MasukMIKYLA
“ZYRA, ano ang ginagawa mo dito? Tsaka, bakit ang dami mong kasama na miyembro ng kulto?” mahina kong tanong sa kakambal ko Actually, identical twin kaming dalawa. Magkamukhang magkamukha pero magkaiba lang ng personality Muli akong napasulyap sa lalaking nasa likuran ng kakambal ko. Kung mukhang kulto ang mga lalaking dumis-arma sa grupo nila pusit, mukha naman siyang gwapong bampira. Paano ba naman kasi, kulay itim din ang lahat ng kausotan niya. Seryoso ang medyo maputla niyang mukha habang nakatitig sa akin Aware naman ako na matagal na silang magkasintahan ng kakambal ko. Pero noon pa man, never ko talagang nakitang ngumiti itong si Arif Fulgencio Kung marunong sanang ngumiti ang taong ito, gwapo sana eh. Kamukha niya ang pinaghalong mukha ng Hollywood stars na sila Leonardo de Caprio at Nicolas Cage. Kung naging artista siguro ang Arif na ito, baka bagay sa kanya ang rules ng taong kumakain ng mga------ “Mikyla, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano ang ginagawa mo dito? Alam mo bang noong Friday ka pa hinahanap nila Mommy at Daddy?’ naputol tuloy ang pagmumuni-muni ko nang bigla na namang nagsalita ang kakambal ko. Wala sa sariling napakamot ako ng aking ulo at hilaw na ngumiti na tumitig sa kanya “Alam naman ni Mommy kung saan ako pupunta. Nagpaalam naman ako sa kanya.” mahina kong sagot “Nagpaalam sa kanya? At pinayagan ka naman?’ tanong niya. Dahan-dahan akong umiling. “Hindi nga eh. Sabi ni Mommy, kay Daddy daw ako magpaalam. Eh, hindi na…alam ko naman na hindi din papayag si Daddy eh.” sagot ko na sinabayan ko pa ng hilaw na pagtawa. Napansin kong kaagad na naningkit ang mga mata ni Zyra sa inis. Alam kong hindi siya ntutuwa sa naging sagot ko. Eh ako din, hindi din naman ako kumbinsido sa naging sagot ko eh. At nasa ganoon kaming pag-uusap nang bigla na lang lumapit si Lemuel. Sinabi niya na dadalhin daw nila sa hospital si Pinky. “Huh? Sama ako.” sagot ko din kaagad. Akmang tatalikod sana ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Zyra sa kamay ko “Hindi ka aalis. Hindi ka na sasama sa kanila. Alam mo, kababae mong tao, ang hilig mo sa mga ganitong lakad! Paano na lang kung hindi kami dumating? Ano na lang ang mangyayari sa iyo?” yamot niyang tanong sa akin Hindi ko naman mapigilan ang mapakamot ng ulo ko. Oo nga pala, ano ito, coincidence lang ba ang lahat? Paanong dito pa talaga sa liblib ng lugar ng Quezon kami nagkita ni Zyra? Hindi kaya----- “Zyra, paano mo pala nalaman na isa ako sa grupo na napa-trouble sa lugar na ito?” nagtataka kong tanong. Nahuli ko pa ang kakambal ko na napasulyap kay Arif kaya naman, napatitig muli ako sa lalaki “Coincidence lang ang lahat. Sakto naman na tinatrack namin ang mga ungoy na iyan!” malamig ang tono ng boses na sagot ni Arif sabay turo kina Pusit at kambing. Hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng kaba. Lalo na nang makita kong isa-isa na nilang inilalagay sila Pusit sa trunk ng sasakyan. “Boss, ayos na! ano po ang gagawin namin sa mga taong iyan.” wika ng isang lalaking miyembro ng kulto, este, tauhan yata nitong si Arif Fulgencio. Boss ang tawag eh..so ibig sabihin, tao niya diba? “Mauna na kayo sa hideout! Magsama ka ng ibang tao at siguraduhin niyo na makuha mo ang mga detalye