Share

Living with My Jerk Ex-Husband
Living with My Jerk Ex-Husband
Author: TrudiesLiit

Prologue

Ashtrid was holding back her tears and temper. She was holding back all she could, so she would remain calm as fuck. 

She knew she should.

They were three in the unit. She was with Tina and Nich, who were both quietly sitting in the sofa. Ash stared at them and waited for the two to explain. She waited them to say sorry or at least tell her their reason. She waited... And waited. Pero halos kalahating oras na ang nakalilipas. And they weren't speaking at all. Walang nagpapaliwanag sa kanya kung anong nangyari o kung ano na ang mangyayari.

Pero para saan pa nga ba ang mga paliwanag o paghingi ng sorry ng dalawa sa kanya?  Mababago ba ng paliwanag ang lahat?

It's no use. She'd seen enough. She knew how to read between 'Nich and Tina kissing each other like there's no one who might get hurt'. Kulang na lamang ay sabihin ni Nich sa mukha niya na nakikipaghiwalay na ito sa kanya. That he is so much done with her. 

She didn't know if she did something wrong to deserve this. They were married for Pete's sake. They had been for almost two years and it went well. Everything was perfect. Or that was all she had thought because behind her back was Nich cheating. 

They had been so well. Masaya sila ni Nich sa loob ng dalawang taon kahit na nag-aadjust parin sila hanggang ngayon sa buhay mag-asawa. Alam niya na pareho silang nahihirapan ni Nich sa sitwasyon nila lalo pa at sanay ang asawa na dumidepende sa yaman ng pamilya nito. Pero kahit na, alam niyang hindi nito bibitawan ang relasyon nila dahil sa nahihirapan na ito.

Ni wala s’yang mahagilap na rason para gawin iyon ng lalaki. O baka naman dahil may nagawa siyang mali? Siya ba ang nagkulang? She intently looked at her husband as he held Tina's hand. Then, she smiled. Pinilit n’yang ngumiti sa harapan ng mga ito though her heart was shattering into pieces.

Kailangan.

She needed to be strong. She needed it so she could still fight for the both of them. She would definitely fight! Ipaglalaban niya ang karapatan niya. 

"Say that you still love me, Nich. Handa kitang patawarin. Just please say that you still love me," pakiusap niya sa asawa habang pinipigilan ang mga luhang dumaloy sa mga mata.

'It's not yet the right time to cry.' she whispered on her mind. Alam naman niyang naging padalos-dalos sila na magsama pero hindi ba nangako sila sa isa’t isa? 

"Just please—" pakiusap niya at lumuhod sa harapan nito habang pilit na hinahawakan ang kamay nito.

Hindi umiimik si Tina. Nich looked at her with the dull eyes. Namumula ang mga mata nito. He stood and took something in the drawer. Itinayo s’ya nito saka pinunasan ang mga butil ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Then, he gave her an envelope. She quietly opened the envelope, but she was stunned when she saw what was inside. 

"B-babe?" she said, nearly pleading him to tell her that it's just a big fat joke. But Nich didn't say anything. He didn't bother to look at her while she was looking blankly at the piece of paper in her hand. Inside was their annulment paper signed by Nich. Ang kulang na lamang ay ang pirma niya. Nawalan ng lakas ang mga tuhod niya.

Anong nagawa niyang mali? Bakit? Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya sa mukha nang hindi umimik si Nich. Like her tears were actually saying that it’s the right time to cry. She stared at Nich's eyes trying to find any regrets. But she couldn't find any. 

"H- Hindi ba talagang pwe-deng aa-ko nalang, Nich? H-Hindi ba pwedeng a-ako nalang u-ulit? O b-baka may hindi…may hindi ka ba gusto sa akin. Sabihin mo babaguhin ko. Kaya ko. Just please ikaw nalang ang meron ako, Nich alam mo yan. Hindi ko alam ang gagawin kapag nawala ka.” Pinipigilan niyang pumiyok sa harapan ni Nich habang hawak ang annulment paper nilang dalawa.

Tumitig lamang ito sa kanya at tumungo. "I'm sorry, Ash. Pero alam kong kakayanin mo," he finally said it to her.

He finally said sorry but she's still hurting. And the pain was getting worsen and worsen as she tried to plead him, yet he was just avoiding her eyes.

"P-Please Nich...a-ako nalang ulit. I-I'll be g-good..." she kept pleading while her tears were falling from her eyes. Hindi niya alam kung kakayanin niya ang kirot sa puso niya tulad ng sinasabi nito. 

