Share

Chapter 2

I slowly opened my eyes. They still felt heavy. Marahil ay sa pagod kagabi sa byahe at kulang sa pahinga. Tumingin ako sa labas at napag-alamang tirik na ang araw. Ang silid naman na kinalagyan ko ay hindi ang silid namin kundi SILID NI TITA. I wonder why I was here? Last time I check, nasa pintuan ako ng kwarto ni lola. Tsaka kung sa malapit na silid ang basehan, nangunguna doon ang silid ni tiyo Joe. Ipinagkibit ko na lang ang siping iyon. Sakto namang tumunog ang seradura ng pinto.

"G-gising ka na pala," sambit ni tiya Janice pagkapasok niya sa silid niya na siyang kinalalagyan ko. Naroon ang ngiti niya sa akin na akala mo ay hindi kami nagkasagutan kagabi. "Kain ka na." Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang food tray. May toasted bread, bacon, pritong itlog, tasa ng kape, at ang sinangag na siyang palagi niyang inihahain tuwing umaga.

I smiled at her, a sincere one. Kung ibang kapatid nila ako nakipag-alitan kagabi ay maaring isinusumpa na nila ako. Baka nga ipakulam pa e. 

"T-thank you tita!" Nakayukong sambit ko. Nakakahiya! Nakipagsagutan ako sa kaniya kagabi habang ginawa lang naman nila  ang alam nilang makakabuti sa akin. Ipinatingin na namin ang kondisyon kong ito pero sabi nila ay dahil iyon sa stress kaya namamanhid ang katawan ko  kapag umiiyak samantalang wala naman naiisip na bagay na nakakapag-bigay sa akin ng stress. 

Nilapag nya sa kama ang dala niyang pagkain. She motioned her hands towards the food as if it's her way of signaling me to start eating my breakfast.  

"Sorry-"

"Sorry-"

Sabay naming sambit na dahilan ng pagtawa namin. I missed this. Na-miss ko din si tita pero natabunan iyon kagabi ng galit dahil sa kababawan ko. 

"I missed you tita," I said. lumapit ako sa gawi niya upang mayakap siya. "S-sorry po kagabi!" 

Namumuo na naman ang luha ko. Mabuti na lang at hindi dahil sa sakit ang dahilan niyon. Madali lang tuyuin ang luha ko at higit sa lahat, hindi niyon napapamanhid ang katawan ko. Tanging tango lamang ang isinagot niya sa akin. 

Naging mahaba ang usapan namin na umabot ng tatlong oras. Madami kaming napag-usapan na kung anu-ano tulad ng  mga naging buhay namin pagkatapos naming maghiwalay, ilang buwan ang nakakaraan. Syempre dahil close kami ay naiku-kwento ko sa kaniya ang pambubully sa akin ng mga kaklase ko sa siyudad. Alam na alam niya na nangyayari sa akin ang ganoon pero hindi ito nagsasalita kila mama katulad ng palagi kong sinasabi sa kaniya tuwing mag-uusap kami. 

Actually, I'm not mad at her. Nasaktan lang siguro ako dahil naglihim sila sa akin. Siya, specially. Siya ang hindi ko naiisip na kayang magsikreto sa akin ng ganoong mga bagay. Mababaw lang naman na rason iyon para masaktan ako subalit hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Matapos ang mahaba-haba naming usapan ay sabay kaming bumaba upang makapaghanda ng hapunan. Yes, I decided to help her prepare the food. Kaysa sa naman magmukmok ako doon na akala mo ay napakalaking kasalanan yung nagawa nila sa akin o kaya naman ay nakipaghiwalay sa iniibig tapos dumagdag pa ang pangyayari kagabi.

Nang pumasok kami sa kusina ay naroon ang mga pinsan ko at kumakain. Naroon ang mga bulung-bulongan nila na napakadrama ko raw. Well, kung kikilalanin mong maigi ang mga ugali ng mga pinsan ko ay makikta mo ang iba-ibang pag-uugali ng lipunan. Nandiyan yung tsismosa, judgemental, basagulero at marami pang iba. 

Naghanda kami ng tatlong putahe para sa hapunan namin. Naroon ang Menudo, chicken curry at pakbet. Magluluto pa sana kami ng adobo na siyang paborito ko kung di lang pinigil ni tita.

"Luto mo ba ang mga ito, Hel?" anang tiyo Rico. Ika-apat sa mga magkakapatid. Hindi ko alam kung saan galing ang tawag nila sa aking hel.