na kailangan natin sa kanila bago niyo sila patahimikin.” seryosong sagot naman ni Arif. Muli tuloy akong napatitig sa kanya. Patahimikin? Ibig bang sabihin, may balak itong si Arif na patayin sila Pusit? Ibig bang sabihin, totoo ang naririnig kong tsismis na ang nobyo nitong kakambal ko ay------ “Sumama ka na lang sa amin.” malamig ang boses na wika ni Zyra. Wala sa sariling muli napakamot ako ng aking ulo. Ang motor rides na ito ay matagal na naming pinlano na magkakaibigan. Kung sasama ako dito kay Zyra, sayang naman itong paghahanda namin. “Zyra naman, hindi maaari! Tsaka, ano naman ang gagawin ko kung sasama ako sa inyo? Date niyo iyang mag nobyo at nakakahiya naman kung maging third wheel ako.” wika ko habang may hilaw na nakangiti sa labi. Pagkatapos noon, hinila ko na ang kamay kong hawak niya para mabitiwan. Kaya lang, sadyang makulit si Zyra. Wala yatang balak na pakawalan ako kaya naman, hindi ko na maiwasan na makaramdam ng inis. “Zy, please, last na ito, promise. Siguro naman ang nangyari kanina, hindi na mauulit. Huwag kang mag-aalala, mag-iingat naman ako eh.” muli kong wika. Kaya lang, mukhang wala yatang balak nma pakingan ang pagsusumamo ko. Bigla na lang kasi ako nitong hinila patungo sa sasakyan eh. Kaagad din naman akong pumalag. “Zyra, no! Hindi ako sasama! Teka lang, ano ba naman iyan, mas mahigpit ka pa kina Mommy eh.” muli kong wika. Pero, parang wala yatang balak na pakingan ako nitong kakambal ko. At ang eksena na iyun ay tahimik lang na nakamasid sa amin si Arif habang halata na sa mga mata nito ang pagkainis “Hon, bakit hindi mo na lang hayaan iyang kakambal mo? May sarili na siyang buhay at kung mapahamak man siya, hayaan mo siya.” malamig ang tono na wika ni Arif. At nakakatuwa dahil pabor sa akin ang sinasabi niya…hihihi “Hon, hindi pwede! Kanina, muntik na siyang mapahamak at ayaw kong mangyari ulit ito. Kahit na medyo matigas ang ulo nitong kakambal ko, mahal na mahal ko iyan eh!” sagot naman ni Zyra kay Arif. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapaismid. Mahal? Mahal na mahal daw…hmmp, si Zyra talaga! Oo, alam ko naman, mahal ako nitong kakambal ko pero minsan, ang pagmamahal nito ay nakakasakal na din. Paano ba nman kasi, minsan, parang naging anino ko na din ito. Lahat na lang ng mga kilos ko ay sinusumbong na lang kina Mommy at Daddy Maraming mga rides noon pa ang hindi ako nakakasali. Kasi nga, magpapaalam pa lang ako, binubulungan na niya sila Mommy na huwag akong payagan. Kesyo puro barkada daw ang inaatupag ko at pinapabayaan ang pag-aaral. Hasysst, alam ko naman na good girl itong si Zyra eh. Isa sa mga ugali na taliwas sa akinMIKYLA POV "Mommy, when I grow up, I want to be just like you too." malambing na wika sa akin ni Oceana. Bukas na ang start ng pagpasok nila sa School at ngayung araw, pinayagan ko silang sumama sa akin sa clinic. Wala namang problema kung sasama sila. Kahit nga araw-araw pwede eh. Lalo na at malaki naman ang opisina ni Mommy Amor plus meron ding mga palaruan ng mga bata na ipinagawa talaga ni Mama Amor para sa mga client na may mga dalang bata kapag pumupunta ng clinic "Really? Kung ganoon, aasahan ko iyan ha?" nakangiting sagot ko "Me, when I grow up, I want to become a hacker." sabat din naman kaagad ni Blaze. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti "Hacker talaga? Well, how about you, Skyler?'" "Me...Hmm, businessman. Gusto ko nang maraming pera para hindi mo na kailangan pang mag work, Mommy. Gusto ko, kayong dalawa ni Lola, pa-travel-travel na lang." sagot naman ni Skyler Si Mama Amor naman na kanina pa nakiking, tuluyan nang natawa. "God, grabe ang tatayog ng