But Nich didn't say anything. Like there was no way he would be back to her. Like it was his final decision. And he was so ready to let go of her.

Sinampal niya ito nang malakas. Sinampal n’ya ito kasi baka...

....baka matauhan pa ito at magbago ang desisyon nito. Na baka pwede pa. Pero hindi iyon nangyari ni hindi ito makikitaan ng pagsisisi. 

"Eh, ano pala ako dito, Nich!? Palamuti? T-tell me bakit mo ako pinakasalang gago ka?!" singhal niya sa lalaki. Tumingin siya sa asawa. “Dahil ba nahihirapan ka na? Iyon ba?” 

Huminga ng malalim si Nich. “Pagod na ako, Ash. B-Baka nga tama sila naging mabilis ang lahat. Nagpadalos dalos tayo na baka…baka…”

Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang mukha nito. Akala ba nito ito lang ang nahihirapan? “Napagod ka.” may diin na sabi niya bago dinugtungan ng, "I don't want you to go. I won't sign it, Nich!" 

Napipikon niyang inihampas sa mukha nito ang envelope ng hindi ito kumilos. She was about to walk away but to her surprise Nich knelt down. Nakayuko at yumuyogyog ang balikat nito. Pero wala siyang pakealam kung umiyak man ito ng dugo sa harapan niya. Hinding hindi niya pipirmahan ang papel na tanging katibayan na sa kanya parin ang lalaki. She walked again but she halted when he spoke.

"I don't love you anymore, Ash. A-at hindi ko na kaya. Hindi natin kakayanin. Hindi ko alam na nakakapagod pala na ganito pala kahirap. Ash, please understand me may pangarap rin ako. At hindi ko iyon matutupad dahil ayaw nila akong suportahan." Her breath became harder.

She couldn't walk nor move. Kinagat niya ang nangangatal na ibabang labi para pigilan ang pagsambulat ng galit at hinanakit sa lalaki. Dalawang taon silang magkasamang nangarap para sa kanilang dalawa. Dalawang taon silang masaya at mahal na mahal ang isa't isa. Akala niya sapat ang pagmamahal. 

Ikinuyom niya ang kamay hanggang sa maramdaman ang hapdi sa kanyang mga palad. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hinding hindi niya isusuko ang pagmamahal niya sa lalaki. Ano naman kung hindi na siya nito mahal? Ang mahalaga ay mahal niya ito. Sapat na iyon. Sapat nang makasama niya ito at alam niyang kasal pa sila. Kaya hindi niya pipirmahan iyon. Pagod na ito? Puwes siya hindi pa. Kaya pa niya. 

Hinabol siya nito at katulad kanina ay lumuhod sa harapan niya habang nakatungo at ang mga kamay ay nakakapit sa binti niya. "Please, Ash. Let me go.” Pagmamakaawa ng lalaki.

"You said you don't love me anymore, right?" she asked him. Tiningala siya nito and there she saw something in his eyes. For a second may nakita siyang pag-aalinlangan sa mga mata nito na mabilis na nawala at napalitan ng blangkong tingin.  He nodded.

Nanginig siya nang maramdaman ang pagbigay ng pader na nakapalibot sa kanyang puso. Tinititigan niya ang mga mata ng asawa saka marahang nagsalita, "Then, prove it," she said with the conviction. 

Hindi siya naniniwala na basta-basta na lang mawawala ang pagmamahal nito sa kanya. Kung pakakawalan man niya ang lalaki kailangang patunayan nitong hindi na ito sasaya pa sa piling niya. When Nich saw in her eyes that she needed a proof, he stood up and immediately walked to Tina. Then, he grabbed Tina's neck and kissed her senseless. He kissed her torridly.

Namanhid ang buong katawan niya maging ang tibok ng puso ay tila tumigil kasabay ng pagtigil ng oras. Nanginig ang mga labi niya habang pinapanuod kung paano halikan ni Nich ang babae. Nanikip ang d****b niya. Anong karapatan nitong gawin ito sa kanya? Tumulo ang mga luha niya sa namamagang mga mata. Itinakip niya sa bibig ang mga kamay at pinigilan ang bibig na lumabas ang hagulhol niya.

