Home / Romance / Lihim na Tikim (SSPG) / Kabanata 78 - Message

Share

Kabanata 78 - Message

Author: Saevris
last update publish date: 2026-09-28 19:17:09
Nerisse Villareal’s Point of View

Matapos niyang patuyuin ang buhok ko, saka lang siya nag-ayos ng kaniyang sarili. May nakahanda nang damit sa kama namin na hindi ko nagawang pagtuunan ng pansin kanina. Mukhang inutos ni Lucien ‘yon sa mga tauhan nila, dahil bago pa lang ang mga ‘to. Halatang kabibili lang, pero nalabhan na.

Lumapit siya sa akin, at tinulungan akong magsuot. Sa tuwing kakailanganin kong tumayo, o gumalaw, pupulupot na kaagad ang kaniyang bisig sa aking baywang.

Nang maibaba ni
Saevris

May update pa po mamaya na isa. Salamat po!

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 81 - Check

    Nerisse Villareal’s Point of View Dalawang araw ang lumipas nang sabihin ni Vaughn na may umuwi, pero wala akong ideya kung sino ang tinutukoy nila.Sa dalawang araw na ‘yon, hindi ako nilubayan ng mga tauhan ni Lucien lalo na kung wala siya sa tabi ko. Sabay pa rin naman kaming kumakain ng lunch, dahil siya mismo ang nagpupunta rito.Ang kinaibahan lang ay naging mapagmasid siya sa buong paligid. Hindi niya ako hahayaang kumain ng pagkain unless mga tauhan niya ang bumili, o nagbigay sa akin.Nerisse Villareal: Milk tea?Tinitigan ko ang message ni Lucien sa akin gamit ang account ko. Matapos ang pagtawag sa akin ni Seb noon, habang hinahalikan ako ni Lucien, hindi ko na ulit ‘yon kinuha pa. Kahit naman may mga importante akong titingnan doon, hindi ko na pinilit pa.Bukod sa hiyang-hiya ako sa nangyari, kahit wala namang ideya si Seb, parang ayaw ko ng ulitin pa ‘yon.“Wala ba ‘tong trabaho?” bulong ko, habang nakatitig sa message niya.Nerisse Villareal is typing…I pursed my lips.

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 80 - Prepare

    Nerisse Villareal’s Point of View Natawa nang mahina si Lucien, at tumigil sa paghalik sa aking leeg. Hindi siya lumayo, at nanatili ang kaniyang mukha roon, habang ang kamay niya ay patuloy pa rin sa pagmasahe sa aking dibdib.“Bakit mo pinatay ang tawag, huh?” tanong niya, at bahagyang isinubsob ang kaniyang mukha sa aking leeg para amuyin ako roon. “Akala ko ba ay gusto mong kausapin ‘yang kaibigan mo?”Sinubukan ko siyang ilayo sa akin, ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakapulupot ng kaniyang bisig sa aking baywang, at parang ayaw talaga akong pakawalan.“Paano ko siya makakausap kung ayaw mong tumigil?” hinihingal kong tanong sa kaniya.Naramdaman ko ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi na siyang nagpapikit nang mariin sa aking mga mata.“Bakit naman ako titigil?” bulong niya, at dahan-dahang hinalikan ang aking leeg. “Nauna naman nating ginawa ‘yon.”Hinampas ko ang dibdib niya, at inilayo siya nang kaunti. Tumigil na siya sa pagmasahe sa aking dibdib, ngunit hindi pa ri

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 79 - Call

    Nerisse Villareal’s Point of View Bigla kong inilapat ang aking kamay sa kaniyang dibdib, at sinubukang tumugon sa kaniyang halik. Marahas ang naging paggalaw ng kaniyang labi, at parang may gustong sabihin na hindi ko magawang sagutin.“Lucien,” daing ko nang kagatin niya ang aking ibabang labi, at basta na lang ipinasok ang kaniyang dila sa aking bibig.Naikuyom ko ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib, at wala sa sariling hinila ang kaniyang damit para kumuha ng lakas.Gumapang pataas ang kaniyang kamay na nasa aking batok para hilahin ang buhok ko pababa. Napatingala naman ako dahil doon, at hindi mapigilang kagatin ang kaniyang dila nang kaunti lalo na nang makipaglaro siya sa aking dila.Nagtagal ang aming paghahalikan, hanggang sa pareho na kaming kinakapos sa hangin. Kung hindi ko pa hinampas ang kaniyang dibdib, hindi niya ako titigilan.Bumaba ang kaniyang halik papunta sa aking panga. Binitawan ko ang kaniyang damit, at ipinatong ang aking mga kamay sa kaniyang balikat par

