Share

Chapter 1

NANG TUMUNOG ANG kampana ng paaralan na tanda ng recess namng mga studyante ay agad kong inayos ang mga gamit ko at agad tumakbo sa pintuan upang lumabas at dumiretso sa CR ng paaralan. Bago pa man ako makarating sa pintuan ay hinarang na ako ng grupo ng mga kababaihan na ang nakakainis pa ay ang mga ka-section niya.

"Ano na naman ba ang kailangan niyo?" napapikit ako sa pagka-ini. Naiihi na ako at ilang sandali na lamang ay lalabas na iyon. ang lider nila na hindi ko na pinag-aksayahang imemorya ang pangalan ay napataas ang kanang kilay niya.

"Ano, tatakas ka?" saad ng isa sa kanila na may halong sarkasmo. Hindi ako magaling sa pagmemorya ng mga pangalan kaya kahit na maga-anim na taon na kaming magkaklase ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng karamihan ng kaklase ko. Bukod kasi sa napapangitan ako sa ugali nila ay wala ring nangangahas na lumapit sa akin dahil siguradong madadamay sa pambu-bully sa akin ng mga bruhildang ito.

"For sure, tatakas yan." dagdag pa ng nasa kaliwa ng lider nila. Ang pagbili ko ng pagkain nila ang tinutukoy ng mga ito.

"Hindi ako tatakas. Iihi lang ako." kalmado kong sabi. " Kung gusto niyo ay pagkatapos kong umihi ay didiretso ako sa canteen at ako na ang gagastos sa pagkain niyo." dagdag ko pa. Napangiwi ako nang ngumiti ang lider nila sa sinabi ko. Ang weird.

"No, wag na," naroon pa rin ang ngiti niya na dahilan ng mga balahibo ko upang magsitaasan. This is unusual, fuck! "Kami na ang bahalang bumili ng pagkain namin."

Katulad ko ay laglag din ang panga ng dalawang alagad niya sa sinabi niya. Ngayon lamang ito nagpakita ng kabaitan sa akin at kinakabahan ako doon.

"Go ahead," dagdag pa niya at binigyan ako ng espasyo upang makalakad ng matiwasay. Hindi pa rin ako nakabawi mula sa pagkagulat kaya hindi ako nakapagsalita. Imbis ay nag-bow ako bilang pasasalamat at tumakbo papuntang CR at pumasok sa bakanteng cubicle..

Isinabit ko ang bag sa iszang bakal upang hindi mabasa. Umupo ako sa inidoro at umihi. Nang matapos ako ay akmang itataas ko na ang mga pambabang suot ko nang may maramdaman akong malamig na likido mula sa taas. Sinundan ko ang pinanggalingan nun kasabay ng pagtaas at pag-ayos kko ng tuluyan sa suot ko. Nakita ko mula sa kabilang cubicle ang isa sa tatlong babaeng humarang sa akin kaninza.

"Ano, sapul ba?" tanong ng isa sa kanila pero hindi ko alam kung alin sa kanila. Walang di naman ambag sa buhay ko ang mga ito kaya hindi ako nag-aakasaya ng panahon ssa kanila. Sila lang itong mga makukulit.

"Wait girl, mzay zsecond wave pa." Kung kanina ay tubig mula sa tubigan ang itinapon niya sa akin ay balde naman ng tubig ang isinaboy niya. Napasinghap ako at napayakap na rin sa sarili ko dahil sa lamig niyon. "Hindi malamig no? Tinunaw na yelo yan." nagtawanan ang mag ito sa ginawa nila. Minsan ay naiisip ko ring lumaban sa kanila pero natatakot akong mawala sa akin ang scholarship ko. Kahit na kayya naman ng mmga magulang kong pag-aralan ako, mas gusto ko pa rin yung natututo akong tumayo sa sarili kong mga paa.

Mukha na akong basang sisiw noong lumabas ako ng banyo. Naroon sa likod ko ang mga gumawa nito sa akin at nagtatawanan. Habang palayo ako sa pinanggalingaan ko ay mas dumadami ang mga taong nakakapansin sa akin at mas dumadami rin ang mga nakiki-usyoso. Pumunta ako sa locker ko pero wala akong extra na damit doon kaya napagdesisyonan kong umuwi na lamang.

NASA GATE PA lamang ako ay tanaw ko na si kuya na naka-upo sa pintun ng bahay namin. Mukhang umiiiyak ito.

"Kuya?" tawag ko sa kaniya. Pinunasan muna niya ang pisngi niya bago humarap sa akin.

