sa isang relasyon!”
“Papa, alam mong sa umpisa pa lang ay labag na sa aking kalooban ang kasal naming dalawa ni Agatha,” sabi ni Daniel in a blunt tone. “Kayo lang ang nagpumilit na ituloy iyon kahit na alam mong may mahal akong ibang babae.”
“Because that marriage was good enough para manatili ka sa kumpanya,” sagot ni Gavin. “Ang akala ko ay alam mo na kung ano ang purpose ng kasal ninyo.”
“Kung ang sinasabi mo sa akin ay ang kumpanya natin, kaya ko iyong ibangon muli kahit wala ang suporta ni Agatha o ng kahit sino mula sa kaniyang pamilya,” sabi ni Daniel sa isang nagmamalaking tinig. “I can build it again using my own hands.”
“At sa tingin mo ba ay sapat na ang skills na mayroon ka?” tanong ni Gavin sa anak. “Let me set this straight, hindi ikaw ang gustong maging manugang ni Darius. Iba ang napipisil niya noon para kay Agatha, someone worthy of her own status.”
“As if she had a status to begin with,” panlalait ni Daniel sa asawa. “Ni hindi nga siya tumapak sa company after ng kasal. She became a plain and boring housewife.”
“She did it dahil gusto ka niyang bigyan ng pagkakataon na patunayan ang iyong sarili pero ito pa ang iginanti mo sa kaniya, ang masaktan nang dahil lang din sa iyo!” galit na sambit ni Gavin. “At dahil sa ginawa mo ay malaki ang posibilidad na mawala na sa iyo ang lahat-lahat ng mga pinaghirapan namin ng mama mo noong nabubuhay pa siya.”
Nangunot ang noo ni Daniel sa narinig. There is no way na mawawala sa kaniya ang lahat dahil lang sa napipintong paghihiwalay nilang dalawa ni Agatha. Wala ring naitulong sa kaniyang career ang asawa kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng kaniyang ama.
“Bukas na bukas din ay makikipag-ayos ka kay Agatha,” sabi ni Gavin sa anak. “Hindi ako papayag na hindi kayo magkabalikan ng asawa mo.”
Hindi na nagulat si Darius nang sumunod na araw ay nagpakita ang mag-amang Gavin at Daniel sa kaniyang bahay. Thankfully, hindi pa siya nakakaalis nang sandaling iyon kaya magagawa pa niya itong harapin. Iyon nga lang, walang warmth sa kaniyang mga mata nang oras na iyon nang nakita niya ang dalawang lalaki.
“Albert, sabihan mo ang aking secretary na mahuhuli na ako ng pasok dahil may kailangan pa akong asikasuhin,” utos niya sa kaniyang assistant na kasama niya nang sandaling iyon. “Adjust my schedule accordingly. Cancel some work na sa tingin ninyo ay puwede kong ipagpaliban.”
“Yes, Sir.”
Nang nakaalis na si Albert ay ibinaling ni Darius ang kaniyang atensyon sa dalawa, “What brings you here?”
“Pare, hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa ng anak ko,” sagot ni Gavin sa kaibigan. “Narito kami upang sunduin si Agatha.”
Hindi malaman ni Darius kung ano ang kaniyang mararamdaman nang sandaling iyon. Kilala niya si Agatha at alam niyang labis itong nasaktan ni Daniel kaya nagpasiya na itong umuwi sa kaniya. Isang malalim na hininga ang kaniyang napakawalan nang wala sa oras.
“At sa tingin mo ba ay papayag pa akong masundo ng anak mo si Agatha?” tanong ni Darius kay Gavin. “Pare, kaibigan kita, pero sa ngayon ay kailangan kong magpakaama sa sarili kong anak.”
“Darius, naiintindihan ko kung ayaw mong payagang sunduin ni Daniel si Agatha, pero sana naman ay hayaan mo silang makapag-usap,” sabi ni Gavin sa kaibigan. “Hindi rin nila maaayos ang kanilang misunderstanding kung hindi natin sila hahayaang mag-usap nang sarilinan at makikialam tayo sa kanila.”
“Like I said, kilala ko si Agatha. She would not come home kung hindi siya napuno sa anak mo,” sabi ni Darius sa kaibigan. “Hayaan ninyo muna ang anak ko at tanungin mo ang sarili mong anak kung ano ang sinabi niyang masakit para magpasiya si Agatha na hiwalayan siya.”
