LOGINLOVE WAS NEVER IN THE AGREEMENT
Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap tanggapin—ang pagiging bagong asawa ng isang bilyonaryo o ang katotohanang kailangan ko pa ring pumasok sa opisina at harapin ang lahat ng taong siguradong may sasabihin tungkol sa akin. Pagdating ko sa De Marco International kinabukasan, ramdam ko agad ang kakaibang katahimikan sa lobby. May ilang empleyadong napatingin sa akin. Ang iba naman ay nagbulungan habang nakatingin sa cellphone nila. “Siya ba ’yon?” “Siya ang bagong Mrs. De Marco?” “Ang bilis naman ng promotion. From ordinary employee to CEO’s wife.” Napahigpit ang hawak ko sa bag. Great. First day ko bilang asawa ng CEO, celebrity na agad ako. “Good morning, Miss Salvador.” Napalingon ako sa receptionist na pilit na ngumiti. “Good morning.” “Congratulations po pala sa wedding ninyo.” “Thank you,” sagot ko bago mabilis na naglakad papunta sa elevator. Hindi pa man ako nakakarating sa department namin, narinig ko na naman ang mga bulungan. “Siguro kaya siya nakakuha ng magandang position dahil asawa na siya ng CEO.” “Baka hindi na kailangan magtrabaho. Mayaman na naman ang napangasawa.” Huminga ako nang malalim. Hindi ako papayag na sirain nila ang araw ko. Pagpasok ko sa office, agad akong sinalubong ni Mara, isa sa mga katrabaho ko. “Calianna! Totoo ba? Kasal na kayo ni Mr. De Marco?” “Unfortunately, yes.” Napatawa siya. “Unfortunately? Babae, CEO ang asawa mo!” “Exactly. Mas marami akong kailangang problemahin ngayon.” Bago pa siya makasagot, tumunog ang intercom sa mesa ko. “Miss Salvador, the CEO wants to see you in his office.” Napapikit ako. At heto na naman tayo. Pagpasok ko sa opisina ni Jacob, abala siya sa pagbabasa ng mga dokumento. “Good morning, Mr. De Marco.” Hindi siya agad tumingin. “Good morning, Mrs. De Marco.” Napakunot ang noo ko. “Sa opisina, Miss Salvador lang sana.” He finally looked at me. “Why?” “Dahil ayokong isipin ng mga tao na special treatment ang nakukuha ko dahil asawa mo ako.” He leaned back in his chair. “People will talk regardless of what you do.” “Then let them talk about my work, not my marriage.” Saglit siyang natahimik bago itinulak ang isang folder papunta sa akin. “This is the upcoming hotel development project. I want you to handle the initial proposal.” Binuksan ko ang folder at pinag-aralan ang mga detalye. “Bakit ako?” “Because you have the qualifications.” “Hindi dahil asawa mo ako?” “Do you want me to give it to someone else?” Agad akong umiling. “No. I want the project.” “Then prove it.” Napatingin ako sa kaniya. “I will.” May bahagyang ngiti sa labi niya. “I know.” Dalawang oras akong nag-aral ng project proposal bago ko napansin ang isang problemang hindi napansin ng ibang departamento. Agad akong nagtungo sa opisina ni Jacob. “I disagree with the proposed location.” Hindi man lang siya nag-angat ng tingin mula sa laptop. “Good afternoon to you too.” “Good afternoon. Now, about the location—” “Explain.” Inilapag ko ang mga dokumento sa mesa niya. “According to the market analysis, this area has a lower customer accessibility rate. We should consider the alternative site near the commercial district.” Jacob studied the figures. “The current location is cheaper.” “But the long-term expenses will be higher if we fail to attract enough customers.” “Your alternative site costs twenty percent more.” “And it offers better opportunities.” He closed the folder. “I made my decision.” Napakurap ako. “Excuse me?” “The current location stays.” “Then I suggest you review the data again.” His eyebrows lifted. “Are you questioning my decision?” “I'm questioning the