"Oh, ang aga mo naman dumating." sumisinghot-singhot pa ito.

"Umiiyak ka?" hindi ko pinansin ang tanong niya. Umiling siya kaya hindi na ako nagtanong pa at pumasok na sa bahay.

"Teka," pigil niya nang nasa pintuan na ako. "Bat basa ka? Kulang pa ba yang pool natin para lumangoy ka sa kanal?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Inirapan ko siya at dumiretso na sa loob. Kahit kailan talaga ay punyeta ang kapatid na iyon.

Nang makapasok ako ng tuluyan sa loob ay dumiretso ako sa CR namin na nasa dulo ng kusina. Nang makrating ako sa kusina ay naroon si mama nakaupo paharap sa mesa. Umiiyak din ito pero ma mga kasamang paghikbi.

"Ma, ok ka lang?" tanong sa kaniya na may pag-aalala. Mukhang nagulat ito nang makita ako na umuwi ng maaga.

"O-ok l-lang a-ako," pagdi-deny niya kahit halata namang hindi. May katangahan din kasi ako eh, nagtanong pa ako kahit alam ko naman na ang sagot. Bumuntong hinimga siya para pakalmahin ang sarili niya pero may mga mumunting hikbi pa rin pagkatapos no'n. "a-ayusin mo na l-lahat ng g-gamit mo."

Kunot-noo ako sa huling sinabi niya. Mag-impake? Para saan? At bakit sila umiiyak? Madami ang mga tanong na nabubuo sa utak pero mukhang wala ata silang balak sabihin sa akin ang mga sagot niyon.

"M-maglilinis lamang po ako ng katawan," paalam ko. Tumango naman ito. Siguro nga ay napansin niyang basa ako dahil sa pagtutulak niya sa akin kanina.

Pumasok ako sa CR at napaupo sa naksarang takip ng inidoro. Para ng sirang plaka ang utak ko dahil sa paulit-ulit nitong pagre-replay sa mga tanong ko. Gayunpaman, tumayo ako mula sa pagkakaupo at agad nilinis ang katawan.

Nang makapasok ako sa silid ko mula sa pagligo ay agad kong hinila ang maleta na nasa ilalim ng kama ko. Maalikabok iyon kaya napaubo-ubo pa ako.

"Kunin mo lahat ng mga gamit mo, importante man o hindi," utos ni mama. Tinignan ko siya na nakakunot ang noo. Masyado ata akong lutang kaya hindi ko na siya namalayang pumasok dito.

"Bakit ma? Saan tayo pupnta?"

"Uuwi tayo sa probinsiya. Doon na tayo titira." nakangiti na siya ngayon. Kung hindi lang mugto ang mga mata niya ay hindi mo aakalzzaing umiyak ito.

"Talaga ma?" excited ako. Naroon si lola at mas makakabonding ko pa siya. Kapag nasa bakasyon kasi kami ay parang mabilis ang pagdaan ng mg araw. Nabibitin tuloy ako sa mga bakasyon namin.

Tumango si mama sa tanong ko. Lumabas na ito ng silid na parang naging hudyat sa akin upang linisin ang buong silid at ilagay sa mga karton ang isasama sa pagtira sa probinsiya. Mula libro hanggang sa mga bagay na hindi ko madalas ginagamit ay kinuha ko.

Pagkatapos kong mag-impake ay napahiga ako sa sahig ng kwarto ko. Alas singko na ayon sa wall clock sa silid ko.

"Anak, baba ka na diyan. kain na tayo," sigaw ni mama mula sa baba. Mukhang napa-aga namana ata. Karaniwan ay alas syete meja kami kumakain o di kaya ay mas late pa.

Gayunpaman ay bumaba na ako. gutom na rin ako kasi hindi ako nananghalian kanina dahil sa mga bruha sa school.

Matapos magligpit ni mama ng mga pinagkainan namin ay dumating ang mga kapatid ni mama na nasa malapit na barangay lang sa amin. Mugto rin ang mga mata nila tulad nila mama at kuya.

"Tara na," aya ni tita Janice. Nasa labasan na ang mga gamit namin. Nilabas namin iyon bago kami kumain. Para raw hindi na mahirapan ang mga magbubuhat.

Agad kaming sumunod kila tita at sumakay sa bus na dala nila. Tatlong pamilya ang narito. Ang pamilya ni tita Janice na panganay sa mga magkakapatid, pamilya ni tito joe na siyang pang-anim at bunso nila. Habang nasa bus kami ay hindi ako umimik. I keep on roaming my eyes inside the bus while my family keeps on sobbing. Ang paghikbi at ang ingay ng pagtakbo ng bus lamang ang naririnig sa loob ng sasakyan.