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Gavin. Alam niyang sa mga oras na iyon ay wala siyang magagawa kundi sundin ang kagustuhan ni Darius. Ama rin siya at kung sakaling nagkabaligtad sila ng sitwasyon ay gagawin din niya ang ginagawa ng kaniyang kaibigan upang maprotektahan ang sariling anak.
“Kung iyan ang iyong desisyon ay bibigyan namin ng ilang araw si Agatha bago siya kausaping muli,” sabi ni Gavin sa isang mababang tinig. “Sana lang ay hindi masira ang pagkakaibigan natin dahil sa mga anak natin.”
“I still value our friendship kaya ako na ang nakikiusap sa iyo, hayaan ninyo munang magpalamig si Agatha.”
Nang nasiguro ni Maica na wala na ang mga social worker ay pinuntahan niya kaagad si Julienne na kasalukuyang nakakulong sa kwarto nang sandaling iyon. Kailangan niyang sabihan si Julienne kung ano ang isasagot nito sa social workers kung sakaling babalik man sila para kausapin ito. Napailing pa siya nang nakita niya ang balat nito. "Kailangan kong takpan iyang mga pasa mo para hindi nila mapansin bukas iyan," sabi ni Maica sa bata. "May gustong kumausap sa iyo bukas." "Mama..." "Hindi mo ako tatawaging mama kapag nagkamali ka ng mga sagot sa kanila," banta ni Maica sa anak. "Ayaw mo naman sigurong mawalan ng mama, hindi ba?" Bago pa man makapagsalita si Julienne ay isang ngiti na ang ibinigay ni Maica sa kaniya. Nabuhayan siyang muli ng pag-asa na mamahalin siya ng sarili niyang ina kapag ginawa niya ang gusto nitong ipagawa sa kaniya. Hindi niya napansin na ang ngiting ibinibigay sa kaniya ng sarili niyang ina ay isang ngisi ang ibig sabihin noon para sa nasabing babae. "K
Labag man sa kalooban ni Daniel ang gustong gawin ni Agatha ay pinili na rin niyang pagkatiwalaan ang suhestyon nito sa kaniya. The only way to collect evidence is to make sure na kasamang muli ni Maica ang sarili nitong anak. "Sana lang ay hindi pa huli ang lahat para kay Julienne kapag kumilos na tayo para iligtas siya," sabi ni Daniel kay Agatha. "Ayaw kong dumating ako sa point na pagsisisihan ko ang nangyari sa kaniya." "Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin ko rin na hindi siya tuluyang mapapahamak," sagot ni Agatha sa binata. "Anak na rin ang turing ko kay Julienne kaya hindi ko gugustuhing mapahamak na lang siya sa kamay ni Maica." Kahit na hindi mapalagay si Daniel ay hindi siya nagtangkang tumawag kay Maica upang kumustahin ang bata. Ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang nasabing babae na makapaghanda sa kaniya. Gusto niyang ilabas ang tunay na pagkatao ni Maica. "It's been several days pero wala pa rin tayong nakukuha mula sa kakilala mo. I am afraid na baka kun
Hindi makapaniwala si Maica nang sumunod na punta niya ay iba na ang sinasabi ng abogadong kausap niya. Hindi siya tanga para hindi siya magkaroon ng ideya sa kung ano ang nangyari pagkatapos ng naging pag-uusap nilang dalawa."Tell me, magkano ang ibinayad nila sa iyo para sila ang panigan mo?" tanong ni Maica sa isang matapang na tinig. "Hindi mo ba alam na bawal ang ginawa mong pagtalikod sa una mong kliyente?"Isang tikhim ang pinakawalan ng nasabing abogado nang sandaling iyon, "Sa pagkakaalam ko ay consultation lang ang ginawa natin nang nakaraang araw? You offered me your story nang hindi inilalahad ang buong katotohanan.""You --! Don't tell me nagawa ka na nilang lokohin kaagad!" sambit ni Maica.Isang tikhim na lang ang pinakawalan ng abogado sa dalagang ina, "Kung tama ang pagkakatanda ko ay consultation lang ang ginawa mo sa akin, which is iyon naman talaga ang sinadya mo sa akin nitong nakaraan. Hindi na sakop ng konsultasyon mo ang ginawa ng kabilang panig dahil legal op