"Opo. Tinulungan po ako ni Tita Jan," Sagot ko. Tinikman ng lalaki ang menudo na luto ko. Napangiti ito habang nginunguya ang pagkain sa bibig niya. Hindi ko mawari kung nasasarapan ba siya sa luto ko o hindi. Naroon kasi ang mga pagkakataong umiiling ito.

"Habang tumatagal ay mas sumasarap ang luto mo, Hel!" puri ni tito Joey sa pakbet. Napangiti na lamang ako sa mga papuring naririnig ko. Hindi kami close ng mga ito. Masaya ako sa mga compliment na ibinabato nila sa akin. Ang kaso lang ay mas nakikita nila ang improvement ko kaysa sa mga anak nila. Nakakainsulto iyon sa side ng anak kung titingnan. Alam ko iyon dahil anak rin ako at alam ko ang pakiramdam ng naikukumpara.

"Sayang nga hindi ka nagluto ng adobo. Iyon pa man din ang pinakagusto kong luto mo."

"Ate Hel, may adobo?" tanong ni Patricia na nakatatanggal lang ng atensiyon sa cellphone niya. Bahagya ring nakakunot ang noo niya. "Bat di niyo ilabas? Paborito ko pa man din iyon."

Napatawa na lang kami sa sinabi ni Patricia. 

"Ikaw Patricia kung ano-ano na lang a! Ang sabi namin, sayang at hindi nagluto si Hel ng Adobo!" may diin sa bawat salitang sambit ni tito Joe sa pamangkin niya. "Kakaselpon mo yan!" dagdag pa niya na mas nagpalakas ng tawanan sa hapag. 

Hindi ko alam kung bakit napakalayo ng loob ko sa mga taong ito. Mababait naman sila kung titingan subalit hindi ko talaga lubos maisip kung ano ang nagawa nila sa akin at ganoon na lamang kalayo ang loob ko sa kanila at mga masasamang ugali lamang nila ang nakikita ko.

"Ayan na naman yung madrama at pabida nating pinsan," imporma ni Andrea sa iba naming pinsan na nasa sala. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa at nanood ng telebisyon. Maaaring ang klase ng pag-iisip na meron ako kanina tulong sa mga ugali nila habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain at tawanan ay dahil dito. Napaka-toxic ng pag-iisip ng iba sa mga pinsan ko na maaaring dahil doon kaya damay lahat pati mababait kong pinsan. 

Ikinibit balikat ko na lang ang sinabi niya. HIndi naman siya binigyan ng atensyon ng mga nasa sala. Maging ako ay wala ring pakialam sa sinabi niya. 

"Hel, tawag ka ni lola sa taas," sigaw ni tita Janice habang pababa ito ng hagdan. Hindi ko alam kung ano ang rason pero bigla na lang akong kinabahan sa sinabi niya. Nais man ng katawan kong manlambot dahil sa kaba nang sinabi iyon ni tiya ay hindi ko magawa dahil masasabihan naman ako ng 'madrama' ng feeling rich kong pinsan. Oo, hindi kami pare-pareho ng estado sa buhay pero kapag nagsasama kami sa iisang bubong ay hindi namin iyon pinapahalata. Sadyang nabuhay lang si Andrea upang magpaka-feeling angat sa amin. 

"S-sige po tiya." Kinakabahan man ay pilit akong tumango at agad tinahak ang daan tungo sa silid ni lola. Habang palapit ang paghakbang ko doon ay mas lalo akong kinakabahan. Parang sa kahit anong oras ay matutumba ulit ako dito. 

Nang nasa tapat na ako ng silid ay humingi muna ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili bago pinihit ang seradura ng pinto. Katulad ng nangyari kagabi, nanginig ng tuluyan ang mga tuhod ko at napa-upo sa sahig. Agad ding namalisbis ang maiinit na luha sa mata ko. Hindi ko kaya, hindi ko pa kayang kausapin at makita siya sa ganitong sitwasyon.

Pinilit kong tumayo pero hindi nagpapatalo sa akin ang panginginig ng ibabang bahagi ng katawan ko. Maging ang mga kamay ko ay nanginginig na rin. 

"Heart!" tawag sa akin ni mama na maaaring kakataas lang. HIndi ko ito kita pero rinig ko sa mga kalabog ng sahig na papalapit siya sa akin. Samantalang ako ay walang pinagbago sa posisyon ko habang ang kanina ay mumunting iyak lamang ay napalitan ng paghikbi. 