"Kuya, bakit napa-aga tayo pupunta roon e hindi pa naman summer? Tsaka hindi pa tapos ang school year e?" I asked kuya Chase but as usual, umiling lamang ito. Dahil doon ay nanatili akong tahimik buong biyahe kung magtatanong naman ako kung bakit kami napaaga sa pagbalik-probinsiya ay iling lamang ang sinasagot ng mga ito habang patuloy pa rin sa paghikbi.

Inabot kami ng siyam na oras bago makarating sa probnsiya. It was a long ride but for me, it was short. Finally, makikita ko ulit si lola after a few months.

Nasa loob pa lamang kami ng bus ay tanaw na ang iba naming kamag-anak na nasa labasan upanng sumundo sa amin. Napangiti ako nang makita si Tita Clarice, ikatlo sa mga magkakapatid. Siya ang pinaka-close ko sa lahat sunod kay lola. Siya rin ang kadalasang pinagsasabihan ko ng problema ko noon kapag wala si lola o di kaya naman ay pagod sa paglilibot sa bukid nilang napakalaki. Pero ang ngiting naipinta sa mukha ko kanina ay agad nawala nang makitang pati siya ay mugto rin ang mga mata- no, I mean halos lahat sila.

Agad kaming nagtulung-tulong sa paglabas ng mga gamit mula sa bus at pagpasok sa mga ito sa loob ng bahay. I roamed my eyes around the house to find my grandmother nut she was nowhere to be found. Karaniwan ay nandito siya sa sala o sa kusina kada uuwi kami dito. Wala naman akong mapagtanungan dahil wala namang sumasagot sa akin. Umupo ako sa sinle-sitter sofa nang padabog dahil doon. I patiently waited for my lola to show herself.

"Kain ka na doon. Alam kong pagod ka sa haba ng biyahe niyo," alok ni tita Janice sa akin. Ramdam sa tinig niya ang pagod at lungkot. Maging ang sakit ay bakas din sa boses niya.

"T-tita... N-nasan po si l-lola?" hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pagtatanong. Kanina pa ako kinakabahan sa mga nangyayari. Lola is nowhere to be found. Panay rin ang iyak at hikbi ng mga tao sa bahay.

"N-nasa k-kwarto na, n-nagpapahinga. A-alam mo na, m-maghapon yun sa b-bukid." tumango na lamang ako doon sa sinabi niya. Nang mabanggit ko si lola sa kaniya ay agad dumaloy ang msaganang luha niya na maaaring kanina pa niya pinipigilan. Hindi rin niya napigilan ang paghikbi niya sa pagitan ng mga salitang binibitawan niya.

"S-sige po. K-kakain lang po a-ako." Hindi ko alam kung bakit ako nauutal. Marahil ay hindi nnakatulong ang mga salita niya sa pag-aalala ko sa matanda.

MATAPOS KAMING KUMAIN ay agad kaming tinawag na magpipinsan at pinapunta sa sala. Maga at mugto ang mga mata nila maliban sa akin. Dahil doon ay nawari kong may itinatago sila sa akin. May kung anong kumurot sa puso ko sa isiping iyon. Parang hindi nila ako binibilang na parte ng angkan.

Nang nasisiguro nilang narito na lahat ng mga apo maging sa apo ng mga anak ni lola ay sinabi nila ang dahilan kung bakit kami itinipon dito.

BAWAL PUMASOK SA KWARTO NI LOLA UNLESS, PINAHINTULUTAN.

BAWAL PUMASOK SA KWARTO NI LOLA UNLESS, PINAHINTULUTAN.

BAWAL PUMASOK SA KWARTO NI LOLA UNLESS, PINAHINTULUTAN.

Paulit-ulit na nagre-replay iyon sa utak ko. Nakakatawa nga e, parang sirang plaka. Hindi ako makatulog dulot no'n kaya napaggdesisyunan kong dalawin si Tita Janice sa kwarto niya. Agad akong lumabas ng silid namin at kumatok sa katapat na pinto.

"Pasok!" Anang tinig sa likod ng pinto na base sa boses ay si Tita iyon.

Pagpaso ko ay naka-upo ang babae sa kama. Napatingin ito sa gawi ko nang pumasok ako sa silid niya. Umiiyak ito. Kahit anong gawin nyang pagtuyo ng luha niya ay patuloy pa rin ang mga ito sa pag-agos. Isinara ko ang pinto pero nanatili ako sa kinatatayuan ko.