decision, not your intelligence.” For a moment, the room went silent. Then he slowly stood. “You are very stubborn, Miss Salvador.” “Thank you. I worked hard for that.” He stared at me before a quiet laugh escaped his lips. “Prepare a revised proposal. Show me why your recommendation is better.” “Gladly.” “And Calianna?” Napahinto ako sa paglabas. “Don't make me regret giving you this project.” Ngumiti ako. “Don't make me regret accepting it.” Paglabas ko, narinig ko ang mahinang pagtawa niya mula sa loob. At least, hindi ako natanggal sa trabaho. Pagsapit ng gabi, halos lahat ng empleyado ay nakauwi na. Naiwan ako sa conference room kasama ang ilang miyembro ng project team upang tapusin ang revised proposal. Alas-diyes na nang tuluyan silang umalis. “Miss Salvador, you should go home,” sabi ng assistant ni Jacob. “Just a few more minutes. I need to finish this.” “Mr. De Marco is still in his office.” Napatingin ako sa p***o. “Of course he is.” Maya-maya, bumukas ang p***o at pumasok si Jacob. “Still working?” “Obviously.” He glanced at the documents scattered across the table. “You could have continued tomorrow.” “I want to finish this tonight.” “You have been working since morning.” “And you?” “I am the CEO.” “Congratulations. Do you want a medal?” He shook his head, amused. “Do you always talk like this to your husband?” “Only when my husband is being annoying.” Umupo siya sa katapat kong upuan at kinuha ang isang dokumento. “Let me see your proposal.” Ipinakita ko ang revised figures at market analysis. Tahimik niyang pinag-aralan ang bawat pahina. Pagkatapos ng ilang minuto, tumingin siya sa akin. “This is better.” “Just better?” “Impressive.” “That's more like it.” He placed the documents down. “You were right about the location.” Napangiti ako. “Can you repeat that? I think I need to record it.” “Don't push your luck.” Tumawa ako at muling bumalik sa trabaho. Hindi ko namalayang lumipas ang ilang minuto hanggang sa bumigat ang talukap ng mga mata ko. Ipinatong ko muna ang ulo ko sa braso ko habang hinihintay ang computer na matapos mag-save. Sandali lang, sabi ko sa sarili ko. Pero tuluyan akong nakatulog. Nagising ako nang maramdaman kong may mainit na telang nakapatong sa mga balikat ko. Dahan-dahan akong dumilat. Isang itim na suit jacket ang nakabalot sa akin. Napatingin ako sa kabilang bahagi ng conference room. Nandoon si Jacob, nakatayo malapit sa bintana habang may kausap sa telepono. Nang mapansin niyang gising na ako, agad niyang ibinaba ang tawag. “Good morning, Sleeping Beauty.” Napatingin ako sa relo. “Jacob! Alas-onse na!” “I'm aware.” Tinanggal ko nang bahagya ang jacket sa balikat ko. “Ito ba sa'yo?” “No. I borrowed it from the security guard.” Napakunot ang noo ko. “Ang corny mo.” He smiled. “You were cold.” “Pwede mo naman akong gisingin.” “I tried. You looked comfortable.” Napayuko ako upang itago ang ngiti. “Salamat.” “You're welcome.” Ipinatong niya ang isang basong tubig sa harap ko. “Next time, don't skip dinner just because of work.” “Hindi ako nag-skip. Nakalimutan ko lang.” “That's worse.” Tiningnan ko siya. “Mr. De Marco, CEO ka ba o personal assistant ko?” “Both, apparently.” Napailing ako habang pinipigilan ang pagtawa. Hindi ko alam kung bakit, pero sa gabing iyon, parang mas madaling makita ang lalaking nasa likod ng malamig na CEO. At medyo nakakatakot ang posibilidad na masanay ako roon. Kinabukasan, maaga akong dumating sa opisina. Suot ko pa rin ang confidence ko mula sa matagumpay na proposal presentation. Pero bago pa ako makaupo, may narinig akong balita mula kay Mara. “Calianna, may bagong business partner daw