Share

Lie To Marry The CEO
Lie To Marry The CEO
Author: Pordanabella

Prologue

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride," sabi ni father.

Dito sa part na 'to ako kinakabahan. Sa loob ng halos dalawang buwan naming magkakilala, ngayong araw lang kami hindi nagbangayan. Nanlalamig ang mga kamay ko. Ramdam ko ang lamig ng singsing na kakasuot niya lang sakin. Ni hindi ko man lang siya nakitang umiyak habang papalapit ako sa kaniya. Ako? Pagtapak ko pa lang sa red carpet, rumagasa na ang luha ko!

Umalon ang lalamunan niya habang inaangat ang suot kong belo. Suot ang white tuxedo, mas guwapo siyang tingnan kaysa sa palagian niyang suot na black executive suit. Mukha siyang mabait sa ayos niyang 'to. Idagdag pa na nagpa-clean cut siya ng buhok at walang suot na reading glasses.

Noong una ko siyang makita, halos lumuhod ako. Hindi naman kasi maikakaila na guwapo siya kahit palaging may suot na salamin. Halata tuloy na matalino siya pero masungit. Mayroon siyang makapal at makalat na kilay na palaging nagsasalubong. Malalim na mga mata na kung tumitig, tumatagos hanggang kaluluwa. Hindi ko alam na nakaka-intimidate rin pala kapag ganyan kaguwapo. Dumagdag pa ang kaniyang tangkad at malaking pangangatawan.

Tahimik ang mga manonood. Kaunti lang sila pero ramdam naman kung gaano ka-engrade ang kasalang ito dahil sa mga mamahaling palamuti dito sa garden. Hindi ito ang dream wedding ko pero ayos na lang din. Mas gusto ko kasing ikasal sa simbahan, mangako sa harap ng altar kasama ang taong mahal.

Huminga ako nang malalim nang nilapat niya ang mainit niyang palad sa pisngi ko. Kasabay ng paglapit ng kaniyang mukha, unti-unti akong pumikit.

Naghurumintado ang puso ko nang maramdaman ang malambot niyang labi. Banayad at nakakakalma ang paraan ng kaniyang paghalik. Tipong may pagmamahal kahit ang totoo, wala naman. Ang akala ko, simpleng dampi lang ang gagawin niya. Hindi ko lang in-expect na medyo tinagalan niya kahit na isang pasada lang naman ng halik ang ginawa.

Hindi ko na halos marinig ang palakpakan ng mga guests. Rinig ko ang tibok ng puso ko. Malakas at mabilis. Nakakabingi.

Nang humiwalay na si Cosimo, saka tumulo ang panibagong luha sa mga mata ko.

"Let's welcome Mr. and Mrs. Melgarejo!"

Muli akong napapikit. Ito na ang pagbabago ng buhay ko. Isang taon lang at babalik din ako sa buhay na nakasanayan ko. Isang taong pagtitiis lang naman. Kakayanin ko 'to.

Umangat ang tingin ko nang hawakan ako ni Cosimo sa braso. Hindi ko mabasa ang paraan ng pagtingin niya habang tumatalikod kami sa pari at hinaharap ang mga guests. Iginaya niya ang kamay ko para hawakan ang braso niya. Sabay kaming bumaba sa platform. Nagsilapitan sa amin ang mga guests. Unang lumapit sa akin si Lucas at niyakap ako na siyang nakapagpaiyak lalo sa akin.

"Congratulations, sweetie!" bati niya. 

Lumapit din si Amorsolla at inagaw ako mula kay Lucas. Nakipagbeso siya sa akin bago ako niyakap nang maluwag. 

"Pull yourself together!" striktong bulong niya.

"Oh, dear, Elysia! Congratulations!" bati ni Mrs. Melgarejo nang makalapit sa akin. Kasama niya si Mr. Melgarejo.

Humiwalay ako kay Amor para tanggapin ang yakap nila sa akin. Hinalikan pa ako ni Mrs. Melgarejo sa pisngi, halatang masayang-masaya sa araw na 'to.

"You're very beautiful, dear! I can't help it but to expect an angel right after this!" Humarap siya kay Amor. "You really raised a naturally gorgeous daughter, Amor! I'm jealous," natawa siya kahit medyo naluluha.

"Thank you!" tugon ko kay Mrs. Melgarejo. 

Natawa din si Amor sa kaniya. Sunod akong binati at niyakap ni Mr. Melgarejo habang nag-uusap ang dalawang ginang sa gilid.

"My son is very lucky to have you, hija. I hope you'll find happiness in your marriage," nakangiting aniya.

Ngumiti ako at bahagyang nahiya. Masasabi pa rin kaya niyang maswerte si Cosimo sa akin kapag nalaman na nila ang tunay na pagkatao ko?

Nabaling ang atensyon ko nang may brasong gumapang paikot sa aking baywang. Tumabi si Cosimo sa akin. Tapos na siguro siyang makipag-usap sa mga lumapit sa kaniya kanina. 

