Share

CHAPTER 7: UNANG PAKIKIPAGLABAN

Sa mundo ng Aragona, ang mga libro na naglalaman ng mga salita upang makabuo ng salamangka ay tinatawag na Grimoire. Naglalaman ito ng mga konkretong teksto na kailangang kabisaduhin ng isang salamangkero kung nais nyang makagawa ng salamangka. Ang salamangka ay higit na mas malakas kaysa sa mga s*****a na gawa lang ng imahinasyon.

Dahil ang salamangka ay gawa ng mga magagaling na salamangkero, napatunayan na itong epektibo kaya naman nakalagay na ito sa mga Grimoire.

Malapit na kaming makarating sa gitna ng kagubatan.

“Naririnig niyo ba? Saan kaya nanggagaling ang ungol na ‘yon?” tanong ko sa kanila.

HIndi lang mababagsik na lobo ang nilalang na naninirahan dito. Madami pang mababagsik na hayop at halimaw ang gumagala sa kagubatan upang makahanap ng makakain.

Nagsitaasan ang aming mga balahibo dahil sa sobrang nakakatakot na awra na mararamdaman sa gubat.

“Ano ba ‘to bakit ganito dito? Parang may namamatay o pinapatay dito araw-araw, sobrang creepy ng paligid,” natatakot na sambit ni Dane.

Naghanda na kami dahil kahit anong oras ay maari kaming makainkwentro ng mababagsik na nilalang.

Si Nads ay bumuo ng pana at palaso gamit ang kanyang mahika. Samantalang isang malaking martilyo gawa mula sa matigas na bato ang binuo ni Mercury. Si Set ay lumikha ng isang matulis na sibat gamit ang tubig habang si Dane ay bumuo ng punyal na gawa sa apoy.

 Ang puting mahika ay karaniwang ginagamit upang makapanggamot. Ito ay tinatawag na mahika ng liwanag dahil may kakayahan itong magpagaling ng kahit ano mang karamdaman o sugat. Ngunit ito ay nangangailangan ng mataas na kaalaman.

“Ang ganda ng gawa kong martilyo. Sigurado akong mamatay kahit sinong hampasin ko gamit ‘to,” pagmamalaki ni Mercury.

“Tsk,tsk,tsk. Mas malakas sa akin kesa sa sayo dre. Sure ako na mamatay agad ‘yong matutuhog ko ng sibat na ‘to,” sambit ni Set.

Nagpatuloy ang dalawa sa pagtatalo. Natigilan lamang sila nang awatin sila ni Nads.

“Tumigil na nga kayong dalawa. Ang lalaki niyo na pero para kayong mga bata.”

Matapos nito, nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Sinikap kong gumawa ng s*****a gamit ang aking itim na mahika, subali’t hindi ko pa rin ito magamit.

“Kayo na lang muna ang makipaglaban. Kami ni jas ang magsisilbing suporta niyo. Gagamutin namin kayo kung kinakailangan.”

Ito ang aming napagkasunduan dahil hindi naman kami makakagawa ng s*****a gamit ang puting mahika.

Sinundan namin ang ungol na aming naririnig.

“Napansin niyo rin ba? Parang ang daming nakatingin sa atin,” nangangamba sabi ni Mercury.

“Oo nga dre. Huwag tayong maghiwahiwalay.”

Pagkasambit ko nito, magkakasamang lumabas ang mga lobo sa kanilang pinagtataguan.

Gamit ang pana at palaso, isa-isa itong pinana ni Nads. Tinamaan niya ang tatlong lobo ngunit agad din itong nakatayo na para bang hindi nito ramdam ang sakit.

“Hala! Hindi ba sila namamatay? Ang lalim na no’ng sugat nila pero nakakagalaw parin sila.”

Lumusob ang lima pang lobo na nakatayo sa aming harapan. Pinalo ito ni Mercury gamit ang kaniyang martilyo. Tumilapon ang mga ito sa isang malapit na puno ngunit mabilis din silang nakatayo.

“Ano na dre? Akala ko ba isang hampas mo lang mapapatay mo na sila?” nang-aasar na wika ni Set na agad namang sinagot ni Mercury.

“Tumahimik ka na muna dre. Hindi ‘to oras para magtalo tayo.”

Dahil ako lang ang nabigyan ng pisikal na kalakasan, nahirapan kaming patumbahin ang mga lobo. Bagamat ako’y mabilis, natatakot akong lumapit sa kanila dahil hindi ko alam kung ano ang pwede nilang gawin sa akin.

“Oy ano ng gagawin natin? Kanina pa natin sila tinatamaan pero parang hindi man lang sila nasasaktan,” nababalisang sabi ni Nads.

Umisip kami ng mas magandang paraan upang mapatay ang mga lobo kaya naman nag-isip ako ng magandang ideya.

“Dane, paano kaya kung lagyan mo ng apoy ‘yong palaso ni Nads?”

Sumang-ayon naman sila sa aking sinabi. Lumapit si Dane kay Nads upang subukang paapoyin ang palaso. Inilapat niya ang kanyang kamay at nag-isip ng malalim. Ipinokus niya ang kaniyang mahika sa palasong hawak ni Nads at ito’y himalang nag-apoy.

