Share

Kabanata 80

Penulis: miss_hannacalie
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-08 20:28:48

Pagkabukas pa lang ng pinto ng hotel na pansamantalang tinutuluyan nila sa Manila, agad na rumagasa si Rin papasok, waring isang bagyong dumaan. Naghalungkat siya ng mga gamit, binuksan ang mga drawer, sinilip ang mga sulok ng kisame’t kisame, at halos gawing gulo ang buong kwarto.

“Rin, anong ginagawa mo?” tanong ni Madrid, litong-lito habang pinagmamasdan ang kakaibang ikinikilos ng nobya.

Hindi siya pinansin ni Rin. Matapos ang ilang minuto ng masusing pagsusuri, saka lang siya bahagyang nakahinga nang maluwag. Wala ngang nakakabit na surveillance camera o wiretap. Hinila niya si Madrid paupo sa sofa, halos hindi na makahinga sa pagmamadaling magsalita.

“Yung ate mo. Kwento mo sa’kin lahat tungkol sa kanya!”

Napakunot-noo si Madrid. “Ha? Anong... bakit?”

“Wag ka nang maraming tanong!” galit na sigaw ni Rin. Nang makita niyang nag-aalangan ito, itinaas niya ang kamay para saktan ito.

Napaurong si Madrid, hawak-hawak ang tadyang na may sugat pa. Napangiwi siya sa kirot, pero wala siy
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 80

    Pagkabukas pa lang ng pinto ng hotel na pansamantalang tinutuluyan nila sa Manila, agad na rumagasa si Rin papasok, waring isang bagyong dumaan. Naghalungkat siya ng mga gamit, binuksan ang mga drawer, sinilip ang mga sulok ng kisame’t kisame, at halos gawing gulo ang buong kwarto.“Rin, anong ginagawa mo?” tanong ni Madrid, litong-lito habang pinagmamasdan ang kakaibang ikinikilos ng nobya.Hindi siya pinansin ni Rin. Matapos ang ilang minuto ng masusing pagsusuri, saka lang siya bahagyang nakahinga nang maluwag. Wala ngang nakakabit na surveillance camera o wiretap. Hinila niya si Madrid paupo sa sofa, halos hindi na makahinga sa pagmamadaling magsalita.“Yung ate mo. Kwento mo sa’kin lahat tungkol sa kanya!”Napakunot-noo si Madrid. “Ha? Anong... bakit?”“Wag ka nang maraming tanong!” galit na sigaw ni Rin. Nang makita niyang nag-aalangan ito, itinaas niya ang kamay para saktan ito.Napaurong si Madrid, hawak-hawak ang tadyang na may sugat pa. Napangiwi siya sa kirot, pero wala siy

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 79

    On the first floor of the hospital...Kanina pa palakad-lakad si Rin sa harap ng entrance. Ilang beses na siyang tumingin sa orasan, at ilang ulit na rin siyang tumawag pero walang sumasagot. Napapadyak na siya sa inip nang biglang may lumapit.Dumating na rin si Madrid gulo-gulo ang buhok, nanginginig ang katawan, at mukhang lutang.“Ang tagal mo! Kamusta na? Nakausap mo na ba siya? Malapit na ba?” sunod-sunod ang tanong ni Rin habang mabilis siyang lumapit. Pero hindi sumagot si Madrid.Imbes, tulala lang itong nakatayo, para bang wala sa sarili. Dahil sa inis, mabilis siyang sinampal ni Rin. “Tinatanong kita! Sumagot ka!”Sa gulat ng sampal, medyo natauhan si Madrid, pero nanatiling wala sa tono ang boses niya habang pabulong niyang sinabi, “Ayaw na sa’kin ng ate ko… ayaw na talaga niya...”Dumikit sa kanyang isipan ang huling titig ng kanyang ate, puno ng galit at pandidiri. Parang ang sakit-sakit. Hindi pa siya tinitigan ng kapatid niyang gano’n noon… ni minsan."Talagang... gal