"Kukunan na nila tayo ng pictures," magaang aniya.

Pagkatapos niyang makipagbeso sa kaniyang mga magulang, inakay na niya ako papunta sa tabi ng bangin kung saan may naka-set up para sa photoshoot. Maraming beses kaming kinuhanan pero ang pinakatumatak sakin ay iyong hinalikan ako ni Cosimo habang papalubog ang araw.

Nang dumilim na at tapos na ang reception, tumibok na naman ang puso ko at hindi na ako mapakali. Narito ako sa table kasama si Cosimo at ang mga kapatid niya. Abala sila sa pag-uusap na puro negosyo lang naman ang topic. Hindi tuloy ako makasabay.

Tumayo ako nang makita ko si Lucas na napabaling sa akin habang may kausap siya. 

"Where are you going?" tanong ni Cosimo.

Nilingon ko siya at tinuro si Lucas.

"I'll just talk to Dad," sagot ko.

Hanggang ngayon, awkward para sa akin ang mag-ingles. Marunong naman ako pero hindi lang sanay. Basic lang naman ang alam ko pero dahil tinuturuan naman ako ni Crisnelle, masasanay at gagaling din ako.

Tumagal pa ang tingin ni Cosimo sa akin bago tumango. Agad akong lumapit kay Lucas. Buti naman at umalis na rin ang kausap niya. 

"What's wrong?" bungad niya nang mapansin ang hilatsya sa mukha ko.

Hinila ko siya palayo sa mga guests. Tumayo kami dito sa ilalim ng red maple tree. Medyo mahina ang liwanag dito.

"Paano na 'to? Saan ako uuwi ngayong gabi?" kinakabahang tanong ko.

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi dahil sa gulat kundi dahil naiinis. "I told you to speak English all the time!" mahinang paalala niya. "And where else would you be going tonight? Of course to your husband's place! What's wrong with that?"

Napapikit ako. "What if he'll take advantage of me?" 

Natigilan siya. Nagparte ang kaniyang mga labi. 

Bakit pa ba ako nag-aalala na gagapangin ako ni Cosimo mamayang gabi? Hindi naman iyon ang unang siping namin kung sakali. May nangyari na sa amin sa kotse niya pero hindi lang niya alam dahil lasing siya noon! 

Lumingon ako sa table nina Cosimo at nahanap siyang nakatingin dito sa direksyon namin. Pilit na nginitian ko siya at binalingan na si Lucas.

"Ano?" pag-aapura ko sa sagot niya.

Bumuntonghininga siya. "If he wants to consummate tonight, it's up to you if you'll agree with it."

"Paano kung tumanggi ako?"

Napakamot siya sa batok. "I think, he'll understand if you'll reject him. After all, you two were just arranged marriage. Iisipin niyang tinanggihan mo siya dahil wala pang namumuong pagmamahal sa pagitan ninyo."

Napairap ako. "Bumili ng ticket ang mama niya papuntang Maldives para raw sa honeymoon namin. 1 week 'yon, Lucas!" Tinulak ko ang braso niya.

"Calm down, Liana. Like what I've said, he'll understand. I don't think Cosimo is the type of man who will force himself to you."

Umiwas ako ng tingin at pumamewang. Kinakabahan pa rin talaga ako! Binalik ko ang tingin sa kaniya.

"Mrs. Melgarejo wants a grandchild. Gusto na niyang magkaanak kami kaagad!"

Namilog ang mga mata niya. "Kaagad? She said that?"

"Oo! Kanina nag-usap kami. Inaapura na niya akong bigyan ko raw siya ng apo!"

"You can say you're not yet ready for it."

Naalala ko pa ang mga sinabi ng ina ni Cosimo sa akin kanina. 

"Sinabi niyang kesyo 19 years old daw siya nang ipagbuntis niya si Cosimo. Kesyo matanda na raw ang 26 years old para magbuntis sa panganay!" 

Natawa siya. Hindi ko mahanap kung anong nakakatawa sa sinabi ko pero hinayaan ko na lang. Nakakainis lang na problemado ako rito pero nagagawa niya pang tumawa. 

"You look really far mature than your actual age. Hindi talaga halatang 19 years old ka lang," natatawang aniya.

Napairap ako.

"Just tell her that you're planning to have a kid next year and that you're focusing on your career," dagdag pa niya.

Dinuro ko siya. "Tandaan mo, wala sa plano ang magbuntis ako, ha. Ibang usapan na 'yan!"

Nangingiting tumango siya. "Alright alright." sumulyap siya sa likuran ko. "Your husband is coming here. Act like Elysia, Liana," paalala niya.

Tuwid akong tumayo at huminga nang malalim. Maya-maya pa, naramdaman ko na ang kamay sa baywang ko.

"We're going home, Dad. My parents are already tired and I assume that you are also. It's getting colder tonight," aniya kay Lucas.

