Share

CHAPTER 25: UNANG PAGSUSULIT

Dali-daling nilapitan si Edwin ng kaniyang mga kaibigan at dinala sa klinika ng paaralan. 

Nagulat ang doktor sa klinika sa linis ng ginawa kong pagpapatulog kay Edwin. Hindi siya nagtamo ng malalang pinsala na tila ba walang nangyari sa kaniya. 

Sa kabilang banda ay dinala kami ni Steban sa kaniyang opesina at dito kami kinausap. Bagamat namangha siya sa nakita ay hindi niya ito pwedeng ipahalata. Bilang punong-guro ng paaralan ay kailangan niyang maging patas. 

“Heneral Cleo. Ikaw ang gagawin kong tagapag-alaga nila kaya lahat ng gagawin nila rito ay ikaw ang mananagot. Ayos lang ba ‘yon sayo?” tanong ni Steban.

Tumingin ito sa amin. Akala namin ay magagalit ito pero sa halip ay natuwa pa ito at malugod na tinanggap ang sinabi ni Steban.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status