LOGINAlam ni Daniel na sa mga susunod na araw ay gagawa't gagawa ng paraan si Maica upang makita at makausap si Julienne kaya ibibigay niya ang gusto nito. Hindi siya magpapakita ng resistance lalo na at iyon naman ang gusto niyang mangyari: ang mahuli sa akto si Maica na minamanipula ang damdamin ng sarili nitong anak."Anak pa rin ni Maica si Julienne," sabi ni Agatha sa binata. "Sigurado ako na makikinig at makikinig pa rin siya sa kaniyang ina kahit na kasinungalingan pa ang lumabas sa bibig ni Maica. Maniniwala pa rin siya na kaya siyang mahalin ng sarili niyang mama kapag sinunod niya ang mga gusto nito."Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Daniel nang sandaling iyon, "Alam ko naman ang bagay na iyon kaya nga gusto kong siguraduhin na hindi siya basta-basta makakalapit sa bata.""Hayaan mo siyang lumapit sa bata lalo na at wala tayong laban kapag ginamitan na niya tayo ng batas," sabi ni Agatha sa lalaki. "Wala ka pa ring hawak na matibay na papel para mapagbawalan siyang mak
Hindi inaasahan ni Maica ang biglaang pagpunta ni Daniel sa kaniyang bahay. Ang buong akala niya ay pinuntahan na siya ng binata dahil nagbago na ang puso nito sa kaniya at napagpasiyahan na nitong makipagbalikan sa kaniya. "Ano ang ibig sabihin ng request na ito? Tinatanggalan mo na ba ako ng karapatang maging ina sa sarili kong anak?" sunod-sunod na tanong ni Maica nang nabasa na niya ang dokumentong ibinigay sa kaniya ng binata. "Alam mo na ang ibig kong sabihin lalo na at may patunay kami na sinasaktan mo ang anak ko," sabi ni Daniel. "That alone spells the truth na hindi mo mahal ang bata at ginagamit mo lang siya para makalapit sa akin at mapaghiwalay kami ni Agatha." "That is not true! I love our child!" sabi ni Maica sa isang defensive tone. "Hindi mo puwedeng agawin sa akin ang anak ko!" Isang ngisi ang ibinigay ni Daniel, "We will see about that at kaya kong patunayan na inabuso mo ang anak natin." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Maica. Daniel acknowled
"Hindi ko alam na sinasaktan mo pala ang aking apo," sabi ni Gavin nang nakipagkita siya kay Maica nang sumunod na araw. "Ang akala ko ba ay mahal mo siya?"Namutla si Maica sa tanong na iyon ng matanda lalo na at mahigpit ang naging instruction niya sa bata na pababanguhin nito ang kaniyang pangalan sa mag-ama. She needs to make another convincing lie para lang masiguro na hindi ito makakapaghinala sa mga ginagawa niya sa bata."Sir, hindi po maiiwasan na disiplinahin ko rin si Julienne kasi nasa panahon siya ng kakulitan," sabi ni Maica sa lalaki. "Nagkakataon lang na mabilis din siyang magkaroon ng mga pasa kaya mapagkakamalan ninyo pong sinasaktan ko siya.""We will see about that kapag naibigay na ng doktor ang kanilang findings," saad ni Gavin sa dalaga. "Afterall, mapapatunayan pa rin naman ng science kung totoo ang sinasabi mo o hindi.""Sir...""Tatawagan na lang kita kapag nakuha na namin ang report mula sa ospital," sabi ni Gavin sa dalaga sa isang seryosong tinig. "Papayag
Hindi man kumbinsido si Maica sa gustong mangyari ni Gavin ay wala siyang nagawa nang sandaling iyon. Kailangan niyang pagbigyan ang matanda lalo na at iyon lang din ang tanging paraan upang masiguro niya na wala nang kawala si Daniel sa kaniyang mga kamay."Julienne, siguraduhin mo na mahuhulog ang lolo mo sa iyo at isipin niya na tama lang na ipakasal ako sa Papa mo," sabi ni Maica sa anak habang binibihisan niya ito. "Ayaw ko nang mangyaring muli ang pagkakamali mo. Nagkakaintindihan ba tayong dalawa?"Isang tango ang ibinigay ni Julienne. Alam niya sa kaniyang sarili na mamahalin siya ng sarili niyang ina kung susundin niya ang mga bilin nito."Sisiguraduhin ko na itatakwil kita bilang anak ko kung hindi mo magagawang sundin ang mga kagustuhan ko," sabi ni Maica sa anak. "Simple lang ang trabaho mo. Gawin mo iyon nang matino."Bago pa man makatangong muli si Julienne sa sisinabi ng kaniyang ina ay narinig na nila ang isang busina ng kotse. Hudyat iyon na susunduin na ni Daniel an