Humagikhik si Lucas. "Ano ka ba naman, hijo. We've been used to the cold weather of America. But..." Tumango siya. "Alright, I'll call Amor now. You two can go ahead. Elysia needs to get rest." 

Tumaas ang dalawang kilay ko. Sinilip naman ni Cosimo ang mukha ko, tinitingnan kung kita na ba sa mukha ko ang pagod. Binalik niya ang tingin kay Lucas.

Tumango siya. "By the way, Dad. We have a flight to Maldives tomorrow. That's for our honeymoon." Sinulyapan niya ako at binalik din ang tingin kay Lucas. "So expect a grandchild right after this."

Paulit-ulit sa isipan ko iyon hanggang sa makarating kami sa hotel. May mansion naman ang pamilya nila dito sa LA pero pinili ni Mrs. Melgarejo na mag-hotel kami. 

Nang lumabas ako sa banyo pagkatapos ng hot shower, nahanap ko siyang nasa kama na at may kausap sa cell phone. Nakasandal siya sa headboard at nang mapansin ako, agad niyang tinapos ang tawag. Bagong ligo na rin siya. Ginamit siguro niya ang common bathroom sa living area. 

Sinundan niya ako ng tingin nang umikot ako papunta sa kabilang dako ng kama. Kaya lang, napahinto ako nang makita ang malaking puting kahon na nakahimlay sa tabi niya. Tiningnan ko siya.

"What's that?" tanong ko.

Binitawan niya ang cellphone saka kinuha ang kahon para mismong iabot iyon sa akin. Lumapit ako para kunin iyon. Natulala ako sa kaniya. Alam ko naman kasing regalo ito pero hindi ko lang in-expect na magbibigay pa siya kahit na wala naman talagang meaning ang kasalang 'to.

"Open it," kaswal na utos niya.

Hinintay niyang buksan ko ito kaya hindi ko na pinatagal pa. Nanghula pa tuloy ako sa isipan habang tinatanggal ang buhol ng pulang ribbon. Sapatos kaya ito? Damit? Jewelry set? Mukhang luxury brand dahil sa box pa lang, mamahalin na!

Pagbukas ko, natulala na lang ako at dahan-dahang bumagsak ang balikat. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang mag-alala kung nakita ba niya ang pananamlay ko. Nagpanggap akong nagulat para isipin niyang na-appreciate ko ang regalo niya.

"Why are you giving me this?"

Art supplies? Acrylic paints, brushes, oil pastels, palette, pencils, sketchpad at marami pang art materials na hindi ko na alam kung anong tawag. Sobrang dami nito! Anong gagawin ko rito?

Seryoso niya akong tiningnan. "Don't you love sketching? Doing artworks?"

Bahagya akong kumurap habang titig na titig pa rin sa medyo nagtatakha niyang mukha. Gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon. Naval Architect nga pala si Elysia! Naisip niya siguro na mahilig iyon mag-drawing!

Awkward akong tumawa. "W-Well... Yeah! Thank you so much for giving me this!" Inangat ko pa ang box para ipakita sa kaniyang nagustuhan ko ito. Natigilan lang ako nang may ma-realize. "But I don't have a gift for you."

Umiwas siya ng tingin at dumausdos na pahiga. Nilagay niya ang kaniyang cellphone sa nightstand. "A portrait of me will do," dry na sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Buti na lang at nakatalikod pa siya sa akin kaya malaya kong nailabas ang gulat at taranta sa mukha. Gusto niyang i-drawing ko siya? Eh mas maayos pa nga mag-drawing ng stickman ang kapatid kong 12 years old!

"But I'm not good at it anymore." natatawang sinabi ko para hindi halata ang kaba sa boses.

Natigilan siya saglit at saka marahang lumingon para tingnan ako nang masama. Nakaawang ng kaunti ang kaniyang labi. Sumulyap siya sa isang banda pagkatapos ay ngumisi na parang tinatawanan ang sinabi ko. Hindi ba siya naniniwala?

Nanliit ang mga mata niya. "Are you just being humble or you're completely lying to me?" Umahon siya sa pagkakahiga pero tinukod niya ang isang kamay sa unan. "Your dad gave your most recent artwork to my mom. It's a sketch of a yatch near the Hudson River," dagdag pa niya.

Napalunok ako. 

Lintik na Lucas! Bakit gumagawa siya ng bagay na hindi ko alam? Ano bang malay ko diyan sa artwok ng anak niya? Ni hindi ko nga alam kung anong sketch 'yong tinutukoy niya!

Tinawa ko na lang ang kainosentehan ko tungkol sa sinasabi niya. Binalingan ko na lang ang box para ligpitin. "I'm just kidding!" hagikhik ko.

Sinulyapan ko siya nang marinig ang pagbuga niya ng haninga. Mataman niya akong tinititigan. Mukhang hindi niya binili ang huling sinabi ko.

"I know it's petty to argue about it but I hate it when people lie even in the smallest thing," aniya sa malalim na boses, ani mo'y nagpapahiwatig ng babala sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status