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 78 - Message

    Nerisse Villareal’s Point of View Matapos niyang patuyuin ang buhok ko, saka lang siya nag-ayos ng kaniyang sarili. May nakahanda nang damit sa kama namin na hindi ko nagawang pagtuunan ng pansin kanina. Mukhang inutos ni Lucien ‘yon sa mga tauhan nila, dahil bago pa lang ang mga ‘to. Halatang kabibili lang, pero nalabhan na.Lumapit siya sa akin, at tinulungan akong magsuot. Sa tuwing kakailanganin kong tumayo, o gumalaw, pupulupot na kaagad ang kaniyang bisig sa aking baywang.Nang maibaba niya ako sa kama, kaagad niyang kinuha ang tray na hawak niya kanina nang pumasok siya ng villa.“Umuwi ba ang mga pinsan mo?” tanong ko sa kaniya, umaasang hindi na masisira ang mood niya.“No. Nasa main house sila,” sagot niya nang ilapag niya ang bed tray table sa tabi ko.Nakita ko kaagad ang French toast, pancake, at sunny side up egg. Bukod doon, may kape rin, at medyo umuusok pa. Mukhang ang mga staff niya ang nagpahabol ng kape namin, dahil hindi ko naman matandaan na may dala siyang kape

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 77 - Want

    Nerisse Villareal’s Point of View Umigting ang aking panga, at marahas siyang nilingon. Tumayo siya nang maayos, ngunit hindi niya inilihis ang kaniyang mga mata nang salubungin ko ang titig niya.“Kasalanan mo.”Napaangat ang kaniyang kilay sa aking sinabi, at inabot niya ang shower handle para buksan ’to.“Bakit ako? Dahil ba pinahirapan kita sa sarap?” tanong niya kasabay ng pagbagsak ng tubig sa aming katawan.Nag-init ang aking mga pisngi sa kaniyang naging tanong. Wala akong makitang ngisi sa labi niya, habang nakatitig sa akin nang mariin. Maging ang kaniyang mga mata, walang pang-aasar na makikita.“Hindi ‘yon!” singhal ko sa kaniya, at lumayo nang kaunti.Ngunit bago pa ako makalayo, hinila na naman niya ako pabalik sa kaniya, hanggang sa tumama ang aking likod sa kaniyang katawan.“Ano?” mababang boses na tanong niya.Naramdaman ko ang paggalaw niya, ngunit hindi ko siya nilingon. Naiilang ako, dahil walang makikitang pang-aasar sa mukha niya. Pati sa boses niya, wala.“Kasi

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 76 - Pride

    Nerisse Villareal’s Point of View Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata, at hindi mapigilan ang pagdaing lalo na nang sinubukan kong bumaling sa kanan.“Ang ganda namang umaga ‘to,” bulong ko, at napahugot nang malalim na hininga.Nang tuluyan ko nang malingon ang tabi ko, natanto kong wala na roon si Lucien.Napakurap ako, at mabilis na inilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng villa. Pinakinggan ko rin kung may ingay ba na nanggagaling sa bathroom, pero wala.“Saan ‘yon nagpunta?”Matapos ang nangyari kaninang madaling araw, pinili ko nang matulog. Hindi ko nga alam kung tinigilan ba ako ni Lucien, o nagpatuloy pa rin siya.Napailing ako, at sinubukang bumangon. Sa kabila ng sakit ng aking katawan, pinilit ko ang sarili kong umupo sa kama.Hindi ko nga lang inaasahan na bubukas ang p***o ng villa, at mararamdaman ko ang pamilyar na presensya.“Gising ka na pala,” wika niya, at dahan-dahang isinara ang p***o.Narinig ko naman ang mga yabag niya papunta sa aking gawi. Kaya humi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status