Inalalayan akong tumayo ni mama na dinaluhan naman ni kuya na galing sa silid namin. Dahil magaan lamang ako ay nabuhat nila ako ng tuluyan at pina-upo sa sofa maapit kay lola. Ayaw sana ni mama na ilagay ako rito dahil hindi langad sa kaalaman ng lahat ang nangyari sa akin kagabi matapos kong masilayan ang estado ni lola pero pinilit ko silang ilagay ako rito sa pamamagitan ng pagturo sa direksyon ng sofa. Kung may ganitong pagkakataon akong makausap si lola ay tatanggapin kahit ano pa ang mangyari sa akin. She's sick pero ko alam kung anong sakit. They didn't told me at Oo, maging ang simpleng pagsalita ay hindi ko magawa kapag nangyayari ang di maipaliwanag na nangyayari sa katawan ko kada iiyak ako. 

"Anak, inom ka ng tubig." alok ni tiya Janice habang may hawak na isang baso ng tubig. Nang mainom ko iyon ay medyo kumalma ang pakiramdam ko pero naroon pa rin ang mumunting paghikbi ko.

Hinawakan ni lola yung kamay ni tiya na ansa gilid ng kama. Napatingin ag babae sa matanda. Tumano ang babae na animoy alam kaagad ang gustong sabihin ni lola.

"Tara na," aya ni tiya Janice sa mga tao sa loob. "Heart, mag-uusap daw kayo ni lola," dagdag pa niya sa malumanay na tono pero nababakas doon ang mumunting hirap sa pananalita niya. 

Isinunod ko na lamang ang tingin ko sa kanila habang nakatalikod sila at naglalakd palabass ng silid. 

"Tatagan mo ang loob mo 'nak," paalala ni mama bago tuluyang isinnara ang pinto. may lungkot sa ekspresiyon niya. 

Nang tumahimik na sa labas ay ibnalik ko ang tinign ko sa gawi ni lola. Naroon na naman ang mga mumunting kirot sa kalamnan ko habang nakatingin sa itsura ng matanda. Nakakapanghina. 

"L-lola s-si H-heart po i-ito," nhihirapang sambit ko. Ayokong umiyak, pinipigilan ko iyon dahil baka hindi na naman matuloy ang pag-uusap namin. 

"A-apo, k-kumusta k-ka n-na?" nahihirapan ito. Kada salitang binibitawan niya ay humihinga ito ng malalim. Iang buwanlamang nang iniwan namin siya at malakas pa siya noon.

"O-ok lang po." umaagos na naman ang masagana kong luha. But I have to stay calm between those sobs and tears. Kapaghinayaan ko iyon ay mawawala na ng tuluyan ang pagkakataong ito. It sounds weird, pero pakiramdam ko ay ito na ang huli naming pag-uusap. HIndi ko naman sinasabing maghihiwalay na kami, basta parang ito na talga yung huli naming pag-uusap. 

Nang makalabas ako sa silid ay aga akong dinaluhan ni mama. Kanina pa ito siguro doon at nagbabantay bakamay mangyari sa amin ni lola habang nasa kalagitnaan ng pag-uusap. Sinabi niya s akin na matagal niya iyong nararamdaman pero hindi niya sinasabi. Not until one night, bigla na alang ito bumulagta. She said, she missed me that time. Naiiyak ito pero pinigilan niya dahil ayaw niyang mag-alala ang mga kasama niya sa bahay. We have the same rare disorder. Namamanhid ang buo naming katawan kada iiyak dahil sa mga negatibong sitwasyon.

Tumango ako kay mama at bumaba ng hagdan. Agad naman niya akong dinaluhan at inalalayan pababa. Naroon ang tingin niyang nagtatanong ng napag-usapan namin ni lola pero umiling lang ako. Tumango naman ang huli na animoy nakuha niya na ayaw kong mag-share sa ngayon.

"Upo ka dito." alok niya nang makapasok kami sa kusina. Ipinaghila niya ako ng upuan at pinaupo doon bago kumuha ng isang pitsel ng tubig sa ref at gayun na din sa baso. Nagsalin ito at agad inabot sa akin ang isang basong puno ng tubig. Ininom ko iyon ng diretso.

"Ate si lola!" naghihisterikal na saad ni Tito Joe mula sa hagdan. Nabitawan naman ni mama ang babasaging pitsel bago pa niya maipasok sa ref ito, kaya nagkapira-piraso. 

Ako naman ay natulos sa kinauupuan at hindi alam ang gagawin. 

Naisugod na nila si lola sa hospital at lahat pero nakatanga pa rin ako sa kinauupuan ko. Hindi matanggap ng sistema ko na maaaring lumala ang kondisyon nya. Nagkataon pang nasa edad na ito kung saan ay kadalasang lumalabas ang mga sakit dlot ng katandaan kaya ganun na lamang ang paghihirap niya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status