Galit ang nararamdaman ni Maica nang nakalayo na siya sa mansyon nina Gavin. Hindi niya inaasahan na mapapahiya siya sa harapan nito dahil sa ang piniling makasama ni Julienne ay ang ipinakilala niyang lolo. Ang buong akala niya ay kakampi pa niya ang bata. "Nilason na nilang tuluyan ang isipan ng anak ko," inis na sambit ni Maica sa kaniyang kausap na abogado. "Hindi ko mababaw ang anak ko kung hindi ko idadaan sa batas ang pagbawi sa kaniya." "I understand the situation," sagot ng abogado kay Maica. "And with the evidences na inihain mo sa akin ay malinaw na illegal ang ginagawa nila sa iyo. Malinaw sa batas na dapat ay ina ang kasama ng bata sa kaniyang paglaki." Napangiti si Maica lalo na ngayong alam niyang may kakampi siya at kasama niya ang batas sa pagbawi sa kaniyang anak. Sapat na iyon para sa kaniya lalo na at alam niyang malakas ang kaniyang laban. "Attorney, tatanawin ko na malaking utang na loob kung magagawa nating bawiin ang bata," sabi ni Maica sa kausap. "Sa
Alam ni Daniel na sa mga susunod na araw ay gagawa't gagawa ng paraan si Maica upang makita at makausap si Julienne kaya ibibigay niya ang gusto nito. Hindi siya magpapakita ng resistance lalo na at iyon naman ang gusto niyang mangyari: ang mahuli sa akto si Maica na minamanipula ang damdamin ng sarili nitong anak."Anak pa rin ni Maica si Julienne," sabi ni Agatha sa binata. "Sigurado ako na makikinig at makikinig pa rin siya sa kaniyang ina kahit na kasinungalingan pa ang lumabas sa bibig ni Maica. Maniniwala pa rin siya na kaya siyang mahalin ng sarili niyang mama kapag sinunod niya ang mga gusto nito."Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Daniel nang sandaling iyon, "Alam ko naman ang bagay na iyon kaya nga gusto kong siguraduhin na hindi siya basta-basta makakalapit sa bata.""Hayaan mo siyang lumapit sa bata lalo na at wala tayong laban kapag ginamitan na niya tayo ng batas," sabi ni Agatha sa lalaki. "Wala ka pa ring hawak na matibay na papel para mapagbawalan siyang mak
Hindi inaasahan ni Maica ang biglaang pagpunta ni Daniel sa kaniyang bahay. Ang buong akala niya ay pinuntahan na siya ng binata dahil nagbago na ang puso nito sa kaniya at napagpasiyahan na nitong makipagbalikan sa kaniya. "Ano ang ibig sabihin ng request na ito? Tinatanggalan mo na ba ako ng karapatang maging ina sa sarili kong anak?" sunod-sunod na tanong ni Maica nang nabasa na niya ang dokumentong ibinigay sa kaniya ng binata. "Alam mo na ang ibig kong sabihin lalo na at may patunay kami na sinasaktan mo ang anak ko," sabi ni Daniel. "That alone spells the truth na hindi mo mahal ang bata at ginagamit mo lang siya para makalapit sa akin at mapaghiwalay kami ni Agatha." "That is not true! I love our child!" sabi ni Maica sa isang defensive tone. "Hindi mo puwedeng agawin sa akin ang anak ko!" Isang ngisi ang ibinigay ni Daniel, "We will see about that at kaya kong patunayan na inabuso mo ang anak natin." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Maica. Daniel acknowled
“Agatha, what is the f*cking meaning of this?!” galit na tanong ni Daniel Ibañez sa kaniyang mapapangasawa na si Agatha Dela Cruz. “Bakit ka pumayag na magpakasal tayo?!”Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, “Mga magulang natin ang nag-usap tungkol doon. Pumayag ako dahil childhood f
Isang yakap ang ibinigay ni Darius sa kaniyang anak na si Agatha nang ito ay nagising na sa loob ng isang hospital room. Hindi niya alam kung paano niya ibabalita sa sariling anak kung ano ang nangyari sa ipinagbubuntis nito. “Dad, what happened to my baby?” iyon agad ang naging tanong ni Agatha k
Umuwi si Maica na inis na inis sa nangyari. Hindi niya inakala na papatulan siya ni Agatha ngayong naghiwalay na silang dalawa ni Daniel. Ang buong akala niya ay tulad pa rin ng dati ang ugali nito na hindi siya papatulan kahit na ano pa ang kaniyang gawing paninira rito.“Humanda ka Agatha dahil s
Isang matagumpay na ngiti ang ibinigay ni Agatha sa kaniyang ama nang ipinakita na niya ang papeles na nagsasaad ng petisyon niya para sa legal separation nilang dalawa ni Daniel. Sigurado siyang wala nang trial na magaganap sa pagitan nilang dalawa ni Daniel dahil kasama na nito si Maica. Wala siy