Dahil na rin sa katotohanang alam na nina Agatha at Daniel ay naging madali na para sa sa kanila na manipulahin ang sitwasyong ibinigay sa kanila ni Maica. Gusto nilang masiguro na kung sakaling ibibigay na nila ang gulong nais nito ay kaya nila iyong panindigan. "All is set, " sabi ni Daniel sa dating asawa. "Puwede na nating baligtarin ang buong sitwasyon nang hindi niya namamalayan." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, "Ang tanong: maniniwala kaya siya na nagkahiwalay tayong muli? Hindi talaga natin kabisado ang laman ng kaniyang utak." Isang ngisi ang ibinigay ni Daniel sa babae, "Para saan pa ang rumors na pinasimulan natin kung hindi siya maniniwala roon?" "Well --" "As long as masiguro lang niya na naghiwalay tayong muli ay babalik siya para kunin ang pwesto mo," sabi ni Daniel sa dating asawa. "Naiintindihan ko naman na gusto mong makasiguro na mahuhulog si Maica sa patibong natin, pero hindi kaya gamitin din niya ang patibong natin laban sa atin?"
Isang lalaki ang pinuntahan ni Daniel nang sumunod na araw. Alam niyang nagulat pa ito nang nakita siya nito lalo na at hindi sila magkakilala. "Do you know this lady?" tanong ni Daniel nang pinapasok siya nito sa bahay bago pa man niya ipinakita ang picture ni Maica. "I heard you had connections with her in the past." Napalunok ang lalaking kausap ni Daniel nang sandaling iyon, "She was my ex-girlfriend." Nangunot ang noo ni Daniel, "Ex-girlfriend? Kailan?" Napaisip ang lalaki nang sandaling iyon, "Parang four years ago. Hindi ko na matandaan. Mabilis din naman kasi siyang naglaho noong naghiwalay kaming dalawa." Nangunot ang noo ni Daniel sa narinig. Sa pagkakaalam niya ay magkasama pa silang dalawa noon ni Maica bilang magkarelasyon. Imposibleng may iba pa itong karelasyon bukod sa kaniya nang panahong iyon. Ni hindi nga niya nakita na may kakaiba itong ginagawa dahil lagi rin itong nakadikit sa kaniya noon kahit na madalas niya itong pagsabihan na huwag munang lumapit da
Isang yakap ang ibinigay ni Darius sa kaniyang anak na si Agatha nang ito ay nagising na sa loob ng isang hospital room. Hindi niya alam kung paano niya ibabalita sa sariling anak kung ano ang nangyari sa ipinagbubuntis nito. “Dad, what happened to my baby?” iyon agad ang naging tanong ni Agatha k
Bumalik si Agatha sa poder ng kaniyang mga magulang na walang ibang dala kundi ang kaniyang cellphone at sarili. Alam niya sa kaniyang sarili na puwede rin siyang palayasin ng kaniyang ama at pabalikin kay Daniel kaya inihahanda na niya ang kaniyang sasabihin upang kumbinsihin si Darius na huwag na
“This marriage has fallen nang hindi pa nag-uumpisa,” sabi ni Daniel sa isang seryosong tinig habang tinatanggal ang suot na necktie. “Do not expect me to touch you, kahit na ipagpilitan mo pa ang iyong sarili sa akin.”“Daniel –”Hindi na nagawa pang sabihin ni Agatha ang gusto niyang sabihin dahi
“Agatha, what is the f*cking meaning of this?!” galit na tanong ni Daniel Ibañez sa kaniyang mapapangasawa na si Agatha Dela Cruz. “Bakit ka pumayag na magpakasal tayo?!”Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, “Mga magulang natin ang nag-usap tungkol doon. Pumayag ako dahil childhood f







