Share

JOANNE JAVIER, THE FIANCEE

“PINABULAANAN ng pamilya ni Russel Rossell ang tungkol sa mga naunang balita na kasama nito ang pocketbook writer na si Shelley Silver nang ito ay maaksidente sa pagmamaneho. Ayon sa mga Rossell…”

DING…DONG…

Mabilis na iniwan ni Shelley ang panonood ng balita sa telebisyon. Nagmamadaling binuksan ang pinto sa pag-aakalang si Russell ang dumating.

Walang sabi-sabing pumasok sa loob ng bahay niya ang bisita, na agad ding itinulak na pasara ang pinto. Matagal na napatitig sa kanyang brasong may cement cast at sa ulo niyang hindi pa natatanggalan ng benda ang pangahas na dumating.

“Bakit kasama mo ang boyfriend ko noong maaksidente siya?” Usig agad sa kanya nito.

Mamahalin ang naamoy niyang pabango ng babaing nanggigigil, na ang isang kamay ay nakapamaywang habang ang isa naman ay halos dutdutin na ang kanyang mukha ng hintuturo nito. Puno ng pagkapoot ang mukha nitong maayos na napintahan ng make up. Mahahaba ang pekeng pilikmatang sinisilipan ng nandidilat na mga matang nakakatitig
Em Dee C.

Hello Dear Readers! Hope you're enjoying every chapter of "Loving The CEO's Mistaken Identity" Send me feedbacks, lalo na kung hindi kayo nasisiyahan or may mga nakikita kayong dapat bigyan ng improvement sa story. Thanks much! Em Dee C.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status