Nang makabawi ay naramdaman niya ang pag-ahon ng kung anong emosyon sa d****b. "Gago ka!” sigaw niya na nagpatigil sa dalawa. “Ang selfish mo! Ang selfish selfish mo. May pangarap rin ako Nich pero kaya ko. Kaya kong isakripisyo iyon para sa iyo pero bakit ganoon? Napagod ka lang, Nich,” hinanakit niya.

Tiningnan siya ng blanko ni Nich. "You said you needed a proof," balewalang wika nito sa kanya.

Hindi niya napigilan ang sarili na sampalin ang lalaki. Hindi niya kaya. Hindi parin n’ya kayang pakawalan ito. Isang sampal pa bago sya naglakad patalikod sa dalawa. Pero muli siyang natigilan nang muling lumuhod si Nich para magmakaawa sa kanya na pirmahan ang papel.

Napahagulhol siya sa harapan nito. Hindi n’ya kayang makita ang asawa na nagmamakaawa para pakawalan niya. It's a plain torture for her. Hindi niya alam na ganito pala kasakit na makita mo ang mahal mo na nagmamaka-awa. Mas masakit. 

Natigilan sila nang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Apolinario kasunod si Jenny. Natigilan ang kaibigan niya sa naabutan na tagpo. 

“A-Ash…” Apolinario whispered. Nakita niya ang galit sa mukha ng kaibigan na pinipigilan ni Jenny para hindi pa makagulo pa.

Marahang pinunasan ni Ashtrid ang kanyang mga luha. Suko na s’ya. She's done. Umalis s’ya sa kinatatayuan at lumapit kay Tina. Marahas niyang inagaw rito ang hawak na envelope. 

"Ito ba talaga ang makapagpapasaya sa iyo, Nich?" Baling niya sa asawa na nakaluhod parin. Ini-angat nito ang mga mata sa kanya. Tinitigan sya at yumuko bago sumagot ng mahina.

"Yes." 

Namanhid ang buo niyang pagkatao saka yumuko at muling pinunasan ang basang mga mata. Mariin na kinagat niya ang ibabang labi para pigilan na sumigaw o humagulhol muli sa harapan ng mga ito. 

“P*ta!” susugurin na sana ni Apolinario si Nich nang senyasan niya ito. She sighed first before she quickly signed the paper. Saka naglakad papunta kay Nich na nakatayo na at tila hindi makapaniwala sa kanyang ginawa. Iniabot niya dito ang envelope.

"Here. Take this." Dahan-dahan itong inabot ni Nich habang pabalik-balik ang tingin sa envelope at sa mukha niya.

Nang maabot nito ang envelope ay nanghihina siyang naglakad papasok sa kuwarto nila at mabilis na nag-empake. Narinig pa niya ang tili at sigawan sa sala. Nangibabaw ang boses ni Apolinario na malutong na minumura ang asawa niya. 

She had nothing to do with him, anymore. She had nothing...but the pieces of her broken heart that she needed to collect and fix again.

Wala pang ilang minuto ay muli s’yang lumabas sa kuwarto at naglakad palabas ng pinto. Naabutan niya si Apolinario na nasa ibabaw ni  Nich at sinusuntok ang lalaki. Pilit inaawat ito nila Jenny at Tina. Pinigilan niyang hilutin ang sintido na kumikirot na dahil sa mga ingay. Pumikit siya. 

“Rio, tama na iyan.” Maging siya ay nasopresa sa hinahon ng boses niya kahit na nakikita niya ang duguang mukha ng asa—dating asawa. Saglit lang niya sinulyapan ang kasama sa sala saka hinigit ang maleta. Narinig pa niya ang pagmumura ni Rio saka siya sinundan palabas. 

Nanghihina siya nang pumasok sa elevator. Tuluyan na niya naramdaman ang kirot sa puso— panghihina at sakit. Sumandal siya sa dingding saka padausdos na umupo sa lapag. Papasok sana si Rio pero pigilan niya ang kaibigan. “Please.” Iyon lang at hinayaan na nito na sumara ang elevator habang malamlam ang mga mata na tinitigan siya. Nang sumara ay napasandal siya saka lumuha. 

She couldn’t hold it anymore.

She cried.

She cried as her heart broke into pieces. She never knew that love will be this heart shattering that you are willing to give up everything just to see he's happy—with someone else.

///

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rita Wilson
Why are there two languages here in story? Very irritating
goodnovel comment avatar
TrudiesLiit
Hi, please folks help me by rating or leaving your comment or votes here. Thank you so much!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status