“Ayan gumana!” masayang sambit ni Dane

Nabatid namin na pwede din palang paghaluin ang mga mahika upang makagawa ng mas malakas na s*****a.

Itinutok ni Nads sa mga lobo ang pana.

Pagkatama ng palaso ay agad na kumalat sa katawan ng lobo ang apoy na naging sanhi ng tuluyan nitong pagkamatay.

“Dane, Set. Bilisan niyo kuhanin nyo na ulo nila habang hindi pa sila nagiging abo.”

Pagkarinig sa sinabi ni Nads, nagmadali silang tumakbo papalapit sa nag-aapoy na lobo. Nandidiri man, tiniis na lang nila ang hindi kaaya-ayang itsura nito.

“Ayos. May limang ulo na tayong nakukuha.”

Sa hindi inaasahan, isang malaking nilalang ang biglang tumalon mula sa ‘taas ng isang burol patungo sa amin. Dahil sa laki nito, naapakan niya ang ibang lobo. Nadurog ang mga ito na parang isang langgam. Umungol ito ng malakas at halos mabingi kami dahil dito.

“Anong nilalang ‘yan? Paano nakatalon ‘yan hanggang dito?” nangangambang tanong ni Jas.

Para itong isang malaking tigre ngunit may pakpak. Napaupo kami dahil sa sindak at ni isa sa amin ay walang makagawang tumayo. Natatakot kaming gumalaw dahil baka mapansin kami nito. Lalo kaming nanghilakbot ng iharap nito ang kanyang namumulang mga mata sa amin.

“Dito na ba tayo mamamatay?”

“Ayaw ko pa mamatay!”

“Tulong! Tulungan nyo kami parang awa nyo na gusto pa naming mabuhay.”

Ito ang mga salitang tumatakbo sa aming isipan. Nanginginig na kami sa sobrang takot. Kahit nais naming makaligtas, ang kakayahan kong tumupad ng kahilingan ay hindi pa rin gumagana. Nang mga oras na ‘yon, akala namin na ito na ang aming katapusan.

Tumayo si Mercury at hinataw ng malakas ang halimaw gamit ang kanyang martilyo.

“Ahhh!” sigaw niya. “Lumayo ka halimaw!”

Pero sinalag lang ito ng tigre at agad na hinawakan ang martilyo sabay inihagis ng malakas. Natangay si Mercury ng martilyo dahil sa lakas ng puwersa. Naging dahilan ito kaya nawalan siya ng malay.

“Mercury!”

Sigaw namin habang tumatakbo palayo sa halimaw. Tumungo agad si Jas sa kinaroroonan ni Mercury upang siya’y gamutin.

“Mercury gising.”

 Dahil isa sa pangarap ni Jas na maging isang Med Student, madami siyang alam pagdating sa medesina at paraan ng panggagamot.

Itinapat niya ang kaniyang kamay sa sugat ni Mercury at umisip ng isang bendahe. Biglang isang umiilaw na bendahe ang lumabas.

“Sana sapat na ‘to. Please gamutin mo sugat ni Mercury.”

 Mag-isa nitong binalot ang mga sugat ni Mercury. Ilang segundo lang ang lumipas ay agad itong gumaling pero hindi pa rin nagkakamalay si Mercury.

Patuloy pa rin kaming hinahabol ng halimaw habang pilit itong pinapana ni Nads.

“Kuhanin niyo lang atensyon ng halimaw. Susubukan ko siyang patamaan,” wika niya.

 Tinamaan niya ang kanang mata ng halimaw na naging sanhi ng lalo nitong pagwawala. Iginalaw nito ang kaniyang mahabang buntot.

“Umiwas ka…” hindi na umabot ang sinasabi ni Set dahil agad nang inihampas ng halimaw sa kanila ang mahaba nitong buntot.

Lahat sila ay tumalsik papalayo imbis sa akin dahil nakahiwalay ako sa kanila. Nasaksihan ko kung paano nalagay sa matinding kapahamakan ang kanilang buhay. Panandalian silang hindi nakatayo dahil sa lakas ng pagkakatalsik nila.

Ako na lamang ang natitira.

 Binabalot na ako ng takot at galit. Hindi ko na alam ang gagawin.

 “Dane, Jas, Mercury, Set, Nads. Patawarin nyo ko kung hindi dahil sa akin hindi mangyayari sainyo ‘to.”

Lumuluha akong umupo. Wala akong magawa dahil kahit ako’y nabiyayaan ng diyosa ng kalakasan at talento, nilalamon pa rin ako ng takot.

Isang itim na anino ang lumabas mula sa aking katawan. Tila ba sinasakop nito ang aking mga kamay. Nabalot ng itim na anino ang buo kong braso at patuloy pa rin itong gumagapang papunta sa buo kong katawan.

“Ano ‘to?! Aray ang sakit! Parang kinakain ‘yong braso ko.”