ARIF FULGENCIO POV "SINO KA BA TALAGA?" Paulit-ulit na tanong ni Arif habang nakatitig siya sa papalayong sasakyan kung saan, hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Unang kita niya sa babaeng iyun ay para bang hindi na siya mapalagay. Ngayung gabi niya lang ito nakilala pero sa tuwing tumitingin siya sa mga mata nito, para bang familiar ito sa kanya. "Boss, noong huli naming kausap kay Mrs. del Rosario para bilhin ang lupa sa Isla del Rosario, sinabi niya na hindi daw niya ibebenta dahil ipapamana niya daw sa mga apo at anak niya." narinig kong wika ni Guiller. Kaagad na napakunot noo ako. Siguro, masyado lang akong nalulungkot sa pagkawala ni Mikyla kaya pati single Mom, pinag-iinteresan ko ng ganito. "Hindi pwedeng hindi natin mabili ang lupa na iyun. Kung kinakailangan na offeran niyo sila ng doble or triple sa actual price, gawin niyo." malamig ang boses na tugon ko "Pero, boss, medyo mahirap po yata. Alam naman po nating na hindi naghihirap sa pera ang mga
MIKYLA POV"Thank you very much for inviting us. We really enjoyed the party," nakangiting paalam ni Mama Amor kay Mrs. Femmy Fulgencio.Hindi pa man tapos ang selebrasyon, pero ako na mismo ang nagyayang umuwi na kami. Hindi na kasi ako komportable sa paligid.Pakiramdam ko'y napakabigat ng dibdib ko. Mabilis ang tibok ng puso ko, at parang pati kaluluwa ko ay hindi mapakali. Kaya kanina pa ako pabulong na nakikiusap kay Mama Amor na umalis na kami.Mabuti na lang at pumayag siya. Marahil ay napansin din niya kung paano humagulgol si Mommy ni Nesha sa harapan ko."You're welcome. Pero masyado pang maaga. Hindi pa tapos ang party. Sigurado ba kayong uuwi na kayo?" tanong ni Mrs. Femmy. May bahid ng panghihinayang ang kanyang tinig, bagaman hindi ko alam kung bakit."Hinihintay na kasi kami ng mga apo ko. Gusto man naming magtagal pa, hindi na talaga puwede," magalang na sagot ni Mama Amor."Ganoon ba? Naku, sana pala isinama n'yo na rin sila.""Well, maybe next time. Sige, mauuna na k
MIKYLA POV Isa-isang tinatawag sa entablado ang mga miyembro ng Fulgencio clan. At ngayon ang pangalan na niya ang binanggit ng MC. "Pumunta ka na. Kasama ka sa pamilya mo. Natural lang na nandoon ka rin." wika ko pero sa loob-loob ko, ito na iyung tsansa na makatakas ako sa kadaldalan niya. "Well... dahil ikaw ang may sabi, sige na nga." Sagot niya habang kakamot-kamot siya sa batok. Humakbang siya palayo ngunit bigla rin siyang huminto. Pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang kaniyang cellphone. Kaagad namang napakunot noo ako dahl sa matinding pagtataka. "Hawakan mo muna." makangisi niyang wika. Kaagad namang napataas ang kilay ko. "Bakit?" "Para siguradong hindi ka aalis." Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa. Tsk, napaka simpleng pananalita pero hindi ko akalain na mapapatawa niya ako ng ganito. Kakaiba din eh. Ibang iba ang ugali niya sa mga ugali ng iba pang miyembro ng Fulgencio Clan. "At saka..." nakangiti niyang dagdag, "birthday ko ang password." Birth