ang company. May representative silang darating ngayong umaga.” “Okay. Anong problema?” “Wala naman. Pero mukhang kilala mo raw.” Napakunot ang noo ko. “Ha? Sino?” Hindi na siya nakasagot dahil bumukas ang elevator sa likod namin. May babaeng lumabas, eleganteng nakasuot ng cream blazer at may kumpiyansang ngiti sa labi. Pamilyar ang mukha niya. Sobrang pamilyar. Huminto ang mundo ko nang magtagpo ang mga mata namin. “Calianna?” Nanigas ang katawan ko. Hindi maaari. Hindi dito. Hindi ngayon. Ngumiti siya at lumapit sa akin. “It's been a long time, best friend.” Asha Taran. Ang babaeng minsang tinawag kong kapatid. Ang babaeng kumuha sa lalaking minahal ko. At ngayon, nakatayo siya sa harap ko bilang kinatawan ng bagong business partner ng kumpanya. Bago pa ako makapagsalita, narinig ko ang boses ni Jacob mula sa likuran. “Miss Taran. Welcome to De Marco International.” Pagkatapos, tumingin siya sa akin. “Calianna, do you two know each other?” Napatingin ako kay Asha. Ngumiti siya bago sumagot. “Of course. We're old friends.” Huminga ako nang malalim. Old friends? Kung alam lang niya kung gaano kalalim ang sugat na iniwan niya. And judging by the way she looked at my wedding ring, I knew one thing. Hindi siya basta bumalik para makipag-business. May iba siyang pakay. END OF CHAPTER 4LOVE WAS NEVER IN THE AGREEMENT “What's the meaning of this?”Napatingin ako kay Jacob habang hawak niya ang invitation card na ipinadala ni Knoxx.“Invitation sa event. Hindi ba obvious?”“I'm aware of that, Calianna.”“Then why are you asking?”He placed the invitation on my desk.“I told you we're going together.”Napataas ang kilay ko.“Excuse me? Hindi mo pa nga ako tinatanong kung gusto kitang isama.”“I'm your husband.”“Contract husband.”He gave me a warning look.“Do you always have to remind me of that?”“Only when you forget.”Napailing siya bago tuluyang umalis.Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang interes niya sa event na iyon. Pero kung may isang bagay akong natutunan tungkol kay Jacob, iyon ay ang pagiging mahirap niyang intindihin.At ngayong gabi, mukhang mas mahirap pa siyang pakisamahan.Alas-siyete ng gabi nang matapos akong magbihis.Nakasuot ako ng eleganteng dark blue evening dress na may simpleng disenyo at maayos na bagsak. Hindi ako mahilig sa sobr
LOVE WAS NEVER IN THE AGREEMENT“Who exactly were you to him, Calianna?”Iyon ang huling tanong na narinig ko mula kay Jacob kagabi bago siya tuluyang nanahimik.Hindi ko alam kung nakita niya ang larawang ipinadala ni Asha o kung may gusto pa siyang itanong tungkol sa nakaraan ko. Pero nang bumaba ako para mag-almusal kinabukasan, hindi niya binanggit ang pangalan ni Damien.At dahil ayokong pag-usapan iyon, hindi na rin ako nagtanong.“Good morning,” bati ko habang umuupo sa harap niya.“Good morning.”“Ang tahimik mo naman.”“I'm always quiet.”“Hindi. Minsan, masungit ka lang.”Tumingin siya sa akin bago ibinalik ang atensyon sa kaniyang kape.“Eat your breakfast, Calianna.”“See? Masungit.”Hindi siya sumagot.Pagkatapos ng almusal, sabay kaming umalis papuntang kumpanya. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko may gusto siyang sabihin. Gayunpaman, pinili niyang manahimik.At ako naman, mas piniling magpanggap na wala akong napapansin.“Miss Salvador, the Ferrer Group repres
