LOGIN
MIKYLA POV
‘LETS’S GO!” sigaw ng leader namin at nag-umpisa nang umarangkada ang kanya-kanya naming motor. Nandito kami sa mapunong bahagi ng Quezon province, nag-eenjoy sa rides na matagal na naming pinlano na magkakaibigan Sakto na kakatapos lang ng pasukan ng last semester. Balak naming ikutin ang buong Pilipinas gamit ang kanya-kanya naming motor. Wala namang dapat na ikabahala dahil marami naman kami sa grupo. Apat na babae pitong lalaki. At kasama sa grupo na ito ang mga kaibigan ko since High School Habang tumatakbo ang motor ko sa makahoy na lugar, ramdam ng buong katawan ko ang malamig na simoy ng hangin. This is life, ito ang matagal ko nang gusto. Ang magtravel gamit ang motor at libutin ang buong Pilipinas. “Mikyla, are you okay? Sa unahan natin, napa-trouble daw si Pinky. Sumabit ang motor niya sa isang kotse at galit na galit ang may-ari.” mula sa suot kong speaker narinig ko ang boses ni Joda. At sa unahan ko lang nakita ko ang umpukan ng mga tao Dali-dali kong itinabi ang motor ko at bumaba. Nilapitan ang kaibigang si Pinky na nakahadusay sa gilid ng kalsada. Namimilipit sa sakit habang nakatayo sa harapan niya ang tatlong lalaki “Pinky!’’ tawag ko. Ang iba pa naming mga kasamahan ay isa-isa nang nagsidatingan. Dali-dali kong tiningnan ang injured ni Pinky at hindi ko maiwasan na makaramdam ng labis na pag-aalala nang mapansin ko kung gaano kalubha iyun. “Mikyla, hindi ko sinasadya. Patay ang ilaw ng sasakyan nila na nakaparada sa gilid ng kalsada at blindspot kaya hindi ko napansin.” wika ni Pinky sa akin. “Okay..okay, huwag ka munang gumalaw hanga't hindi pa dumadating ang rescue.” seryosong bigkas ko. At pagkatapos noon, dahan-dahan na akong tumayo para harapin ang taong may -ari ng sasakyan Kitang kita ko ang galit sa mga mata nila. Nagsilapitan na din ang iba pa naming mga kasama. “Miss, paano ba iyan, kailangan niyo kaming bayaran sa perwisyo na dulot ng kaibigan mo sa sasakyan namin.” seryosong wika ng isa sa mga lalaki. Nahuli ko pa siyang pasimple akong tinititigan mula ulo hangang paa. Hindi ko naman mapigilan ang maikuyom ang kamao ko “Hanga’t walang imbistigasyon at walang pulis na involved, walang magbabayad.” seryosong sagot ko Napansin ko ang biglang pagsalubong ng kilay ng nasa harap ko. Akmang lalapitan sana ako nito nang bigla nalang humarang ang isa ko pang kasamang lalaki. Si Jovan. “Woa! Woa! Boss, babae iyan. Bawal patulan!” wika nito at kaagad na pumagitna. Kaya lang, hindi inaasahan ni Jovan na bigla nalang umangat ang paa ng isa sa mga lalaki at binigyan ng malakas na flying kick si Jovan. Tumilapon ito kasabay ng pagbagsak nito sa lupa Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Ang iba pang mga kasamahan namin ay nagsipagdatingan na din. Hindi sila papayag na may isa sa kasamahan namin ang dehado. Kaya naman, ilang saglit lang sa harapan ko mismo, nagkagulo ang lahat. Suntok dito, suntok doon. Ginamit ko ang aking helmet at ibinato sa mga kalaban. Alam kong alanganin kami. Lalo na at kapansin-pansin na magaling pala ang kalaban namin sa martial arts. Hangang sa nagulat na lang kami lahat nang bigla na lang naglabas ng armas ang isa sa mga lalaki. “Sige….subukan niyong manlaban at pasasabugin ko ang bungo ng babaeng ito!”narinig kong galit na sigaw ng isa sa mga lalaki. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Si Karla, nakatutok sa ulo niya ang baril ng isa sa mga kalaban namin “Akala niyo ba mas nakakalamang kayo sa amin ha dahil mas marami kayo? Akala niyo kung sino kayo?” galit na sigaw ng lalaki. Bigla naman akong kinabahan. Rides lang naman ang pakay namin. Iyun lang at walang iba pero bakit ganon? Bakit kami napatrouble ng ganito? “Wala kayong pera? Ganito na lang, babae! Yes, babae na lang ang ipambayad niyo sa amin.” nakangising wika ng isa sa kanila. Gosh, wala sa sariling napatitig ako sa lalaki na may hawak kay Karla at hindi ko maiwasan na mapangiwi nang mapansin ko na mukha talaga siyang pusit. I mean, hindi naman sa pag-aano pero, ang pisngi kasi ng isa sa mga lalaki ay puro peklat. At halatang wala talagang matino na gagawin sa buhay “Hindi! Hindi kami papayag!’ sigaw naman kaagad ni Jovan. Nakabangon na siya pero muling napahiga nang bigla na naman itong tadyakan ng lalaking mukhang kambing. Para siyang kambing kasi simula kanina, wala nang ibang ginawa kundi ang ngumuya nang ngumuya “Wala kayong magagawa kung gusto namin. Men, kuha na kayo ng tig isang babae. Iyang babae na iyan, akin iyan ha?” sigaw ni Mr. Pusit este ng lalaking mukhang pusit sabay turo sa akin Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa takot. Napaatras pa nga ako dahil hindi ako papayag Ano ba? Ano ba namang kamalasan ito? Bakit kami nahantong sa ganito? “Areglado Boss. Siya na lang ang akin.” wika naman ni Kambing sabay turo kay Joda. Nakita ko na takot na napatago si Joda sa likod ni Renier. Si Pinky naman ay pilit na pinapatayo ng isa pa at akmang papalag sana ang iba pang mga kasamahan namin nang bigla nalang nagpaputok si Pusit. Sabay-sabay kaming napasigaw dahil sa takot. “Ano..lalaban kayo? Huwag na kasi kayong manlaban! Wala na kayong magagawa sa amin mga bata.” makangisi na wika ni Pusit. Sa tanang buhay ko, ngayun lang ako nakaramdam ng takot. God, mukhang hindi sila nagbibiro. At nang naglalakad na palapit sa akin si Pusit, bigla na lang may dumating na mga sasakyan. Pitong sasakyan at lahat kulay itim Lahat kami ay natigilan. Hindi makapaniwala. "Ano ang meron? Bakit…bakit ang daming sasakyan? Sino sila?" Bumaba ang mga taong nakaitim at sa isang iglap, biglang pinaputukan nila si Pusit. Tumalsik ang baril niya sa lupa kasabay ng sunod-sunod na pagluhod nilang tatlo. Biglang nagkagulo. Ang mga kaibigan ko, kanya-kanya ding atras. Sino ba ang hindi matatakot sa mga taong mukhang kulto? Lahat sila pareho-pareho ng suot. Naka black trouser and coat at black sunglass kahit na nasa kalaliman na ng gabi. At nang bumaba ang isang babaeng kilalang kilala ko, para akong ipinako sa aking kinatatayuan "Mikyla, Diyos ko..ikaw ba iyan? Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito?” wika nito. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi. Ang kakarating lang ay walang iba kundi ang kakambal kong si Zyra. At sa likod niya, nakatayo ang walang iba kundi ang fiancé niyang si Arif Fulgencio.MIKYLA POV “Hayssst, badtrip! Ang motor ko!!!” imbes na pansinin ko ang reaction nila Mommy at Daddy, bigla tuloy akong nag-aalala sa motor ko. Kakabili ko lang noon ,galing sa allowance ko na tinipid ko din ng ilang taon. Tapos, kasama lang na itinakas ni Zyra? Haysst! Ni hindi ko pa ng na-enjoy ang pag rides doon eh. Kasi pinagbawalan na akong gamitin nila Mommy at Daddy iyun. Paano daw kung maaksidente ako? Ano ba iyan, kapag minamalas ka naman oo! Kainis talaga!!! “Mikyla, sabihin mo nga sa amin, teka lang, ikaw ba talaga si Mikyla? Baka naman, ikaw si Zyra? Eh ang tunay na Zyra, hindi marunong gumamit ng motor? Tska-----” “Mom, baka, marunong nang gumamit na motor si Zyra. Paano niya nagamit ang motor ko kung hindi siya marunong?" sagot ko din naman sabay hawak ko sa aking bibig nang mapasulyap ako kay Arif Paano ba naman kasi, kitang kita ko ang panlilisik ng mga mata niya habang nakatitig sa akin. “Ano ang sabi mo? Impossible!” puno ng galit sa tono ng boses na
MIKYLA POV Ipinahatid kami ni Kuya Arif pabalik ng Manila agad-agad. Wala nang naganap na pre-nup shoot sa pagitan ng dalawa at dinig ko, irere-schedule ng lang daw ulit At habang naghihintay ng panibagong schedule, kapansin-pansin ang lungkot ni Zyra. Bawal na din kasi siyang lumabas ng bahay na walang nakabuntot na mga tauhan ni Kuya Arif Hindi ko alam kung alam ba nila Mommy ang tungkol sa problema ni Zyra lalo na at naging busy din ako. Nag enroll kasi ako ng summer class para may pagkaabalahan SA nasabi ko na, ako kasi iyung tao na hindi talaga kayang mabuhay na walang pinagkakaabalahan sa buhay. Hind ko kayang magtagal sa bahay na wala namang ginagawa. Kaya nga palaging sinasabi nila Mommy na para daw akong hindi babae. Napaka lakwatsera ko kasi eh. Isang hapon, kakauwi ko lang galing sa School nang magulat na lang ako nang madatnan ko si Zyra sa aking silid at ang mas nakakagulat pa, nagkalat ang mga gamit ko sa kama. “Zyra, ano ang ginagawa mo dito sa kwart