Nagpalabas siya ng pilit na ngiti. "Di ka na naman makatulog? Kada unang araw niyo dito ganiyan ka." saad niya habang pailing-iling. Naroon pa rin ang ngiti sa mga labi.

"Bakit ayaw niyo kaming hayaang bisitahin si lola?" agad kong tanong. Nawala ang ngiti sa mukha niya. "Or should I say, BAKIT AYAW NIYO AKONG HAYAANG BISITAHIN SI LOLA?" hindi ako nagpakita ng emosyon sa kaniya.

"Para sa iyo to, Heart. I mean- sa inyo." Tumigil na ito sa pag-iyak at naging seryoso na ang mukha niya.

"Ah... Kaya pala galing sa pag-iyak ang mga pinsan ko. Imposible namang dahil sa jowa nila yon no tita? Hindi naman pwedeng sabay silang-" pinutol ni tita ang mga sunod kong sasabihin.

"Basta sumunod ka na lang!" sigaw niya. Ngayon lang niya ako sinigawan sa tanang buhay ko rito. Kita sa ekspresyon ng mukha ang pinaghalong pagka-inis at galit. Hindi ko alam kung saan nagmumula iyon.

Agad akong napa-atras sa ginawa. Maybe, it was new to me. That's why.

Sa pag-atras ko ay nahimasmasan ito sa ginawa niya.

"H-heart, s-sorry. N-nabig-" padabog kong isinara ang pinto ng kwarto niya n naging dahilan ng pagkaputol ng sasabihin niya. Ramdam kong sinundan niya ko pero dahil magkatapat ang silid namin ay mabilis akong nakapasok doon at agad ini-lock iyon para hindi niya ako masundan sa loob. Dumapa ako sa kama at hinila ang isa sa mga unang naroon upang yakapin habang umiiyak. Samantalang si Tita naman ay walang humpay ang pagkatok at pagtawag sa pangalan ko mula sa labas ng silid.

Marahil sa labis na pag-iyak ay nakatulog ako. Alas-dos ng madaling araw nang magising ako. Nakaramdam ulit ako ng lungkot. Gayunpaman, hindi ko napigilan ang sariling magtanong kung bakit ayaw nila akong papasukin sa silid ni lola. Walang gustong magsabi ng rason kung bakit kaya ako ang gagawa ng paraan upang malaman ang dahilan no'n.

Pagbukas ko ng pinto ay napasinghap ako sa nasaksihan ko. Si Tita Janice nasa labas ng silid namin, natutulog. Hindi ko mapigilang masaktan sa nakikita. May nag-uudyok sa aking gisingin siya at papuntahin sa silid niya pero mas nanaig ang kuryosidad ko kay lola.

Nilaktawan ko siya at naglakad patungo sa dulo ng hallway kung saan naroon ang silid ni lola. Bahagyang nakabukas ang pinto nito kaya sinilip ko kung ano ang meron sa loob. Wala akong masyadong makita kaya unti-unti kong pinalaki ang pagkakabukas ng pinto upang hindi iyon makagawa ng ingay na makakagising ng kung sino mang nasa loob.

Nang tuluyan ko nang mabuksan ito at makita ang kabuoan ng silid ay nanlambot ang tuhod ko at muli na namang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko kaya ang nakikita ko.

There, I saw my lola. Lying in her own bed with dextros and oxygen attached to her body. Payat na ang katawan nito, malayo sa dati niyang anyo.

Dahil sa pag-iyak ko ay nagising si tito Joey- ang kambal ni tito Joe.

"H-heart." tanging sambit niya.

Nanlilisik ang mga matang tumingin ako sa kaniya. Agad itong tumakbo sa direksiyon ko upang itayo ako. Nagtagumpay ito pero agad itinabig palayo. Alam kong malakas si tito dahil kita ito sa katawan niya pero ko rin alam kung saan nanggaling ang lakas ko upang matagumpay na maitulak siya. dahil rin doon ay naramdamn kon muli ang panlalambot at pamamanhid ng katawan ko. Natumba ako na nakagawa ng malakas na kalabog dahil gawa sa matibay na kahoy ang sahig ng bahay.

Nakita kong nagising at napatakbo sa direksiyon ko si tita Janice. Pero masyadong malakas ang impact ng pagkaka-untog ng ulo ko sa sahig na sinamahan pa ng pamamanhid at panghihina ng katawan ko. Dahil doon tanging pagtawag nila ng panglan ko at paghikbi ang nririnig ko. Nanlalabo at umiikot ang paningin ko dahil sa pag-iyak at pagka-untog ko. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status