LOGINChapter 21Migo’s POVInabangan ko si Helena sa labas ng Gani’s. Madami kasing mata doon. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Ayaw kong may maling isipin siya tungkol kay Cielo.Wala kaming relasyon.Ilang beses kong inulit sa isip ko iyon habang naghihintay ako.Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag sa kanya. Hindi naman kami mag-asawa. Wala naman akong obligasyon na ipaliwanag ang personal kong buhay sa kanya.Pero gusto ko.Dahil mahalaga sa akin kung ano ang iisipin niya.Nakita ko siya sa malayo. Papasakay na siya sa kotse niya kaya minessage ko muna siya sa cellphone.“Helena, can we talk?”Ilang segundo ang lumipas bago siya nagreply.“About?”Maikli lamang ang sagot niya, halatang hindi siya interesado.Napabuntong-hininga ako.“I need to explain.”“Hah?”Napangiti ako nang bahagya. Ganoon talaga siya. Straightforward. Walang paligoy-ligoy.“Let’s talk to somewhere quiet, may mensahe ang mga anak mo sa iyo.”Mali man ay ginamit ko na ang kambal, para makausap s
Chapter 20Migo’s POV“Cielo! Ano ba yang sinasabi mong fiance kita? Parang wala naman akong natatandaang nakapagpropose ako sa iyo?”Halos hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula sa kanya. Nakatingin siya sa akin na para bang ako ang may kasalanan kung bakit hindi ko tinatanggap ang sinasabi niya.“Migo, ano ba ang tingin mo sa akin?”Napakunot ang noo ko.“Parausan lang?”Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.“Ilang beses ng may nangyari sa atin.”“And after all the things we’ve done. Wala pa lang kahulugan sa iyo?”“Honestly Cielo, wala talaga.”Diretsahan kong sagot.Ayokong bigyan siya ng kahit anong pag-asa. Alam kong mas masasaktan siya kung patuloy ko siyang pagbibigyan at hahayaan siyang maniwala sa isang bagay na hindi naman kailanman mangyayari.“We are both consenting adults playing around. And besides ikaw ang lumalapit sa akin at hindi ako.”Tahimik siya sandali.Pero sa halip na umatras, lalo siyang lumapit.“But I love you Migo.”Napabuntong-hininga ako.Hindi
Chapter 19Helena’s POVHabang lumilibot ako sa buong store, hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga pamilyang magkakasama na namimili.May tatay, may nanay at may mga anak na masaya at naglalambing sa kanilang mga magulang.May mga batang humihila sa kamay ng kanilang mga ama habang may gustong laruan. May mga batang nakasakay sa shopping cart at masayang tumatawa habang tinutulak sila ng kanilang mga ina. May mga mag-asawang nagtatalo kung anong pagkain ang bibilhin para sa hapunan, pero halatang masaya sa simpleng pagtatalo.Sa totoo lang, naiingit ako.Hindi ko naman inaasahang maging gayon kami ni Emilio kung buhay pa siya.Dahil dalawang taon pa lang ang anak namin ay nanlamig na ako sa kanya.Mula nang sinaktan niya ako dahil sa tinanong ko lamang siya kung kailan siya babalik.Hindi ko naman siya pinagbawalan.Hindi ko naman siya hinarangan sa mga gusto niyang gawin.Ang gusto ko lang noon ay malaman kung kailan siya uuwi dahil kailangan ko ng pera para sa mga bata.Pero ang simp
Chapter 18Migo’s POVHalos buwan din mula nang hindi kami nagkausap ni Mama. Ayaw ko rin namang salubungin ang galit niya. Kaya nang nagulat ako nang pinapupunta niya ako sa mansiyon ng mga Cardena para sa isang hapunan.Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit bigla niya akong ipinatawag.Wala naman kaming napag-usapan nitong mga nakaraang linggo.Kung tutuusin, sanay na ako sa katahimikan sa pagitan namin. Pero iba pa rin kapag ang sarili mong ina ang hindi mo nakakausap. Kahit sabihin kong hindi ko kailangan ang approval niya, hindi ko maikakaila na may bahagi sa akin na umaasang darating ang araw na maiintindihan din niya ang panig ko.Kaya pagkatapos ng trabaho ay nagtungo na ako doon.Habang nagmamaneho ako patungo sa mansiyon, paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang mga tanong.“Hindi na ba talaga siya galit?”“Naisip kaya niyang hindi siya makatarungan?”“O baka, sesermonan na naman niya ako muli?”Napabuntong-hininga ako.Kung ano man iyon, inihanda ko na lamang ang saril
Chapter 17Migo’s POV“How could you do this to me?”“Migo, I trusted you.”“You know my pain.”Pagrereklamo pa ni Mama nang malaman niyang tinutulungan ko si Helena na makita niya ang kanyang mga anak.Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.Alam kong nasasaktan siya.Alam kong galit siya.Pero hindi ko rin kayang manahimik na lamang habang nakikita kong unti-unting nawawasak ang isang babaeng sa tingin ko ay wala namang kasalanan.“Pati ikaw nagayuma na ng masamang babae na iyan.”“Mama, are you even listening to yourself?”“Baka marinig kayo ng mga bata.”“I don't care. Dapat malaman nila kung gaano kasama ang kanilang ina. Pinatay niya si Emilio.”Iyan ang pinaniniwalaan ni Mama.Para sa kanya, wala nang ibang posibilidad.Si Helena ang pumatay kay Emilio.Si Helena ang dahilan kung bakit nawala ang kanyang anak.At dahil doon, kahit anong sabihin ko ay hindi niya gustong pakinggan.Pero ako, matagal na akong nagdududa.Hindi dahil gusto kong kampihan si Helena.Hindi dahil m
Chapter 17Helena’s POVNaging abala ako sa pagpapatakbo ng kumpanya, napakaraming pagbabago ang ginawa ko.Hindi ko akalain na ganito pala karaming responsibilidad ang kailangang harapin kapag ikaw na mismo ang namamahala. May mga desisyon na kailangang gawin agad, may mga problemang kailangang lutasin, at may mga taong umaasa sa bawat desisyon ko.Pero hindi ako nagrereklamo.Sa totoo lang, masaya ako.Pakiramdam ko ay sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong nabubuo muli ang sarili kong buhay.Napakarami kasing mga empleyado na halos limang taon nang nagtatrabaho ay contractual pa rin. Lagi silang nangangamba na baka isang araw ay mawalan sila ng trabaho. Nakikita ko sa mga mukha nila ang takot tuwing may pagbabago sa kumpanya.Ayaw kong ganoon ang maramdaman nila.Kaya isa-isa kong pinag-aralan ang kalagayan ng bawat empleyado. Hindi lahat ay kailangang tanggalin o palitan. Ang iba ay kailangan lamang ng pagkakataon.Marami din akong naibigay na pagkakataon sa tulad kong babae,