MIKYLA POV “Zyra, ano ang nangyayari? Bakit?” nagtataka kong tanong sa kakambal ko. Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng magarbong kwarto. Kasalukuyan na din siyang inaayusan para umpisahan na ang prenup shoot nilang dalawa ni Kuya Arif Kaya lang, hirap ang make-up artist na lagyan ng make-up itong kakambal ko kasi wala na siyang ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak “Hindi mo naman pala mahal si Arif, bakit ka pa nakipagrelasyon sa kanya sa matagal na panahon.” Muli kong wika. Kaagad namang napatitig sa akin ang luhaan niyang mga mata “Dahil wala akong choice. Kung makikipaghiwalay ako kay Arif, baka pag-initan niya ang pamilya natin. Baka mapunta lang sa wala ang negosyo na matagal nang pinaghirapan ni Daddy.” lumuluhang sagot niya. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Sa mga gsanitong klaseng usapin, wala talaga akong kamalay-malay. Lalo na at wala naman kasing tumatakbo sa utak ko sa araw-araw kundi ang kung paano makasama sa mga barkada ko na mag motorcycle r
MIKYLA POV ITO din naman ang gusto ko sa kakambal kong si Zyra. Kahit naman na palagi akong sinusumbong kina Mommy at Daddy dahil sa katigasan ng ulo ko, alam kong mahal din naman ako nito. Sabagay, kami lang naman dalawa ang magkapatid. Kaya naman, hindi nakakapagtaka na kahit na magkaiba kami ng hilig, ramdam ko pa rin naman na kaya niya akong ipagtangol. “Oo nga, ano iyun….porket ayaw ni Zyra, ako na kaagad ang papalit sa kanya? Walang ganoon. Tsaka, kailangan ba talaga mamilit?” sagot ko din naman kaagad nang makabawi ako sa matinding pagkagulat. Pambihira, as in pambihira talaga! Gaano ba ka-tanga itong si Arif Fulgencio? Kung ayaw na sa kanya ni Zyra, dapat magpakalalaki siya. Huwag nang ipilit ang sarili at huwag nang maghanap ng panakip butas. “Ayaw ni Zyra----kung ayaw ni Zyra, mas lalong hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal ko!” galit na sagot naman ni Arif sa akin. Pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyun, naglakad siya palapit kay Marvin, nakahandusay pa r
MIKYLA POV “Ano ang ginagawa mo diyan?” muling tanong sa akin ni Kuya Arif. Sa pagkakataon na ito, nakita kong pinupulot niya ang telescope na hindi ko namalayang nabitawan ko dahil sa matinding pagkagulat sa aking nasaksihan. “Ahmm, ahhh, wala..wala..nag---nagtitingin-tingin lang ng magandang tanawin.” sagot ko sa putal-utal kong boses. Gosh, nakaka-kaba. Paano na lang kung makita nitong si Arif si Zyra na may kahalikang iba? Ano kaya ang gagawin niya? Sa hitsura pa lang nitong si Arif, alam kong siya ang taong mataas ang tingin sa sarili. At kapag malaman nito na niluluko siya ng kakambal ko, gaano kaya kalaking gulo ang mangyayari.?Lalo na at ikakasal na sila sa susunod na buwan “Wala? Are you sure na wala kang nakita or baka naman may itinatago ka sa akin?” seryosong tanong niya. Hindi naman ako nakaimik. Lalo na nang makita kong tumitig siya sa gawi kung saan nakatutuok ang telescope ko kanina. Sa gawi kung nasaan naroroon sila Zyra kasama ang lalaking hindi ko pa k
MIKYLA POV BAGO pa tuluyang bumuhos ang malakas na ulan, nagpasya na kami ni Kuya Arif na muling bumalik ng sasakyan. Hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang madatnan namin si Zyra sa loob eh. Kasama niya na ang driver na ngayun ko lang napansin na pogi din pala. Tahimik sa harap ng manibela samantalang si Zyra naman, nakaupo sa kanyang pwesto kanina habang nakapikit na ang mga mata. Hindi ko alam kung tulog ba siya or sadyang nagtutulog-tulugan lang. Pero ang nakakapagtaka, hindi man lang nito pinansin ang pagsakay ni Kuya Arif Na para bang may something na namagitan sa dalawa. Pero, sino ba naman ako para mag-usisa. Paki ko ba sa kung ano ang problema nila. Ang mahalaga ngayun, marami akong bitbit na baon at hindi pa ubos ang kape ko Pinayagan ako nitong si Kuya Arif na i-take-out ang mga sweets na hindi man lang nabawasan namin kanina. Kaya naman, pwede akong kumain habang nasa biyahe kami habang walang nakatingin sa akin Kanina kasi sa loob ng coffee shop, hindi ako m