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 78

    "Ano pa bang kaya mong gawin bukod sa mangloko ng tao at manghingi ng pera, ha?"Hindi na interesado si Margaret sa mga palusot ni Madrid. Halos itulak na niya ito palayo, pero mariing nanatili ang lalake, na para bang hindi niya alintana ang kahihiyan sa harap ng ibang tao.Medyo manipis ang mukha ni Madrid kapag nasa harap ng ibang tao, pero mas natatakot siyang umuwi kay Rin na wala siyang dala. Hindi niya kayang harapin ang mga mapanuring mata at masasakit na salita ng babae. Kaya kahit kahihiyan, tiniis niya—basta lang makakuha ng pera.“Ate, aminado na ako! Mali ako nung last time. Hindi ko dapat kayong tinulak, pero tinamaan mo naman ako sa ulo! Pantay na tayo ngayon!” sigaw niya habang itinuro ang ulo niyang may benda pa.Napatawa si Margaret, halatang hindi kumbinsido.“Ako pa talaga ang nanakit sa’yo? Gaano ba kalakas ang suntok ng isang babae? Halika nga rito’t tanggalin ko yang benda mo—tignan natin kung totoo!”Biglang umatras si Madrid at nagtago sa kama ng batang pasyen

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 77

    Lumalim ang gabi. Tahimik ang paligid ng ospital maliban sa mahinang tunog ng monitor ng pasyente at mga yapak ng nars na dumaraan. Ilang araw na lang ay magbabalik-trabaho, babalik na siya sa pagde-design ng panibagong mga damit. Kailangan nang bumalik ni Shaina para asikasuhin ang tambak na kaso sa opisina, tapos na kasi ang cooling period niya. Naiwan si Margaret at si Owrn sa loob ng kwarto.Kasalukuyang naglalaro sila ng snake, isang simpleng board game na binili ni Shaina. Tahimik si Owen habang hawak ang dice gamit ang kanyang maliliit na kamay, seryoso sa bawat galaw.Napansin ni Margaret na kakaiba ang kilos ng bata sa mga nakaraang araw. Hindi siya tulad ng karaniwang bata—masyado siyang tahimik. Minsan lang siya magpakita ng emosyon, at iyon ay noong hinabol siya ng mga kidnapper, noong nakita niya si Xenox, at noong halos sapilitang ilayo siya ng tiyuhin niya mula sa kanya.Bukod doon, parang isa siyang maliit na robot. Mabait, masunurin, at tahimik. Walang ngiti. Walang r

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 76

    “Wala nang atrasan.”Tahimik si Margaret habang nakatanaw sa labas ng bintana. Ang lamig ng hangin ng panibagong bagong taon ay dumampi sa salamin, pero mas malamig pa rin ang naging mga taon niya sa piling ni Xander."Na-finalize na ‘yung review process. Antay na lang tayong magbukas ang court next week, long holiday daw kasi," bulong niya.Mula sa kabilang side ng table, napa-buntong hininga si Shaina habang humihigop ng mainit na Kape. "Kaya pala. Classic delay kapag ganyang holiday tapos kapag patapos na yung week gagawin na nilang long holiday. Korte pa talaga, ano ba naman."Tumango si Margaret. "Ayaw nila ng gulo ngayong holiday. Gusto lang rin naman nilang umuwi sa pamilya nila na walang case na inaasikaso, at saka baka daw magbago pa daw ang isip ko. Maybe I’ll withdraw the case pagbalik ko. Oh diba parang wala a side ko e,sila mismo nag postpone"She paused. Tumawa si Shaina, pero mapait. "Ganyan talaga ang system, bigating tao yang lintik na lalaking yon. Pero kilala kita,

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 75

    “Happy New Year, Mom!”Napangiti si Margaret habang nakikinig sa boses ng anak niya sa kabilang linya. Sa loob ng ilang araw, inakala niyang hindi siya babatiin ni Leo ngayong bagong taon. Ilang laruan, at mga mamahaling sapatos pa naman ang inihanda niyang regalo na hindi niya naipadala. Kaya naman nuong may time siya ay nag-transfer na lang sya ng 50,000 pesos sa bank account ng bata.Ngayon lang tumawag tumawag si Leo, few days after the new year, pero okay na rin at least, bumati pa rin siya.“Anak, Happy New Year rin sayo,” malumanay niyang tugon habang tinatanong kung kamusta ito, sabay pakikinig sa mga kwento nito—mga simpleng bagay pero napapasaya siya.“Mommy” Biglang tumigil si Leo. “Sabi ni Dad, to you're super busy ka raw kaya ‘di ka makakauwi. Tapos na ba work mo? Miss na miss na kita eh. Can you come home and play with me?”Parang tinusok ang puso ni Margaret.Marahil dahil kakatapos lang niya mailigtas ang isang bata at sariwa pa ang trauma, dama niya ang pananabik na m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status