LOVE WAS NEVER IN THE AGREEMENT“Of course. We're old friends.”Napatingin ako kay Asha habang nakangiti siya sa harap ni Jacob. Para bang wala siyang ginawang kasalanan. Para bang hindi niya winasak ang pagkakaibigang pinangalagaan ko nang maraming taon.Old friends.Napakagaling niyang magsinungaling.“That's good,” sagot ni Jacob. “I hope your previous connection won't affect our business arrangement.”“Of course not, Mr. De Marco,” mabilis niyang sagot. “I'm a professional.”Napangiti ako nang pilit.Professional? Talaga?“Calianna will be handling the initial project proposal,” dagdag ni Jacob. “She'll be your main contact throughout the negotiations.”Sandaling nawala ang ngiti ni Asha bago niya ako muling tiningnan.“Oh, that's wonderful. Congratulations on your new position, Calianna.”“Thank you.”“And congratulations on your marriage, too. I heard you married a billionaire.”Hindi ko alam kung compliment ba iyon o insulto.“Thank you, Asha.”“Lucky you.”Bago pa ako makasago
LOVE WAS NEVER IN THE AGREEMENTHindi ko alam kung alin ang mas mahirap tanggapin—ang pagiging bagong asawa ng isang bilyonaryo o ang katotohanang kailangan ko pa ring pumasok sa opisina at harapin ang lahat ng taong siguradong may sasabihin tungkol sa akin.Pagdating ko sa De Marco International kinabukasan, ramdam ko agad ang kakaibang katahimikan sa lobby.May ilang empleyadong napatingin sa akin. Ang iba naman ay nagbulungan habang nakatingin sa cellphone nila.“Siya ba ’yon?”“Siya ang bagong Mrs. De Marco?”“Ang bilis naman ng promotion. From ordinary employee to CEO’s wife.”Napahigpit ang hawak ko sa bag.Great. First day ko bilang asawa ng CEO, celebrity na agad ako.“Good morning, Miss Salvador.”Napalingon ako sa receptionist na pilit na ngumiti.“Good morning.”“Congratulations po pala sa wedding ninyo.”“Thank you,” sagot ko bago mabilis na naglakad papunta sa elevator.Hindi pa man ako nakakarating sa department namin, narinig ko na naman ang mga bulungan.“Siguro kaya s
LOVE WAS NEVER IN THE AGREEMENTI agreed to marry a billionaire, but nobody told me that I would also have to win the heart of a little girl who barely knew my name."Miss, we're here."Napatingin ako sa labas ng sasakyan nang marinig ang sinabi ng driver.At muntik nang malaglag ang panga ko.Sa harap ko ay isang napakalaking mansion na napapalibutan ng malawak na hardin, matataas na puno, at isang fountain sa gitna ng entrance. Para akong nasa isang pelikula kung saan ang mga mayayaman lang ang may karapatang tumira."Sigurado po ba kayong dito tayo?"The driver smiled. "Yes, ma'am. Welcome to the De Marco residence."Napabuntong-hininga ako."Lord, sana may libreng maintenance dito. Baka atakihin ako sa puso sa laki ng bahay."Bumaba ako ng sasakyan habang hawak ang dalawang maleta. Hindi pa ako nakakahakbang nang lumapit ang isang kasambahay."Good afternoon, ma'am. Ako po si Elena. Ako ang tutulong sa inyong gamit.""Salamat po. Calianna na lang.""Mrs. De Marco?"Napapikit ako.
LOVE WAS NEVER IN THE AGREEMENTSome offers are too ridiculous to be true. Unfortunately for Calianna Salvador, the man sitting in front of her was not joking."Because, Miss Salvador, I believe you're exactly the woman I need."Ilang segundo akong nakatitig kay Jacob De Marco. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa, magalit, o tumawag ng psychiatrist para sa lalaking nasa harapan ko.Marriage?Sa kaniya?Ako?"Sir, may itatanong lang po ako.""Go ahead.""Are you serious?""Completely."Napapikit ako at huminga nang malalim. "Okay. Either napakaganda ng sense of humor ninyo o talagang may problema tayo rito."Hindi man lang siya natinag."I'm not joking, Calianna."Napatingin ako sa kaniya. Ngayon lang niya ako tinawag sa pangalan ko."Why me? Sa dami ng babaeng kilala ninyo, bakit ako?""Because I need someone independent. Someone who isn't interested in my wealth. And someone who won't hesitate to disagree with me."Napataas ang kilay ko."Congratulations, sir. Nahanap ninyo na p