MIKYLA POV "So... pwede na ba kitang maging kaibigan, Doc?" nakangiting tanong ni Timothy habang diretsong nakatingin sa akin. "Actually, balak kong bumisita sa clinic mo bukas. Kung okay lang sa'yo, gusto kong ikaw mismo ang mag-asikaso sa akin." Bahagya akong natahimik. Hindi ko alam kung ano ang tunay niyang pakay. Sana... wala lang. Sana ay simpleng biro lang ang lahat ng ito. Dahil sa totoo lang, wala akong balak na makipagkaibigan sa kahit isa mang miyembro ng pamilya Fulgencio. Hindi na ako interesado pang magkaroon ng kahit anong koneksiyon sa kanila. Masyado nang maraming sugat ang iniwan nila sa buhay ko. Nagawa ko na ngang ibaon ang lahat ng iyon sa nakaraan. Ayoko nang may maghukay pang muli. Pinilit kong panatilihing normal ang ekspresyon ng mukha ko bago ako muling nagsalita. "Well... maaari ko bang malaman kung ano ang ipapagawa mo?" Ngumiti siya nang mas malawak. Nandito na kami sa garden ng mansiyon. Patuloy ang programa sa harapan kung saan nakatayo a
ARIF FULGENCIO POV "Nasaan si Dr. Mika? Nakita mo ba siya? Hindi pa ba siya nakabalik?" mahina kong tanong kay Guiller habang nananatiling nakapako ang tingin ko sa nagaganap na kasiyahan sa hardin. Sa panlabas ay kalmado akong nakatayo, ngunit sa loob ko ay tila may bagyong unti-unting nagbabadya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Kanina lamang, nang una kaming magkaharap ng isa sa mga panauhin ni Lolo, pakiramdam ko ay may kung anong nagbago. Isang bagay na hindi ko maipaliwanag at lalong hindi ko maintindihan. Hindi ko naman siya kilala. Hindi rin kami matagal na nag-usap. Ngunit bakit sa bawat pagkakataong naaalala ko ang mukha niya... lalo na ang mga mata niya... parang may kung anong humihigpit sa dibdib ko? Para bang matagal ko na siyang kilala. Para bang matagal ko na siyang hinahanap. At ang mas nakakainis, hindi siya maalis sa isip ko. "Boss," maingat na bulong ni Guiller. "Kasalukuyang nasa loob ng living room si Dr. Mika
MIKYLA POV BAGO pa tuluyang bumuhos ang malakas na ulan, nagpasya na kami ni Kuya Arif na muling bumalik ng sasakyan. Hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang madatnan namin si Zyra sa loob eh. Kasama niya na ang driver na ngayun ko lang napansin na pogi din pala. Tahimik sa harap ng manibela s
MIKYLA POV “Sige, ikaw na..ikaw na ang magbubukas.” kaswal kong bigkas at mabilis na binitiwan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit parang may nararamdaman akong boltahe ng kuryente mula sa kamay nitong Arif? Or baka naman mataas masyado ang kuryente sa kataw
MIKYLA POV " ZY, narinig ko ba? Ayaw ng dyowa mo na kasama ako. Ganito na lang, iwan niyo na lang kami dito at ituloy niyo na iyang lakad niyo.” nakangiti kong wika. At pagkatapos noon, parang wala lang na umatras na ako at naglakad patungo sa aking motor Kaya lang, bago pa ako nakalayo, ang
MIKYLA POV ‘LETS’S GO!” sigaw ng leader namin at nag-umpisa nang umarangkada ang kanya-kanya naming motor. Nandito kami sa mapunong bahagi ng Quezon province, nag-eenjoy sa rides na matagal na naming pinlano na magkakaibigan Sakto na kakatapos lang ng pasukan ng last semester. Balak naming ikut