Pilit ko itong tinatanggal dahil sa tindi ng sakit. Sinakop nito ang buong itaas na parte ng aking katawan. Nawala ako sa sarili na para bang may ibang kumokontrol sa aking isipan.

“Ahhhhh!!”

Pilit akong sumisigaw pero wala nang boses ang lumalabas sa aking bibig.

Tumalim ang aking mga kuko at tumulis ang aking mga ngipin. Mahabang buntot ang biglang tumubo sa aking likuran. Nakikita ko lahat ang nangyayari pero hindi ko makontrol ang aking sarili.

Sa isang kisapmata, gumalaw mag-isa ang aking katawan at nagulat ako dahil nakatusok na sa aking kamay ang ulo ng halimaw na tigre. Nangyari ito sa loob lamang ng ilang segundo.

Agad itong binawian ng buhay kasabay ang aking pagbagsak sa lupa. Nawalan ako ng malay dahil sa pagod habang ang itim na anino ay bumalik na sa loob ng aking katawan. Naging normal na rin ang aking itsura.

Dahil sa matinding pagkalaspag ng aking katawan, wala ako gaanong maalala sa mga naganap ng sandaling ‘yon.

“Mac ayos ka lang ba? Mac gumising ka na kailangan na nating umalis dito.”

Nanghihinang boses ni Jas ang gumising sa aking diwa. Lahat sila ay nag-aantay na lang sa aking pagbangon. Dala-dala nila ang lahat ng ulo ng mga napaslang naming lobo. Nakakolekta kami ng labing limang ulo at isa na rito ang ulo ng halimaw na tigre.

Kinuha na rin namin ito dahil baka maaari namin itong maibenta sa malaking halaga. Dali-dali kaming lumabas ng gubat at dumeretso sa bayan ng Siana. Sa tarangkahan ng bayan muna kami nagpahinga. Ang lahat ng aming sugat ay ginamot na ni Jas kaya naman mapapansin na siya talaga ang sobrang napagod sa aming lahat.

“Ahh… akala ko mamamatay na tayo kanina,” sambit ni Dane habang nakadukmo sa kaniyang mga tuhod.

“Grabe hindi ko alam na ganito pala kahirap pumunta sa lugar na ‘yon. Parang hindi pa ata sapat yung kikitain natin sa pagbubuwis natin ng buhay sa pagpunta pa lang doon,”

Naiinis man, wala kaming magawa dahil kung gusto naming kumita ng malaki, kailangan muna naming paangatin ang aming mga karanasan. Ito lang din kasi ang misyon na maari naming makuha ng araw na iyon.

“Teka nga pala dre, ano nangyare sayo kanina? Ikaw ba talaga ‘yon? Nag-iba itsura mo, ano na naman nangyari sayo?”

Nagtataka nilang tanong sa akin. Ako mismo ay hindi ko maipaliwanag ang mga nangyari. Pero sigurado ako na dulot iyon ng itim na mahika.

Siguro nga’y ito ang tinutukoy ni Mang Serio na masamang epekto ng itim na mahika. Buti na lamang ay hindi ako tuluyang nasakop nito dahil kung hindi ay baka nasaktan ko na rin pati ang aking mga kaibigan.

Tumungo na kami sa pasilidad upang ipakita ang aming mga nakuhang ulo. Nagulat sila dahil sa dala naming ulo ng halimaw na tigre. Ang tigre na ito ay kilala sa tawag na Teghasus dahil sa taglay nitong pakpak.

“Paano ninyo nakuha ‘yan? Bago palang kayo dito ‘di ba? Pero nakatalo na agad kayo ng Teghasus?” nagtataka nilang tanong.

Hindi na lang kami umimik at kinuha na agad ang pera.

Nakatanggap kami ng 4 na ginto para sa 14 ulo ng mababangis na lobo at 100 ginto naman para sa ulo ng Teghasus. Sapat na ito upang mabuhay kami ng mahigit tatlong buwan sa bayan ng Siana.

“Jackpot pala tayo sa Teghasus na napatay ni Mac, akalain mo ‘yon 100 ginto para sa isang ulo lang. Kaso halos mamatay na rin tayo kanina.”

Pagkabanggit nito ni Set, biglang naalala ni Mercury ang mga naganap.

“Oo nga pala Mac, hindi mo pa pala sinabi kanina kung ano nangyare sayo. Isa din ba ‘yon sa kakayahang ibinigay sayo no’ng Diyosa?.

“Hindi ko alam. Pasensya na kung hindi ko kayo agad natulungan kanina. Pero sa palagay ko, dahil ‘yon sa itim na mahika na mayroon ako.”

Nagtataka man, hindi na ito gaanong pinansin nila Set kahit sila mismo ay natakot sa pagbabago ng aking anyo.

“Huwag na muna natin alalahanin ‘yon. Ang mahalaga ligtas tayo. Bukas nalang natin problemahin ‘yan pero sa ngayon magpahinga na muna tayo.”

Lahat kami ay pagod na pagod kaya dumeretso kaagad kami sa panuluyan ni Mang Serio at natulog.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status