Share

CHAPTER 26: IKALAWANG PAGSUSULIT

Kaming magkakaibigan ay nagmula sa mundo kung saan hindi laganap ang gera. Mapayapang namumuhay ang mga tao at ang teknolohiya ay patuloy na umuunlad kasabay ang ekonomiya.

Simula ng mapunta kami sa mundo ng Aragona, hindi namin alam noong una kung paano kami makikiangkop sa kakaibang sistema ng mundong ito.

Dahil sa aking makasariling desisyon, nadamay ko ang aking mga kaibigan kahit dapat ako lamang ang mapupunto sa mundong ito. Hanggang sa ngayon, ito ang nilalaman ng aking isipan. Kailangan ko silang maibalik sa aming mundo kahit Diyos pa ang pumigil sa akin at humarang sa aming kapalaran.

Lumapit silang lahat kaya sinimulan ko nang ipikit ang aking mata at pinakinggan ang kanilang hiling.

Hindi ko maramdaman ang mainit na pakiramdam na lumalabas sa akin sa tuwing tumutupad ako ng kahilingan.

“Mac, ayaw ba gumana?” tanong ni Mercury.

“Ayaw ata eh pre. Sa tuwing gumagana kasi ito may nararamdaman akong parang mainit na pakiramdam. Pero ngayon wala akong maramdaman,” wika ko sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status